Chapter 11-Hates A Lot Pt.3
[Vida's Point of View]
Two days na simula nang hindi ako bumalik sa bahay nila Mr. Camero. Actually, kinakabahan na ako kasi hindi ko na alam ang idadahilan ko kapag nagkita ulit kami. Sira na ang reputasyon ko aish.
"Faye, samahan mo 'ko bukas huh?"
Hindi n'ya ako nilingon at nagpatuloy lang sa pagsusulat. Nandito s'ya ngayon sa room ko, dito s'ya matutulog dahil nagrequest ako sa kan'ya na magstay muna s'ya sa amin. Mabuti na lang pumayag agad si Tita Kara, mama ni Faye, nang nanghingi ako ng consent sa kan'ya.
"Woy, Faye. Kausapin mo naman ako," pag-uga ko sa kamay n'ya.
"Ano ba, Vida? Nagsusulat ako diba?"
"'Wag ka na magalit, okay? Promise, bukas ng umaga pupunta na ako kila Mr. Camero. Basta sasamahan mo lang ako," ani ko.
Masama kasi ang loob n'ya sa'kin. Nitong mga nakaraang araw kasi pinipilit n'ya ako na bumalik na sa trabaho ko pero hindi ko s'ya pinapansin. Sumama ang loob n'ya kasi hindi ko agad narealize na nasasabihan ko na rin pala s'ya ng masasamang salita.
"Faye, sorry," nahihiya kong sabi sa kan'ya. Pilit ko s'yang pinapaharap sa'kin at hindi na n'ya napigilan ang sarili n'ya, sa wakas ngumiti rin s'ya.
"Dear, kausapin mo na ako. 'Wag ka na magbingi-bingihan d'yan."
"Tsk. Ewan ko sa 'yo. Ang tigas-tigas ng ulo mo. Pinagpalit mo'ko agad sa galit mo kay Dion." Hindi ko inexpect ang sinabi n'ya. 'Yon pala ang napifeel hindi ko agad nalaman.
"Sorry na nga, diba?"
"Tss. Siguraduhin mo lang na maagap kang gigising bukas. Dapat exactly 8 am, nando'n na tayo sa kanila. Understood?"
"Understood!" masiglang sagot ko. Nakakatuwa na okay na ulit kami. Sobra akong naguilty no'ng iniiwasan na n'ya ako. Promise, hinding-hindi na ulit ito mauulit.
"Mangako ka sa'kin Vida, 'wag ka na ulit magpapaapekto kay Dion. 'Wag mo na lang s'ya pansinin para 'di masira ang mood mo, okay?"
Seryoso ba s'ya? E kahit s'ya nakikita ng dalawang mata ko, knowing na nandoon ako sa bahay nila, kumukulo pa rin ng husto ang dugo ko.
Pero kung 'yon ang gusto ni Faye, sige susubukin ko. Susubukin ko na 'wag magpadala sa bugso ng damdamin ko kahit pa gustong-gusto ko na tirisin ang Dion na 'yon.
Kinabukasan, maagap kaming nagising ni Faye para iprepare ang aming mga sarili. To be honest, nag-aalinlangan pa rin talaga ako. Kinakain na ako ng kahihiyan. Ano kaya idadahilan ko kay Mr. Camero? Ni hindi man lang ako nagpaalam sa kan'ya kahit sa text, or chat, or tawag.
"Paano na, Vida?" tanong ko sa sarili ko.
"Vida, we're here na."
Naging alerto naman ako at bumaba sa pagkakaangkas sa motor. Marahan kong tinanggal ang helmet ko para maging okay pa rin ang hawi ng aking buhok na si Faye ang gumawa. Ang overall look ko si Faye ang nagdecide. Gustuhin ko man na umangal, wala naman akong magagawa. Need ko bumawi sa kan'ya.
"Ihahatid mo ba ako sa loob?" nakasimangot kong tanong.
"Bakit naman kita ihahatid? Artist ba ako?"
"Fayee."
"Charot!" Niyakap n'ya ako ng mahigpit. "'Waf ka na magworry sa'kin, okay na ako. Hindi na ako nagtatampo sa'yo, kaya ngumiti ka na ulit hmm?" Hinawakan n'ya ang baba ko at sinenyasan ako na ngumiti. Ginawa ko naman.
"Natatakot na ako, Faye. Baka pagalitan nila ako kasi ghinost ko sila."
"Gaga mo kasi, kasalanan mo 'yan. Panindigan mo."
Ngumuso ako sabay tawa n'ya sa akin.
"Gustong-gusto mo talaga na inaasar ako 'no?" sambit ko sa kan'ya.
"Hindi naman, slight lang. Sige na, pumunta ka na ro'n. Galingan mo na lang sa pagbibigay ng reasons. Kuhain mo ulit ang tiwala nila. Yakang-yakang mo 'yan."
Niyakap ko s'ya pabalik bago pa man kami tuluyang naghiwalay.
