Chapter 33

"Serena Xhen Yan! Ano ang ibig sabihin ng mga sinasabi mong iyan? Bakit umabot ka na puntong ganito?" Biglang tumaas ang boses niya. I sighed, alam kong ganito ang magiging reaksyon ni Rezzy sa sasabihin ko. Now she's sounding and acting like my Mom.

"You have to say yes first to my request." Napa-cross arms siya at nag-isip ng sandali. Alam kong papayag siya sa request ko dahil alam kong gusto niyang malaman ang nangyayari sa akin at alam ko naman na susuportahan niya ako s alahat ng gusto kong gawin.

"You want me to tell you everything, right?" Tumango siya. "Then say yes first." Blackmail na kung kailangan basta't umoo siya sa gusto ko, alam kong tinutupad ni Rezzy ang lahat ng sinasabi niya. I can trust her.

"You're using that against me." Nagkibit balikat lang ako. Nagbuntiong hininga siya at nagsalita.

"Sige tutulungan kita but you have to tell me everything! As in everything Serena!"

"Thank you Rezzy. Bessy talaga kita." Ngumiti ako sa kanya at huminga ng malalim. Alam kong masasabihan ko si Rezzy ng kahit na anong problema ko kahit gaano pa ka sensitive ang impormasyon.

"Alam ko, simulan mo na." Umayos ng upo si Rezzy at tinutok ang atensyon sa akin. Napalingon ako sa labas ng coffee shop ng mapansin kong binabantayan ng mga body guards ang lahat ng galaw ko.

Ito ang mga body guards ni Renzo na pinapasunod sa akin kahit saan ako magpunta kung dati ay patago niya akong pinapasundan ngayon ay visible na. Pumayag naman ako sa gusto niyang mangyari basta dumistansya kang ng kaunti sa akin ang mga body guards na mga ito.

"See them?" Lumingon at tumingin siya sa tinitignan ko. Tumango siya sa akin. "They're my bodyguards na pinapasunod sa akin ni Renzo. Why? Para bantayan ang lahat ng galaw ko at para ma-secure ang dafety ako dahil noong nasa party tayo malapit na naman akong ma-kidnap pero nailigtas din naman ako." Unti-unti kong sabi sa kanya na i-ready ko na ang tenga ko sa sasabihin niya.

"What? Bakit ngayon ko lang ito nalaman? May nangyari ba sayong masama kaya nawala ka ng isang linggo? Bakit hindi mo ako agad sinabihan?!" Sumenyas ako sa kanyang tumahimik muna at hindi pa ako tapos magsalita, tumahimik naman agad siya. Napabuntong-hininga na lang ako dahil interesado talagang makinig si Rezzy.

"Wag kang mag-alala parati na akong nakikidnap pero hindi naman natutuloy, at iyong gabing iyon ay iniligtas ako ni Tyron sa mga goons at sa kanya ako sumama ng isang linggo. Oo sa kanya ako sumama dahil ng oras na iyon ay hindi ko kayang harapin si Renzo at hindi ko siya kayang kausapin." I sighed. Parang muling nag-replay sa utak ko ang mga nangyari kaya muling sumakit ang dibdib ko.

"Renzo is having an affair with Heidi. Yes, this is not new but now their relationship is getting serious. Hindi ako kayang mahalin ni Renzo at kailan man hindi niya ako gugustuhin. I'm thinking that maybe he love Heidi or maybe not pero mas gusto niya si Heidi kumpara sa akin." Tumigil muna ako magsalita at tinignan ang reaksyon ni Rezzy ngunit nanatili lang siyang nakatitig sa akin at siguro pina-process ng utak niya nag mga sinasabi ko.

"How can you say that?" Mahinahon niyang sabi sa akin. Ngumiti ako sa kanya ng mapait.

"Nang gabing iyon, may nagtext sa akin na pumunta sa balcony at saktong nakita ko si Heidi and Renzo making out. Parang sakto ang lahat para sa akin, saktong nakita ko sila, kitang-kita ko ang ginagawa nila at nag-usap pa sila tungkol sa akin. Sinabi ni Heidi na hindi naman ako mahal ni Renzo and I saw that very moment Renzo agreed to all the things she said."

