Chapter 10-Hates A Lot Pt.2

[Vida's Point of View]

"Kamusta naman kagabi?" tanong ni Lola habang nagsasandok ng kanin.

Hikab lang ang tanging naging sagot ko sa kan'ya. Inaantok pa rin ako at wala pa talaga ako sa wisyo. Pakiramdam ko walang pumapasok sa isip ko, wala akong magets. Hindi nagpafunction ang aking utak.

"Vida, tinatanong kita."

"Medyo okay naman, Lola." Napatigil s'ya sa ginagawa n'ya at takang tumingin sa akin.

"Bakit medyo lang? Pangit ba pagtrato nila sa'yo?"

"Hindi naman sa gano'n, La. Ang babait nga nila e," sabi ko.

"O? Mabait naman pala, anong problema?"

"Si Dion the gonggong." Mahina lang pagkakasabi ko kaya hindi masyado naintindihan ni Lola Clarita.

"Ano 'yon? Ano'ng sinabi mo, Vida?" mausisa niyang tanong. Pero umiling-iling lang ako sa kan'ya at nagkibit-balikat. Ayaw ko talaga s'yang pag-usapan. Kung pwede lang sana s'yang burahin dito sa mundo para mabura na rin s'ya sa isip ko, ginawa ko na.

"La, pwede bang 'wag na muna ako pumasok ngayon? Antok na antok pa 'ko," sabay subsob ko sa lamesa.

"Pst! 'Wag kang bastos ha. Nasa harap ka ng hapag-kainan, bumangon ka d'yan."

"Laaaaaa," muli akong humikab.

"Umayos kang bata ka. Siguradin mo lang na pasado ka ngayong taon, madalas na pag-inabsent mo."

"Wala ka bang tiwala sa'kin, Lola Clarita? Papasa ako maniwala ka," paninigurado ko sa kan'ya.

"Siguraduhin mo lang talaga. Hala, bilisan mo na d'yan baka malate ka pa."

Wala akong magawa kundi ang tumango-tango sa kan'ya. Gustuhin ko man na umabsent na lang muna para makapagpahinga kaso hindi ako oobra kay Lola. Napuyat ako kagabi dahil sa sama ng loob. At hanggang ngayon, hindi ko pa rin mafigure-out kung ano ba talaga ang ikinagalit ko ng husto. Kung about ba don sa ginawa sa'kin ni Dion, sa pakikipag-kaibigan ni Faye sa kan'ya o dahil sa naiwanan ko ang phone ko sa bahay nila. At lahat nang 'yan dahil sa kamalasang dulot ni Dion the gonggong.

Isa ka ring gonggong, Vida. Wala kang dapat pagpilian kasi kagalit-galit lahat 'yon.

Akala ko pa naman lumalapit na ulit ang swerte sa buhay ko, hindi pa pala. Hangga't nakikita ko s'ya, hangga't nasa paligid ko s'ya hindi talaga ako tatantanan ng kamalasan. Nagdalawang-isip na tuloy ako kung itutuloy ko pa ang mural painting sa bahay nila.

...

Nang makarating ako sa school, patapos na ang flag ceremony kaya nasita ako ng guard. Pinapulot kaming mga late ng basura at isa-isang pinarecite ng mission at vision.

Argh, wala pang tanghali pero pagud na pagod na ako.

"Class, we'll be having a recitation for tomorrow. Ang coverage ng topic natin ay Lesson 1 and 2— Genetic engineering process and recombinant DNA. Inaasahan ko na makakasagot kayong lahat, kaya 'wag kalilimutang magreview ha?" ani Ms. Samantha. Sumang-ayon naman ang mga kaklase ko maliban sa'kin.

"Lalo na ikaw Resores. Bumawi ka na lang sa recitation since palagi ka namang tulog sa klase ko. Ewan ko na lang sa'yong bata ka, magfocus ka sa pag-aaral mo hindi sa artworks," pangaral niya sa'kin.

"Yes, Ma'am."

Maya-maya ay nagpaalam na rin s'yang umalis at sakto naman na tumunog na ang siren hudyat ng lunchbreak.

"Haaaaay," muling paghikab ko sa ikailang pagkakataon. Gusto ko talaga matulog, pero saan?

