Chapter 75 Disappointment

Sophia's POV

I remained silent while he's carrying me on his shoulder. Hindi ko nakikita ng maayos ang nadadaanan namin dahil nakaharap ang mukha ko sa likod niya.

Teka? Umaalingasaw ang amoy ng dugo. Why is that?

Lumingon ako sa kaliwa, sandali akong natulala sa aking nasaksihan.

"Put me down," sabi ko saka mahinang hinampas si Killian sa bewang niya.

"Bakit?" tanong niya habang patuloy pa rin sa paglalakad. Wala yata itong balak na sundin ang nais ko.

"I said, put me down!" Naglikot-likot ako para makawala sa kapit niya.

Walang salitang maingat niya akong ibinaba, dahilan para ako ay makaramdam ng konting hiya.

Madali ko siyang tinalikuran para suriin ang paligid. "Ugh!" Hindi kinaya ng sikmura ko ang nakikita kong senaryo, lakad-takbo akong tumungo sa poste saka sumuka ng sumuka.

"A-ano ang nangyari rito?"

"Kagagawan itong lahat ng mga demon beast na nakalusot sa bansa."

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "What?" Paano sila nakalusot sa bansa, 'di ba't may protection barrier?

Nilingon ko ang direksyon ng ingay na nagmumula sa labas. May naririnig akong kalansingan ng mga sandata, at garalgal na sigaw na sa tingin ko ay halimaw ang nagmamay-ari.

"Bakit pakiramdam ko … nangyari na ang lahat ng 'to?"

Nilihis ni Killian ang tingin niya. Tama ba ako ng naiisip? Iniiwasan niyang sagutin ang tanong ko.

"Right... Ang lahat ng 'to ay nangyari na noon..." bulong ko sa sarili.

"Saan ka pupunta? Sophia!"

Hindi ko pinansin ang pagtawag niya sa 'kin. Hinayaan kong dalhin ako ng mga paa ko patungo sa lugar, kung saan alam kong naroroon siya at naghihintay sa pagdating ko. Habang tinatahak ang daan, paunti-unti akong nilalamon ng sarili kong mundo. Wala akong naririnig na kahit anong ingay, ang atensyon ko ay nakatutok lamang sa harap.

"Pak!" tunog ng pagdapo ng kung ano sa pisngi ko.

Doon lang ako nagising, nang maramdaman ko ang paghapdi nito. Napahawak ako sa kaliwang pisngi ko, saka siya inangatan ng sama ng tingin.

Killian is standing in front of me, glaring at me like a dagger.

"Did you just slapped me?" Halos mapiyok pa ako sa pagsigaw.

He nodded his head in response. Hindi man lang ito nag-abalang magsalita.

"Hello?" said the woman with green hair. "Baby, kanina pa kita hinahanap..."

Why his secretary is here? Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. She's wearing a sexy red lingerie, for god's sake! Nasa kalagitnaan kami ng kaguluhan, nakagan'yan pa ng suot?

Saka bakit ba hindi inaalis ni Killian ang yakap ng babaeng 'yan? Wala siyang karea-reaksyon! Napipikon na talaga ako! May sila na ba? Baby pala ha!

"Itigil mo na 'yang kaka-prank mo," malamig na banta ng pamilyar na boses.

Nagitla ako nang may humampas sa likod ng ulo ng babae, gamit ang bag na puno ang laman sa kagamitan.

"Aray!"

Si Mileya ang bagong dating, tumabi siya sa babaeng kaharap ko saka piningot ang kaliwang tenga nito.

This scene is very familiar. Kung ganoon … "Klein?"

Napakamot siya ng ulo saka inalis ang magical device na nagko-conceal ng orihinal niyang itsura. "Hehehe?"

Hinilot ko ang aking sentido saka nagpakawala ng mabigat na buntong hininga.

"Why are you all here?" Mahahalata sa boses ko ang pagkairita. Hindi lang silang dalawa ang narito, kundi pati ang buong clan nila.

"Anong ini-expect mo? Hayaan ka naming akuin at solohin ulit ang responsibilidad sa mga nangyayari?" Mileya said with a serious look on her face.

"D-don't tell me..."

"Oo, tama ka ng hinala. Ang mga alaalang nabura sa kanilang isipan ay nanumbalik," singit ni Klein sa usapan.

I turned my back to them. "Leave. I don't wish to sacrifice yourselves just to straighten up my own mess."

"Sa kondisyon mo … ano ba ang magagawa mo? Dagdag ka lang sa bilang ng mga bangkay na nakikita mo ngayon."

"Killian!" saway ni Klein.

