Chapter 15 Bora Shoot

"Do you really want to do this?"

I was now preparing for my flight to Bora. And hinihintay ko na lang sina Mamu sa labas ng airport. I was talking to Javier sa phone dahil hindi siya makakasama sa Bora shoot ko.

"Oo naman. Magtiwala ka nga sakin sungit. Pagbalik mo, ayos na yung condo. Basta ba yung pasalubong ko"

Psh. Bakit ba need pa ni dad na mag-usap sila? He agreed naman na ahh.

"First shoot ko to. Tapos wal--"

"Shh. Time pers! Hindi lang naman ito yung shoot mo. Sa susunod sasamahan na kita. Pangako"

"Sabi mo yan ha."

"Oo na. Para ka namang kinder na iiwan sa school. Siya nga pala, may pinaiwan akong letter"

"Nakakainis ka. Wala ka bang matinong papel? Sa tissue talaga!"

He gave a tissue paper, again! With his favorite quote 'para sa pangarap'. Tapos si Nay Sabel pa yung nag-abot sakin. Wala man lang kaeffort effort!

"Ohh bakit? Anong masama don? For your information sungit, kung hindi ba ako nagtrabaho sa fast food makakasabay ba kita sa sasakyan niyo?"

He's so cheesy! Pero may point siya, siguro kung hindi makapal ang mukha niya nong time na yon. I won't be able to know him more.

"Zzz! Sorry natraffic kami. Eto kasing si Roxy ang tagal mag-ayos, parang siya yung may shoot!"

"It's okay ate Jodie. You came at the right time naman po ehh"

"Sungit. Aalis na kayo?"

While they're busy getting their things sa van ay lumayo muna ako, dahil sobrang ingay nila.

"Ahh yah. Mamu, ate Jodie, ate Roxy and kuya Joaqy were now here. Bye"

"Bye. Magtext ka sakin kapag nasa Boracay kana. Ingat"

After I hung up the call ay sakto naman ang paglapit sa akin nina Mamu. They also get my things, and hanggang sa makapasok kami sa loob ng airport ay hindi talaga nila binigay sakin yung mga maleta ko. Gosh! They don't have to do this naman ehh.

"KELZY!"

"Siya yung bagong model diba?"

"Oo!! WAHH! Kelzy Herrera!"

"Wait po. Pwede po bang papicture?"

"Ako din! Ang ganda niyo po talaga"

Oh my god! I didn't expect na maraming fans ang nasa loob! They're so cute!

"Sorry girls pero may hinahabol na or--"

"It's okay Mamu. We have time pa naman ehh. Picture ba?"

"Yes po! Kyaahh! Ang bait niya!"

Pictures after pictures sobrang nag enjoy ako kasama sila. But of course, we needed to go now dahil hindi kami pwedeng mahuli.

"Thank you for your warm greetings guys. But unfortunately, I have shoot to attend to. So, until we saw each other again. I love y'all"

"I love you too Kelzy!"

"Mahal ka namin. Miss Kelzy!"

"WAHH"

"Kyahh"

"Ang ganda mo!"

"Bye po"

Halos mapuno na ang loob ng airport dahil sa dami ng tao. Gosh. I didn't expect na madami nang sumusuporta sa akin.

"Z. Next time magsuot ka ng sombrero hindi shades lang. For your safety. Hinihintay na tayo ng mga empleyado ni Mr. Walker."

"Yes Mamu."

Three days and two nights lang ang allotted time para matapos namin ang shoot. And to think na marami pa akong magiging trabaho pagbalik nang manila ay napapagod na ako.

"Good day Miss Kelzy! Welcome on board"

A beautiful stewardess greeted us. And hindi ko inaasahang iilan lang kami sa loob. There's also a representative for the clothing lines and I'm glad na mababait silang lahat. Ayoko pa namang magpaka-bitch today.

"Ms. Kelzy, Mr. Walker said that this project will be successful because of your dedication in your career"

"Really? Thank you. Tell him I wanted to see him in person. To talk, and of course to thank him for trusting me."

Everything was fine. We ate some fancy foods in the plane. And dahil andito si Mamu, sobrang paghihigpit na naman ang ginawa niya sakin. WAHH! I miss Jose!

After hours of waiting ay nakarating na rin kami sa Boracay! Gosh! Nawala lahat ng pagod ko sa byahe!

This place was so unreal! I bet kung andito lang si Sy, baka pati buhangin halikan non!

"For now, let's take a rest. We already booked a room for you Ms. Kelzy and for your team. We will just call your rooms for the preparation."

"Ahh. Excuse me. Si Z na lang ho ang pagpahingahin natin. Kailangan na kasi naming mag set up ng mga gamit. Kami na lang ang tatawag sa inyo"

Mamu said and she has a point. Kapag maagang makakapagprepare mas madaling matatapos. Besides we're not planning naman na buong stay ay puro trabaho lang. Duh. Mahahassle yung beauty ko.