"Hindi ka man lang ba nagduda sa kinilos ni Renzo? Hindi mo man lang ba siya tinanong?" Gusto kong matawa, isang mapait na tawa para sa sinabi niya.

"Tanungin? Tinanong ko siya kung mahal niya si Heidi. Tinanong ko siya Rez but he did not even answer me. He was silent all along habang ako kulang na lang sigawan siya. And you know what is even worse huh? This." Nilabas ko sa bag ang isang envelope at inabot kay Rezzy para mabuksan niya at mabasa kung ano ang nakasaad sa dokyumento.

"What's this?" Binuksan niya ang envelope at binasa ang dokyumento. Ilang minuto din ang nakalipas at napasinghap si Rezzy ng pumasok na siguro sa utak niya ang binabasa.

"Malinaw na ba ang lahat ng nangyayari?" At ngumiti akong muli sa kanya. Seeing these documents again made me think of Renzo, again. Habang nakikita ko ang mga papeles na ito ay muling bumabalik ang nangyari noong isang araw.

"Serena are you going to accept this? Ganito na lang ba ang lahat? Susuko ka? I knew there is a reason behind this, talk to him. Ipaglaban mo ang pagiging asawa mo sa kanya. Nakita kong mahal ka niya, nakita ko iyon ng gabing nagsasayaw kayo. Nakita ko kung paano ka niya titignan na parang ikaw lang ang nag-iisang babae sa mundo." Nakikita ko sa mga mata ni Rezzy na sinsero ang payo niya pero hindi ko na kaya. Paano pa ako lalabas kung mismo si Reno na ang natutulak sa akin palayo? Pagod na pagod na din ako.

"You dont understand Rez, this is all just a game to him. Lahat ng pinapakita niya ay purong pagkukunwari lamang. Iyang sinasabi mong mahal niya ako? Thats not gonna happen even in my wildest dream Rez.."

"But Serena.." Tinigil ko na ang pagsasalita niya.

"Tama na Rez, pagod na pagod na ako. Pagod na akong isiping may pag-asa para sa aming dalawa. Pagod na akong lumaban sa isang patalong gyera. Pagod na akong umiyak at masaktan. Sobrang durog na durog na ang puso ko sa mga pait at sakit. Ayoko na Rez, tama na." Isang mapait na ngiti ang binigay ko kay Rezzy. Napag-desisyunan ko sa sarili kong hindi na ako muling iiyak kahit sobrang sakit. Kakayanin ko ang lahat ng ito.

"Serena..."

"Rez ang pinangako mo sa akin, I know tinutupad mo ang lahat ng sinasabi mo. I want it before graduation." I'm sure in this decision, hindi na magbabago pa ang isip ko.

"Okay, gagawin ko ito para sayo dahil kaibigan kita at gusto kong maging masaya ka. But I will ask again, are you sure?" si Rez.

"Thanks Rez. Yes, I'm sure. I know I'm doing the right thing, I'll do this because I want to find myself. Buong buhay ko, umikot lang ang mundo ko kay Renzo at biglang nawala ang pagkatao ko. Now I'm facing reality even though it hurts so much at least I know sooner magiging ok din ang lahat. I just wanted to start a fresh new life being surrounded by new people, iyong hindi lang kilala ako dahil sa pangalan ko na nakakabit kay Renzo pero iyong totoong ako. Wag kang mag-alala tatawagan pa din naman kita kahit magkalayo na tayo."

Tumango-tango lang sa akin si Rez at nakikita kong pinipigilan niya ang pag-iyak. Itinaas ko ang pineapple juice ko na nangangahala-hati na.

"Cheers" sabay naming sabi. Sinimsim ko na ang juice ko ng magring ang phone ko.

From:

"I'll be there in a few minutes."

Napatingin ako kay Rez na curious din ata kung sinong nagtext.

"Si Tyron."

"So what about Tyron?" What about him? Tyron is Tyron. My only guy friend. Naisip ko ang lahat ngmabubuting ginawa niya sa akin. Hindi ko kayang bayaran ang lahat ng ginawa niya para sa akin at pati ang pagmamahal niya hindi ko din kayang suklian.

"He'll be coming here, may pag-uusapan kami."

