Chapter 19

PALABAS sana ang ama at kapatid ni Val pero hindi nila ito itinuloy dahil sa nakita nila.

"Tatay, ang sweet nila,'' anas ng kapatid na babae ni Val.

"Pssst, huwag kayong maingay bumalik kayo sa loob at matulog ulit."

"Tatay, naman eh, kagigising lang namin. At saka paano pa kami makatulog ang lakas ng kulog at kidlat," protesta nito.

"Kulang pa ang tulog ninyo, takpan na lang ang inyong mga tenga, dali na bumalik na kayo sa loob!"

Pakamot-kamot naman sa ulo nila na bumalik sa loob ng silid ang magkakapatid.

Ngiting-ngiti si Mang Artemio, maingat siyang naglakad patungo sa kusina para hindi siya mapansin ng dalawa. Nang makita ang asawa."Zeny!" anas nito.

"Artemio, bakit ang hina ng boses mo?"

"Si Val."

Ngumiti si Aling Zeny."Magkakamanugang na tayo, Artemio."

"Oo, Zeny. Nakikita ko ito."

"Mabuti na lang pumunta siya ng Maynila, Artemio? Hayan may nakilala na siyang dalaga."

"Oo, Zeny. Aba tumatanda narin si Val."

"Oo nga eh, hala tulungang mo na lang ako sa pagluluto, Artemio. Para mabilis tayong makakain."

Sa sala todo yakap si Val sa dalaga tila ba ang sinasabi ng yakap niya. Akin kana Karen, akin na akin.

"Hmmm, makit amoy pawis siya, ang bango pa rin niya," hindi mapakali ang puso ni Karen habang nakasiksik ang mukha sa dibdib ni Val. At naiingganyo siyang ipikit ang mata para damhin ang kakaigayang nararamdaman.

Hindi napigilan ni Val ang damdamin hinaplos-haplos niya ang buhok ni Karen, na lalong ikinapikit nito. At Pakiramdam niya parang pinag hehele siya ng binata upang makatulog.

Dahil walang pagtutol mula sa dalaga. Naging panatag ang loob ni Val kaya patuloy siya sa kanyang ginagawa.

Puno ng kaligayahan ang puso niya sa sandaling ito. Dahil nasa bisig niya si Karen. He knows he loved her already mula nong una nilang pagkikita pa lamang. At nararamdaman din niya na pareho sila ng damdamin ni Karen. The way she hugged him right now.

'Paano mo naman alam na may pagtingin din siya sa iyo?' sabi ng tinig sa isipan niya.

"Simple lang, noon hinalikan ko siya, gumanti rin siya ng halik sa akin, kung wala siyang gusto sana itinulak niya ako o sinampal nasa bahay pa naman nila kami," paliwanag ni Val sa sarili.

'Ganon naman pala, ano pa ang ginawa mo. You must do something!'

Ang kulit din ng isip niya atat masyado."Karen," tawag niya sa dalaga.

"Bakit, Val?"

"May itatanong lamang ako sa iyo, sana sagutin mo ako ng tama."

"Oo ba, ano ba iyan?"

"Mahal mo ba ako, Karen?"

Napakalas naman sa pagkayap si Karen sa kanya dahil sa kanyang tanong. At napatitig sa mukha ni Val.

"Ba... bakit mo naman naitanong iyan, Val?"

"Sasagutin ko iyan tanong mo pero sagutin mo muna ang tanong ko, Karen. "

"Sige pero may itatanong din ako sa iyo bago ko sagutin iyan tanong mo."

"Ang gulo ah, nagtanong ako wala pang sagot tapos may itatanong ka hmmm. "

"Ayaw mo, di huwag." Umirap siya.

"Ito naman di na mabiro, ano iyon sasabihin mo?"

"Mahal mo ba ako?" balik tanong ni Karen sa sinabi sa kanya ni Val.

Napatitig si Val kay Karen. Nagkatitigan at nag-uusapan ang kanilang mata.

"Mahal kita, Karen!" Hinawakan niya ang pisngi nito.

Gustong tumalon ni Karen sa tuwa. Ang kaniyang puso para bang may nagdri-dribble sa loob.

