Chapter 12-Hates A Lot Pt.4

[Vida's Point of View]

Paulit-ulit akong nagdasal, umaasa na sana umalis na ang naligaw na kaluluwa na pumasok rito kanina. Hindi ako mapakali, nanininindig ang mga balahibo ko.

"Sasabihin ko ba 'to kay Mr. Camero?" Gosh, no! Baka isipin nila na nasisiraan na ako ng bait!

"Pero totoo naman e. May multo talaga dito."

Halos maiyak na ako kanina sa takot nang makita ng dalawang mata ko mismo ang pag-alis nong multo. Kulay puti ang damit n'ya pati pants pero 'yong kulay ng balat parang sa tao pa rin. Akala ko dati pag multo na kasing-kulay na ng puti ang balat.

Ilang beses kong dinial ang number ni Faye since sya lang naman ang pwede kong matawagan. Si lola kasi sira na ang phone at si Kuya Vincent naman, na sa akin ang phone n'ya wala akong matatawagan. No choice kailangan ko 'tong harapin ng mag-isa.

Huminga ako ng malalim sabay kinuha ang walis at dustpan na nasa isang sulok. Ito na lamang muna ang gagamitin kong pananggala sa multo na 'yon, kung sakali man na umatake s'ya sa'kin.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pinto at sumilip sa pasilyo.

"Kung nasa'n ka mang multo ka, magpakita ka na sa'kin. Hindi ako natatakot sa'yo!"

Nagpalinga-linga ako sa buo kong paligid. Nakatayo pa rin ang mga balahibo ko dahil sa kilabot. Mabuti na lang talaga umaga ngayon at nakabuhay ang mga ilaw, kung hindi, baka nahimatay na ako sa takot.

Lumampas na ako sa kasunod na room ni Dion pero hindi ko pa rin nakikita ang nagpapagala-galang kaluluwa. Medyo nabawasan ang takot ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. Sana nga magtuloy-tuloy na para naman maipagmalaki ko kay Faye na hindi na ako takot sa multo. Pero ilang sandali lang ay muling nangatog ang tuhod ko nang may maramdaman akong naglalakad sa likuran ko. Dahan-dahan akong humarap pero wala naman akong nakita. Doon, nagdasal ulit ako.

Lord, patawarin mo 'ko sa mga kasalanan ko. Ayaw kong mamatay sa ganitong way.

Nagpatuloy ako sa paglalakad pero nakarinig ulit ako ng mga yapak. Takot man, nilakasan ko pa rin ang loob ko. Sa pangatlong pagkakataon, mabilis akong humarap sa aking likuran upang mahuli ang multo. At hindi ako nabigo nakita ko s'ya na nakabalot sa puting kumot. Wala akong inaksayang sandali kayat agad kong pinagpapalo ng walis at dustpan ang likod n'ya.

Infairness, natatamaan rin pala ang mga kaluluwa. Akala ko pa naman, tatagos lang sa katawan nila.

"Ikaw na kaluluwa ka! Bumalik ka na sa pinanggalingan mo! Lubayan mo ako!" Walang tigil ko s'yang pinagpapalo hanggang sa narinig kong nagsisigaw na ito.

"Stop! Vida, Stop!"

Napamulagat ako. Hindi ko namalayan na nalaglag na pala ang walis at dustpan na hawak-hawak ko palang kanina. What the f???

"Dion?!" Lumapit ako sa kan'ya at tinulungan na matanggal ang kumot. "Dion?—Okay ka lang??" Hindi ako makapaniwala sa nasaksihan ko. Akala ko talaga multo na!

"Ouch!" pag-aray n'ya nang sinubukan n'yang tumayo.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nagpapanic na ako. What if nasugatan s'ya? Ako ang malalagot nito sa family n'ya. Lord, help me.

"D-dion, nagkamali ako. A-akala ko multo ka," nanginginig kong sabi sa kan'ya.

"I'm okay, don't worry—Ouch!!" hinawakan n'ya ang kanyang bandang likuran kung saan ko napuruhan ng palo ng walis.

"Hindi ko sinasadya, maniwala ka."

