Chapter 9
"VAL, maupo ka," sabi ni Jay.
Agad naupo si Val.
"Actually, need mong mag fill-up ng bio, para makita ko about your information. Pero dahil niligtas mo ang anak ko, excepted ka. For me I want to know, did you finished any courses? "
"Yes, sir. Agriculture. Hindi ko nga lang kung ano ang magaging trabaho ko rito. Itong company ninyo, sir. Hindi related sa natapos ko."
"Oh, I see. Well, kung masipag ka you can naman, Val. Lahat ng bagay napag-aaralan. I know you can do it."
"Sana nga, sir."
"You can, Val. Sa ngayon si Lyka, muna ang bahala sa iyo okay."
"Thank you, sir."
"Halika, samahan kita sa maging table mo."
Paglabas nila."Lyka, si Val. Ikaw na ang bahala sa kanya. Then print his bio okay."
Ngumiti si Lyka kay Val."Okay, sir. I will do it."
"Val, maiwan na kita kay Lyka, siya na ang bahala sa iyo."
"Okay, sir. Thank you again."
Sa paglipas ng mga araw naging maayos kay Val ang lahat mula nag mag trabaho siya sa company ng mga Ramirez. At naging magkaibigan sila ni Lyka. At naging saksi si Val kong papaano ginawang pagpapaamo muli ni Mico kay Lyka. Effective naman ang paraan ng binata para mauwi sa kasalan ang lahat.
Pag araw ng pahinga ni Val hinahanap niya ang kanyang ama kung saan-saan siya napapadpad pero hindi niya makita-kita ito.
Lunes habang nag-uusap sila ni Lyka.
"Val, my favor ako sa iyo, say yes please."
"Lyka, naman hindibmo pa nga sinabi yes na kaagad ang gusto mong sagot ko, sabihin mo muna kung ano iyan favor mo misis Santillan."
"Say yes nga muna, para hindi ka makaurong kahit na ayaw mo ito."
Napailing si Val."My ganon, yes agad-agad, hindi ayoko, baka sabihin mong magpakamatay ako no, " joke lang naman niya ito.
Napatawa naman si Lyka sa sinabi nito.
"Loko ka talaga, Val, hindi no, sayang ang lahi mo guwapo ka pa naman magparami ka muna."
"Ano nga iyon? Tell me first before I say yes, para walang bawian."
"Okay fine, halika ka rito sa tabi ko at ibulong ko na lamang sa iyo."
Kaagad naman lumapit si Val rito. Bumulong naman agad si Lyka sa binata.
"What?!" Gulat na sabi ni Val sa bulong sa kanya ni Lyka.
"Please, Val, say yes," pagsusumo ni Lyka sa binata.
"Lyka, naman you want me to..." hindi maituloy ni Val ang ibinulong sa kanya ni Lyka dahil bigla dumating ang ama nito.
"Mukhang may pinagkakaabalahan kayong dalawa ah. What is it? Seryoso kayo, can you share with me?" ani Jay sa dalawa.
"Nothing Daddy, about business lang naman," nakangiting tugon ni Lyka sa ama.
Napatitig naman si Jay sa anak tinatantiya niya kung totoo nga ang sinabi nito.
"Daddy, you did not believe me right?"
"Well yes, anak, tell me the truth."
"Si Daddy, ang talas talaga niya okay fine I tell you, pero bago ko sasabihin, why you are here? May kailangan ka ba sa akin o kay Val, dad?"
"Kay Val, anak." sa binata siya nakatingin.
"Oh, Val, sa iyo pala may kailangan si Daddy."
Tumayo si Val."Sir, anong kailangan mo sa akin?"
"Halika ka sa opisina ko Val, may pag-uusapan tayo." Nauna ng naglakad ito pabalik sa opisina niya.
"Doon muna ako kay sir, Lyka, mamaya na ulit tayo mag usap, importante yata ang sasabihin niya sa akin. "
"Okay, Val. Pero huwag mong kalimutan ang sinabi ko, ha."
"Oo, pupuntahan kita sa opisina mo pagkatapos namin mag usap, ni sir."
"Go!" pagtataboy ni Lyka sa binata.
Kumatok si Val sa pinto bago pumasok.
"Come in, Val."
Kaagad pumasok si Val sa loob.
"Maupo ka muna, Val."
"Thank you, sir. "
Hinihintay ni Val na magsalita ang boss niya pero tahimik ito na nakatingin sa kanya.
Tinitigan muna ni Jay ang binata. Tila ba pinag-aaral ang bawat anggulo ng mukha nito bago siya nag salita.
May kaba naman nararamdaman si Val dahil sa klase ng titig ng boss niya. Hindi siya nakatiis sa katahimikan namamayani sa kanila at naiilang na rin siya." Sir, may nagawa ba akong mali o kasalanan sa iyo?"
"Bakit, Val? Kinakabahan ka ba?" seryosong sagot ni Jay sa binata.
"Oo, sir, iniisip ko tuloy ano kaya ang nagawa kong kasalanan sa iyo o sa kompanya mo, sir. "
"Don't worry, Val, wala kang kasalanan," seryoso pa rin wika niya.
