Chapter 2

Nakasakay na ako sa pinakamamahal kong kotse, my giugiaro mustang na regalo pa sa akin nina Dad at Mom noong 18th birthday ko. Mabilis akong nakarating sa school at agad akong nagpark ng kotse ko. Bumaba na ako at alam ko na agad kung ano ang sasalubong sa akin.

"Here's the loser."

"So pathetic."

"Why does she looked like trash when her parents are so good looking?!"

"Poor Girl."

Ayan na naman sila, ang mga bullies sa school. Mga socialite na mga babaeng nagkukuplan sa may parking lot. Kakasimula lang ng new semester at parating ako ang pinapansin ng mga ito. Hindi na talaga ang mga ito nagsasawa sa akin. Hinayaan ko na lang sila at pinalabas sa kabilang tenga ko ang mga sinasabi nila. Hindi ko na sila pinapatulan since wala rin namang mangyayari kung ipaglalaban ko ang sarili ko.

Napatingin ako sa grupo nila at sa pare-pareho ng klase ng pananamit, kulang na lang maghubad sa iksi at fit. Sila iyong grupo ng mga babae na nakapulupot sa mga lalaki akala mo octopus kung makakapit eh. Isa sa mga nakapulupot ay ang leader kuno nila na si Heide Rodrigo na feeling Reyna sa buong school. Siguro reyna sa lahi nilang octopus na kung makapulupot kay Renzo ay ayaw na itong pakawalan.

Napatingin ako kay Renzo na nakikipag-make out kay Heide. Alam kong nakatingin siya sa akin ngayon pero ako na ang unang nag-iwas ng tingin. Kahit gusto ko silang paghiwalayin pareho ay wala naman kaming relasyon, I'm only his bed partner whenever he wants. I don't own him at kahit kailan hindi ata iyon mangyayari. Nasanay na rin akong parating nakikita ang ganitong eksena kahit parang binibiyak ang puso ko ng pinong-pino ay pinagkibit balikat ko na lang.

Minsan sinabihan ko na ang sarili kong wag na siyang mahalin pa pero hindi ko alam bakit tumitibok parin itong walang hiya kong puso sa kanya. Kahit marinig ko lang ang pangalan niya napapalingon kaagad ako, napakatraydor nga naman talaga puso ko.

Ang gwapo naman kasi nito. He has dark sexy brown eyes, dark brown hair, pointed nose, very kissable lips and tanned skin. At yung height 6'2 lang naman, diba parang model na model yung dating. He has this devilshed look that can make one girl's knee fall.

Naglakad na ako papunta ng classroom napatingin ako sa relo ko, meron pa akong 15 minutes. Napabuntong hininga ako, ibig sabihin hindi ko kailangang magmadali papunta sa unang klase. Napagdesisyunan kong pumunta muna sa library para ibalik ang mga libro na hiniram ko, nang paliko na ako ng pasilyo ay sakto namang may nakabangga sa akin.

"Miss I'm sorry, hindi ko sinasadya. I swear." Natumba lang naman ako at nagkalat sa hallway ang mga hawak kong libro. At ang pinakamasama pa niyan ay pinagtatawananan ako ng mga studyante na dumadaan din doon.

"I know." Parati naman ganito ang nangyayari. I swear hindi ko sinasadya my foot, nakakasawang pakinggan ang mga ganyang linyahan. Pinagpag ko na iyong damit at inayos yung salamin ko then iniisa-isa kong pinupulot ang mga libro habang si Mr.-I-Swear-Hindi-Ko-Sinadsadya ay tumutulong din at muling humihingi ng pasensya sa akin.

"Miss I'm sorry again, nawawala kasi ako kanina pa kaya hindi kita napansin. Pwede ba kitang tanungin kung saan ba ang Central Office banda?" Tinitigan ko ito ng maayos at mukha naman di nagsisinungaling sa akin. Isa siguro itong tranferee base sa tanong nito. Napansin kong may ipagmamayabang din itong kagwapuhan at mas matangkad din siya sa akin.

"You finished checking me out?" Sabi nito sabay ngiti sa akin na kinatikhim ko.

"Checking you out? ang kapal mo ha. Kung nawawala ka halika at sumunod ka sa akin dahil iisang daan lang naman ang Central Office at library na pupuntahan ko." Nauna na akong maglakad sa kanya at hindi na ito pinansin.

"Miss ako na lang ang hahawak niyan." Aagawin na sana nito ang libro na hawak-hawak ko pero hindi ko siya pinayagan.

