Chapter 76 Turn The Tide

Third Person's POV

MADALI para sa mga elf na paslangin ang demon beasts, kaso dehado naman sila sa shadow soldiers and mages. Bawat wasiwas ng kanilang sandata sa mga anino, tila ba ay hangin lamang ang kanilang natatamaan. Paano nga naman nila malalabanan ang hindi masugat-sugatang kalaban? Hindi sapat ang kanilang lebel ng kapangyarihan para matalo ang mga ito.

"Growl!" Umalingawngaw ang ingay na likha ng dragon.

"Aaah!" Nagsipag talunan palayo ang mga elf upang hindi matamaan sa pagbuga niyon ng itim na apoy.

Ang mga demon beast na hindi makaiwas sa atake na pinakawalan ni Zero ay instant na nagiging abo.

Habang tumatagal ang panonood ni Sophia sa senaryo na nagaganap sa harapan, bumabagal din ang tibok ng puso dahilan niya para mahirapan siyang makahinga ng maayos. Sa bawat kakamping namamatay, may init na bumubuo sa dibdib niya na parang gustong kumawala.

Si Klein na kasalukuyang nakikipaglaban kay Zero Two, nahagip ng paningin niya ang sitwasyon ng dalaga. "The priestess needs my help!"

Para mapalapit sa lokasyon nito, hinayaan niya ang sarili na magpadala sa pwersa ng pagtama ng espada sa sandata niya. "Ugh!" Sa sobrang lakas ng impact, kinakailangan niya pang ibaon ang talim ng kutsilyo sa sahig para lang bumagal at mahinto siya sa tamang distansya kung saan naroroon sina Zero Three at Sophia.

Klein looked in her direction and shouted, "Sophia!"

Tagumpay naman niyang nakuha ang atensyon nito.

"K-klein..."

"You must leave! Save yourself—" Hindi niya natapos ang sasabihin ng umatake sa likuran si Zero Two. Napasuka siya ng dugo, saka binaba ang tingin sa talim ng espadang nakatarak sa dibdib niya.

"Aaah! Klein! Klein, wake up!" hinaing ni Sophia. Nais niya itong lapitan ngunit mahigpit ang yakap ni Zero Three sa kaniya. Wala tuloy siyang magawa kundi umiyak lang nang umiyak mula sa kinatatayuan niya.

"Lord Klein! Argh!" Dulot ng pag-aalala sa asawa, nawawala sa focus si Mileya. Kaharap niya si Zero One—isa sa mga General Rank—kinopya nito ang itsura niya pati ang style sa pakikipaglaban.

Bawat sipa, suntok at atake gamit ang mahika, naka-counter 'yon lahat ng kalaban. "In this battle, I am the one who is in an unfavorable position. Sa aming dalawa, ang sugatan at ang napapagod lang ay ako," Mileya thought.

***

DUE to sudden shock and horror, hindi napansin ni Sophia ang presensya na papalapit.

At dahil naman sa kagalakan ni Zero Three sa nakikitang pagdurusa ng dalaga, naibaba nito ang depensa niya. Natigilan siya noong maramdaman ang higpit na nakasakal sa leeg niya.

"Who told you to cling on my property?" said the man who they thought was dead.

Nang marinig ng dalaga ang pamilyar at nakakakilabot na lamig ng boses na 'yon, madali niyang sinulyapan ang kanilang likuran upang alamin kung hindi ba siya nagdidiliryo.

Puting buhok na aabot hanggang bewang ang haba, may dalawang puting tenga sa ibabaw ng ulo, ang ginto nitong mga mata ay maihahalintulad sa pusa, at nakapulupot naman sa balakang ang puting buntot niya.

Killian is in his (werecat) cat-human hybrid form. He's half-naked, kitang-kita ang kakisigan niya. Tanging pang ibabang saplot na lamang ang natira sa kaniyang kasuotan, dulot ng pagsabog kanina ng upper body niya.

"Y-you're alive..." she said, then she thought, "Wala ako nakikita na kahit anong galos o senyales sa pagsabog ng katawan niya kani-kanina lang. Paanong…?"

"I'm an immortal, remember?" Killian replied, smirking. "Now, where are we?" Binalik niya ang atensyon sa kaharap.

Malawak na nakangiti si Zero Three. Hindi ito nakakaramdam ng pagkabahala sa maaaring mangyari sa kaniya sa kamay ni Killian. "An immortal, you say?" He slightly tilted his head while looking straight at Sophia.

May kakayahan si Zero Three na pumatay ng isang tao sa pamamagitan lang ng tingin. Kahit hindi mo man sadyain na salubungin ang mga mata niya, kung ikaw ang naging target niya hindi mo siya magagawang iwasan hanggang sa sumabog ka.

Sa kaalamang 'yon, madaling hinatak ni Killian si Sophia palayo rito. Saka niya tinusok gamit daliri ang mga mata ni Zero Three upang mawalan ito ng paningin, pansamantala.