"I know, I know."

"Dion? Vida?" Lumingon ako, papalapit sa amin si Mrs. Camero at Ate Sab. Shuta, lagot na!

"Mom?"

"Dion? What happened?" pag-aalang tanong ni Mrs. Camero.

Agad naman akong lumayo kay Dion. Di ko alam ang gagawin o sasabihin. Natatakot ako baka magalit sila sa'kin.

"Mom, I was just—we we're just playing."

Nagulat ako sa sinabi n'ya. Ano'ng naglalaro lang? Baliw ba s'ya?

"What? Like seriously?!" tanong naman ni Ate Sab. Simula kanina pa gan'yan na talaga ang tingin n'ya sa'kin. Napakasungit.

"Yes, Ate Sab. A-actually, may napanood akong challenge—k-kaya I invited Vida na samahan ako."

Ano ba pinagsasabi ng gonggong na'to?

"Challenge? Sa tiktok?" takang tanong ni Tita. Tumango naman si Dion at pilit na ngumiti.

"Really? Kelan pa kayo nagkaayos ni, Vida?" Makahulugan s'yang tumingin ulit sa akin.

"Kanina lang."

Ano?? Kelan pa kami naging okay?

"Dion, get up. Mayroon tayong pag-uusapan ng kapatid mo." Tumayo naman si Dion kahit bakas sa kan'yang mukha ang kaunting kirot sa kan'yang pagkilos. Nauna sila Ate Sab at Mrs. Camero, saka sumunod si Dion.

"I won't tell them," iyan ang sinabi n'ya nang makaharap ako. Hindi naman ako sumagot. I don't know kung ano ang mapifeel ko sa nangyari.

Bakit pa s'ya nagsinungaling, kung pwede naman sabihin ang totoo? Hindi ko naman pati 'yon sinasadya. Nag-expect ako na wala s'ya rito kasi 'yon ang sinabi ni Manang Felicita sa'kin.

"Wala akong kasalanan," pangungumbinsi ko sa sarili ko.

Bumalik ako sa room ni Dion at ipinagpatuloy ang pagisketch kahit pa medyo 'di ako makapagfocus.

Nang dumating ang lunchbreak, inanyayahan na ako ni Manang na sumabay sa kan'ya sa pagkain since kami lang daw ang nandito.

"Uhh, pwede po magtanong?" tanong ko kay Manang Felicita na naghihimay ng hipon.

"Mmm. Oo naman. Ano 'yon?"

"Nasa'n po ba sila? Ang pamilya Camero?"

"Naroon sila sa kabilang bahay. May dumating yata na kamag-anak. Pero hindi ako sigurado."

"Ahhh."

"Hmmo. Gusto mo?" pag-abot n'ya sa'kin ng binalatan n'yang hipon. Umiling naman ako bago sumubo ng kanin.

"Allergy ka ba?" tanong ulit sa'kin ni Manang.

"Hindi naman. Ayaw ko lang talaga kumain."

"Bakit naman? Masarap kaya 'to."

Ngumiti lang ako at hindi na umimik pa. Masarap naman talaga ang hipon. In fact, favorite ko 'yan dati. 'Yon nga lang hindi ko maiwasan na maalala ang tao na may kaugnayan sa pagkain na 'yan. I get deja vu kapag nakakakita ako ng hipon.

After naming kumain bumalik na ulit ako sa trabaho ko. Hindi ko alam pero parang bigla akong nawalan ng gana. Erase lang ako ng erase sa bawat guhit ko. Kapag ganito talaga na wala na ako sa mood, wala akong natatapos. Ba't naman kasi ngayon pa umatake? Pa'no kasi si Dion the gonggong na naman ang umuukopa ng isip ko. Hindi mawala sa utak ko ang nangyari kanina. Grabe talaga, hinding-hindi ko 'yon malilimutan. Isasama ko 'yon sa diary ko.

Mabilis na lumipas ang oras. Nang sumapit ang alas-singko ng hapon, nagpaalam na ako kay Manang since wala na talaga ako sa mood para ipagpatuloy ang ginagawa ko. Baka pumangit lang ang nasimulan kong inisketch kapag pinilit ko pa ang aking sarili.