"Wag na."

"I'm Tyron Hideo Matsunaga. What's your name?" Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Anong pangalan mo?" Tanong ulit nito at talagang hindi siya nito tinitigilan.

"Bakit ka ba tanong ng tanong?" Naaasar kong sambit sa kanya. Sinamaan ko rin siya ng tingin at muling tumingin sa harap para ipagpapatuloy ang paglalakad.

"Simple, Because I want to know your name." He smiled.

"And why would I give my name to you?" Mataray ko namang sabi sa kanya habang binibilisan ang lakad ko na sinasabayan naman niya.

"Kasi simula ngayon magkaibigan na tayo." Hinarang nito ang sarili sa dinadaan ko habang ngiti na ngiti.

Nakakuha na sila ng atensyon sa mga estudyanteng papunta na sa kani-kanilang klase, lalo na sa mga babaeng hinuhubaran na ito ng tingin at siya ay pinapatay sa tingin.

"At sino namang nagsabi sayong gusto kitang maging kaibigan, aber?" Muli kong pagmamaldita rito, naasar ako sa ugaling makulit ng lalaking ito.

"Pretty please, ikaw ang unang kakilala ko rito." He said with matching puppy eyes. Napaka-kulit lang, mukha siyang tuta.

"Ayan na ang central office. Pumasok ka na." Napatigil ito sa paglakad at ako naman nagmadaling magpunta sa library. Mahirap na baka sundan pa ako ng lalaking iyon.

"Ms. Sungit thank you!" Rinig na rinig ko ang pasigaw nitong pagpapasalamat sa akin. Nag-thank you nga sinabihan naman akong masungit? Napailing na lang ako at mabilis na pumunta ng library.

Nakatambay lang ako sa classroom namin habang inaantay ang professor naming late na, nakakainis wala pa atang klase ngayon. Lalo pang nag-iinit ang ulo ko as in umuusok na ako sa inis ngayon habang naririnig ko yung ingay na naririnig ko mula sa pinakadulong kaliwa ko.

Napalingon ako sa kanila na nagmamake out sa may gilid ng classroom. Ang octopus na si Heidi ang kahalikan ni Renzo tapos nakaupo pa ito sa lap ni Renzo at ang Renzo naman kung saan saan nakakaabot ang kamay sa katawan ng hindot na babang si Heidi. Wala atang kaalam-alam si Ms. Octupos ng salitang kahihiyan. Dahil talagang dito sa classroom na maraming estusyante, lunes na lunes pa sila nag iingay. Mabuti na lang at nasa magkabilang dulo ang layo namin kundi lalabas na lang ako ng classroom sa pagka-bwisit.

At nabalitaan kong nag-shift pa ang gaga sa course namin para magkaroon sila ng same classes ni Renzo. Hindi ko akalaing gagawin niya iyon para kay Renzo, para lang mabantayan niya si Renzo sa ibang babae? Tss.

Nagbabasa na lang ako ng libro ngayon kesa sa tumunganga at marinig ang mga halinghing ng hindot na si Heidi. Muli akong napatingin sa relo ko, thirty minutes ng late ang Professor namin.

"Hi Ms. Sungit." Bigla akong napatayo ng may bumulong sa tenga ko at nahulog naman ang hawak kong libro sa lapag. Ano daw? Napansin kong umupo ito sa katabi kong upuan na walang nakaupo dahil wala namang may gustong tumabi sa akin.

Sumingkit ang mga mata ko at inayos ang eye glass ko at umupong muli. Nakakainis itong lalaking ito, kung saan-saan na lang sumusulpot.

"Am I late? Or wala pa talagang class?" Lalo nitong nilapit ang upuan nito sa akin. Tanong nito na hindi ko pinansin, muli kong inayos ang sarili sa pagkakaupo.

"What are you doing?" Sa gilid ng mata ko ay nakikita kong nakatingin lang ito sa akin. Mapapagod rin ito kakakulit sa akin.

"Whats the title of that book you're reading?" Tinaas nito ang libro na nasa kamay ko at binasa ang libro.

"So you like romance novels." Talagang makapal ang mukha nitong usisain ako.

"Bakit ka ba tanong ng-" lumingon ako rito at napatigil ako sa sobrang lapit ng mukha naming dalawa. Umusog ako ng kaunti upang makalayo rito. "Bakit ba ang kulit mo?" Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa mukha sa pagkabigla.

