Kabanata 8
Abala ang lahat habang ginagamot si Xiara sa emergency room. Hindi masabi ng mga doktor kung anong eksaktong nangyayari sa kaniya. Basta na lang itong naduduwal at sumusuka ng dugo. Kinakabahan na ang ilan sa kanila dahil hindi ito magandang senyales na maganda ang kondisyon ng dalaga.
"Is it necessary to perform an immediate surgery on her stomach in order to examine if any of her internal organs are bleeding? This is a serious situation. We can't put her in great pain. Her blood count will drop, and she could die if this continues," nababahalang sabi ng doktor na kasama ng tatay ni Leo.
Anim silang nasa loob kasama ang apat na nurse na kasalukuyang umaalalay kay Xiara. Hirap na hirap na ang dalaga pero hindi pa rin nila ang kung anong dapat na eksaktong gawin. Hindi sila maaaring magdesisyon nang basta dahil seryoso ang sitwasyon ng dalaga.
"She was in good health a long time ago. Is there anyone else who knows what happened to her, or does anyone else know? She's having a hard time breathing on her own. If this is a case of hemoptysis, I don't think it will work out. This looks life-threatening to her. This is bad. Get ready. In this case, we are going to do endovascular embolization.," mariing giit ng direktor.
Sinimulan na nila ang pagbibigay ng lunas sa kasalukuyang kondisyon ni Xiara Samantala, hindi maiwasan ni Leo na makaramdam nang matinding kaba. Wala siyang ano mang ideya na ito pala ang pinagdaraanan ng dalaga kaya hindi kaagad nakarating sa usapan nila. Gusto niyang pumasok sa loob para tumulong pero alam niyang wala siyang magagawa.
"Ano ba talagang nangyari sa kaniya? Malakas pa siya kahapon. Alam at nakita ko 'yon dahil kami ang magkasama buong araw. Wala siyang ipinakita na may nararamdaman siyang ganito. B-Bakit siya nagkakaganiyan ngayon?" kinakabahan na tanong ni Leo sa nurse na katabi niya.
Nagpatuloy ang paggamot kay Xiara at tumagal ito ng halos isang oras. Inilipat na rin siya sa isang kuwarto para makapagpahinga nang maayos. Nanatili rin nakaupo si Leo sa tabi ng kama ng dalaga habang tinitingnan niya ito. Hindi niya maiwasang makaramdam ng pagkaawa para rito.
"Saka mo na ibalik sa akin ang kuwintas ko kapag magaling ka na. Hindi kita pipiliting makapag-date nang ganiyan ang lagay mo," bulalas ni Leo habang pinagmamasdan ang maamong mukha ni Xiara.
Akmang tatayo na siya para umalis nang hawakan ni Xiara ang kaliwang braso niya. Nagulat siya rito dahil ang buong akala niya ay natutulog ang dalaga pero nagkamali siya. Tahimik siya nitong tinitingnan na siya naman ipinagtataka ni Leo.
"G-Gising ka na pala. Is there anything else I can do for you?" nagtatakang tanong niya sa dalaga.
Dahan-dahang ipinasok ni Xiara ang kanang kamay niya sa kaniyang bag. Kinapa na ang kuwintas para ibigay kay Leo. Nang makuha niya ito ay muli niyang binalingan ng tingin ang binata.
"Take this, please. It's the only reason why are you here. I don't want you to feel sorry for me. Umalis ka na. Hindi na tayo muling magkikita pa," mahinang sabi ni Xiara bago ilagay ang kuwintas sa palad ni Leo.
Naguguluhan naman siyang tinignan ni Leo. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang nagkaganito si Xiara. Dahil sa ginagawa ng dalaga, mas lalong nakakaramdam ng awa si Leo. Pakiramdam niya ay may malaking pinagdaraanan ang babaeng kaharap ngayon.
"Ano ba, bakit ayaw mo pang kunin? Don't tell me na kinaaawaan mo ang sitwasyon ko ngayon? I am perfectly fine. You don't need to look at me like that. I'm not gonna die, so leave now," mariing giit ni Xiara.
Kaagad namang kinuha ni Leo ang kuwintas na siyang ikinatuwa ng dalaga. Binitawan na rin nito ang kamay ni Xiara pero sa halip na tumalikod at umalis, mabilis na kinuha ni Leo ang bangko. Prente siyang umupo sa tabi ni Xiara na ngayon ay nagtataka sa kaniya.
"Isa, Leo. I don't understand what you're doing. Please don't bother me anymore. I've already given you what you asked for. Hawak mo na ang necklace kaya umalis ka na. Ano pang hinihintay mo?" nagpipigil ng inis na sabi ni Xiara.
Kanina niya pa gustong tumayo mula sa pagkakahiga sa kama para ipagtabuyan palabas ng kuwarto si Leo pero masyado pang mahina ang katawan niya. Marami ang nawala na dugo sa kaniya kanina pero mabuti na lang at may nakaimbak na dugo sa ospital na kapareho ng kay Xiara kaya agad siyang nasalinan.
"Ganiyan ba talaga ang tingin mo sa akin? We have a deal. May kasunduan tayo na pagkatapos ng dalawang date, saka mo lang ibabalik sa akin ang kuwintas. I'm not as desperate as you think I am," determinadong sabi ni Leo bago ibalik ang kuwintas na hawak sa palad ni Xiara.
