Chapter 2
UMILING ANG KAPATID kay Val. Para huwag sabihin sa ina nilang kauuwi lamang niya.
"Oh, bakit hindi kayo makasagot na dalawa?"
Si Val ang unang nag salita ayaw niyang pagtakpan ang kapatid para matoto."Itong si Mimi, Nay, ngayon lang umuwi.''
Sumimangot ang dalaga sa narinig umirap pa sa kuya niya nginitian naman ni Val ito ngiting may sinabi na lagot ka.
''Ano? Ikaw na bata ka ayaw ko nang maulit pa ito. Wala nang makikitulog pa kina Jenny, na iintindihan mo ba ako ha, Mimi?''
''Opo, Nay."
"Huwag kang puro opo nang opo gawin mo minsan pa talaga Mimi, kahit dalaga ka na makakatikim ka sa akin ng sinturong hindi naman kami istrikto kung nasa tama lang ang gawin mo!"
"Hindi na po mauulit, Nanay!"
"Dapat lang, Mimi. Dahil hindi ako nagbibiro kilala mo naman ako, kahit kampihan ka pa ng Tatay mo!"
"Promise po Nay, hindi na."
"Promise ka diyan, gawin mo," sigunda ni Val.
Nasa ganon silang pag-uusap ng may tuwag kay Val.
''Val, pare.'' sigaw ng kaibigan kaagad naman siyang lumabas ng bahay.
''Oh, Pepito, ikaw pala anong atin?''
''Sumama ka sa akin, Val.''
''Saan naman tayo pupunta?''
''Alam mo na pare, kaya halika kana huwag kang magtanong pa.''
''Sige, sandali lang magpaalam muna ako kay Nanay, Pepito."
"Sige, hintayin kita rito."
Pumasok siya sa loob."Nay, may pupuntahan lamang po kami ni Pepito."
"Mangliligaw ba kayo anak? Sige-sige, umalis na kayo," pagtataboy pa nito sa kanya.
"Inay, naman hindi kami mangliligaw, may pupuntahan lamang kami saka maliwanag pa ano ako intsik."
"Eh, kung may makita kayong dalaga diyan sa pupuntahan ninyo aba ay ligawan muna, ha."
"Nanay, di halatang atat ka ng mag asawa na si kuya Val, no?" sabat ni Mimi.
"Sino ba ang hindi!"
"Si Nanay, talaga," pailing-iling si Val.
"Hala anak, ano pa ang hinihintay mo lumarga na kayo."
"Sige po Nay, alis na kami," binalingan ni Val ang kapatid."Mimi, ikaw ang magluto ng hapunan baka si Nanay pa, ha," biling niya rito. Tumango ang kapatid.
"Sana makakita ka ng maiuwi mong dalaga rito sa bahay, Val?"
"Nay, hindi ganon kadali iyan gusto mo."
"Kuya, puwede naman, kung na love at first sight kayo pareho di ba. Love is so powerful you know?"
"Isa ka rin, diyan na nga lang kayo!" lumabas na siya.
"SAAN Kaya dito, ang bahay ni kapitan, makapagtanong nga pag may tindahan akong makita?" ani ng isang babae habang nagmamaneho ito. She was looked left and right kung may makita siyang tao then hihinto siya para magtanong.
"OH, Val, shot kapa ang hina mo naman uminom, eh?"
"Ikaw talaga Pepito, akala ko kung saan mo ako dadalhin, sa inuman lang pala, kunti lang." awat nito sa paglagay ng alak sa baso na para sa kanya.
"Pareng Val, minsan lang naman ito di ba, pangtangal pagod sa buong linggong trabaho sa bukid."
"Tama si Pepito, Val, kaya inom pa," wika naman ng isa pang kainuman nila.
"HI, Val!" ani ng isang tinig mula sa likuran nito.
"Oh, Mirna, ikaw pala halika, shot ka, oh," anyaya ni Pepito sa dalaga.
Si Mirna, alam ni Val na malaki ang pagkagusto nito sa kanya.
"Oo ba," walang kiyeming sagot nito sabay upo sa tabi ni Val. Hindi lang basta upo ang ginawa dinikit ang katawan nito sa binata.
