Kabanata 9
Makalipas ang isang araw ay kaagad ding pinayagan si Xiara na makauwi sa bahay nila at doon na lang magpahinga. Maayos na ang kondisyon niya at kailangan na lang bumalik sa susunod na linggo para tingnan kung lumalala ba ang sakit niya o unti-unti nang nawawala.
"Everything looks good. Basta kapag may naramdaman kang kakaiba ay tawagan mo lang ako. Nakuha mo na ang number ko, hindi ba? You will always have my time, and please do not think you are bothering me," nakangiting sabi sa kaniya ng direktor.
Ngumiti rin si Xiara pabalik at walang pagdadalawang-isip na niyakap niya ang lalaki. Sobra siyang nagpapasalamat sa mga itinitulong nito sa kaniya. Pakiramdam niya ay espesyal siyang pasyente dahil ang direktor mismo ang nagbabantay at gumagamot sa kondisyon niya.
"I don't really know how to thank you. Sobrang suwerte ko dahil kayo ang naging doktor ko. Huwag kayong mag-alala dahil siguradong hindi na rin kami magtatagal ni Leo. One more date and we'll be back in our own lives," nakangiting sabi ni Xiara bago lumabas ng pinto.
Magkasabay silang naglalakad ng direktor sa hallway ng ospital dahil nagpresinta na ito na ihatid siya hanggang parking lot. Ayaw na sana ni Xiara na gawin ito ng doktor pero sadya ng mapilit ang lalaki kaya hinayaan niya na lang.
"Can I ask you for a favor? Ang totoo kasi niyan, ngayon na rin uuwi si Leo sa condo unit niya. I am worried that something might happen there, considering that he lives alone. P'wede bang huwag muna kayong maghiwalay pagkatapos ng date niyo? I need someone to watch out for Leo, and I trust you," biglaang sabi ng direktor.
Mabilis namang napahinto si Xiara sa paglalakad nang dahil sa narinig niya. Hindi niya alam kung binibiro lang ba siya ng direktor o totoo ang mga sinasabi nito. Wala siyang ano mang ideya kung bakit siya ang pinagkakatiwalaan nito na tumingin sa anak niya.
"D-Did I hear it right? Is that the favor you want me to do for you? Am I right?" hindi makapaniwalang tanong ni Xiara.
Kaagad namang tumango ang direktor na siyang halos ikalaglag ng panga ni Xiara. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang kausap niya. Kahit na minsan ay hindi pumasok sa isipan niya na makasama sa iisang bubong si Leo.
"Huwag kang mag-isip nang kung ano. I'm just hoping if it's possible for you to observe him until 6 p. m. Hindi mo naman kailangang matulog sa condo unit niya. Natatakot kasi ako na baka paglabas niya rito sa ospital ay may gawin na naman siyang ikapapahamak niya," pagpapaliwanag nito kay Xiara.
Muli silang nagpatuloy sa paglalakad pero patuloy na naglalakbay ang isipan ni Xiara. Hindi niya na rin namalayan na nasa parking lot na pala sila. Ang tanging tumatakbo lang sa isip niya ay ang mga posibleng mangyari habang magkasama sila ni Leo.
"I am not pressuring you. Pag-isipan mo lang ang inaalok ko sa iyo. Pareho lang din naman tayo na gusto siyang manatiling ligtas. Be safe on your way home. I will be back in the office," muling dagdag pa ng direktor bago siya iwanan nito.
Pakiramdam ni Xiara ay panandaliang tumigil ang oras. Nanatili siyang nakatayo sa harapan ng kotse niya at walang ano mang ideya sa kung anong susunod na gagawin. Kanina ay maayos ang pakiramdam niya pero nang dahil sa sinabi ng direktor ay para bang nawala siya sa sarili.
"Tatayo ka na lang ba riyan o papasok ka na sa kotse? Ang kupad mo talagang kumilos," biglaang sabi ng isang lalaki kay Xiara na siyang mas ikinagulat niya.
Hindi niya namalayan na unti-unting bumukas ang bintana ng kotse niya at may sumilip na lalaki sa kaniya. Prente itong nakaupo sa driver seat na siyang ikinagulat ni Xiara. Bakas pa sa mukha ng lalaki ang nararamdamang pagkainip.
"W-What are you doing here? Bakit nasa loob ka ng sasakyan ko? P-Paano ka nakapasok sa diyan?" hindi makapaniwalang tanong ni Xiara.
Hindi naman siya sinagot ng lalaki at sa halip ay mabilis itong lumabas sa loob ng sasakyan para puntahan si Xiara. Hindi na niya alintana pa kung nakaawang pa rin ang bibig ng dalaga at bakas sa mukha ang labis na pagkagulat.
"Why did it take you so long? Kanina pa ako naiinip sa loob ng kotse mo. Ano nang plano mo sa buhay? Magtititigan na lang ba tayo rito?" sarkastikong pagtatanong ni Leo sa dalaga.
Mabilis namang pinaghahampas ni Xiara si Leo sa dibdib. Nagulat dito ang binata at hindi kaagad nakabawi. Pinipilit niyang salagin ang mga kamay nito pero masyadong agresibo si Xiara na animo'y may nagsasamantala sa kaniya.
"Umamin ka nga sa akin. Are you stalking me? Do not dare to fool me. Sandali nga, tatawag ako ng guards. Sneaking into someone's car is prohibited. Didn't you know that? Guards! May magnanakaw dito!" pag-eeskandalo ni Xiara.