"Kung ganon, sir, ano ba ang pag-uusapan nating? Masyado ka naman pong seryoso, sir."
"Well, may napapasin kasi ako sa'yo, habang tumatagal ka rito sa Manila, Val."
"Anong ibig mong sabihin, sir?"
"Every time kasi na tinitignan kita, Val, iisa lamang ang pumapasok sa isipan ko."
Kumabog ang dibdib ni Val sa narinig."Ano po ito, sir?"
"Before I answer you Val, saan ka ba galing? I mean is tagasaan kayo dati? Di ba ang sabi mo sa Laguna kayo nakatira?"
"Yes, sir, tubong Luguna po kami, doon ako pinanganak!"
"Hmmm, mean taga roon na talaga kayo? O meron totoong lugar ang magulang mo Val, like my wife, dito na siya nakatira sa Manila, pero tubong Bataan province siya, don't get me wrong sa pagtatanong ko sa iyo?"
"Okay, lang sir, you have the right to questioning me dahil boss kita, si Tatay tubong Laguna talaga siya, si Nanay naman ang sabi niya sa akin tagarito siya sa Manila. Pero ng mag asawa sila ni Tatay, sa Laguna na siya tumira. "
"Hmmm, okay anong pangalan ng Nanay mo Val?"
Napatitig naman si Val kay Jay dahil sa tanong nito.
"I say it again Val, don't get me wrong sa tanong ko," dahil napansin niya ang titig ng binata sa kanya.
"Zeny Alonzo, sir," sagot niya.
Napaisip naman si Jay kong may kilala siyang ganon pangalan.
"Kilala mo ba ang Nanay ko sir?" may kabang tanong ni Val. Hindi kaya ito ang ama niya? Pero sa tingin ay hindi kasi malayo ang kanilang itsura.
"Hmmm, sounds familiar but I don't no kong kilala ko ba ang Nanay mo, Val. "
"Akala ko kilala mo si Nanay, sir."
Para sa kanya hindi naman malabo na kilala ng boss niya ang kaniyang ina dahil galing ito sa mayaman angkang din.
"Kaya kita kinakausap ngayon Val, may nalaman ako about you, pina Investigate kita. Sana huwag kang magalit sa ginawa ko."
"Okay, lang wala naman akong bad record na ikatakot ko, sir."
"Yes, wala nga."
"Eh, sir, para saan ba ang pagpapaimbistiga mo sa akin? Puwede bang malaman tutal sinabi mo na rin lang sa akin," deretso na niyang turan.
"Okay, I hope you tell me the truth, Val. I have a question for you. Why are you here in Manila? And what is your reason? Tell me Val, don't lie to me, maybe I can help you. You know what I mean right?"
Napatitig naman si Val sa boss dahil sa sinabi nito iba ang pakiramdam niya sa sandaling iyon. Para bang may alam ito sa kaniyang pag katao siguro nga dapat niyang sabihin maimpluwensiyang tao ito. Baka siya pa nga ang makatulong sa paghahanap niya sa totoong ama.
"Val, if you are not ready to tell me, it's okay. I gave you a time to think about it. Go ahead, you can go now."
Huminga ng malalim si Val he must tell him. Tumingin siya sa kaniyang boss nakahanda naman ito sa sasabihin niya.
"I'm listening, Val," na sense ni Jay ang binata.
"Tama ka nga, sir, may dahilan nga ako kaya ako narito ngayon sa Manila. "
"So, can you tell me about this, Val?"
Kahit paano may agam-agam pa rin siya.
"Well, kung ayaw mong sabihin sa akin, Val, it's okay, hindi kita pipilitin, buhay mo iyan, gaya ng nasabi ko I gave you a time, pero ang sa akin lang naman ay ang matulungan ka para mapadali ang paghahanap mo sa pakay mo dito sa Manila. "
Nakikita naman ni Val na seryoso ang Boss kaya nagpasya siyang sabihin ang totoong pakay niya."Ang totoo niyang sir, narito ako sa Manila para habapin ang tunay kong ama."
"You mean, ang kinalakihan mong ama, ay hindi mo totoong, Tatay?"
"Oo, sir, bago ko lamang nalaman kay Nanay, dahil may nakita akong larawan, ng isang lalaki sa silid nila. "
"So, ang nasa larawan ang tunay mong ama ganon ba, Val?"
"Yes, sir!"
"Puwede ko bang makita ang larawan ng ama mo, Val?" gusto niyang makonpirma na tama nga ang kaniyang hinala.
"Sir, wala sa akin hindi ko nadala nasa bahay, iniwan ko."
Nakadama naman ng panghihinayang si Jay dahil hindI nito dinala ang larawan ng ama nito. Pero may isa pasiyang options para malaman ito kaya muli siyang nag tanong.
"Anong pangalan ng tunay mong ama Val, sorry kung matanong ako, ha?"
"Okay lang sir, sabi ni Nanay siya si Vin..."
Hindi na ituloy ni Val ng sasabihin dahil tumunog ang mobile ni Jay na nasa harapan nito pareho silang nakatingin dito.