Naasiwa naman si Val sa ginawa nito kung kayat umurong siya ng kunti para hindi magkadikit ang katawan nila sa katawan. Kaya lang may pagkapilya si Mirna. Umurong din ito pag-urong niya.
Napangiti naman ang mga kainuman ni Val sa ginagawa nila.
"Baka mahulog ka sa kakaurong mo, Val?"
"Bakit ba sobrang dikit mo sa akin?"
"Masama ba, Val?"
Hindi naman nakasagot si Val sa sinabi nito tumagay na lamang siya.
Habang nagtatagal ang inuman nila nagiging agresibo na si Mirna ang dibdib nito ay dinidikit na sa may braso ni Val.
Dahil medyo may tama na si Val, nakaramdam na siya nang pag-iinit sapagkat damang-dama niya ang lambot ng dibdib ng dalaga. Tuloy di siya mapakali napansin naman ito ni Mirna.
Nagdiwang ang isip at puso nito tiyak niya bibigay si Val."Gusto kita, alam mo iyan, puwede ako ngayon, I am safe," lantaran sabi nito pero pabulong.
Napailing naman si Val sa sinabi nito. Pero ang isip niya bigla na lamang pumasok ang sinabi ng kapatid niya sa kanya.
(Kuya, you are to old na talaga baka bulok na iyan sperm mo kasi di mo nilalabas)nag eecong nadidinig pa niya ang sinabi nito.
Nilingon niya ang dalagang namumungay naman ang mata nitong nakatitig sa kanya pero bigla niyang nasabi."Salamat na lang, Mirna. "
"Wow, Val, ini-offer ko na nga ang sarili ko sa iyo ayaw mo pa bakla ka ba?"
"Hindi ako bakla!" nairita siya sa pagtawag nitong bakla sa kanya.
"Bakla ka, eh," anitong muli.
Umiling naman si Val sa sinabi nito.
"Oh, bakla ka nga?"
"Hindi ako bakla, Mirna!" muling sabi niya.
"Patunayan mo nga sa akin, Val. Na hindi ka nga bakla!"
Nagtinginan naman ang mga kaharap nila dahil iba na ang paksa ng usapan nilang dalawa.
"AH, nasaan ba ang bahay ni kapitan dito, hayong may mga tao sa kanila na lamang ako magtatanong, baka maligaw pa ako nito ng tuluyan, eh." Hininto niya sa medyo malapit sa mga taong nakaumpok ang sasakyan niya.
"Gusto mo lang naman na halikan kita, Mirna!"
"Kaya nga para alam ko kung hindi ka nga bakla."
Nakatingin lang naman ang mga kainuman nila sa kanilang dalawa na napapangiti.
Sasagot sana si Val sa sinabi ni Mirna sa kanya ng may nagsalita sa likuran nila.
"Excuse me po, puwede po bang magtanong?" magalang at malambing ang tono ng boses ng nagsalitang babae.
Napalingon ang lahat na napanganga pa maliban kay Val na huli nang tumingin dito.
Paglingon ni Val dito nasa mata niya ang paghanga sa babae well maganda ito ang mahaba nitong buhok naka-ponytail.
Bumaba ang tingin ni Val sa paanan ng babae naka sandal ng di ipit ito kitang-kita niya ang makinis na balat nito napalunok siya.
Nakita naman ni Mirna kung paano tignan ni Val ang babae.
"Ano iyon itatanong mo miss?" may pagkairitang sagot ni Mirna rito.
"Saan ba ang bahay dito ni kapitan Lorenzo?"
"Si Val, kapitbahay nila si Kapitan, Val. Samahan mo nga si miss kina kapitan," ani Pepito sa binata.
"Oo ba," pero bago siya tumayo may sinabi muna sa kanya si Mirna.
"Bakla ka ngang talaga, Val!"
"Hindi, Mirna. Gusto mong patunayan ko?"
Napangiti naman si Mirna sa sinabi niya."Sige nga gawin mo." May ngiting sagot nito.
Dahil tipsy na si Val hindi naman kasi siya palainom bigla siyang tumayo at inilang hakbang lamang niya ang babaeng nagtatanong sa kanila. At walang sabing hinapit niya ito sa baywang at hinawakan ang batok nito. Mabilis na sinakop ang labi ng istrangherang babae.