"Vida!!" si Faye nang lumabas s'ya sa kanilang room. Sabi n'ya sa'kin kagabi sunduin ko na lang daw s'ya kapag lunchbreak na kaya ayon, pagkatapos ng klase namin dito na ako dumiretso. "Sa'n mo gusto kumain dear? Libre kita."

Nakakunot ang noo kong tumingin sa kan'ya. "Ano'ng meron?"

"Wala naman. Happy lang hehe. Don't worry dear hindi mo 'ko kelangang bayaran pag nakuha mo na sweldo mo," aniya sabay kindat.

"A? Talaga? Ba't ka naman happy?"

"Secret hahaha."

"Tss. Whatever. Inaantok ako," at saka ko pinikit ang aking mga mata sandali.

"Halika na, Vida. Baka dumating pa sila Ken at George, hindi na tayo makakapaglunch n'yan," banta pa n'ya.

Tinaasan ko naman sya ng kilay, kinukwestyon ang sinabi nito

"So, sinasabi mo na 'pag dumating 'yong dalawang manliligaw mo, hindi mo na ako sasamahan gano'n?"

"Woy, luh. Jojoke lang ako, dear. Eto naman!"

Tumayo na ako at iniwan s'ya. Lakad-takbo naman akong hinabol nito. "Sa Friends Dinner na lang? G ka?"

"Kahit saan na lang, Faye. Basta 'yong pwede ko matulugan."

"Pa'no tayo makakakain n'yan kung tutulugan mo pala ako?" nakasimangot nitong tanong.

"Bahala na. Basta makapagpahinga ako, kanina pa ako antok na antok. Baka anytime makatulog na lang ako dito sa daan."

"Hahaha okay, okay. Ako na bahala sa'yo. Let's go," aniya sabay isinukbit ang braso nito sa aking balikat.

[Faye's Point of View]

"Akala ko ba sa Friends Dinner mo ako dadalhin? Ba't andito tayo sa bahay n'yo?" nakasimangot na tanong ni Vida.

"Akala ko rin nga. Kaso naalala ko wala na nga pala akong money hahaha," tinawanan ko lang s'ya kaya nagtuloy-tuloy ito ng pasok sa loob ng bahay namin. Basta n'yang ibinagsak ang bag sa lamesa sabay higa sa sofa.

"Atleast diba, makakatulog ka talaga dito," sabi ko kay Vida na ngayon ay nakapikit na ang mga mata. Puyat na puyat talaga ang bruha.

"Faye! Sino kausap mo?" ani Mama nang lumabas mula sa kusina.

"Ma! Si Vida andito," pagturo ko sa aking kaibigan na mukhang nakatulog na agad.

"Tulog??" gulat na tanong ni mama.

Tumango-tango naman ako sa kan'ya. Nasurprise ako dahil sa sunod na ginawa n'ya. Pinalo n'ya ang pwet ni Vida gamit ang hawak nitong sandok.

"Faye! Shuta—"

"Bumangon ka d'yan, Vida. Kararating nyo lang humiga ka agad?" paninermon nito. Nakangisi naman akong pinanood sila.

"Titaaaa, inaantok na'ko pleasee." Kawawang Vida.

"Bangon na d'yan. Kumain ka muna, sakto nagluto ako ng tinola maganda 'yon sa hang-over." Pagkasabi ni mama niyon, ay tumawa ako ng malakas dahilan para bumangon si Vida. Hindi naman kasi umiinom 'tong best friend ko dahil sa sobrang kaistriktahan ni Lola Clarita.

Tumayo si Vida at hinabol ako ng napakabaho n'yang hinubad na medyas.

"Vidaaa! Stop na!! Hahaha!" pagsaway ko sa kan'ya dahil mukhang hindi n'ya talaga ako tatantanan.

"Hoy, hoy kayo d'yan! Parito na kayo sa lamesa, habang mainit pa ang sabaw," anyaya ni Mama.

"Vida, tama na! Kakain na tayo o!" at sa wakas, tumigil naman s'ya. Minsan talaga ang bilis n'ya mapikon, kaya mas nakakatuwa s'ya lokohin.

"Vida, ano ba iyong kinukwento sa akin ni Faye na nagtatrabaho ka raw kay Mr. Camero?" tanong ni Mama sa kaibigan ko na tamad na tamad sa pagsandok ng kanin.

"Ho? Ahh, nagpipaint po ako sa dingding nila."

