Chapter 3

NANLAKI ang mata ni Karen sa biglaan pag halik sa kanya ng isang estraherong lalaki.

Inilagay niya ang palad sa dibdib nang lalaki para sana itulak pero hinawakan nito ang palad niya.

Akala naman ni Val. Na gusto nang babae ang paghalik niya rito dahil sa pagpatong ng palad nito sa kaniyang dibdib. Kaya naman lalong dumiin ang paghalik niya rito.

Pakiramdam naman ni Karen tila pinipiga nang lalaki ang kaniyang labi at inuubos nito ang kanyang laway sagad na sagad kung humalik.

'Shit! bakit gusto ko ang ginagawa ng lalaking ito sa labi ko?' sigaw ng isipan niya pakiramdam pa niya tila bumibigat ang tulakop ng kanyang mata at ito'y unti-unting ng pumipikit.

Lalo pang pinalalim ni Val ang panghalik sa hindi kilalang babae. Dahil walang reaction mula rito at tila natatangay narin sa ginagawa niya.

Nanggagalaiti naman sa inis si Mirna. Dahil sa pagkapahiya niya. Buong akala niya siya ang hahalikan ni Val nakahanda pa naman ang labi."Ahhh!" Sigaw nito at sabay hampas ng malakas sa likod ni Val at umalis na.

Doon natauhan si Val dahil medyo nasaktan siya sa paghampas ni Mirna sa kanya. Pinutol na niya ang panghalik sa babae.

Kahit ang babaeng hinalikan ni Val. Nagulat ito kung kayat napamulat din. Nang maisip nito ang halik na ibinigay sa kanya ng lalaki.

Pagkalayo ni Val sa mukha sa babae. Mag asawang sampal ang dumapo sa kanyang pisngi. Nabingi yata siya sa lakas nito.

"Bastos kang lalaki ka, ah! nagtatanong lamang ako nanghahalik ka na!" galit na wika ng babae.

"Awww, Val. Okay lang iyan nakahalik ka naman di ba,"sabi ni Pepito sa kanya.

Hinimas-himas naman ni Val ang pisnging na sampal. Napabuntong-hininga siya bakit ba ginawa niya ito? Halik pa naman gusto niyang mag-sorry kaya lang iba ang lumabas sa bibig."Okay lang na bastos ako miss, napatunayan ko naman na hindi ako bakla." Tugon niya sa babae habang himas pa rin ang pisngi na namumula.

"Oh, Val, ituro mo na kay miss ang bahay ni kapitan." ani ng kainuman.

Tumango si Val sa kanila."Halika na miss, ihatid na kita kina kapitan," anyaya niya.

"Thanks, but no, kung sa katulad mong bastos!" sabi nito at mabilis na bumalik sa kotse kaagad na pinasibat.

"Naku, Val, baka importante ang pakay ng babaeng iyon kay Kapitan?" ani Pepito.

"Ewan ko, umalis na eh, kasalanan ko ba," sagot naman niya.

"Hala shot mo, Val. Suwerte mo ah, nakahalik ka sa magandang babae na iyon." Wika ng isang kainuman nila sabay bigay ng basong may laman alak sa kanya.

Napangiti naman si Val sa sinabi nito. Nawala bigla ang pagka-tipsy niya. Napahawak siya sa labi. Ang lambot ng labi ng babae matamis-tamis pa. Tinungga na niya ang laman ng baso."Paano mauna na ako sa inyo," paalam na niya.

"Maaga pa, Val. Sa tingin ko hindi ka pa naman lasing, ah."

"May tama na ako, kaya maiwan ko na kayo, maaga pa akong pupunta sa bukid bukas."

"Oh, sige, Val. Mauna kana mamaya pa ako, kulang pa ang nainom ko, eh," wika ni Pepito.

"Sige," tumayo na kaagad ng umalis sa inuman.

"Ahhh! walanghiyang-lalaki na iyon. Hinalikan ako! Damn that man!" sigaw ni Karen.

'Asus, galit daw eh gusto naman niya ang halik na ibinigay nang damn na lalaking iyon' tudyo ng isipan niya.

"No, I'm not," sagot nito sa sarili.'Ahhh, stupid me! Bakit ko ba kailangan kausapin ang sarili ko?"

Dahil sa uneasy siya sa kanyang sarili. Inihinto muna niya ang kotse sa gilid ng daan para pakalmahin ang sarili. Masyado yatang siyang apektado sa halik ng lalaking iyon pumikit siya.

Pagpikit niya ang mukha ng lalaking humalik sa kanya ang pumasok sa kaniyang balintatanaw hindi niya namalayan napahawak siya sa labi. Nang mapagtanto niya ang kanyang ginawa na pa mura ulit siya sa sarili. Hinampas pa niya ang manubela ng kotse niya."Ahhh, I need to go home now and take warm bath,'' kaagad na pinaharurot ang sasakyan.

Dahil walang traffic. mula Laguna hanggang Quezon city. Dalawang oras lamang niyang biniyahe ito. Pagkaparada niya sa kotse sa garahe ng bahay nila dali-dali na siyang pumasok sa loob ng bahay.

''OH! Karen, akala ko ba bukas kapa uuwi? di ba iyan ang paalam mo sa amin?''

''Yes, Daddy, pero hindi na ako tumuloy pa.''

"Bakit naman may problema ba doon sa pinuntahan?''

''Yes, Dad, ayoko doon mga bastos pala ang mga tao!'' deretso niyang sabi.

"Ano? Binastos ka nila, sino ang gumawa nito sa iyo, halika balikan nating?!" galit na turan ng ama.

