Chapter 32

"What are you doing here?" Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko na kahit nasasaktan ito ay siya pa din ang nakakagawa nito sa akin. Tinulak ko siya unti-unti sa pagkakayakap sa akin dahil naaalala ko na naman ang gabing iyon. Bigla atang natauhan si Renzo sa ginawa niya sa akin kaya lumayo kaagad siya sa akin.

"Uuwi na tayo." Diretsong sabi niya at nagbago ang ekspresyon ng mukha niya, iyong emosyon kanina na nakita ko ay biglang nawala na parang bula.

Napatingin ako ng lumabas ang dalawang lalaking pormal ang damit na naglalakad papunta sa amin, Tumango ang dalawang lalaki kay Renzo. Bago na ang mga mukha ng mga ito at hindi na ang dating bodyguards na patagong pinapabantayan niya sa akin. Masyadong malalaki ang mga katawan ng mga ito. Tumingin ako ulit kay Renzo, nagsusukatan kami ng tingin.

"Sumama ka na sa kanila Serena." Mahina nitong sabi sa akin, nakikita ko ang seryoso niyang ekspresyon. Ayokong sumama sa kanya, ayoko pang harapin ang realidad.

"E paano kung ayaw ko? Hindi mo ako mapipilit." Giit ko din sa kanya. Anong akala niya na ganoon na lang ang lahat? Napatingin ako kay Tyron ng bigla siyang magsalita. Muli kong naaalala na nandito pala siya.

"You can't forced her in doing something." Lumapit papunta sa akin si Tyron, aabutin na sana niya ang kamay ko ng hinawakan ng parehong kamay nito ng dalawang body guards.

"Bitawan niyo nga siya. Hindi ako sasama sa inyo."

"Don't try me Serena, nauubos na ang pasensya ko." I was shocked when he used that tone to me. It was the first time that he talked to me like that. Napakaseryoso ng mukha niya at galit ang nakikita ko sa mukha niya ngayon.

Nabigla ako ng hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa chopper na ginamit nila papunta rito. Wala na akong magawa kundi ang sundan siya, nararamdaman ko na din ang sakit sa pagkakahawak sa kamay ko. Medyo nakaramdam ako ng takot sa kanya.

"Bitawan mo ako." Mahina kong sinabi sa kanya ng makarating na kami sa harap ng chopper. Winasiwas ko na ang kamay niya ngunit hindi niya pa din ako binibitawan.

"Bitawan mo ako Renzo, nasasaktan na ako!" Sigaw ko sa kanya, narinig ko ang pagsinghap niya at naramdaman ko ang unti-unti niyang pagbitaw sa kamay ko. Nararamdaman ko na din ang pag-agos ng luha ko, hindi ko na lang iyon pinansin at ako na mismo ang pumanhik

Mabilis kong pinahid ang luha sa aking mga mata at tumingin sa labas. Narinig ko ang pagsakay niya sa chopper, hindi ko siya tinignan kasi nagagalit ako ngayon. Sinisikap ko talagang wag lumingon sa kanya, ayokong tignan ang pagmumukha niya dahil baka madala na naman ako ng damdamin ko.

I hate myself for not being able to resist him. Na kahit nasasaktan na ako ay mas pipiliin ng puso at katawan ko na matognan at mahawakan siya. Nadadaig ng kagustuhan ng puso ko ang sakit na nararamdaman ko. Konting kibot lang niya sa akin ay agad namang lumalambot ang puso ko. Pesteng pag-ibig ito.

Bago umalis ang chopper ay napatingin ako sa direksyon ni Tyron, sinigurado kong hindi siya sinaktan ng mga tauhan n Renzo. Hindi ko kayang makita kung pati si Tyron ay lalo pang masangkot sa gulo ng buhay ko.

Sa biyahe namin na tatlong oras ay wala akong ginawa kundi ang tumitig lang ako sa labas ng bintana at nararamdaman ko na ang pagsakit na ang leeg ko. Walang nagsalita man lang sa amin, mas mabuti nga dahil ayaw ko pa siyang makausap. Lahat ng naisip kong sasabihin sa kanya ay dumadaragsa sa ulo ko. Gustong-gusto kong sabihin ang lahat ng iyon sa kanya pero natatakot ako sa isasagot niya sa akin, natatakot akong mangyari nga ang panaginip ko.

Napagpasyahan kong matulog na lang muna since alam kong malayo pa ata kami sa manila. Isasara ko na ang mga mata ko ng magsalita siya. I dont but he's voice calmed my nerves and now I'm heading to darkness.

"Take a rest."

"YOU DON'T love her right Devon?" nakatitig lang ako sa kanilang dalawa, kay Renzo at Heidi. Napakalapit nila sa isa't-isa habang ako ay unti-unting lumalayo sa kanila.

"Your mine, Devon," Renzo smiled then kissed Heidi's lips. Hindi ko mapigilang hindi lumapit sa kanila pero kahit na anong takbo ko ay lumalayo at lumalayo ang distansya nila sa akin.