"Faye, pumunta ka na dito. Sunduin mo na ako," iyan ang chat ko sa kan'ya nang tuluyan akong lumabas ng bahay nila Mr. Camero.

"Ay nga pala, 'yong phone ko?" Dali-dali akong bumalik sa loob at tinawag muli si Manang. Mabuti sinamahan n'ya ako roon sa pinagpipinturahan ko na room ni Dion. Tinulungan n'ya rin ako maghanap, at good thing, mabilis ko namang nakita sa isang sulok. Maayos itong nakapatong sa maliit na white box.

"Woah? Full charge?"

"Baka chinarge ni Dion." Kumunot naman ang noo ko at hinarap si Manang.

"Si Dion ang nakapulot ng phone ko?"

"Siguro. Wala namang iba kasi s'ya lang naman ang pumapasok rito," aniya.

Nanlaki naman ang mata ko at dali-daling inopen ang aking mga files at gallery. Shuta, baka pinakialaman n'ya 'to habang wala ako. Madali pa naman makuha ang password kasi one to ten lang 'yon. Arghh!

"Palagi mo na lang talaga ako iniinis!"

Gulat naman akong tinitigan ni Manang. Hindi ko namalayan na napasigaw na pala ako dahil sa pagkaasar ko sa gonggong na 'yon.

"Sige, Manang. Uuwi na 'ko." Hinatid n'ya ako palabas ng gate kaya nagpaalam ulit ako sa kan'ya.

"Mag-iingat ka."

"Mm. Ikaw rin." Sinuklian n'ya ako ng ngiti.

Maya-maya lang din ay dumating na si Faye para sunduin ako. Mabilis kaming nakarating sa apartment dahil na rin sa bilis ng patakbo ng babaysot na 'yon. Hindi na s'ya nagtagal pa pagkahatid sa'kin kasi may pupuntahan raw sila ni Tita Karla. Actually, 'di rin n'ya ako gaanong inimikan kanina sa byahe hanggang pagdating namin. Medyo nagworry lang ako kasi baka may tampo pa rin s'ya. Pero wala naman siguro, sinabi na n'ya sa'kin kanina na okay na kami. Di na dapat ako magoverthink pa.

"Vida, pwede pa ba kita utusan?" anang Lola Clarita. May dala s'yang bag, siguro damit ang laman no'n.

"Oo naman, La. Ano ba 'yon?"

"Ihatid mo muna itong damit na pinatahi sa'kin ni Anesia sa'kin kahapon. Nakalimutan ko kasing idaan, baka kailanganin na n'ya bukas ng umaga."

"Sure, La. Tapusin ko lang muna 'tong hinuhugasan ko."

After kong maghugas ng plato, nagpalit lang ako ng damit tapos umalis na rin para ihatid ang pinapadala sa'kin ni Lola. Actually, gusto ko na talaga magpahinga kasi napagod ako physically at mentally. Pero wala akong magagawa, kaya binilisan ko na lang ang kilos ko.

Naabutan ko si Lola Anesia na nasa labas ng bakuran n'ya kaya di na ako nahirapan pa s'yang tawagin. Medyo. mahina na kasi ang kan'yang pandinig tapos lagi pa s'yang walang kasama sa bahay niya maliban sa mga aso at pusa. Elementary pa lang ata kaibigan na s'ya ni Lola, nakakatuwa ang friendship nila sana umabot din kami sa gan'yang sitwasyon ni Faye.

Pauwi na ako, kayat doon ako nagstay sa isang kanto malapit lang sa poste ng ilaw para mag-abang ng masasakyan. May isang puting kotse na tumigil sa tapat ko kaya naman bigla akong kinabahan.

Lumabas ang driver at doon ko napagtanto na si Dion pala.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" takang tanong ko.

"V-Vida, can we talk?"

"Ano? Talk na ano? Nag-uusap na tayo, diba?"

"Vida, listen. This is important, pagbigyan mo sana ako," paliwanag niya.

