Chapter 18
PAYAPANG nakarating sina Val at Karen sa Laguna.
Tama naman sa sandaling itong nagpapahinga ang magulang at kapatid ni Val sa balkunahe ng bahay. Napalingon ang mga ito ng may punaradang magarang kotse sa trankahan.
"Nanay, Tatay, sino kaya iyan?" tanong ni Mimi.
"Naku anak baka pumarada lamang diyan at may hinihintay, sino naman ang bibisita sa ating na may ganyan kagandang sasakyan?"
"Oo nga ano, " kaya naman binalewala nila ito.
"Bumaba ka muna, Karen. Para makakain ka ng kahit ano man lang para hindi ka magutom sa daan," turan ni Val sa dalaga.
"Huwag na, gagabihin ako sa daan baka matraffic pa ako salamat na lang."
Hindi papayagang ni Val na basta na lang aalis ang dalaga.
"Please pagbigyan mo naman ako Karen, kahit sandali lang."
"Ang kulit mo rin no, huwag na nga tignan mo mukhang uulan pa yata kasi madilim sa banda roon, oh. " Napasilip pa siya sa bintana ng sasakyan.
"Hindi iyan uulan, kung uulan man sandali lang."
Tinitigang ni Karen si Val kung nagsasabi ito ng totoo. Seryoso naman ang guwapo nitong mukha. Saka gusto naman niya na makasama pa ito. Siyempre need niyang magpakipot kahit katiting lang.
Nagsusumamo ang mata ni Val."Please, miss Ramirez!"
"Sige na nga lang, at ng matigil ka,'' may ngiting sagot na niya.
"Thank you!" masiglang bumaba na si Val.
"Nanay, Tatay si kuya Val, oh." Turo pa ni Mimi sa kuya.
"Aba oo nga."
"Kuya Val."Patakbong sigaw ng mga kapatid.
Nang makalapit ang mga ito binuhat ni Val ang bunso nila.
"Kamusta naman kayo, ha?" may ngiting aniya.
Yumakap naman ang tatlo sa kanya. Napangiti si Karen sa nakita.
"Ang sweet naman nila." Bumaba na siya.
Napatingin sa kanya ang mga kapatid ni Val na may paghanga sa mata nila.
"Kuya, sino siya?" ang kapatid niyang babae.
"Kuya, girlfriend mo, ang ganda niya?"
Napatingin naman si Val kay Karen.
Sabik si Karen na marinig kung ano ang isasagot nito sa kapatid.
"Hindi, anak siya ng boss ko sa Maynila,'' sagot niya.
Hindi mawari ni Karen ang sarili bakit nakaramdam siya ng lumbay sa sagot ni Val. Ang ibig bang sabihin nito mahal niya ang binata.
"O, bakit kasama mo siya Kuya? Kung hindi mo naman siya girlfriend?"
"Ikaw talaga Mimi, ang daldal mo, pauna na nga kayo sa bahay." Binaba ni Val ang bunso nila.
Kaagad sumunod ang mga kapatid sa sinabi niya.
"Pasensiya kana sa mga kapatid ko Karen, madaldal sila," paumanhin niya sa dalaga.
"Okay lang iyon ang cute nga nila, eh. "
"Nasa lahi eh, kaya mga cute kami," may ngiting sagot ni Val.
"Oo cute ka lalo na siguro, pagtulog," ani naman ni Karen.
Nag ngitian silang dalawa sa biro nito.
"Halika sa bahay, baka mangitim ka matindi pa ang sikat ng araw," anyaya ni Val magkaagapay silang naglakad.
"Val, mabuti naman at dumalaw ka sa amin," ang kanyang ina.
"Anak, siya na ba ang ipakikilala mong babaeng mahal mo sa amin?" sigundang tanong ng ama.
Napatingin naman si Karen kay Val. Gaya ng naramdaman niya kanina na excited muli ang kaniyang puso.
Gusto isagot ni Val sa ama at Oo kaso baka magalit si Karen.
"Ha? Eh, hindi po Tatay, anak siya ng boss ko."
Nainis ang puso ni Karen sa tugon muli ni Val.
"Akala namin tinutoo mo iyon sinabi ng nanay mo na pag-uwi mo dito eh, may kasama ka nang girlfriend mo. "
"Tatay, naman. " Napahimas sa batok niya si Val."Siya nga pala, Karen, ang Nanay at Tatay ko mga kapatid ko," pakilala niya.
"Maganda araw po, sa inyo ako po si Karen."
"Naku ang ganda mo naman, Karen, Val, bakit hindi mo siya ligawan baka naman iyan pag katorpe mo kumana na naman."
"Si Val po, torpe?" Tumingin siya sa binata. May torpe bang nanghahalik kaagad.
"Bakit, Karen, hindi ba torpe itong si Val, namin?"
"Ha? Eh," tugon ni Karen alangan naman na sabihin niyang hinalikan siya nito.
"Anong, ha eh, Karen? sagutin mo ng maayos ang tanong ni Tatay, " may ngiting ani Val.
"Kuya, nasaan ang mga pasalubong namin?'' biglang sabat ng bunso niyang kapatid.
"Naku, pasensiya na, nakalimutan ni Kuya!"
"Hmp!" Irap ang naging tungong ng kapatid niya sa kanya.
"Babawi ako next time promise, bunso." Nilapitan niya ito niyakap dahil nagtampo.
"Hmp!" Irap muli nito.
"Bunso, sorry na smile kana please," kanyang nilambing ito.
Napangiti naman si Karen. sa nakikita."Ang sweet talaga niya, ano kaya ang feeling ng nilalambing niya?"
"Oh, Karen, pasok ka muna pasensiya na nakalimutan kana namin papasukin sa loob," anyaya ng ina ni Val sa dalaga.