"Talaga? Ikaw lang mag-isa?" hindi makapaniwalang tanong ni mama.

"Oo, Tita. Bakit?"

"Ang astig mo naman, ikaw lang mag-isa nagpipintura. Ibig-sabihin n'yan malaki ang sahod mo?" tanong ulit ni mama sabay subo. Palipat-lipat lang ako ng tingin sa kanilang dalawa. Mukhang hindi yata nagigets ni mama 'yong mural painting.

"Ma, mural painting ang ginagawa ni Vida. Hindi katulad sa iniisip mo na nagpipintura ng buong bahay," sabat ko.

"Ano bang pinagkaiba no'n, e iisa lang naman 'yon."

"Ma, magkaiba 'yon."

"Psshh, tumahan ka na d'yan. Mamaya ka na magpaliwanag sa akin pagkatapos natin kumain. Tingnan mo, punong-puno pa 'yang bibig mo o," pagsaway n'ya sa akin kaya nakinig naman ako.

After namin kumain, pinapunta na ni Mama si Vida sa kwarto ko para daw makatulog na kasi kanina pa s'ya pumipikit. Ako naman, naghugas muna ng plato bago pumunta kay Vida, para icheck kung ayos ba s'ya.

Naabutan ko s'ya na nakadapa sa kama ko habang suot pa ang kan'yang uniform. Agad ko s'yang itinihaya para mapalitan s'ya ng damit. Ayaw na ayaw ko talaga na mangamoy ang kama ko, kaya tuwing uuwi ako galing school sinisigurado ko na nakapagpalit muna ako ng damit bago humilata sa higaan. 'Yong pawis kasi sa uniform baka dumikit sa bedsheet, at 'yon ang pinakaayaw kong amoy.

"Hmm? Faye?—Ano'ng ginagawa mo sa'kin, ha?!" natatarantang bumangon si Vida at hinablot sa akin ang hinubad kong uniform n'ya. "Pinagnanasaan mo ba ako?!"

Natatawa akong tumingin sa kan'ya kaya agad na nangunot ang kan'yang noo. "Ano'ng tinatawa mo d'yan?" aniya.

"Oa mo naman, dear. Binibihisan lang kita kasi hindi ka nagpalit ng uniform mo, baka dumikit ang amoy sa bedsheet ko," paliwanag ko pero 'di s'ya nakasagot. "'Wag kang mag-alala, matagal ko na kayang nakita 'yang ano mo."

"Bastos ka!"

Hindi ko mapigilang tumawa ng malakas kaya inis na inis s'yang tumingin sa akin. Nang mahimasmasan kaming dalawa saka s'ya nagpalit ng damit na binigay ko pamalit n'ya.

"Hindi ka na ba papasok mamaya?"

Umiling-iling s'ya.

"How about kila Sir Camero, pupunta ka?"

"Bakit ka ba nagtatanong ng gan'yan?"

"Ha? Ano'ng gan'yan?"

"Hindi na ako babalik do'n," saad n'ya sabay talikod sa akin. Nasurpresa ako sa sinabi n'ya. Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kagabi. Posible kayang may kinalaman ito kay Dion? Kasi nong naabutan ko s'ya roon sa kanto, badtrip na si Vida e. What if nag-away sila?

"Nag-away ba kayo ni Dion?"

Mabilis s'yang bumangon at binigyan ako ng nangungwestyon na tingin.

"Jusko naman, Faye. Ba't mo binigkas 'yong pangalan na 'yon? Paano kung malasin ulit tayo?"

"Ano'ng malas sa pangalan na 'Dion'?"

"Arghhh! Lumayo ka sa'kin, Faye! Lumayo ka sa'kin. 'Wag na 'wag mo mabanggit ulit ang pangalan na 'yon!" Bumaba s'ya sa kama ko para itulak ako palabas ng mukha. Ang kapal din ng mukha nitong bestfriend ko e no? Nanaginip yata na narito s'ya sa bahay n'ya.

Isinara ko ang pintuan pero patuloy ako sa pagbigkas ng pangalan ni Dion. Inis na inis sa Vida at pinagbabato ang unan ko.

Para sa kan'ya malas si 'Dion' pero para sa'kin s'ya swerte na biglang bumalik sa buhay ko. Araw-araw kong gugustuhin na marinig at bigkasin ang pangalan n'ya.