Nang nagsimula akong humakbang, biglang tumunog ang phone na hiniram ko kay Kuya Vincent. Hindi ko pa rin kasi nakukuha ang phone ko sa dito sa bahay nila. Sana matagpuan ko pa 'yon.
"Si Faye?" Binasa ko ang message n'ya.
"Ipag-hi mo na lang ako kay Dion hehe."
Napailing na lang ako at saka itinago pabalik ang phone sa aking bag.
Pipindutin ko na sana ang doorbell nang biglang bumukas ang gate. Si Ate Sab?
Nakataas ang kilay n'yang tumingin sa'kin. Magkakrus ang kan'yang dalawang braso at inilapat ang titig n'ya sa aking paa hangganv ulo. Shuta, nanginginig ang tuhod ko.
"A-ate Sab," bati ko sa kan'ya.
"Why are you here?" seryosong tanong n'ya. Ramdam ko ang biglaang pagtindig ng aking mga balahibo.
"A-ahh... uhmm, kuk-kukunin ko po sana 'yo-yong phone ko. Naiwan ko po kasi," mautal-utal kong dahilan. Hindi ako makatingin sa kan'ya ng diretso.
Matagal n'ya akong tinitigan bago muling nagsalita. "Why you didn't showed for two days?"
Ilang beses akong napalunok. Grabe, nakakahiya talaga.
"Sabrina, stop that. Tinatakot mo si, Vida," saway ni Mr. Camero. "Come inside, Vida."
Tumango-tango naman ako. Sumunod ako sa kan'ya papasok sa loob. Mukhang silang dalawa lang ang tao rito, nafifeel ko talaga. Nandito kaya si Dion the gonggong?
"Maupo ka muna, Vida."
"Y-yes po." Umupo naman ako sa katapat na couch ni Mr. Camero.
"What happened? Bakit hindi ka bumalik dito? May nangyari ba?" Kalmado lang ang boses n'ya kaya naman medyo nabawasan ang kaba sa dibdib ko.
"Sorry po talaga, Sir. May—may nangyari kasi sa'kin."
"Oh? Ano'ng nangyari sa'yo?" Bakas sa mga mata ni Mr. Camero ang pag-aalala.
"Really?" sabat naman ni Ate Sab. Hindi ko agad s'ya napansin, naupo rin pala s'ya sa tabi ko.
"Ahm, hindi naman po actually ano—ahm. Hindi ko po maexplain, e."
"You can do it. Tell me," aniya. Mukhang desidido talaga s'ya na makinig sa sasabihin ko. Kaya naman huminga ako ng malalim bago muling nagsalita.
"Naiinis po ako kay Dion, Sir." Kahit pa labag sa loob ko na sabihin 'yon, ginawa ko pa rin. Kailangan ko maging honest sa kanila, kasi honest rin naman sila sa akin. Kailangan na malaman nila 'yong totoo kong reason para di nila ako mapagbintangang sinungaling. Kasi 'yon naman talaga ang totoo. Hindi ako bumalik kasi ayaw ko ng makita muli si Dion. Inis na inis ako sa kan'ya, palagi n'yang sinisira ang mood ko.
"What??" gulat na tanong ni Mr. Camero. Tumingin s'ya kay Ate Sab kaya tumingin na rin ako sa kan'ya. Kung kanina nakakatakot ang ekspresyon ng mukha n'ya, ngayon para na s'yang natatawa dahil sa sinabi ko. Ano'ng nakakatawa?
"Dad, let's end this. Alam ko na 'yan," nakangising sambit ni Ate Sab bago umalis.
Hindi ko s'ya magets. Para s'yang may topak. Parang may laman ang Ibig n'yang sabihin. Ano naman kaya iniisip n'ya?
"May nangyari ba sa inyo ng anak ko? I mean, nag-away ba kayo?"
Umiling ako. "Hindi ko po alam kung away 'yong nangyari sa'min. Basta ang alam ko, naiinis po ako sa kan'ya—sa presensya n'ya," pag-amin ko. "Pakiramdam ko po, kapag lumalapit s'ya sa'kin, dumarating 'yong kamalasan sa tabi ko."
Kita ko ang pagkagulat ni Mr. Camero sa mga mata n'ya. "Woahh, I never expected that, Vida." Ngumiti s'ya at umiling-iling.
"I understand you, Vida. And I'm so amazed by your honesty. How I wish, sinabi mo 'yan agad, para naman nagawan natin ng solusyon. Sana kahit tumawag ka or text message, kasi nag-alala talaga kami sa'yo. We are not mad at you, we are worried. Sana next time, hindi na gano'n ang mangyari. I hope matutunan mo ng magpaalam ng maayos, okay?"
Nakaramdam ako ng tuwa dahil sa sinabi ni Mr. Camero.