"So, nasagot na kita ako naman ang sagutin mo Karen, do you love me?"

"Ligawan mo muna ako bago ko sagutin iyan tanong mo, ano ka sinuwerte hmp!''

"Naman, Karen, hindi na uso ngayon ang ligawan portion. Maramdaman mo lang tibok ng puso ko, at malalaman mo kung ano ang kailangan nito." Kinuha niya ang kamay nito inilagay sa tapat ng kanyang puso.

Tama naman si Val, ramdam niya ang pagdagungdong ng puso nito kagaya niya.

"Ano, nararamdaman mo ba, Karen?"

Napangiti si Karen."Totoo ba iyan?" kumwari niyang tanong.

"Kailanman, Karen. Ang puso hindi marunong magsinungaling o magkumwari pero ang labi nakakapagsinungaling, sagutin mo na ang tanong ko."

Pero hndi muna sumagot si Karen.

"Okay lang kung wala kang gusto sa akin, tumila na ang ulan, puwede kanang umuwi!" pinalungkot niya ang boses.

"Tinataboy mo na ako?"

"Hindi naman, kung gusto mo dito kana matulog, di ba ang sabi mo baka gabihin ka sa daan kung uuwi ka? "

'Hoy! Karen, huwag kanang magpakipot pa, remember you are getting old na, sunggaban mo na iyan si Val, ano pa bang ayaw mo sa kanya. Guwapo, anak mayaman, mabait so grab it now'

"Ihahatid na kita sa labas, Karen."

"Hindi mo na ba ako tatanungin ulit, Val?" bigla aniya.

Napatitig naman si Val dito dahil sa sinabi.

"Sinabi ko na, hindi mo naman sinagot. Bakit ko pa uulitin halika na," may himig tampo ito.

"Val, naman, eh," parang batang ani Karen.

'Hayaan pakipot ka pa kasi di nagbago tuloy ang isip niya magdusa ka'

"No, bakit ko naman hahayaan ito. No way!"

'So, do it now kung ano man ang binabalak mo'

Huminga ng malalim si Karen, sobrang ka ba niya pero kailangan niyang gawin no pakipot portion muna.

"I love you," lakas loob na ani Karen.

Sa narinig ni Val napangiti siya. At gusto niyang sumigaw ng malakas."Totoo ba iyan sinabi mo, baka joke, miss Ramirez?"

"Oo naman, mula dito." Tinuro pa niya ang puso.

"Ulitin mo nga iyan sinabi mo?"

"Ikaw muna, puwede?"

"Ms. Karen Ramirez, Mahal kita, I love you!"

"Mahal kita, I love you, Mr. Val Delara."

"Yes, I love you too, Karen, minahal na kita ng mahalikan ko ang matamis mong labi. "

"Ako rin naman. Eh, Hindi ako pinatulog ng halik mong iyon lagi kong naalala ang unang halik mo sa akin, at lagi ko rin sinabi sa akin sarili na kailan kaya muling mauulit ito. Nang hinalikan mo ako sa bahay siyempre hindi na kita sinaway kasi miss ko ang labi mo," paliwanag niya.

Dahil sa galak ni Val hinapit niya ang baywang ito. At walang sabi-sabing sinakop ang labi ni Karen.

"Magkakamanugang na talaga tayo salamat sa kulog at kidlat," ani naman ng ina at ama ni Val na nakikinig sa kanila.

"Nay, kasalan na ba?"ani naman ng anak nilang babae na kalalapit sa kanila hindi naman sila natulog nakikinig din sa sweet words nila Val at Karen.

"Oo, kasalan na iyan anak, magkakaapo na kami ng Tatay mo!"

Nang maghiwalay ang labi nila kaagad nagpaalam si Karen na uuwi na.

"Aalis na ako, Val."

"Sinong may sabing aalis ka o uuwi pa," may ngiting ani Val.

"Ako!"

Niyakap ng mahigpit ni Val si Karen sabay bulong."Ano ka sinusuwerte walang uuwi dito kana."

Napangiti naman ng lihim si Karen sa sinabi ni Val. Well her heart was rejoice.