Mariin niyang tiningnan si Leo pero sa halip na matakot ay ngumisi pa ito. Nang dahil sa ginawa niya ay mas lalong nainis si Xiara at muli siyang pinaghahampas sa dibdib. Hindi na nakayanan ng binata ang ginagawa sa kaniya kaya mabilis niyang itinulak ang kamay ng dalaga.
"Will you stop? Wala naman akong ginagawang masama sa iyo para magig ganiyan ka. At isa pa, tinawag mo ba akong magnanakaw? Seryoso ka ba riyan? Ikaw nga itong nasa teritoryo ko," mariing paliwanag ni Leo.
Hindi naman ito pinakinggan ni Xiara at muling pinaghahampas si Leo. Ramdam na ramdam niya ang matigas na dibdib ng binata pero ang gusto niya lang ay mapagbuntungan ito nang inis. Hindi pa rin siya makapaniwala sa gustong mangyari ng direktor.
"Kahit na sabihing sa inyo itong ospital ay mali pa rin ang ginawa mo. You do not have rights to enter inside my car. What do you expect me to do? Should I be happy that I saw you resting comfortably in my car?" sarkastikong tanong ni Xiara.
Unti-unti namang lumalapit si Leo kay Xiara at mabilis na hinawakan ang mga kamay nito. Bahagya namang natigilan ang dalaga dahil patuloy na lumalapit si Leo at nagiging maliit na lang ang distansya nilang dalawa.
"Tayong dalawa lang ang tao rito sa parking lot. Isa pang hampas at sigaw mo, siguradong hindi mo magugustuhan ang gagawin ko. Don't try me. I am free to do whatever I want right now,' nakangising pagbabanta ni Leo at mas inilapit pa ang bibig niya sa tainga ni Xiara.
Bahagyang natigilan si Xiara at hindi niya maiwasang mapalunok dahil sa ginagawa ni Leo. Dalawa lang silang nasa parking lot ngayon at hindi niya maiwasang kabahan sa balak gawin sa kaniya ng binata. Mahina pa ang katawan niya at siguradong hindi niya magagawang ipagtanggol ang sarili.
"Good. Marunong ka naman pa lang makaintindi. Pumasok ka na sa kotse mo kung gusto mong makaalis na rito sa ospital. Sakay na," mabilis na sabi ni Leo bago buksan ang pintuan ng passenger seat.
Naguguluhan pa rin si Xiara sa nangyayari pero wala sa sariling sumunod siya sa sinasabi ni Leo. Mabilis siyang umupo at hinintay na makapasok si Leo sa loob ng sasakyan para magmaneho. Wala rin siyang kahit na anong ideya kung bakit siya ipagmamaneho ni Leo.
"S-Saan mo ba ako dadalhin? You don't need to drive for me. I didn't ask for this, so you don't have to. I still have my license. Kaya ko namang magmaneho. B-Baka naaabala pa kita," nahihiyang sabi ni Xiara.
Kaagad namang natigilan si Leo sa akmang pagsisimula ng makina ng sasakyan. Panandalian niyang iniwan ang susi na nasasuksok sa ibaba ng manibela at nagtatakang tumingin sa puwesto ni Xiara.
"Bakit, alam mo ba kung nasaan ang condo unit ko? Fine, I will let you drive if you know where it is. Pero mukhang wala ka namang kahit na anong ideya kung saan banda iyon. Huwag ka nang magreklamo at hayaan mo na akong magmaneho," mariing paliwanag ni Leo.
Muling napaawang ang bibig ni Xiara nang dahil sa sinabi ni Leo. Hindi pa siya nakakapagdesisyon sa gustong mangyari ng direktor pero dadalhin na kaagad siya ni Leo sa condo unit niya. Pakiramdam niya ay siya ang naiipit sa sitwasyon ngayon.
"W-What? At bakit mo naman ako isasama sa condo mo? Did I give you my permission? Gosh, Leo! Hindi pa nga ako pumapayag sa gusto ng daddy mo. Yet you are here, leaving me with no choice but to accept," hindi makapaniwalang sabi ni Xiara.
Hindi niya mapigilang mainis dahil pinangungunahan siya nito sa pagdedesisyon. Gustuhin man niyang bumaba pero isa lang ang sasakyan niya at nasa kamay pa ni Leo ang susi.
"Anong desisyon ba iyang sinasabi mo? Grabe, ang lawak na talaga ng imahinasyon mo. Pabor din naman sa iyo itong gagawin ko pero kung magulat ka riyan, parang wala nang bukas," naguguluhang sabi ni Leo.
Mas lalong naiinis si Xiara sa pagkukunwari nitong walang alam sa mga sinasabi niya. Pakiramdam niya tuloy ay pinaglalaruan siya ngayon ng lalaking katabi niya.
"How long are you going to act like you don't know what I'm talking about? Stop fooling me, Leo. Nakalimutan mo na ba ang gustong mangyari ng daddy mo? Gosh! Kung hindi lang malaki ang utang na loob ko sa kaniya ay hindi na ako papayag na bantayan ka maghapon sa condo unit mo," sumusukong sabi ni Xiara.
Nagpakawala na lang nang malalim na buntong-hininga ang dalaga dahil wala na siyang magagawa pa kung hindi ang tuparin ang gustong mangyari ng tatay ni Leo. Iniisip na lang niya na ito ang kabayaran sa lahat ng mga itinutulong sa kaniya ng direktor.