Chapter 4

Napalingon ako ng marinig kong may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Napabuntong hininga ako at tinanong kung sino ang nasa pintuan, sa totoo lang ayokong kumausap ng kahit sino ngayon.

"Maam pinapasabi ang Mommy mo kung okay ka lang daw po ba?" Sabi ng kasambahay namin na nasa labas ng pintuan. Nakaupo ako ngayon sa kama ko habang nag-iisip tungkol sa rebelasyon na ikakasal na ako kay Renzo.

"Okay lang ako, pakisabi kay Mommy na sumakit lang ang ulo ko. Matutulog na muna ako." Sagot ko naman sa kasambahay namin para hindi na ako kulutin pa, sumasakit naman talaga ang ulo ko sa mga nangyayari. Akala ko pa naman hindi sikat sa pamilya namin ang arranged marriage pero anong magagawa ko eh may dugo nga akong chinese. Hindi talaga yun maiiwasan lalo na kung si Grandma ang may pakana nitong lahat.

Malaki ang pagkakataon na si Grandma o si Dad ang may pasimuno ng planong ipakasal ako kay Renzo. Anong mukha na lang ang ihaharap ko kay Renzo dahil sa planong ganito? Pumapasok sa isip ko ang reaksyon ni Renzo ng malaman niyang may plano kaming ipakasal sa isa't-isa. Siguro naiisip nito na ako talaga ang nagplano ng lahat, na nagmakaawa ako sa mga magulang ko para lang maging akin siya. Kaya siguro ganoon na lang ang galit na nakita ko sa kanya kanina sa kanya.

Bigla akong napalingon sa pintuan ng bumukas iyon kahit nilock ko iyon dahil ayokong may pumasok sa loob lalo na sila Mom and Dad.

"Yaya di sinabi ko ng sumasakit ang ulo -------" Hindi ko natapos ang sasabihin ng makita kung sino ang pumasok.

Napasinghap ako ng makita si Renzo na nakatayo sa pintuan at nakapamulsa ang isang kamay at hawak ang spare na susi ng kawarto ko, bigla akong napatayo at napatitig rito.

Nakatrousers ito, long sleeves at nakaleather shoes. Napalunok ako habang tinitigas siya ng maayos, para siyang Demigod na hinulog sa lupa. Hindi ko kasi maayos na natitigan si Renzo kanina. Hay, kung ako magiging asawa niya talaga ay napakaswerte ko na sa buhay. Isa akong anak ng Diyos kung ganoon.

"Like what you're seeing?" Biglang tumaas ang tingin ko at napatitig sa mga mata nito. Bakit nandito siya sa kwarto ko? At paano niya nakuha ang spare key ng kwarto ko?

"Bakit nandito ka?" Sabi ko habang unti-unti siyang lumalapit sa akin. Bigla akong napatayo at humakbang palayo rito dahil pag malapit siya sa akin ay nawawala ako sa huwesyo. Hanggang sa nacorner na niya ako sa pader at sobrang lapit na niya sa akin lalo na ang mukha niya.

Iniisip ko lang na magiging asawa ko ang lalaking pinakamamahal ko na nasa harapan ko ngayon ay napupuno ako ng saya sa puso pero dahil sa mahal na mahal ko siya ay hindi ko kayang ipilit ang sarili ko sa kanya lalo kung napipilitan lang siya dahil sa kasunduan ng mga pamilya namin. Masyado ko siyang mahal para ikulong siya sa isang relasyon na hindi siya magiging masaya, gusto kong maikasal siya sa babaeng mahal niya at mahal siya ng buong puso katulad ng pagmamahal ko sa kanya.

"Masama bang puntahan ang future wife ko?" Napatitig ako sa kanya. At gumuhit sa maganda niyang mukha ang galit na nakadirekta sa akin, aparang nanlamig ang buong katawan ko sa sinabi ni Renzo.

"I'm sorry." Ito lang ang tangi kong nasabi habang nakatitig sa kanya. Hindi ko alam kung para saan ang paghingi ko ng paumanhin, siguro dahil sa wala sa planong ipagkasundo sila at wala silang mapagpipilian kundi ang sumunod sa kanya-kanyang pamilya.

"Why are you saying sorry to me? Diba ito naman talaga ang gusto mo? Ang makuha ako ng buong-buo." He said in sarcastic tone while he moved his hand to my cheeks and started caressing my face.

"Anong sinasabi mo?" Mahina kong sambit rito, hindi niya ba talaga nakita ang pagkabigla ko tungkol sa plano ng mga pamilya namin? Naniniwala talaga siyang ako ang may pakana ng lahat?