"What about him?" si Rez.

Alam ko kung ano ang pinupunto ni Rezzy. Gusto niyang malaman kung anong gagawin ko kay Tyron.

"Tyron is like my guy best friend at ikaw ang girl best friend ko. Katulad mo isang matalik din na kaibigan ang turing ko sa kanya," napabuntong hininga ako. Tumango-tango naman si Rezzy na nagkibit balikat na lang.

"Okay, if you say so. I think kailangan ko ng umalis dahil nandito na ang hinihintay ko. And for your request, hintayin mo na lang." Lumapit sa akin si Rezzy na hinalikan ako sa pisngi sabay yakap ng mahigpit. This is what I needed in the moment at nakita iyon ni Rezzy. Gumanti din ako ng yakap sa kanya.

Pagkatapos ay nagpaalam na siya sa akin at umalis. Mabilis kong tinago ang envelope sa bag ko dahil nakita kong papalapit na ng papalapit si Tyron sa akin. Isa ito sa mga bagay na hindi niya dapat makita.

"Hi. Kumusta ka naman?" Umupo siya sa inupuan kanina ni Rezzy, ngumiti ako sa kanya. "You want to order? Ako ngayon ang manlilibre kaya mag-order ka ng kahit na ano." pag-aalok ko.

"Its good to see you like this kahit na pinipilit mo lang ang ngumiti sa harapan ko at least naging malakas ka." Alam talaga ni Tyron kung ano ang saluubin ko.

"Tyron thank you for being with me all this time. Sa lahat ng ginawa mo sa aking mabubuti, sa lahat ng tulong at pagmamalasakit mo sa akin. Alam kong hindi ko mababayaran ang lahat ng ito sa iyo. Alam kong kulang ang mga salamat na sinasabi ko ngayon." Hinawakan niya ang dalawa kong kamay na nasa table.

"I love you Serena, I love you so much. Gusto kong protektahan ka sa lahat ng gustong mang-api sayo. Gusto kong maging masaya kat at huwag ng umiyak pa kaya ginagawa ko ang lahat para sayo. Serena, kaya kong ibigay ang lahat ng gusto mo pati ang puso ko na hindi kayang ibigay sayo ni Devon. Please piliin mo na lang ako."

Nakikita ko ang pagmamahal sa akin ni Tyron at ang bawat sinseredad sa bawat salitang sinasabi niya sa akin. Pero alam kong hindi magkapareho ang nararamdaman namin sa isa't-isa, isa siya sa mga importanteng tao sa buhay ko. Isang matalik na kaibigan.

"Tyron ayokong mawala ka sa buhay ko, isang kang importanteng tao sa buhay ko. Sobra akong nagpapasalamat sa pagmamahal mo dahil sayo ko natikman ang pagmamahal na hinahangad ko pero hindi maibigay-bigay sa akin.: Napabunotng hininga ako at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Hindi ko kayang suklian ang nararamdaman mo para sa akin. I'm sorry, Tyron." Unti-unting bumitiw ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Serena please pag-isipan mong mabuti ito, I'll be leaving the country the day of our graduation, hindi na ako aattend sa graduation ceremony since wala naman iyong kwenta sa akin. Lumipat lang ako dito sa Pilipinas para sayo. Anyway gusto kong pag-iisipan mo itong mabuti. Sumama ka sa akin papuntang US, stay with me there, and lets have a simple and happy life together."

"Tyron." Gusto ko sanang dugtungan ang sinabi niya ng pinigilan niya ako at inabot sa akin ang plane ticket na nakapangalan sa akin

"Please just this once, pag-isipan mong mabuti. Kung sumama ka man sa akin ay hindi labag sa loob mo at gusto mo talaga. Kung hindi man ay titigilan na kita at lalayo na ako sayo. I want you to be happy kahit hindi man ako ang mapili mo Serena."

Ngumiti siya sa akin at nagpaalam na. Masaya ako na nakatagpo ako ng isang tulad ni Tyron. Being with him makes me happy but it was not the same happiness when I'm with Renzo. At isa pa, hindi kami bagay ni Tyron, marami pang ibang babae na mas babagay sa kanya at isa ako isa sa kanila.

Why? Because I'm already stained.