Chapter 74 To Protect
Third Person's POV
Ang dating kaaya-ayang pagmasdan dahil sa linis ng kapaligiran na hindi nakikita ang alikabok, at makinang na mga bagay na nagpapaganda at mas nagpapaliwanag ng lugar. Ngayon ay magulo na't parang dinaanan ng bagyo. Basag ang mga babasaging gamit, at may marka na likha ng matalas na kuko ang sumira sa mamahaling paintings na nakasabit sa dingding ng palasyo.
"Ugh!" Nagbabadyang bumaliktad ang sikmura ng mga ilang kabalyero. Hindi makapag-focus ang karamihan sa pakikipaglaban, dahil sa karumal dumal na senaryo na nakapaligid sa kanila.
Nagkalat sa sahig ang mga bangkay, maging ang dugo at laman loob, at parte ng katawan—biktima sa biglaang pag-atake ng mga kalaban.
"Patatagin ang sikmura ninyo!" sigaw ng isa sa mga commander ng Imperial Knights. "Don't stain any further your pride and honor as Knights of Asterin!"
"Yes, sir!" they shouted in unison in the middle of a battle.
"We received backups from the magic tower!"
Nabuhayan ng loob ang mga nakarinig sa balita ng isa sa mga kabalyero na tanaw ang pagdating ng tulong mula sa magic tower. Isip-isip ng mga ito na mas mapapadali na ang pagprotekta sa bansa at mamamayan, laban sa mga demonyong halimaw.
Katulad nga ng planong ibinigay ng headmaster … nakapwesto ang bawat mage sa kani-kanilang nakatakdang lokasyon. Lahat ay nakatutok sa tungkuling dala-dala nila.
"Tss! Mabuti naman at kumilos din ang mga 'yan," pasaring ni Red nang madaanan nilang pareho ni Clara, ang priests and priestesses na ginagamot ang mga sugatang sibilyan.
"Aray!" reklamo niya noong sikuhin siya ni Clara sa sikmura. "Bakit ba?"
"Pwede bang ihinto mo 'yang pagka-immature mo," she said. "Ilugar mo 'yang attitude mo."
"Tayo na lang ba lagi ang lulugar? Samantalang ilang beses na ba pinag-iinitan ng Holy Temple ang Magic Tower?"
"Shut your mou—"
"Clara! Red!"
Sabay silang napalingon sa pagtawag ng tumatayong lider ng kanilang grupo. Salubong ang kilay nitong nakamasid sa kanila.
"Ano pa ang ginagawa ninyo riyan? Pumwesto na kayo roon!" dugtong nito habang nakaturo sa magkaibang direksyon.
Bago maghiwalay ng landas ay inismiran pa ng dalawa ang isa't isa, saka tinungo ang paroroonan. Napapailing na lamang ang mga mage na nakasaksi sa pag-aasaran nina Red at Clara.
"Master?" bulong ni Clara sa sarili nang mahagip ng paningin niya si Killian na lakad-takbo pinasok ang palasyo. "I've never seen him making that expression before." Hindi nito maiwasang makaramdam ng kuryosidad. "As if there is something that he's afraid to lose."
***
"Ugh..." Nang mamulat ni Sophia ang mga mata niya … nakita na lamang nito ang sarili na nakahiga sa ibabaw ng malapad na parihaba na bato. Sa bawat sulok ng higaan … ang pareho niyang kamay at paa ay nakatali ng kadena.
Sinubukan niyang makawala ngunit kaagad siyang natigilan nang hindi maramdaman ang pagdaloy ng kapangyarihan sa mga ugat niya. She even lost her last hope, the superhuman strength. Sa kaalamang 'yon, bumaba ang tingin niya sa sarili. "Paano ko pa magagawang protektahan ang gusto kong protektahan gamit ang katawang 'to? Hindi na ako naiiba sa ordinaryong babae."
"Anong itsura 'yan? Depress? Huwag mong ipakita sa akin ang ganiyang ekspresyon, gamit ang mukha ko."
Nilingon ni Sophia ang gawing kanan. Kapareho niya rin ng posisyon ang taong kasama sa isang silid.
"Elizabeth? What's happening to you?" she asked out of curiosity. Mayroon kasing itim na usok ang lumalabas sa katawan nito.
Elizabeth rolled her eyes. "Can't you tell? Nawawala na ang koneksyon ko sa katawang ito."
Sandaling natahimik si Sophia. Napansin niya na nasa katinuan na ang pag-iisip nito. Sa tingin niya ay makakausap na niya ito ng matino.
"How's my father?" basag katahimikan ni Elizabeth.