"Don't play dumb Serena, this is your plan from the start." May diin ang bawat salita na sinambit nito na parang sarado ang utak nito sa kahit anong paliwanag ko na wala naman talaga akong alam.

"Wala akong alam sa sinasabi mo. Hindi ko plano na ikulong ka sa isang relasyon na hindi mo naman gusto." Depensa ko sa sarili kahit alam kong hindi na magbabago ang isip niya ngayon lalo na't kitang-kita ko ang galit sa mukha niya. Masyado ko siyang mahal para gawin ito, hindi niya ba nakikita iyon?

"Talaga Serena? Kung ganoon bakit nangyayari ang mga ito kung wala kang planong ikulong ako sa sinasabi mong relasyon?" He looked at me coldly. Lumayo siya sa akin at nag-ikot ikot sa kwarto ko.

Tumingin siya sa mga litrato na nasa isang table. Pinulot nito yung litratong magkatabi kaming kumakain ng fried chicken, favorite kasi namin iyon na favorite ko pa rin hanggang ngayon at hindi ko lang alam kay Renzo Binaba nito ang litratong iyun at tumingin ulit sa akin.

"I swear, I didn't knew any of this." I looked at him with full of honesty. Bakit ayaw ng lalaking ito maniwala sa akin?

"Akala mo ba maniniwala ako sayo?" Unti-unting humakbang palapit si Renzo sa akin. Nang makalapit na siya sa akin ay inilapit ang mukha niya sa balikat ko, medyo lumalapat ang labi niya sa balikat ko papunta sa leeg ko

"Mahirap ba akong paniwalaan?" Inilayo ko sa kanya ang sarili pero bigla niyang hinawakan ang mga braso ko kaya mas lalo akong napalapit sa kanya. Napasinghap ako habang nagkakatitigan na kaming dalawa, hindi sinagot ni Renzo ang tanong ko pero kitang-kita sa mukha niya na hindi siya naniniwala sa akin kahit katiting.

"Wag kang mag-aalala, hindi ako magba-back out." Bulong niya sa may tenga ko ng nilapit niya ang mukha sa may tenga ko. Pagkatapos ay kinakagat-kagat niya ang earlobe ko.

"What?" Nalilito kong tanong kay Renzo dahil hindi pumapasok sa isipan ko ang sinabi niya.

"You heared me." Bigla siyang lumayo sa akin ng makarinig kami ng katok sa pintuan ng kwarto ko at muling tumingin sa akin."By the way you look breathtakingly beautiful tonight." Nakapamulsa na siya ngayon habang tinititigan ang kabuuan ko.

"Oh your here, Devon" Sabi ni Mommy na ngiting-ngiti sa aming dalawa na binuksan na ang pintuan. Namula naman ang mukha ko sa klase ng tingin na binibigay ni Mommy sa akin ng makita si Renzo dito sa kwarto ko, parang kulang na lang na sa sabihin niyang bagay kami ni Renzo.

"I was just checking Serena, Tita. Masakit daw kasi iyong ulo niya." Nakangiting sabi ni Renzo kay Mom habang ngiting-ngiti si Mom sa sinabi ni Renzo. "Sige po, paalis na din po ako." Paalam ni Renzo sa kay Mom, ngayon ay maaliwalas ang mukha niya na parang hindi siya galit sa akin.

"Drive safely, hijo." Mom said as Renzo exited. Nakahinga na ako ng maayos ng makaalis na si Renzo, kanina pa hindi maayos ang paghinga ko dahil sa presensya niya.

"You two looked so good together." Then Mom giggled and smiled like a teeenager. Napailing na lang ako pero alam ko na namumula na ang pisngi ko ngayon sa hiya.

"Mom stop it." Iyan lang ang tangi kong nasabi kay Mom. Bagay ba talaga kaming tignan dalawa?

"Bagay talaga kayo, alam namin ni Rebecca na simula pa bata ay kayo na ang magkakatuluyan." Rinig na rinig ang saya sa boses ni Mom at hinawakan niya pareho kong kamay. Kahit naman ako natutuwa na isiping si Renzo ay magiging asawa ko. Pero ang isiping napipilitan lang siya na makasama ako ay iyon ang hindi ko kayang tanggapin mas gusto kong ibang babae na lang ang makasama niya basta masaya siya. Napabuntong hininga ako sa naisip.