Bahagyang napaawang ang bibig ng dalawa dahil sa sinabi niya. Hindi nito inaasahan na iyon ang iisipin ni Leo dahil ang gusto lang naman niyang mangyari ay umalis na ito at iwanan siya. Wala siyang balak na hamakin pa ito dahil kahit ang sitwasyon niya ngayon ay nakakaawa na.
"Could you please step away for a sec? Pakiusap lang, Leo. I don't want to hear any of your thoughts or principles in life. Gusto ko lang magpahinga. Saka na tayo mag-usap kapag maayos na ang pakiramdam ko," pananapos ni Xiara sa usapan.
Muli siyang tinitigan ng binata bago sumuko at ipatong sa lamesa ang kuwintas na hawak niya. Nakikita niyang naiinis si Xiara nang dahil sa ginagawa niya pero hindi na niya ito pinansin pa. Alam niyang ayaw na nitong makipagtalo pa kaya aalis na siya para makapagpahinga ito.
"Iiwan ko ito rito. Magpahinga kang mabuti dahil may date pa tayo paglabas mo rito sa ospital. You have my phone number, so if you'd like to set up a date, just give me a call or text. Sana maging maayos ang pakiramdam mo, Xiara," mahinang sabi ni Leo bago tuluyang lumabas at iwanan si Xiara.
Hindi alam ni Xiara kung anong nangyayari sa kaniya ngayon. Pakiramdam niya ay ang dali niyang magalit kahit na hindi naman ganito ang ugali niya. Simpleng pagtingin lang sa kaniya ni Leo kanina pero naiinis na kaagad siya rito.
"Gosh! What's going on with you, Xiara? Bakit ba sobrang naiirita ka ngayon? Ano naman kung nakikipagmatigasan sa iyo si Leo? Nakakahiya ka! Nagmukha pang desperado ang tao dahil sa mga ginawa mo," naiinis niyang sabi sa sarili.
Nagsimula siyang sabunutan ang sarili dahil sa nararamdamang kahihiyan ngayon pero ilang segundo lang ang lumipas at kaagad siyang napaayos nang upo. May pumasok na nurse sa loob ng kuwarto niya at kasama nito ang tatay ni Leo. Nag-aalala siya nitong tiningnan kaya halos hilingin na ni Xiara ngayon na lamunin siya ng lupa.
"What's going on? May nararamdaman ka bang masakit sa iyo? Is there anything I can do for you? Do you need some help? Sandali, magpapatawag ako ng mga doctor para tingnan kung may internal bleeding sa loob ng katawan mo ngayon," magkakasunod na tanong nito habang nag-aalalang tinitingnan ang kalagayan ni Xiara.
Mabilis namang umiling si Xiara nang sa gayon ay hindi na mag-alala pa ang direktor. Hindi niya alam na aabot sa ganito ang nararamdaman niyang inis kanina. May naaabala pa siyang tao na kung tutuusin ay dapat na may importanteng ginagawa sa mga oras na iyon.
"N-No, I am fine. There is nothing to worry about. Medyo naiinis lang po ako kaya nakita niyo akong sinasabunutan ang sarili. But don't worry, I don't feel anything wrong with my body. P'wede na kayong umalis dahil sigurado akong marami pa kayong gagawin. Kaya ko na po ang sarili ko," pagpapaliwanag ni Xiara.
Sobra na siyang nahihiya ngayon at hindi makatingin nang diretso sa kausap. Bahagya siyang yumuko dahil hindi niya alam kung kaya niya bang panindigan ang kasinungalingan na sinabi. Nakita niyang lumapit sa kaniya ang isang nurse at tiningnan nito ang hindi niya maintindihang mga numero na nakalagay sa screen.
"There is no need for you to be putting yourself under so much pressure. I think you should take a rest for a bit. Ligtas naman dito sa ospital kaya hindi mo kailangang mag-alala. Sigurado akong gusto mo na ring makalabas dito at bumalik sa bahay niyo kaya magpahinga ka na muna," mariing giit sa kaniya ng direktor.
Mabilis na nginitian ni Xiara ang kausap at pilit na ipinapakita rito na maayos lang talaga ang kalagayan niya. Unti-unti siyang humiga sa kama at nagkumot na siya namang ikinatuwa ng direktor. Ayaw na ni Xiara na mag-alala pa ito kaya noong sinabi na kailangan niyang magpahinga ay hindi na siya tumutol pa.
"The nurse is just one room away if you need anything. Let me know if anything bad happens. I will be here right away. Huwag mo nang masyadong isipin pa ang mga bagay na wala namang kabuluhan. Intindihin mo muna ang sarili mo. Remember, health is our wealth," nag-aalala pa nitong sabi kay Xiara.
Muling ngumiti si Xiara at ilang sandali lang ay mabilis na tumalikod ang direktor para umalis. Doon lamang siya nakahinga nang maluwag. Hindi niya alam kanina ang gagawin kung sakaling mag-alala pa ang direktor. Ipinakita na lang niya na wala na itong dapat pang alalahanin.
"Gosh, Leo! Bakit ba kasi hindi mo na lang kinuha itong kuwintas mo? Ano bang gusto mong mangyari at pinatatagal mo pa ang lahat? Why don't you simply go back to your own life and leave me alone?" nagtatakang tanong niya sa sarili bago ipikit ang mga mata.