"Is that so? Well, let's find a better place then"

Ms. Tine, Mr. Walker's representative said. And halos mapatili pa sa saya si ate Roxy and ate Jodie. Hayy. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala sila.

"Cynthia, please take Ms. Kelzy to her room"

"Yes ma'am. Ms. Kelzy, shall we?"

I just nodded and also bid good bye kayna Mamu na mukhang excited na excited nang simulan ang project.

Hindi ito ang unang beses na magsstay ako sa Boracay, pero ito ang unang beses na magtatrabaho ako dito. We met different people here before, kalimitan mga dayuhan.

As expected ay sa dating hotel kung saan kami tumuloy noon, kami huminto. Cynthia was now talking to the receptionist habang nasa likod niya lang ako, and yung gamit ko naman ay dala ni kuya'ng employee din siguro sa clothing lines.

They really make sure na walang magiging aberya, na kahit hanggang sa room ay hinatid pa rin nila ako. This guys were so accommodating. To think na pareho lang kaming nagtatrabaho sa kompanya.

"Ms. Kelzy, maiwan na po muna namin kayo. Just call us when you needed anything nasa baba lang po kami"

"Yes po, thank you Cynthia, kuya."

I immediately locked the door when I saw them leaving. And this room shit! It was huge! There's a queen size bed, kitchen, bathroom, and cabinet for my clothes.

I didn't expect na ganitong room yung kukunin ng company, even though three days lang naman kami magsstay.

Suhol ba to para mas maboost pa yung ganda ko?!

I just set aside my baggages sa tabi ng cabinet, all of my friends knows how lazy I was pagdating sa paglalagay ng clothes sa cabinet. Even Hannah, sa mga trips namin, siya talaga yung taga lagay. So baka at the end of this project, useless din ang cabinet.

Kumuha lang din ako ng comfy clothes, because I felt sticky kanina pa sa byahe. And naghalf bath lang ako dahil palaging sinasabi noon ni Nay Sabel na masamang maligo after some exhausted events or travels.

And also ayokong matulog ng basa yung buhok ko. Gosh! Kanina pa akong hinihila ng bed pahiga.

After my rituals sa bathtub na may Rose's petals ay nagtungo na agad ako sa bed. Nakakaantok yung scent ng roses. Feeling ko pinaghandaan talaga to ni Mr. Walker. Is he handsome? Young? Konting push pa iisipin ko ng bet niya ko.

I was now drowning into my crazy dreams, when my phone rings. Damn. Who's that bitch ba! I don't think tatawagan agad ako ni Ms. Tine, Mamu? Or kahit na sino sa team!

Kahit nakapikit ay pilit kong binuksan ang zipper ng pouch ko. I swear, makipag-usap na siya sa tigang wag lang sa kalagitnaan ng tulog ko! Baka mameet niya nang maaga si Uncle devil!

"Who the hell are you?! Ayoko sa lahat yung sinisira yung tulog---"

"Hey. Yo yo, sungit! Chill! Ang layo layo mo na nga nagbubuga ka pa rin ng apoy. Relax."

Tsk! At ano namang kailangan ng gago sa akin!

"Javierr! I was sleeping!"

He laughed and I know na narinig niya ang pagpadyak ng mga paa ko. Gosh. Having tantrums is really difficult, lalo pa't hindi ako makaganti kay Javier.

"Okay. Okay. Sorry. Hindi ka kasi tumawag, so ako na yung tumawag sayo. Kamusta? Bakit parang sarap buhay ka dyan"

Siguro kanina, yes, I found peace. But now na sinira niya yung pagbebeauty rest ko! I don't think magiging maganda pa ang mood ko!

"Nagpapahinga lang ho ako señor! And I'm okay. My room was huge nga pala. I'll send you some pics na lang"

"Sige. Matulog kana ulit. Tinanong ko lang naman kung kamusta ka, dami mo na agad nasabi"

Wow! Ang kapal talaga ng mukha nang lalaking to!

"Joke lang madam! Baka magsungit kana naman. Sige na matulog kana. Bye"

Damn that guy! Alam na alam niya talaga kung paano sirain ang mood ko. And I don't think makakatulog pa ako dahil sa pambubwisit niya sakin!

So ang ending lumabas na lang ako ng room ko, to find my fav food. Maglulunch na rin kasi, so might as well mauna na ako sa kanila para may time pa ako para makapag-gala.

Sheems! Sobrang dami pa rin talagang stall dito. And as a food lover, parang gusto kong tikman lahat. So bawat stall pinicturan ko talaga yung foods nila and isesend ko naman kay Javier. Tsk. Bahala siyang matakam. Hindi siya sumama right?!