"Daddy, huwag na ang layo kaya ng Laguna."

"Ah, basta, puntahan natin kung sino ang bumastos sa iyo, iyan pinakaayaw ko sa lahat iyong binabastos kayong mga anak ko!"

"Ate, ano naman ang ginawa ng bumastos sa iyo?" tanong ni Vhenz.

"Ha-eh," sagot nito.

"Ate, anong ha-eh ka diyan? Tell us, para alam ni Daddy, kung anong case ang isampa niya rito."

"Tama ang kapatid mo, anong ginawa sa iyo ng lalaking iyon, Karen?!"

"Don't lie, Ate!"

Atubili si Karen na sabihin ang totoo pero pipilitin pa rin siya ng ama at kapatid. Na magsabi saka ang ama hula agad nito na lalaki.

"Oh, natahimik ka, Karen."

"Ate, huwag mong pagtakpan ang ginagawa niya sa iyo. Or maybe you like him!" tudyo ng kapatid.

Na sense yata ng kapatid ang nangyari sa kanila ng lalaki kanina. Saka pati ito hula rin lalaki. Ganon ba siya kahalatado?

"Like him, hmmm?" ang ama nila.

"No!" pagtangi niya.

"If so, what did he do to you? Did he hurt you?"

"No, Dad!"

"So, what did he do to you, anak?"

"H... he ki... kiss me!" may hiyang aniya.

"Really ate? Wow sa wakas hindi na virgin iyan labi mo," may ngiting ani ng kapatid.

Nanlaki naman ang mata ni Karen sa sinabi ng kapatid.

Ngiting-ngiti naman si Jay sa narinig.

"Ate, anong lasa ng halik niya? At pagaling ba siyang humalik?"

Dahil sa sinabi ng kapatid pinulot ni Karen ang isang cushion ibinato ito rito hindi naman nakailag si Vhenz.

"Ouch! Masakit kaya, ate Karen!" sapol siya sa mukha.

"Buti nga sa iyo, hmp!" Inirapan ang kapatid.

"Ate, hindi mo pa sinagot ang tanong ko, ano ang lasa ng laway niya at pakiramdam ng hinahalikan? At guwapo ba siya, ate Karen?" sunod-sunod na tanong nito.

"Ikaw, Vhenz, sumusobra ka na ha!" Pinulot muli niya ang isang cushion para ibato sa kapatid.

Tama naman na dumating ang asawa nitong si Luis kaya nagtago si Vhenz sa likuran nito.

"Mahal oh, si ate, babatuhin na naman niya ako. Masakit nga iyon unang bato niya sa akin ng cushion," malambing na sumbong ni Vhenz sa asawa.

"Saan banda ang natamaan sa iyo mahal ko?" tanong naman ni Luis.

"Here, mahal ko." Tinuro ni Vhenz ang labi.

"Oh, it's hurt pa ba mahal ko?"

Tumango naman si Vhenz sa sinabi ng asawa.

"Okay, I will gave you alot of medicines, mahal ko!"

"Okay, yes I need medicine!" Kaagad naman siyang hinalikan ng asawa.

Nanlaki naman ang mata ni Karen sa halikan ng dalawa tuloy na isip na naman niya ang lalaking humalik sa kanya. Hindi niya matagalan ang nakikita napatalikod siya.

Napangiti naman si Jay sa reaction ng anak na si Karen.

"In love yata ang anak ko, sa lalaking humalik sa kanya," ani Jay sa sarili.

"Karen, papaano iyan ano ang sasabihin mo sa principal ninyo pagbalik mo sa school? Dahil hindi ka natuloy sa gagawin mo sanang pagpapa-test sa mga mag-aaral doon?"

"Magpapaliwanag na lang ako sa kanya Dad, pagpasok ko bukas, sige po akyat muna ako sa silid ko, napagod po kasi ako sa mahabang biyahe," paalam ni Karen sa ama tumango ito pero muling nagsalita.

"Teka lang Karen, baka naman maging bad record sa iyo itong nangyari?"

"I don't no Dad, sige po akyat na ako."

"Ate, wait, answer my question first, pag hindi mo ako sinagot it's mean you like his kiss, ang dali lang naman ng sagot sa tanong ko, YES or NO lang naman di ba?"

Inirapan lang ni Karen ang kapatid.

"Ate, Yes or No?" muling tanong ni Vhenz.

"Vhenz, mahal, I think like ni ate Karen iyong kiss and I think guwapo ito like me," sabat naman ni Luis.

"Tseee! Diyan na nga lang kayo. Why should I answer your question, my dear sister? The man is nothing. Okay bye," sagot ni Karen at umakyat na ito.

"Talagang lang ha Ate, pero bakit ganon, parang labas sa ilong iyan sagot mo."

"Bye my sister, goodnight!"

Nagkatinginan naman silang tatlo dahil sa ibang sagot ni Karen.

"Daddy, what do you think? There is something, kay Ate di ba?"

"Well, Pakiramdam ko malapit na naman akong mag kamanugang," may ngiting sagot ni Jay sa tanong ng anak.

"Kung ganon Dad, lahat meron na kaming pamilya. And then you have a lot of grandchildren."

"Tama ka, Luis. I want it naman dahil mag-isa lamang akong anak. So, sa inyo ako bumawi at sa mga apo ko!"

"Dad, maiwan ka muna namin ha, gagawa lang kami ng apo ninyo!" pilyong paalam ni Luis.

Siniko naman ni Vhenz ang asawa.

Ngiting-ngiti si Jay tumango siya sa anak.