"I have my ways to execute my plan. Hindi ko kailangan ang pamumuna mo," sagot ko pabalik.

"Both of you. This isn't the right time para magtalo," Mileya said. "Here, take this, Lady Sophia."

Inabot niya sa 'kin ang gintong dagger na naiwan ko sa Cold Palace.

"Alam kong kailangan mo 'yan."

"Thanks."

"And whether you like it or not, kusa kaming sasama sa 'yo."

"It can't be helped then." Napailing na lamang ako. "Listen. Here's the plan..."

***

"You came, Master..."

Naabutan ko itong nakaupo sa trono, suot-suot ang korona, habang ang ulo ng dating Emperor ay nakapatong sa kandungan niya. Nasa likuran niya ang shadow soldiers, ang ancient dragon, ganoon din ang high-level demon beasts na hindi bababa sa fifth rank.

Ang mga Shadow General, mukhang napasailalim na sila ng kontrol niya. Kahit na nakikita nila ako ay parang hindi naman nila ako nakikilala.

"Kanina pa kita hinihintay. Nagustuhan mo ba ang regalo ko?"

Tinutukoy niya ba ang mga bangkay na nakaipon sa sulok? Dapat ko ba ikatuwa 'yang surpresa niya?

Napayukom ako ng parehong kamao. "Zero Three... Ano ba talaga ang layunin mo't bakit mo ito ginagawa?" I said, shouting at the top of my lungs.

"You turned into a deity and yet, rather than living in Gods' realm, you decided to stay in this mortal world to protect the peace of those disgusting humans," he said, laughing sarcastically. Inangat niya ang kaniyang dalawang palad para ipakita sa 'kin ang kapangyarihang, ako ang orihinal na nagmamay-ari. Sa kaliwa ang shadow, at nasa kanan ang light. "You didn't realize how lucky you were, to possess the power to take and destroy everything in a blink of an eye."

Ngayong sumagi na rin lang sa isipan ko... Wala ako gaanong ideya tungkol kay Zero Three, bukod sa pagiging half demon beast at half human niya.

"Noon pa lang pala, hindi na nagtutugma ang hangarin nating dalawa..."

Siya ang isa sa naging katuwang ko sa pag-secure ng safety ng kontinente. Hindi ko akalain na dati pa lang, wala na siyang ibang hinahangad kundi ang pagwasak at pagpapahirap sa buhay ng iba.

"Don't be mad, Eliz... Come with me to Gods' realm. If you do, ihihinto ko ang pagpatay sa mga rason ng pananatili mo rito."

Tumayo ito saka dahan-dahang naglakad palapit sa 'kin. His arms are wide open like he expects me to hug him.

Sinunod ko ang kagustuhan nito. Sinalubong ko siya at hinayaan ang sariling mayakap niya. Nang masiguro kong ibinaba niya ang depensa niya, ginamit ko ang pagkakataong 'yon, sinaksak ko ang kaliwang dibdib nito ng gintong kutsilyong hawak ko.

"Y-you..." Nanginginig siyang humakbang paatras. Namilog ang mata niya nang makita ang dugong naging mantsa sa suot niyang silver suit.

"It hurts... I don't wanna die..."

"This is your end," I said as I watched him kneeling on the floor.

Nagsipag pasukan ang mga elf para kalabanin ang mga demon beast, sa pangunguna ng mag-asawang Klein at Mileya. Sa hindi kalayuan, natanaw ko si Killian na nakasandal sa pinto.

"Just kidding!"

Madali kong binalik ang tingin sa kaharap. Nakangisi itong nakatitig sa 'kin, at ang malalim na sugat sa dibdib niya ay madaling naghihilom.

"For the nth time, you never failed to disappoint me, Eliz..."

"H-how..." Sigurado akong bumaon sa puso niya ang talim ng kutsilyong 'yon.

Tila ba mayroong nagkarerahang kabayo sa puso ko dahil sa bilis ng tibok nito. Sh*t! They are in danger! "Klein! Mileya! Everyone! Leave at once!"

"Sophia!" Lakad-takbo na tinutungo ni Killian ang kinatatayuan ko.

"Kil—"

Naistatwa't natulala ako nang sumabog ang kalahati ng katawan niya. At ang natitira pang ibabang parte ay bumagsak sa lupa.

"Aaaaah!" Rinig kong sigawan ng mga elf. Ang bawat isa sa kanila ay walang kahirap-hirap na tinatalo ng mga shadow soldier at mage.

He hugged me from behind, and whispered, "Tama 'yan... Panoorin mong mabuti kung paano sila mamamatay sa kapangyarihan mo."