Chapter 3
"Mom?" Napatingin ako sa paligid ngunit wala ang mga ito sa sala. Tumawag kasi si Mom kanina at pinagmamadaling umuwi ako, napapaisip ako kung may nangyari masama.
Kanina kasi nagpunta muna ako sa isang bookstore pagkatapos ng nangyari sa amin ni Renzo. Wala talaga akong clue kung ano ang sinasabi nito? Tungkol daw sa ginawa ko? Ano bang ginawa ko na kinakagalit niya1? Iniisip ko talaga pero walang pumapasok sa utak ko.
Kaya ayon naisipin kong magpunta muna sa isang bookstore para mag-isip. Pag meron kasi akong iniisip nakasanayan ko ng magpunta sa bookstore. Bookish kasi ako, nerd nga diba? I love reading books specially romance genres. Sa book kasi yung mga bidang babae nakakatuluyan nila ang mga mahal nilang lalaki. They always end up in happy endings while here in reality wala na atang ganoon lalo na sa katulad ko. May mahal nga ako pero hindi naman ako mahal ni hindi nga ako gusto.
So ayun nga, noong nasa bookstore ako kanina, bigla akong tinawagan ni Mom, sinabihan akong umuwi agad ng hindi man lang ako pinagsalita dahil agad nitong pinatay ang tawag. At ito ako ngayon sa bahay hinahanap siya para malaman kung ano ba ang tungkol sa pagpapauwi niya sa akin.
"Mom? Where are you?" Sigaw kong muli. Nakakainis minsan ang magkaroon ng malaking bahay, ang hirap hanapin ng taong hinahanap mo. Tapos doon pa sila nawawala kung kelan kailangan mo sila.
"Darling! I'm here at the kitchen." Ganting sigaw ni Mom, masigla siya nitong tinawag. Ano kayang meron ngayon? Pumunta na rin ako sa kitchen dala-dala ang mga bagong bili kong books.
"Mom do you have something to tell me?" Kanina umaga ko pa nararamdamang may kakaibang nangyayari. Paano ko nalaman? si Grandma kanina masyadong mahinahon at si Mom ngayon naman ay masyadong masigla. Parang may tinatago sila sa akin, parang bombang sasabog ngayon.
Napalunok ako sa klase ng ngiti ni Mom, iyong klase ng ngiti na may nangyayari ngang wala akong kaalam-alam. Kakaiba kasi ang pagkakangiti nito, iyong ngiting sobrang tamis. Napatingin ako sa buong dining room at kusina.
Bakit ngayon ko lang napansin na may nagbago sa Dining room. Parang sobrang organized ang lahat ng bagay na narito. Napatingin naman ako sa table. At bakit parang ang table sobra ang pagkakaayos at maraming plates na nakahanda? Pag pag-ganito ang ayos ng dining namin ay iisa lang ang ibig sabihin, may bisita kami. Pero sino?
"May darating bang importante na dito magdidinner?" Tanga kong tanong kay Mom, kasi usually pag-ganito ay sinasabi ni Mom sa akin in advance para makapag-handa din ako. Pero ngayon, hindi niya sinabi sa akin at wala pa akong kaalam-alam kung sino ba ang bisita namin.
"Yes darling, so go upstairs and take a shower. Pagkatapos mong magshower pupuntahan kita sa kwarto mo." Muling itong ngumiti sa akin at muling binaling ang atensyon sa mga katulong namin na pinapatulong nito sa paghahanda. Siguro dinner ito ng mga guest ni Dad at tungkol na naman sa business ang lahat. Nagkibit balikat na lang ako ng nagpunta na sa aking kwarto.
Matapos kong magshower ay bigla ako ng lumitaw si Mom sa hamba ng pintuan ko. Kakalabas ko lang mula sa banyo at anakbalot pa ang tuwalya sa katawan ko.
"Mom may kailangan ka?" Tanong ko rito at naglakad na papuntang walk in closet ko. Makahanap nga ng presentable na damit, siguro naman hindi kailangan sobrang gara ng damit at least iyong presentable lang ay pwede na.
"You don't have to find something to wear my dear." Pinakita nito ang tinatago mula sa likod nito. Isang yellow sleeveless dress na hanggang sa may tuhod ko lang ang haba. May dala pa itong white heels na hindi naman sobrang taas ang takong, iyong tama lang. Tapos pinakita pa nito and dala pa nitong headband na merong design na leaves. "A mustard yellow dress paired with white heels and a cute headband. Bagay na bagay sayo."
Nilapag na ni Mom ang mga dala nito sa aking kama at unti-unting lumapit sa akin. Parang may alam na ako kung anong susunod na mangyayari.
"Bakit ko pa po kailangang suotin iyan? Diba kung may dinner dito si Dad sa mga business invistors niya ay pwede namang hindi ganyan yung damit ko?" Minsan kasi si Dad dinadala niya yung business invistors dito sa bahay para magdinner at pag-usapan ang business. Bakit nararamdaman ko talagang may kakaibang mangyayari mamaya?