"Leave me alone Serena, leave us alone." Hearing those words was like a direct hit of an arrow in my heart. Pero hindi pa din ako nagpapigil at tumakbo pa din ako sa kanila. Tumakbo ako ng tumakbo habang hinahabol din ako ng kadiliman.

"Wag mong gawin sa akin ito Renzo! Please don't leave me!" Tumatakbo ako ng walang kapaguran habang paulit-ulit kong naririnig ang mga salitang iyon. Tumatayo kahit natutumba na, hinahabol pa din sila kahit hindi na sila makita pa.

"Renzo! No, Renzo! Renzo!"

Naramdaman ko ang pagyugyog sa balikat ko, sinampal-sampal ng hindi ganoon kalakas ang pisngi ko.

"Wake up! Your dreaming , Baby," napabuka ang mga mata ko at nakatitig ako sa pinakagwapong mukha. Rumehistro sa sa isip ko ang nag-aalala niyang ekspresyon sa mukha. Bumilis ang tibok ng isip ko pero agad akong napaigtad ng hawakan niya ang magkabila kong braso.

"anong ginagawa ko dito?" mahina kong sambit.

"Ginising kita dahil nananaginip ka. What did you dreamed of?" Tumagilid ako ng higa at hindi siya hinarap dahil masama ang loob ko at hindi ko siya kayang kausapin.

"What did you dreamed of? You metioned my name, baby." Bulong niya sa tenga ko, hindi ko siya sinagot at umiling ako.

"Wala iyon, wag mo ako kausapin." sabi ko sa kanya at pinilit na isinara ang mga mata.

"I don't like seeing you cry and being hurt." Lalo niyang hinigpit ang pagkakayakap sa akin.

"Pero bakit sinasaktan mo ako?" Hindi ko alam kung narinig nya pa ang sinabi ko. Pinilit kong wag pakawalan ang nga luhang nagbabadyang umagos na naman.

Pinilit kong isinara ang nga mata ko at muling magpakalunod sa dilim habang mabigat ang nararamdaman.

Nagising ako kinaumagahan. nakatulala lang ako habang nakatitig sa kisame. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Umalis ako ng ilang araw para makapag-isip pero konting kibot lang ni Renzo ay heto na naman ako.

Napabuntong hininga na alng ako at tumayo na. Ililigo ko na lang muna ito para mahimasmasan ako kahit papaano.

Napatingin ako sa salamin, matamlay tignan ang mukha ko at namamaga pa ang mata ko, halatang umiyak ako kagabi. Naghubad na lang ako naligo na.

Mabilis akong nagpalit at ng damit na pangbahay lang, hindi ko alam kung nandito sa bahay si Renzo, hindi ko pa alam ang sasabihin sa kanya. Mabuti kung umalis siya at wala siya rito buong araw para makapag-isip ako.

Pero bago ako makalaba sng kwarto ko ay nahagip ng mata ko ang isang dilaw na envelope. Agad kong nilapitan at kinuha.

Ito iyong envelope sa kwarto ni Renzo, bakit kaya nandito 'to ngayon sa kwarto ko?

Agad kong binuksan ang envelope, hindi naman ito mapupunta rito kung hindi nilagay ni Renzo. Dapat ko ba itong basahin?

Dahil naunahan ako ng kuryusidad kaya agad ko iyon binuksan at kinuha ang ialng papel sa loob.

Parang tumigil ang mundo ko ng makita ko sa pinakatuktok ang salitang annulment, agad kong binasa ang mga nakasulat sa baba na makita ko ang pangalan naming dalawa ni Renzo.

Meron na ang perma sa pangalan ni Renzo, kulang na lang ay ang signature ko sa pangalan ko.

Napahawak ako sa noo ko. Lumabas ako sa kwarto at hinanap si Renzo. Pumasok ako ng study room niya, doon nakaupo si Renzo habang busy na busy sa trabaho.

"Ano ang ibig sabihin ng mga ito?" Tumingin siya sa ibang direksyon na parang ayaw na niyang marinig pa ang mga sasabihin ko. "Sagutin mo ako. Ano ang mga ito Renzo?"

"Nabasa mo na din naman diba. Hindi ko na kailangang sabihin pa sayo." Habang tinititigan ko ang mukha niya, ni hindi ko makitang nagbibiro lang siya sa akin na totoo nga ang lahat ng ito na hindi na ito isang panaginip. Mas malupit at masakit pa ito sa mga panaginip ko.

"Bakit Renzo? May mali ba akong nagawa? Kulang pa ba ang ginagawa ko para sayo? Why is this so sudden?" Wala na akong pakialam kung nagmumukhang kawawa ako sa kanya. Wala akong pakialam kung nagmumukha na akong tanga sa harapan niya.

"You knew this would happen." Napahawak ako ng mahigpit sa annulment papers.

"Dahil ba ito kay Heidi? Ano bang meron siya na wala ako? Siya ba ang gusto mo? O mahal mo na siya?" Nakatingin lang siya sa akin, hinintay kong magsalita siya. Hinitay kong sabihin niyang hindi si Heidi ang dahilan, hinihintay kong sabihin niyang hindi totoo ang lahat ng ito, na sana prank lang.