"Hey miss. Alone? I can accompany you."

Oww. A hottie! He has looks but I'm not here to flirt. I have ongoing project and nagugutom yung tyan ko hindi ang kipay so, magpapaka-bitch muna ako ngayon.

"Sorry mister but flirting wasn't my priority, so if you don't mind. Leave me alone"

I politely said and agad akong naglakad palayo. Good thing ay hindi na niya ko sinundan, so matiwasay akong nakapasok sa grilled house na nadaan ko lang. And ngayon ko lang narealized na lahat ng tao sa loob ay may mga pair na kasama. They were so happy and enjoyed. While I was here, waiting for my food to serve.

But because I'm Kelzy, hindi ko pinahalatang naiilang ako sa kanila. Who cares kung mag-isa lang ako? At least I can eat my food peacefully.

"Here's your order ma'am. Enjoy"

"Thank you"

I ordered grilled chicken, salad and a wine for my drinks, to spice things up. And of course para hindi ko mafeel na mag-isa lang ako.

Habang kumakain ay sakto naman ang pagring ng phone ko. It was no other than Javier. And alam kong bubwisitin na naman niya ako.

"Ano na naman ang kailangan mo Javier!"

"Chill! Wala bang hi dyan? Or hello. Something like that. Tsaka nagsend ka pa ng mga pictures ahh."

I thought kakausapin siya ni dad? Mukhang marami siyang time para bwisitin ako ahh!

"Hoy. Sungit. Iopen cam mo. Sabayan kitang kumain"

Psh. Ang dami niyang alam noh! If I know ay namimiss niya lang ako!

"Here! Happy?"

Ini-stand ko lang yung phone ko sa tabi ng pouch ko and then nagpop up na ang mukha ni Javier. He's smirking and I think nasa opisina siya ni dad dahil sa background ng wall.

"Hey. Kakaawa ka naman, mukha kang yagit. Bakit ba mag isa ka? Nasan ang team mo?"

"Shut up. Mind your own business!"

"Tss. Ang sungit. Sarap ng lunch mo ahh, para kang nagbabakasyon"

Honestly, siya lang yung maingay sa resto. To think na virtually ko lang siya kasama!

"After this magwowork na din ako. What's your lunch ba?"

"Adobo, dinuguan, gulay, padala ni Nay Sabel."

Oww. Nay Sabel was really the sweetest. Kahit si Javier ay inaalagaan na niya ngayon.

"Tapos na ba kayong mag-usap ni dad? And about saan ba yung pinag-usapan niyo?"

I'm curious. I mean, wala namang kailangang pag-usapan pa about sa paglipat ko. Except kung madami na namang habilin si dad.

"Tapos na. Tsaka wala na yon. Ikukwento ko na lang kapag nakauwi kana"

I just nodded to him and naging abala na kaming dalawa sa pagkain. After ko namang matapos ay nagpaalam na rin ako sa kanya dahil hahanapin ko pa ang place nina Mamu. Also I texted mamu naman na kung nasaan sila, but looks like they were busy. So naglakad lakad na lang ako sa beach.

Later, I sho-shoot ko lang yung newest summer outfit na ila-launch ng clothing lines, sa araw din nang paglabas ng shoots ko sa magazine.

Hindi pa man ako nagtatagal sa tabi ng dagat ay nagring na ang phone ko, but this time it was Mamu. And she said na pumunta na ako sa location kung saan kuhang kuha ang kagandahan ng lugar.

They created a mini studio. A tent for make ups and a small room for changing outfits na gawa lang sa makapal na tela.

Everything was settled now and buti na lang talaga nakapag-lunch na ako dahil tapos na din sila. Gosh! Hindi man lang nila ako inform!

For the first clothes ay isang inspired dress na may long V neck hanggang sa boobs. And may cut din siya sa baba ng legs which gives justice sa hotness ng magsusuot. Of course summer naman, so bagay na bagay to sa mga teens or even sa mga hot Tita's, mother na keri pang umawra.

"Okay Z. Pose!"

Good thing na lang makapal talaga ang mukha ko. Dahil madami na ngayon ang nakikiusyoso sa lugar. Even sa break ko ay madami na rin ang nagpapapicture. And umandar na naman ang kaartehan ni Mamu dahil nagugulo ang set.

But sino naman ako para tumanggi sa mga fans right?

Sa next clothes naman ay isang romper, shorts siya but karugtong siya ng collar blouse and may belt lang siya sa waist, for its style. After that ay nasundan pa ng ilang clothes like bathing suit, sundress, denim shirt and a paired of backless bralettle.

So far, so good naman ang kinalabasan ng lahat nang pictures. Nakakahilo lang ang papalit palit na mga damit and yung walang katapusang pagmamake up sa akin nina Ate Roxy and ate Jodie.