"Mom pwede ba itigil mo ito, itigil niyo ang plano niyo sa aming dalawa dahil hindi namin mahal ang isa't-isa. Diba dapat pag nagpapakasal ay dalawang tao na nagmamahalan hindi iyong napipilitan lang sa isa't-isa." Ganoon naman talaga dapat pero sa kaso namin ay ako lang iyong nagmamahal ng totoo kumbaga one sided love lang. I hate to let him go but I would do that to make him happy and let him choose the right girl, the girl he truly love.

"I know you like him." Magsasalita sana ako ng pinigilan ako ni Mom. "Don't try to deny it! Serena alam ko ang nararamdaman mo dahil ganyan-ganyan din ako noong hindi ako binigyan ng pansin ng Daddy mo." Napangiti si Mom ng maalala si Dad, mahal na mahal kasi si Mom si Dad.

"Really Mom?" Hindi ako makapaniwalang hindi pinapansin ni Dad si Mom, sa ganda at bait nito? Hindi talaga kapani-paniwala.

"Yeah I followed your Dad everywhere and alam mo bang he's really irritated everytime because he doesn't like girls whose the one who make the first ligaw but that on the past, Darling. He is now head over heels in love with me." Hindi ako makapaniwalang ganon pala yung totoong nangyari sa lovelife noon nilang dalawa. Bilib na ako sa tibay ng loob ni Mom para makuha lang si Dad.

"Mom how did you won his heart?" Tanong ko. Si dad pa naman ang tipo ng lalaking komplikado pero sweet at caring pagdating sa amin ni Mom.

"Well, all I did is to stop following him. Tinigil ko ang lahat ng koniktado sa kanya. Pagkatpos ay napansin niyang wala na ako sa tabi niya and ayon siya na yung naghabol sa akin sa huli. Siguro kasi na-miss niya ang lahat ng pinanggagawa ko noong linigawan ko siya o kaya wala ng mas gaganda pang babae na umaaligid sa kanya." Natatawang kwento ni Mommy sa akin.

"Grabe Mommy, ikaw na." Ganoon pala ang ginamit na strategy ni Mom. Pero hindi na ako nagtaka kung bakit nagkagusto at minahal ni Dad si Mom, bukod sa sobrang ganda, mabait, matalino, at magaling pa sa kusina kumbaga she has it all na.

"That is why I know that you my dear is in love with Devon." Ngumiti siya habang ako ay napabuntong hininga na lang. Nahuli talaga ako ni Mom sa nararamdaman ko kay Renzo.

"Darling don't hide your feelings for him. Show it to him until he can finally realize that your the girl his been looking for. Until he realized that he loves you more than you love him." Hinawakan ni Mommy ang magkabila kong balikat. Alam kong gusto niya lang akong sundin ang puso ko pero paano kung hindi talaga ako magawang mahalin ni Renzo at mas lalo pa itong mamuhi sa akin? Kaya ko ba ang ganoon?

Hindi ko magawang sabihin na alam na ni Renzo ang nararamdaman ko para rito. Napabuntung hinga na lang akong muli at napatingin kay Mommy.

"Mom. I don't think Renzo will love me like the way I love him." Malungkot akong napangiti kay Mommy. All the feeling he has for me is lust and maybe .. disgust?

"Serena there is no harm in trying. Pinalaki kitang isang mabuting babae. Ano pa ba ag hahanapin niya sayo? Maganda ka naman, matalino, mabait at lahat ng hahanapin niya nasa iyo ng lahat." Natatawa na lang ako sa sinabi ni Mommy talagang pinipilit niyang palakasin ang loob ko.

"Mommy talaga, syempre sasabihin mo iyan dahil anak mo ako." Nakangiti kong sabi kay Mommy pero dahil sa sinabi ni Mommy ngayon ay gumaan na din ang loob ko. Confidence booster ko si Mom.

"Alam kong kayo at kayo ang magkakatuluyan itaga mo iyan sa bato." Madiin nitong ssabi sa akin na kinatawa ko lalo.

"There is no stone in my room Mom." I joked, ang seryoso na kasi masyado ng pinag-uusapan namin. Gusto ko rin iyang pangitain ni Mommy kaya lang parang impossible talaga.

"Oh whatever. It's late you must sleep because you have a class tomorrow and we are going to plan your wedding tommorow." Nanlaki ang mga mata ko sa huli nitong sinabi.

"But Mom----" Pinutol agad nito ang sasabihin ko.

"No buts my dear." Humalik na ito sa pisngi ko at nag-good night sabay kindat sa akin bago lumabas sa kwarto ko. Napaupo ako sa higaan ko at napabuntong hininga, bigla atang sumakit ang ulo ko.

I'm going to be married soon. And my groom is none other than the guy I really love, Devon Lorenzo Yan.