"... Do you wish to learn what was his reaction the day he returned and saw you dead?"
"The heck! Don't ask me if I do! Just tell!"
Sophia heaves a sigh. "Look at your temperament … . Duke White loves you. Hindi lang siya marunong magpakita ng emotions niya."
"I didn't believe it at first... But Felixan—no, I mean that goddamn deity of Fate. Pinakita niya sa akin ang mga bagay na sana hindi ko na lang nalaman." Napayukom siya ng kamao saka ipinagpatuloy ang sasabihin. "Now, what? All of my actions were in vain? Mas tatanggapin ko pang mamatay ulit na may galit sa puso ko, kaysa makaramdam ng panghihinayang at pagsisisi sa pinili kong landas!"
"Knowing he silently cares about you as his daughter, isn't that what you want?"
Mapait na nakangiti si Elizabeth. "Ang galing mo talaga bumitaw ng salita." She chuckled. "But unfortunately, hindi ko pa rin sila mapapatawad. Hinding-hindi ako nakakalimot."
"Pero okay ka na?"
"... I guess—Ugh!"
Umalingawngaw ang tunog ng kadenang nakatali sa mga kamay at paa ni Elizabeth. Nakaramdam ng pag-aalala si Sophia para rito habang pinagmamasdan ang dalaga. Bakas sa mukha ang sakit na nararamdaman, dahilan ng papalapit na paglisan nito sa katawan ni Beatrice.
"You. Listen."
"Yes?" Sophia focused her attention on her.
"The artifacts you obtained, can be used to suppress Lawrence together with that former shadow soldier of yours, Zero Three."
"A-are you implying that I must also kill the prince?"
"Is there any other choice you have? In your current condition, you are helpless … and useless."
Gustong mapa-facepalm ni Sophia sa sinabi nito. "Ang talim talaga ng dila niya," she mumbled.
"You better live and protect them well. I don't like to meet my family in hell," she said, smiling with evident relief.
'Yon ang huling salita na narinig ni Sophia mula rito. Tahimik niyang pinagmasdan ang mukha ni Elizabeth hanggang sa unti-unti nitong sinara ang mga mata. Sa kabila ng lungkot, masaya siya para rito. Nilisan niya ang mundo na may ngiti sa labi.
"Bang!" tunog ng pagbagsak ng pintuan.
"Sophia..." Tila ba'y nabunutan ng malaking tinik sa dibdib si Killian nang masiguro na ligtas ang babaeng hinahanap niya.
"Killian?" Hindi makapaniwala si Sophia sa pagdating niya. She thought, "Did he come to rescue me? Paano niya nalaman na nasa hindi magandang sitwasyon ako ngayon?"
Lakad-takbo lumapit ang binata sa kinaroroonan niya. Walang hirap rin nitong sinira ang kadenang nakatali kay Sophia.
"Ah!" Napahiyaw ang dalaga ng binuhat siya ni Killian na parang sako. Ang tiyan niya ay nakapatong sa kaliwang balikat nito, at nakaharap ang mukha sa likod ng binata. "Really? Like this? Does it have to be carried like a sack?"
"Why? You prefer to be carried like a bride?"
She flinched, and so she thought, "His treatment is cold. Muntik ko na makalimutan … hindi nga pala kami okay."
"Hey! Stop!"
Nahinto rin sa paglalakad si Killian saka hinintay ang sasabihin pa nito.
"How about her?" tukoy nito sa babaeng walang malay na naroroon sa silid.
Nilingon ng binata ang direksyon niyon. Pumasok agad sa isip niya ang pangako sa sarili na sa susunod na makita niya ang babae... "Ah, I should kill her first."
"What? No!"
"I don't need your opinion."
"The heck—? Wala na si Elizabeth sa katawan na 'yan!"
"... Is that so?" Tinungo ni Killian ang higaan ni Beatrice saka sinira ang kadena na nakatali rito. Gamit ang kanang kamay, binuhat niya ito sa tagiliran.
Sa hindi kalayuan, naroon si Felixander at pinapanood sila. Nakasilip ito habang nakatago ang katawan sa likod ng poste. Nakalutang naman sa palad niya ang bolang kaluluwa ni Elizabeth.
"We're done our part," ani ng blue fox. Siya at ang kambal niyang red fox, ang tumulong kay Killian na mahanap si Sophia. Sila ang gumabay sa binata upang matunton ang lugar kung saan nakakulong ang dalawang dalaga.
Inilagay ni Felixander ang bolang kaluluwa sa garapon, saka pansamantalang pinanatili sa loob ng spatial ring. "Come. Let's see how will this end."