Si Mommy ay umaakto ng kakaiba ngayon at pinapasuot ako ng ganitong damit. Napatingin lang ako rito na ngayon ay naghahanda sa mga make up na gagamitin ko.
"Mom I told you. I don't like painting may face." Ayoko ko talaga ng make up, pakiramdam ko hindi bagay sa akin ang maglagay ng kolorete sa mukha
"Darling I'm not painting your face, I'll just put some make up in your face since hindi naman talaga kailangan na magmake up ka pa. Para lang mas blooming ka pa tignan." Sabi nito habang naghahanap ng bagay na lipstick sa akin.
"Mom, my face will never change." I frowned. "Kahit anong gawin niyo hindi ako gaganda." Tinaasan ako nito ng kilay na parang hindi maintindihan ang sinasabi ko."What? Totoo naman talaga Mom."
"Don't say that. You're beautiful, very beautiful hindi lang iyon nakikita ng iba." Sabi nito sa akin habang sinusuklay ang buhok ko.
"See? Hindi nakikita ng iba." I looked at myself at the mirror. I will never be beautiful like you Mom. Gusto ko sanang sabihin iyan kaya lang alam niyang mas hahaba ang diskusyon nilang mag-ina.
"I mean hindi lang nila nakikita ang ganda mo dahil tinatago mo behind those glasses." Sagot uli nito sa akin. Napailing lang ako, alam ko naman kung bakit niya iyan sinasabi sa akin, para gumaan ang pakiramdam ko.
"Sinasabi niyo lang iyan dahil anak niyo ako." Sinuot ko na ang mga damit na inihanda niya dahil wala na talaga akong choice.
"I'm not saying your beautiful because you're my daughter. You're beautiful because that is what I see. No arguments about it, okay?" Tumango na lang ako para hindi na hahaba ang argumento naming dalawa, ngumiti naman si Mom at sinimulan na akong ayusan.
"Darling you are so beautiful. Look at yourself in the mirror." Ilang minuto lang ay tapos na ako nitong ayusan. Napatingin ako sa sarili sa salamin, medyo annibago ako sa nakikita ko sa salamin. Konti lang ang inayos ni Mom sa mukha ko pero nagandahan ako sa sarili ko ngayon, naging kapansin-pansin ang mga mata ko at bagay na bagay sa akin ang light lipstick na nilagay ni Mom sa labi ko.
"I told you you're beautiful Serena. Darling when I look at you, I can see myself when I was young." She looked at me and smiled. "I'm really surprised na walang nanliligaw sayo. Siguro bulag ang mga lalaki sa school niyo." Napatingin ako kay Mom at natawa sa huli nitong sinabi.
"Mom masyado niyo ako fina-flatter." I told her as I looked at myself again in the mirror. Napatingin ako sa buhok ko ngayon na naka-braid sa likod at nakabun, nakasuot din ako ng headband at may konting buhok na nakalaglag sa gilid ng tenga ko.
"Totoong maganda ka anak, sana magkaroon ka ng confidence sa sarili mo." Binigyan niya ako ng tingin na dapat ko daw siyang paniwalaan.
"Mom sabihin mo nga sa akin, hindi lang ito isang simpleng dinner diba?" Nakatitig ako kay Mom habang sinasabi ko ito dahil iba talaga ang nararamdaman ko tungkol rito. Medyo kakaiba ang mga nangyari sa araw na ito.
"Yeah." She sighed. Medyo nahihimigan ko ang pag-aalala sa boses ni Mom kahit ayaw nito ipahalata sa akin.
"Ano ba kasing meron ngayon? Bakit ayaw niyong sabihin sa akin?" Gusto ko na talagang malaman kung anong meron ngayon lalo na at talaga pinag-ayos pa ako ng bongga ni Mom.
"You'll know." Ngumiti uli siya sa akin at naglakad na palabas ng kwarto. Pero bago nito isinara ang pintuan ay sinabihan ako nitong pagkatpos ko raw ay bumaba na ako para hindi na paghintayin pa ang mga bisita. Ilang minuto lang ay nakababa na ako at nabigla ako ng makita ko si Grandma na nasa sala.
This is definetely not just a simple dinner. Si grandma kasi hindi naman talaga siya laging nagpupunta rito noong bumaba siya sa pwesto niya bilang CEO ay sa ancestral house sa probinsya na siya tumira.
Lumapit ako kay Grandma upang kausapin ito.
"Hija you look stunning tonight." This is the first time na binigyan ako ng compliment ni Grandma. Parati naman siya nabibigyan nito ng magandang komlipento pero tungkol lang sa magiging matalino ko, sa mga achievement ko sa school. But this was the first time she agve a compliment about my look.
"Thanks Grandma and you don't look bad." I smiled, nakapaganda pa rin nito sa suot nitong simple red dress.
"Wag mo na akong bolahin na bata ka. Alam kong matanda na ako at nagfade na ang kagandahan ko." Pero hindi totoo ang sinabi nito, sa edad nitong 67 ay mukha ito 55 years old lang. My Grandma possesed a timeless beauty.