"Umalis ka na, Dion. Ayoko kitang kausapin. Kailangan ko na ring umuwi, hinahanap na ako ni Lola," sabi ko at nagsimulang maglakad.

"Ihahatid kita pauwi!"

"Ano? Baliw ka ba?" Magkasalubong na ang kilay ko dahil sa inis. Gumagabi na, kailangan ko na s'yang iwan, baka sundan na naman ako ng kamalasan nito.

"Vida, I really wanted to talk to you. Sandali lang naman. Kung nagwoworry ka sa pag-uwi mo, then ihahatid na lang kita. Wala naman akong gagawing masama sa'yo... promise."

Pa'no kung about to sa trabaho ko?

"Okay, okay fine! Sabihin mo na ang gusto mong sabihin."

"Dito?"

"At saan pala, aber? Sa kotse mo?"

"Ah, yeah. If that's what you want," saad niya. "About 'to kanina, Vida. Ate Sab knew it kasi finorced n'ya ako na sabihin sa kan'ya kung ako ba talaga ang nangyari. Hindi kasi s'ya naniniwala na okay na tayo. Isa pa... she saw my bruise malapit sa balikat ko."

Nagulat ako sa sinabi n'ya. "P-pasa? Pumasa ang palo ko?" Gags, lagot talaga ako nito sa Mommy at Daddy n'ya. Baka mawalan ako ng trabaho at pagbayarin pa ako.

"Yeah. Pero don't worry about it, hindi naman gaano kalala. Ang inaalala ko lang dito is, si Ate. Kilala ko si Ate Sab, marami s'yang kayang gawin. Kaya I am begging you na nasa 'wag ka na muna bumalik sa bahay."

"Ano'ng sinasabi mo na 'wag ako bumalik? Masisira ang reputasyon ko sa Daddy mo, hindi pwede 'yon. Nakapagbitaw na ako ng salita sa kan'ya," paliwanag ko.

"I know. Pero mabait naman si Dad, ako na ang bahalang magreason sa kaniya—"

"Teka, Dion. Hindi yata tayo nagkakaintindihan dito, e. Ano ba talaga gusto mo sabihin?"

"Ate Sab is mad at you, Vida."

"Ano?" napahilamos ako ng mukha dahil sa inamin ni Dion. Dapat ba talaga akong magulat? E mula pa lang naman nang magkita kami, mukha na s'yang galit sa'kin.

"I'm serious. She wants to tell it to Mom and Dad pero pinigilan ko s'ya. Mabuti na lang pumayag si Ate pero meron s'yang kondisyon...'wag ka na daw munang bumalik sa bahay."

Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kan'ya. Ilang segundo bago ako nakaresponde. "Sorry, pero ang Daddy mo ang kliyente ko dito. Wala kayong kinalaman sa pagpipaint ko kasi si Mr. Camero ang kausap ko. Kung meron mang tao na magsasabi sa'kin na huminto na ako, s'ya lang. Kung inaalala mo ang magagawa sa'kin ni Ate Sab dahil sa nangyari sa'yo, pwes ibang usapan na 'yon. Alam kong may kasalanan ako, at handa naman akong managot. Ayos lang sa'kin na malaman ng parents mo kasi wala naman akong ibalik itago 'yong nagawa ko. I can explain, alam ko sa sarili ko na hindi ko 'yon sinasadya. Kaya ko silang harapin," mahabang paliwanag ko.

Nakita ko kung paano s'ya huminga ng malalim. Umiwas ako ng tingin at pinagkrus ang braso. "Alam mo rin sa sarili mo na may kasalanan ka kasi basta ka na lang sumulpot doon sa kwarto. Kahit sino naman, gano'n rin ang gagawin sa ginawa ko," dagdag ko pa. Nanatili s'yang walang imik.

"I understand. Aware din ako sa mali ko, 'wag kang mag-alala."

"Mabuti naman," sabi ko saka tumalikod.

"Ihahatid na kita." Napatigil ako sa paglalakad. Tiningnan ko ang wallet ko at saka napapikit. Wala pala akong choice, kulang na pala ang pamasahe ko.

"Sige. Pero hindi Ibig-sabihin nito na okay na tayo. We're still strangers."