"Kasi gwapo ako." Nakangiti nitong sabi habang nakatitig sa akin. Anong connection kaya iyon? Wala talaga akong makuhang maayos na sagot rito.

"O edi ikaw na, Ilayo-layo mo nga iyang upuan mo sa sa akin. Ang sikip-sikip na nga rito, lapit pa ng lapit." Pagtataray ko rito at hindi talaga nawawala ang ngiti nito sa mukha habang nakatingin sa akin.

"Sabi ko na nga ba, nagwa-gwapuhan ka sa akin eh. Ms. Sungit, anong first name mo?" He is so impossible, ngayon lang ko nakaencounter ng sobrang kulit na lalaking isip bata. Napa-iling na lamang ako at di pinansin ang tanong nito.

"Again I don't give my name easily. Lalo na sa mga taong hindi ko kilala at hindi ko ka-close." Sagot ko naman sa kanya.

"Alam mo na ang pangalan ko so basically kilala mo na ako." Sagot naman nito.

"I don't know you and I don't have a plan to know you. So I don't have a reason to give my name to you." I want peace by having no friends. Actually I have a friend and she's also studying here. Pero magkaiba kasi iyong course namin, siya ay isang Fashion Design student. Nagkikita at nagkakasabay lang kami paglunch or pag may free time kami, she's my best friend.

Pag naging kaibigan ko ang lalaking ito ay siguradong pupuntiryahin lang ako lalo ng mean girls dito sa campus. Katulad doon ginawa nila sa isang studyante, naging close lang sa isang sikat na lalaki sa school ay pinahirapan, siniraan, pinahiya na agad sa buong campus. Ayokong ganoon, magulo na nga buhay ko ay lalo pang gugulo. At tsaka kabago-bago niya pa lang dito e magugulo na agad ang buhay niya dahil sa akin.

Katulad ngayon, naririnig ko na ang mga bulong-bulungan sa paligid namin.

"He's the new transferee guy. Ang hot."

"He so handsome pero bakit niya katabi at kinakausap ang nerd/loser na yan."

"Siguro naawa lang siya kay girl, kasi nga loser. Hindi naman mukhang nerd si Mr Tranferee Guy."

"Yeah! Kaawawa kasi ang loser na iyan. She has no friends at all."

Kinausap lang ako ng lalaking ito ay kung ano-ano na agad ang mga sinsabi ng mga tao sa paligid. Habang nagbabasa ako ng book nakikita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin pa rin siya sa akin pero siguro naramdaman niya na ayaw ko talaga sa kanya.

I want to say to sorry to him for being mean, hindi ko naman talaga gustong sabihin iyon sa kanya. Ayoko lang na magulo lalo ang buhay ko at magulo naman ang kanya.

Tumunog na ang bell kaya mabilis kong kinuha ang ilang gamit ko inilagay sa bag. Napatingin ako kay Tyron, iyong lalaking katabi ko na nauna ng lumabas sa classroom. At Napunta naman ang tingin ko kay Renzo at kay Heidi na nakapulupot pa rin rito habang palabas na din ng room, napansin ko ang pagngisi si Renzo na para bang nang-aasar.

Lumabas na rin ako dumeretsong papunta sa cafeteria. Nnag makarating ay naupo agad ako sa favorite spot namin ni Rezzy. I really like this table kasi nasa pinakadulo tapos nakikita iyong malaking harden ng cafeteria na puno ng mga bulaklak at iba-ibang tanim. Halo-halo iyong tanim, kompleto iyong gulay sa bahay kubo tapos may ibang tanim pa na flowers. Sa pagkaka-ala ko ay diyan na din kumukuha ng mga gulay ang mga tagaluto ng cafeteria.

Kinuha ko sa bag ang cellphone ko ng marinig ko ang tunog nito.

From: Beautiful Rezzy

I'll be there in 15 minutes. Kainis kasi itong Prof ko naging favorite na ako!

To: Beautiful Rezzy

It's okay. I'll wait for you.

My bestfriend, Rezzy Yen is half british, one fourth chinese and one fourth filipino. Pareho kaming dalawa ng lahi dahil noong panahon na pumunta si Mommy sa Pilipinas para magbakasyon ay dinala rin niya ang close friend niyang isang model. When my Mom met my Dad pinakilala din ni Dad ang bestfriend na half filipino at half chinese.

Doon na nagsimula ang lahat, dahil malapit ang pamilya namin ay agad din kaming nag-click dalawa. Puro kami nag-iisang anak ng mga magulang namin pero dati noong mga bata pa kami ay mas nakakasama at mas attached ako kay Renzo.