Tumakbo ako papabalik sa kwarto ko, hindi ako makapaniwalang nagkakatotoo ang panaginip ko. Hindi ako makapaniwalang dito lang talaga hahangtong ang lahat. Pagkapasok ko ay dumiretso ako sa banyo at naupo sa lapag sa likod ng pintuan. Muli na naman akong malulunod sa sarili kong luha.

"CONGRATS TO me! Graduate na ako!" Habang tinitignan ko ang masayang mukha ni Rezzy ay hindi ko maiwasang maging masaya para sa kanya. At isang bahagi sa pagkatao ko ang naiinggit sa buhay na meron siya. Naiingit sa kung paano niya tignan ng positibo ang buhay, na walang piniporblema. Habang tinignan ko siya naiisip ko na sana magkatulad kami ni Rezzy.

"Congratualations Rez! I'm happy for you." Ngumiti ako sa kanya. I'm truly happy for her, atleast kung pangit man at walang mahahangtungan ang mga nangyayari sa buhay ko atleast sa bestfriend ko masaya ang buhay niya, nagagawa niya ang mga gusto niyang gawin.

"Hey what's with that gloomy face? Parang hindi ka naman talaga atang masaya sa best friend mo." Nakatingin lang ako sa kanya habang binibinat niya ang pisngi ko.

"I'm honestly happy for you kahit ginagawa mo iyan sa mukha ko." Ngumiti ako sa kanya habang nanlaki ang mga mata niya sa akin. Nilapat niya ang likod ng kamay niya sa ulo ko at leeg.

"Hindi ka man lang nag-react sa ginawa ko sayo? Wala ka namang lagnat at mukhang wala ka namang sakit." Nagkatinginan na lang kami. Bumuntung-hinga na lang siya.

"Tell me what's happening Serena."

Nakatingin lang ng blangko sa akin si Rezzy at ganoon din ako sa kanya. Ano bang gusto niyang sabihin ko sa kanya? Ang lahat ng pangit na nangyari sa buhay ko. Sasabihin ko ba sa kanyang gustong makipaghiwalay sa akin ni Renzo? Gusto kaya niyang marinig ang lahat ng ito?

"Hindi kita maintindihan Rezzy." Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Isang ngiting nakahanda para sa lahat pag kinakausap ako, isang pekeng masayang mukha na tinapal sa mukha ko.

"Serena hindi na kita maintindihan, gusto ko lang naman sabihin mo sa akin kung may nangyari ba sayong masama? Kumusta ka na? Bakit ka biglang nawala? Sobrang nag-aalala ako at ang parents mo sa iyo." Habang sinasabi niya iyon ay naiisip ko kung dapat nga bang sabihin ko sa kanya ang lahat.

Sinimsim ko ang pineapple juice na kaka-order ko lang ngayon. Nandito nga pala kami ngayon sa isang coffee shop, nag-imbita sa akin si Rezzy na lumabas daw kaming dalawa kasi graduate na siya. I wanted to see my friend's happy face, ayokong madamay pa siya sa problema ko. Isa itong masayang araw para sa kanya ito, ayokong sirain dahil lang sa problema ko.

"Talk to me Serena! You know I'm your best friend no matter what happens." Napatingin ako ng hinawakan niya ang kaliwang palad ko. Isang mahigpit na hawak na parang sinasabi niyang maiintindihan niya ako.

"Rezzy nothing's going on. So stop talking nonsense." Nilaro-laro ko ang straw ng pineapple juice habang nag-iisip ng sasabihin. I'm not going to tell her a thing pero alam kong nababasa agad ako ni Rezzy, kilalang kilala na niya ako.

"You can't lie to me Serena." I thought so. Alam kong iyan agad ang sasabihin niya sa akin. Tinaasan niya ako ng kilay habang poker face pa din ako.

"Sina Mama at Papa ang nag-utos sayo na gawin ito ano?" Tanong ko sa kanya ng diretso. Bumuntong-hinga na lang siya, tumingin at tumango sa akin.

"Yes, sila nga. Alam mo bang ang-aalala sila noong bigla kang nawala ng isang linggo! Tinawagan nila ako at sinabing kausapin daw kita dahil alam nilang sasabihin mo sa akin kung anong problema mo. But I think they're wrong, it seems that you've changed. Hindi mo na sinasabi sa akin ang mga problema mo at nagtatago ka na din sa akin ng mga sekreto."

Habang nakatingin ako sa mukha ni Rezzy parang gusto ko ng bumigay at sabihin sa kanya ang lahat, iiyak ang lahat pero ngayon mas pipiliin kong wag na lang magsalita at wag ng umiyak instead I smiled at her.

"Rezzy I'm going to ask you a favor. Kung magagawa mo ito para sa akin ay sasabihin ko ang lahat sa iyo." Kung magagawa ni Rezzy ito para sa akin then tama sigurong marinig niya bakit ko ito gagawin.

"Okay, anong kailangan mo?"

"Alam kong marami kang kilala at marami kang connections. Find me a new identity, new name, passport and all the requirements na pwede kong gamitin para makalabas ng bansa na hindi ako madedetect ng kung sino man."