Pumasok naman kaagad sila sa loob.
"Maiwan ko muna kayo at ako ay maghahanda ng makakain ninyong dalawa ha. Val, asikasuhin mo si Karen, hayaan mo muna iyan kapatid mo mamaya okay na ang tampo niya sa iyo."
Hinalikan na lang ni Val ang pisngi ang bunso.
"Ang saya pala ng pamilya mo, Val."
"Oo, kahit simpleng buhay meron kami rito, masaya na kami, ito ang mga namimiss ko pag nakahiga na ako pag gabi sa Manila."
"Kaya ka ba umuwi rito para sabihin sa kanila ang totoo?"
"Oo, Karen. Lalo na kay Nanay. "
"Tiyak matutuwa ang Nanay mo, suwerte mo ha, kasi may mabait kang pamilya lalo si tita Maribelle. Ang kapatid mong si Vanessa mabait din."
"Nakita ko nga eh, nagpapasalamat nga ako kasi hindi sila mahirap abutin, hindi ko inaasahan iyon."
"Oh, kain muna kayong dalawa, pasensiya kana Karen, kung ito lamang ang nakaya kong ihanda pang mahirap."
"Naku okay na po ito, nilagang saging na miss ko rin kumain nito, noon bata ako laging ganito ang kinakain namin."
"Mabuti naman, Val. Bakit ka nga pala narito biglaan yata, anak?"
Nagkatingin naman sina Karen at Val sa tanong ng ina.
Tumingin rin siya sa ama ngumiti at tumango ito sa kanya parang alam nito ang gusto niyang sabihin.
"Ah, Nanay. Nahanap ko na po si Vincent Delara."
Napatitig ang ina sa kanya dahil sa sinabi niya.
"A... anong sabi niya sa iyo, anak?"
"Nanay, ang bait pala nila lalo ang asawa at anak niya."
"Tanggap ka ba nila, anak?"
"Buong puso Nanay, kaya masaya ako."
"Ganon ba anak, anong plano mo o nila?"
"Ang gusto nilasa kanilang bahay na ako tumira."
"Anong sagot mo, anak?"
"Nanay, payag ka ba na sa kanila na ako titira?"
"Anak, malaki kana, alam mo na kong ano ang nakakabuti sa iyo, kaya kungng ano man iyan gusto mong gawin. Gawin mo, anak."
Tahimik lang naman ang mga kapatid.
"Salamat Nanay, huwag kayong magalala palagi akong dadalaw rito lalo na sa ang mga kapatid ko."
"Kuya promise mo iyan ha," sabat ng mga kapatid.
Napaiyak ang bunso niyang kapatid kahit hindi nito alam ang dahilan pero na intindahan ang kanilang usapan.
Kinalong ni Val ang bunso."Oo, promise at pag nag-aral na kayo ng college sa Manila na."
"Talaga, kuya?" masayang ani ng mga kapatid
"Oo, kaya mag-aral kayong mabuti ha, ang bagsak sa inyo hindi mag-aaral sa Manila. Bunso, tahan na." Yumakap ito sa kanya.
"Pangako namin sa iyo kuya, mag-aaral kaming mabuti,'' sabay-sabay na ani ng mga ito.
"Good, sige pagmahinga muna kayo para madali kayong lumaki," sumunod naman ang mga ito sa utos ng kanilang kuya.
"Maiwan ko muna kayong dalawa dito, magpapahinga rin muna ako medyo sumakit ang likod ko iba na kasi ang tumanda," paalam ng kanyang ama.
"Ako naman tatapusin ko muna ang ginagawa ko, Karen, si Val na ang bahala sa iyo, babalik ako maya-maya, ha."
"Sige po, Nanay, Tatay," tugon ni Val. Tumango naman si Karen.
Nang sila na lamang dalawa. Pasulyap-sulyap lang si Val sa dalaga. Bigla ba siyang natorpe?
Kahit si Karen marami siyang gustong sabihin o itanong sa binata. Naglaho ito bigla at siya ay kinabahan.
"Naku dumilim na mukhang uulan na yata, sige Val, ako ay aalis na baka maabutan pa ako ng baha, " ani Karen.
Hindi naman niya puwedeng pigilan ito."Sige mag ingat ka," ani naman niya sabay na silang tumayo ng biglang kumulog, kumidlat ng malakas.
Napatili si Karen sa gulat napahakbang siya ng malaki sabay yakap niya kay Val.
Napangiti si Val sa ginawa nito.
"Val, takot ako sa kidlat at kulog." Nang kumulog ulit nag sumisiksik siya sa katawan ni Val.
Kasabay ng kulog at kidlat bumuhos ang malakas na ulan. Niyakap naman si Val si Karen.
"Halika maupo muna tayo, patilain muna nating ang ulan bago ka umuwi."
Hindi humiwalay si Karen kay Val todo yakap pa.
Papasok sana si Aling Zeny sa sala niya pero ng makita niya na nasa ganon ayos ang dalawa hindi na siya tumuloy. Sa kusina na lamang pumunta naghanda ng lulutuin para sa hapunan nila. Alam niya hindi makakauwi si Karen dahil hindi titigil ang ulan.
Tuwing kikidlat at kukulog todo siksik naman si Karen sa katawan ni Val abot tenga tuloy ang ngiti niya.
Tila ba gustong idasal ni Val na sana huwag ng tumigil ang kidlat at kulog sa sandaling iyon. Kahit naman sino ganon din ang gustong mangyari siyempre nakayakap ka sa babaeng mahal mo.
'Val, ito na ang pagkakataon mo na maging iyo si Karen, gumawa kanang paraan,' sigaw ng isipan.
"Tama!" sang-ayon niya sa sarili siya ay ngumiti ng todo.