"Can I sit here?"

Lumingon ako sa nagsalita, kumunot ang noo ko dahil akala ko ay titigilan an ako nito ngunit ito na naman ang lalaking ito.

"No." I said with finality.

"Why? May hinihintay ka pang iba?" Tanong naman nito.

"I'm expecting someone so just find another seat." Sabi ko at kinuha na ang cellphone ko, nagkunwaring busy para tigilan na ako nito.

"Ilan bang tao ang hinihintay mo?" Patuloy nitong pagtatanong sa akin.

"Isa." Di ko mapigilang sagot.

"Then I can sit in here. Since nag-iisa lang naman ako. Yung kaibigan ko kasi eh may pinuntahan."

"No this seat is taken. can't you see?" Ang kulit talaga.

"Taken but this is the only availbale seat na pwede kong maupuan. All seats are taken. Please?" With matching puppy eyes pa, akala nito naaawa ako.

"Fine, umupo ka na muna." Ako na lang ang napasuko rito dahil wala nga naman itong maupuan kasi puno na lahat ng upuan.

"Thanks Ms. Sungit." I looked at him irritatedly.

"Pwede mo bang tigilan ang pagtawag sa akin ng ganyan. I have a name and its Serena for Pete's sake." Ayan nasabi ko na tuloy yung name ko sa sobrang asar sa lalaking ito.

"It suits you well."

"What?" Nakataas yung kilay ko habang nakatingin rito.

"I mean your beautiful name suits your beautiful face." Ano daw? Ako maganda? Pinagloloko ba ako ng lalaking ito?

"Nang-iinsulto ka ba?" Mapanghamon kong sabi rito.

"No, Totoo naman talaga. maganda ka kahit ubod ka ng sungit" He smiled.

"Whatever." Ako maganda? Nagpapatawa ata itong isang ito o nang-aasar.

"Ehem" Lumingon na ako sa tumikhim at agad namang nagliwag ang mukha ko ng makita si Rezzy.

"Mabuti naman ata at nandito ka na." Nag-iwas ako ng tingin sa nasa harapan ko na nakaupo. Hindi ko alam kung nang-iinis ba ito dahil wala ng ginawa kundi tumitig sa akin. Sobrang nakakailang lang talaga. Buti at dumating na itong si Rezzy.

Ang ganda talaga ng bestfriend ko pero hindi ako naiinsecure sa kanya. Dahil sa may dugo itong britano at chinese ay maganda ang naging kinalabasan ng balat nito. Napakaganda din ang buhok at mata nitong itim na itim. Mala-snow white na mahabang buhok at model type, ganyan na ganyan yung bestfriend ko.

"Akala ko kasi nakakaistorbo ako sa inyo eh." Ngumiti ito at tumingin kay Tyron na nakangiti rin. Inirapan ko silang dalawa at umusog na ng upo para makaupo ito sa tabi ko.

"Whatever. Umupo ka na lang dito at umorder na tayo ng food, gutom na ako." Umupo na rin ito.

"Hindi mo ba ako ipapakilala sa kanya?" Sabi ni Rezzy sa akin, sabay nguso sa kaharap nila.

"Hindi." Pinalakihan ako nito ng mata."Fine! Rezzy Yen meet Tyron Hideo Matsunaga! Ayan pinakilala na kita!"

"Minemorize mo pa pala ang name ko." Anong pinapalabas nito na minemorize ko ang full name niya?

"Naalala ko lang." Binigyang diin ko ang salitang 'naalala' dahil sadyang matalas lang talaga ang memorya ko. Akala naman ata ng lalaking ito na talaga tinandaan ko pa pangalan niya.

Ayon usap-usap sila habang kumakain kasi nakisama na talaga sa amin itong lalaking ito. As in sila lang yung nag-usap, ayokong sumali. Pagtinatanong nila ako, doon lang ako nagsasalita.

Alam niyo yung feeling na parang may nakatingin sayo. As in ganon-ganon ang nararamdaman ko. Lumingon ako sa kaliwa ko, Napahinto ang mga mata ko ng mapansin kong nakatingin sa direksyon ko si Renzo na katabi si Heidi. Sa akin ba siya nakatingin o nagkataon lang ang lahat

MABILIS NA lumipas ang oras at huling klase ko na, mabuti na lang dahil sobrang boring kasi ng Professort naming ito. Labas pasok lang iyong leksyon sa tenga ko ngayon. Napabuntung hinga ako ng narinig ko ang last bell, ibig sabihin ay tapos na ang klase.