Mahigpit niyang kinapitan ang buhok sa likod ng ulo ni Zero Three, at saka may buwelo na paulit-ulit itinama ang noo niyon sa sahig. Tumagal 'yon ng ilang minuto bago siya tumigil upang alamin ang kalagayan nito.

"Sa tingin mo, ang isang hamak na tulad mo ay may kakayahang talunin ako?" mapang-asar na wika ni Zero Three. Naliligo man sa sariling dugo ang buo niyang mukha, para rito ay wala pa ring epekto iyon. "Don't joke around! Hahaha!" he continued.

Pinanood ni Killian ang unti-unting pagre-regenerate ng mga natamong galos nito. He grinned, ear to ear. "Worry not. I know you won't die easily this way. If you do, shame on you!" he responded with a blow of electricity on his enemy's stomach.

Unfortunately, Zero Three could handle its impact like it's nothing. At a short moment, when he wasn't in his grasp, he grabbed that opportunity to keep his distance, not too far from him. "Killian Shou, I hope you could last longer in this fight."

***

NANG makalaya, ginamit ni Sophia ang pagkakataong 'yon upang makalapit sa elf. "Klein!"

"S-sophia..." Kahit na nasa delikadong kondisyon na ang kalagayan nito, nagawa niya pa ring mapanatili ang kaniyang kamalayan. "Use t-this chance to leave..."

"Oo, pakikinggan kita pero sasama ka sa 'kin."

Sinubukan ng dalaga na pahintuin ang patuloy na pagdurugo ng dibdib ni Klein, gamit ang telang pinunit niya sa laylayan ng suot na gown.

"S-stop..."

"Why?" Sandali siyang natigilan nang sinusubukan ilayo ng elf ang kamay niya. Kunot-noo niyang pinagmasdan ang lalaki habang hinihintay ang sasabihin nito.

"Don't touch me … baka magselos si Mileya … aaah!" Napahiyaw siya sa sakit nang diinan ng dalaga ang sugat niya.

"Ugh! Nagawa mo pang gumaniyan!"

Tuloy-tuloy ang pagbuhos ng mga luha ni Sophia. Hindi niya magawang matawa sa biro nito.

"I will heal you."

"You know you can't..."

"I will heal you..." she murmured as she lightly pressed his chest with her palm. "I will..."

Napaluha si Klein habang pinapanood si Sophia. "I understand very well my current condition... B-basag na ang core ko... A-alam mo ang ibig kong s-sabihin, right?"

Ang mga elf ay hindi naiiba sa mga demon beast na ang sentro ng buhay ay ang kani-kanilang crystal core. Kapag ito ay nabasag o kaya ay inalis sa kanilang katawan, katumbas 'yon ng kamatayan.

"W-what's happening?" takang tanong ni Klein nang magliwanag ang paligid.

***

ANG misteryosong liwanag na 'yon ay nagawang masakop ang buong bansa. Nang ito ay mawala, ang mga sugatang nasa loob at labas ng palasyo, kritikal man ang natamo o hindi ay nagsipag galing.

Hindi lang 'yan kundi maging ang mga namatay ay nagbalik-buhay.

"This is real, isn't it?"

"I'm alive! Hahaha! I am!"

"Thank goodness!"

Bawat isa ay galak na makita ang sarili na humihinga at sumisipa muli. Mayroon ding nag-iyakan sa labis na tuwang mayakap ang kani-kanilang mga mahal sa buhay na naging biktima ng demon beast.

Sa hindi malamang dahilan, ang mga nangungunang lumalaban para sa kaligtasan ng bansa ay nagkaroon ng karagdagan na kakaibang lakas. Sa tulong niyon, walang kahirap-hirap na nilang natatalo ang mga natitira pang kalaban.

Madali ring natapos ng mga high-mage ang pagbuo muli ng panibago at mas matibay na protection barrier.

***

NAPAKAPA si Klein sa dibdib nang mawala ang kirot na nararamdaman. Umawang ang labi niya ng mapagtanto na buo na muli ang kaniyang core. "Imposible..."

"Lord Klein!" Lakad-takbo na lumapit si Mileya sa asawa, saka siya lumuhod para yakapin ito. "I am glad to see you fine..." she said while crying silently.

"I told you, right? I will heal you."

"Sophia..." Pinagmasdan niya ang likod ng papalayong dalaga. Patungo ito sa kinaroroonan nina Killian at Zero Three na parehong nakatuon ang atensyon kay Sophia.

Ang kapangyarihan na Light and Shadow ay nanumbalik sa orihinal nitong nagmamay-ari. Lahat ng napasailalim sa kontrol ni Zero Three ay bumalik na rin sa kani-kanilang katinuan.

Karamihan sa shadow soldiers ay nagkalat sa bansa upang alamin kung may mga kailangan pa bang ligpitin, at para siguruhin ang kaligtasan ng mga sibilyan.

Ang iilang shadow knights at shadow mages ay kinalaban ang mga natitira pang demon beast sa silid. Noong una ay naalerto pa sa kanila ang mga elf, ngunit kalaunan ay napagtanto din nilang sila ay isa ng kakampi.