"Salamat po, Sir. "
"Mmm. Sana ikaw na lang muna ang mag-adjust Vida, kasi hindi ko naman pwedeng paalisin dito si Dion sa bahay—"
"Naku, Sir. 'Wag n'yo po gawin 'yan. Kaya ko pong mag-adjust. Itutuloy ko po ang nasimulan kong trabaho, gagawin ko po ang best ko. 'Yon ay kung tatanggapin n'yo po ako ulit."
Payak s'yang tumawa sa akin. "Bakit naman hindi? Of course, tatanggapin kita ulit. Ipangako mo lang na hindi ka na ulit manggoghost." Pareho kaming natawa dahil sa sinabi ni Sir. Nakakatuwa naman, matagal-tagal na rin nong huli akong nakipag-usap sa mga kaedad n'ya. Namiss ko si Papa, ganito rin sana kami ngayon kung hindi n'ya kami iniwan.
Dahil ayaw kong magdrama, inalis ko na lang agad sa isip ko ang tungkol kay Papa. Kailangan ko na ibigay ang best ko para masatisfy ko sila Mr. Camero sa aking mural painting.
Nagpaalam na sa'kin si Mr. Camero dah nay meeting pa daw s'ya na dadaluhan. Iniwan n'ya ako kay Manang Felicita, s'ya na raw ang bahala sa'kin.
"Okay ka na ba dito, Vida? Maglilinis na ako ng banyo," tanong ni Manang nang makarating kami rito sa room ni Dion.
"Hmm, thank you po."
"Uhh Manang!" pagtawag ko sa kan'ya nang balak na sana n'yang umalis. "Na-nasa'n si Dion?"
"'Wag ka mag-alala, wala s'ya rito, naroon s'ya sa kabilang bahay."
Halos mapasigaw ako sa saya. Sa wakas, magiging maganda na ulit ang mood ko. I'm sure matatapos ko talaga ang pagisketch sa buong wall ng kwarto, since maghapon naman akong magtatrabaho. Sabado naman ngayon, wala rin naman kaming assignment at tapos na ang recitation namin sa General Biology, wala na akong aalalahanin.
"Manifesting, maging productive ako today!"
[Dion's Point of View]
"Seriously?!... Kailan pa?... Okay, I'll come home right away." A smile formed in my lips nang malaman ko ang balita sa akin ni Ate Sab.
"But bunso, may bad news rin ako sa'yo..." Doon unti-unting naglaho ang ngiti ko. She told me na dahik raw sa'kin kung bakit hindi bumalik agad si Vida. Because she really hates me.
I heave sigh and sat back at the chair. Kung pupunta ako sa bahay, what if madestruct ko lang s'ya lalo?
"But I want to see her," I mumbled.
Ilang minuto pa akong nagstay sa kinauupuan ko and after that, mas nanaig ang kagustuhan ko na makita si Vida.
"Oh, Dion nandito ka? Akala ko ba bukas ka pa uuwi?" takang tanong ni Manang Felicita pagkabukas n'ya ng gate.
"Ahh may kailangan lang ako asikasuhin, Manang."
"Mm. Nga pala, nandito na si Vida. Hinahanap ka n'ya kanina," aniya. Nakaramdam ako ng tuwa nang sabihin iyon ni Manang. She was searching for me? For real?
After naming mag-usap dumiretso na agad ako sa 3rd floor, sa room ko. Oh God, why do I feel this excitement?
I slowly opened the door and there, I saw Vida. She was busy sketching and mukhang tutok talaga s'ya sa ginagawa n'ya. Gusto ko sana s'yang tawagin or kumatok para malaman n'ya na nandito ako, but I didn't make it. Masaya na ako na makita ulit s'ya. Ayaw ko na madestruct ko s'ya. Siguro for the meantime, ganito na lang muna ang gagawin ko. I need to hid myself from her.
I was about to go, pero bigla kong naalala ang tungkol sa phone n'ya naiwan sa loob. Inilagay ko s'ya sa maliit na kahon no'ng isang araw, baka hindi n'ya makita.
Makikisuyo na lang ako kay Manang Felicita na ibigay sa kan'ya.
"Pero nandito ka na rin naman diba? Ikaw na lang ang magbigay," pakikipagtalo ng isip ko.
Kaya naman, dahan-dahan akong lumapit sa isang sulok kung saan ko nilagay ang kahon na kinaroroonan ng phone ni Vida. Kailangan kong mag-ingat para hindi n'ya ako makita.
Nag-ingat ako sa paglapit hanggang sa makarating ako sa kinalalagyan ng kahon. I took the phone out of the box at ipinatong ito sa ibabaw ng box. Mas madali n'ya ito ngayong mapapansin since nakalabas na ito.
I almost succeeded, nang bigla akong matapilok dahil sa naapakan kong stick na nakabalandra sa sahig.
"Shit, lagot na!"
Kumaripas ako ng takbo palabas ng pintuan at agad na nagtago sa kabilang kwarto. Oh God, she probably saw me.
Napasabunot na lang ako sa buhok ko habang sumisilip sa pintuan.
"So fvcking stupid, Dion!"