Nagsilabasan na agad ang mga blockmates ko. Hinitay ko silang makalabas at napansin kong nauna na ring lumabas si Renzo. Parang ang seryoso naman ata nito ngayon. Anong meron?

Naglalakad na ako sa hallway ng biglang may humablot sa akin at pinasok ako sa isang madilim na classroom.

"Sino ka? Anong gusto mo? Whaaaa- sino ka ba kasi?" Nasaan ba ako? Hindi ko talaga nakikita ang paligid ko kasi tinakpan iyong mga mata ko at nakaitaas naman ang pareho kong kamay na hawak-hawak nito. Nakalean pa ang kung sinong taong ito sa akin.

Nang maamoy ko ang pabango nito at parang pumasok na agad sa isipin ko kung sino ang taong nasa harapan ko ngayon, kilalang-kilala ko kasi ang pabango niya.

"Renzo? Ikaw iyan diba?" Mahina kong sambit. Bukod sa alam ko ang pabango niya ay, sa kanya ko lang din naamoy ang pabango na ito dahil hindi naman ito available sa pilipinas.

"You know." Lalo niya akong diniin sa may pintuan at tinanggal niya ang pagkakatakip sa mata ko. Napalunok ako ng matitigan ko ang mukha niya, umakyat ata lahat ng dugo sa mukha ko ng patuloy niyang tinitigan ang mukha ko. Maya-maya ay tinanggal nito ang eye glasses at ipit sa buhok ko. Gulong-gulo ata ang buhok ko ngayon sa ginawa nito.

"Why are you always wearing glasses? Alam kong fake lang iyan. Maganda ang mga mata mo, you shouldn't hide it."Sa sinabi nito sa akin ay pakiramdam ko lalong namula ang mukha ko mabuti na lang hindi maliwanag sa classroom kaya hindi nito mapapansin ang pamumula ko. Fake lang naman talaga ang glasses ko, hindi ko kasi kayang tumingin ng diretso sa mga mata ng ibang tao. Pero hindi sa mga mata ni Renzo, I love staring at those damn sexy eyes. "And your hair, just leave it like that, mas bagay sayo."

Nakatitig rin ito sa buong mukha ko, iyong tipong nakakalunod na tingin. Unti-unti nitong nilapit ang mukha nito sa akin.

"You naughty little thing." Mahina nitong sabi habang unti-unting nilapat ang labi nito sa akin. Iyong klase ng halik, iyong tipong pinaparusahan ako. Nakakalunod, parang nalulunod ako sa bawat galaw ng labi niya.

Bumaba ang labi nito sa leeg ko papunta sa collarbone at muling bumalik sa labi ko. Kung saan-saan na din nakarating ang mga kamay nito, sa dibdib pababa pa sa pagkababae ko na lalong nagpa-init ng nararamdaman ko. Naramdaman ko din ang matigas niyang pagkalalaki sa gilid ng puson ko.

"Ikaw lang ang nakakagawa ng ganyang epekto sa akin." He played with my lower lip. Dahil sa sinabi nito ay lalo akong na turn on. He kissed me torridly playing with my tongue. Nilagay ko sa batok niya ang isa kong kamay at iyong isa naman ay sa pagkalalaki niya. Lalo kong pinag-igihan ng marinig ko ang pag-ungol niya sa gitna ng paghahalikan naming dalawa.

Tumigil ito sa paghalik at nilibing nito ang mukha sa pagitan ng magulo kong buhok at leeg. Nararamdaman ko ang paghinga niya ng malalim.

"Alam ko ang mga ginagawa mo." Tinaas niya ang dalawang kamay sa pintuan para ikulong ako.

"What?" Nalilito kong tanong sa kanya kasi lutang pa rin ang isip ko sa ginawa naming dalawa.

"Aalm ko na ikaw ang nagplano ng lahat, alam mong hindi ako makakahindi sa kanila." Tumingin ito sa akin na sobrang seryoso ang mukha.

"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo." Nalilito kong sagot kay Renzo, hindi ko talaga alam kung anong sinasabi niya ngayon.

"Don't play dumb with me Serena. You started this, sige pagbibigyan kita." He looked at me and gave me a smirk. Ilang segundo niya din akong tinitigan bago niya pinaalis ako sa may pintuan para makalabas siya.

What the hell did I do?