"Edwardo nandito na sila." Napatingin ako kay Dad na kalalabas lang sa private office nito, habang si Mom naman kalalabas lang galing sa dining room. Napunta naman ang tingin ko sa kakapasok lang na bisita sa bahay.
Napatda ako sa kinakatayuan ko ng makita kung sino ang bisita namin ngayon, ang mga magulang ni Renzo. Lumapit ako sa kanila habang nakikita ko ngayon masaya ang mga magulang ko nagbabatian kahit magkapit-bahay lang naman ang mga bahay namin. Siguro kasi minsan na lang magkita ang mga pamilya namin katulad nila Daddy na parating nasa ibang bansa para sa business.
Napatingin ako sa Mama ni Renzo, she looked stunning in her blank dress. Parang dating beauty queen ang Mama ni Renzo sa klase ng pagkilos nito, parang si Mom lang. Ang dad rin nito ay mukhang batang tignan kumpara sa edad nito. Nakuha ni Renzo ang mata nito sa dad niya at ang tindig nito, pero ang kabuuang itsura nito ay pinaghalo sa Mama at Papa nito . Ang Mommy niya ay isang latina pero may dugong one fourth pinoy and his Dad is one fourth chinese, one fourth pinoy and half american. Diba grabe lang iyong halo-halong lahi ni Renzo, kaya ganyan siya kagandang lalaki.
Siguro may malaking plano ang dalawang corporasyon na gagawin dahil nandito si Grandma kasi kahit matanda na ito ay tinitignan pa din nito ang kondisyon ng mga companya namin kahit na kay Dad na ang full control sa corporasyon.
"Serena! Hija you look so beautiful just like your Mom." Nilapitan ako ni Tita Rebbica na Mommy ni Renzo at hinalikan ako sa pisngi. Agad naman namula ang pisngi ko sa sinabi nito.
"Naku thank you po, Tita." Ngumiti naman ako at hindi ko inaasahan ang komplimento na galing sa Mama ni Renzo.
"Celine napakaganda talaga nitong anak mo bagay na bagay talaga sila ni Devon." Devon ang tawag ng mga tao kay Renzo at ako lang ang tumatawag sa kanya ng Renzo. Noong bata pa kasi kami ginawan ko siya ng palayaw kasi ayoko ng Devon kaya sabi ni Renzo sa akin mag-isip daw ako ng ibang palayaw sa kanya kaya hanggang ngayon Renzo na ang tawag ko sa kanya. Napangiti naman ako sa sinabi ni Tita Rebecca, bagay daw ako ni Renzo.
"Richard nandito na pala ang anak mo." napalingon naman ako kina Daddy na kausap si Tito Richard. Pero andito daw si Renzo? Anong ginagawa niya dito? Baka sinama lang din nila si Renzo para sa dinner.
Lumingon ako sa kanya at parang nag slow motion ang lahat ng papalapit na naglalakad papunta sa direksyon ko si Renzo. Nakatingin siya sa akin, iyong tingin nangtutunaw at siguro kung isang yelo ako ay kanina pa ako naging tubig.
Nakalampas na siya sa akin pero nakatunganga parin ako sa kinatatayuan ko. Lumapit ito at nakipag-usap kay Grandma since silang dalawa ang magkasundo kahit noon pa. Minsan nga naiinis ako kasi parang si Renzo na iyong apo nito at hindi ako.
Pare-pareho kaming naupo sa sala at nagsimula ng mag-usap ang mga magulang namin. Pero agad nakuha ng atensyon ko ang sinabi ni Tito Richard sa kay Dad.
"So Edward kailan ang formal engagement?" Tanong ni Tito Richard kay Dad. Formal engagement?
"Edward, me and Celine wants it as soon as possible." Tumingin sa akin si Tita Rebecca sabay ngiti. Napatingin ako kay Renzo na nakatingin rin pala sa akin at agad akong tumingin sa ibang direksyon hindi ko kayang makipagtitigan rito dahil nalilito ako sa nangyayari.
"Bakit kailangan pa ng formal engagement if hindi naman engrandeng kasal ang mangyayari sa dalawang bata." Si Grandma yung nagsalita. Engrandrng kasal?
Hindi naman siguro ako bingi para magkamali ng narinig, kasal ang nasabi ni Grandma ngayon lang. Pero sino ang ikakasal? Napatingin ako sa kanila at parang tangang pabalik-balik ng tingin kasi hindi talaga makuha ng utak ko ang sinasabi nila.
"There will be no formal engagement since wala nga naman tayong planong ipaalam sa public specially sa Media. But later on, alam natin na malalaman rin ng public ang kasalang ito dahil sa tayo na mismo ang mag-aanounce nito for the sake of both corporation. Once annouced, Serena and Devon can have a grand wedding if they want." Si Daddy ang nagsalita.
Parang biglang hindi ako makahinga sa sinabi ni Dad. 'Devon and Serena's wedding' tama nga ba ang narinig ko?
Hindi ba ako nabibingi lang?