We have 2 days pa para matapos ang project and buti na lang walang nagiging aberya sa mga kasamahan ko. They were all hardworking, and even hindi trabaho nina Ms. Tine and Cynthia ang pagtulong sa set ay tumutulong pa rin sila.

Nireview lang namin yung mga nagdaang shots and until now ay naamazed pa rin ako sa results.

"Good job guys! First day done! For now, let's eat dinner and magpahinga na rin tayong lahat"

Ms. Tine said and iniwan na namin yung mga boys para mag-ayos ng mga gamit sa tent. We ate at a resto near sa grilled house na kinainan ko kanina, but just like earlier ay walang pamatay na veggies na naman yung dinner ko.

We also talked about our strategy tommorow para sa shoot and Mamu suggested na we should exercise for my fitness to remain kahit na hindi naman ako tumataba.

After dinner ay may dinaluhan akong meeting virtually para sa next shoot ko, which will be held sa studio sa makati and in just a snap of an hour ay nagtrending na yung photos ko with my fans sa airport.

Unti-unti na ring naglalabasan yung mga true to life facts about me, like my parent's name, their history on showbiz and some of my basic info sa trending world.

'Kelzy Hillary Marquez Herrera also known as Z was now nailing the world of modeling. She's currently in Boracay to shoot for her first ever appearance in magazine! We're so excited to see her on billboard someday!' WAHH! Z! Nabasa mo na ba to! Number one trending ka bakla!"

Ate Jodie exclaimed, we're here sa room nila dahil sa katatapos lang na meeting. And parang hindi sila nauubusan ng energy kahit na sobrang workload na kami ngayong vacay.

"Maglalabasan na rin yung mga nega people. But don't worry ateng kami ang makakalaban nila!"

"Tama si Roxy. Kahit mahal na mahal ko tong camera ko, ipupokpok ko to sa kanila"

"Mga bakla! Parang hindi niyo naman kilala si Z. Amazona ng taon yan!"

Ate Jodie pointed out, na ikinatawa naming lahat. No comment, ganon naman talaga ako. And I'm proud!

"Mga pashneya! Magsitulog na kayo. Z pumunta kana sa room mo. Maaga pa tayo bukas. And hindi! Bawal ka sa room naming mga bakla"

Oh my! How did Mamu know na gusto kong magsleep over dito. Sobrang creepy naman kasi sa room ko. Ako lang mag-isa!

"Pero mamu--"

"Hindi! Good night. Alis na"

Tss. I felt loved!

"Gora na ateng, bukas na ulit. Mukhang imbyerna na si baklang Mamu. Bye sister!"

Ate Roxy said, and I know naman na pagod na din sila, kaya't hindi na ako nagpumilit pa.

Actually sa taas pa yung room ko and I regret the fact na hindi ko sinama sina Sy, Bea, Hannah and Mori. Gosh! For sure busy na naman ang mga babaita. Lalo na si Bea na laging namumundok.

When the morning came, same routine, but ang kinaibahan lang ay ang pag eexercise namin sa tabing dagat.

Shoots after shoots. Nakakapagod, but at the same time naenjoy ko naman. Sobrang naging busy kami today, and sa mga meetings pa na dinadaluhan ko.

Naging hassle din sa venue dahil sa mga nagsusulputang fans. I was totally drained, physically and emotionally. Kulang na kulang yung time ko for breakfast, lunch and dinner, even sa pagpapahinga dahil sa mga unexpected meetings, events, na dinadaluhan ko virtually.

I was in the middle of my career and I don't think makakayanan ko pang lumabas ng public without wearing my hoodie, hats, and sunglasses.

Each day nararamdaman ko na yung pangbabash, and love ng tao sa akin. And I can't wait na bumalik ng manila to finally have someone with me.

"Job well done! Ms. Kelzy and to your team, thank you. I know Mr. Walker will be much more happier and excited to see this project done. Anyways, Mr. Walker prepared a dinner in Manila, despite of your busy schedule, I hope you and your team can join."

Ms. Tine said, she was nothing but a great leader. Hindi ko nafeel mapressured sa kanya. Even kahit pinagsasabay ko yung other works ko, meetings. It was so nice to work with her, she's very professional.

Today was the day na babalik na kami sa manila. I was just packing my essentials dahil wala naman akong maiibo sa mga damit kong hanggang ngayon ay nasa maleta pa.

Until now ay hindi ko pa ulit nakakausap si Javier. Siguro he's busy, but to think na babalik na ako ng manila ay naeexcite ako.

I was thinking kung ano na ang nangyayari sa manila or kung anong mundo ang nag-aabang sa akin. But one thing is for sure, hindi magiging madali, pero kakayanin.