Chapter 17
NAGKATINGIN sina Karen at Val. Sa tanong nila sa kanila. Ngumiti si Val sa dalaga."Ladies first." aniya.
Ngumiti rin si Karen."Mas mabuti, kung kilalanin muna namin ng husto ang isat isa ni Val."
"Ate, ang Delara family ay kilala na natin ng lubos, kuya Val is Delara."
Pinanglakihan ng mata ni Karen ag kapatid.
"Oo, I mean is, kami ni Val. Pag isipan namin ang totoong damdamin namin."
"Ate, Karen. Kailangan pa ba? You know yourself kung wala o meron kang nararamdam sa isang tao. Lao na kung love or hate ba."
Naku naman talaga ang kapatid niya ang kulit. Ang sarap batukan."Vhenz, bakit ba nagmamadali ka? Kaysa sa akin ha."
"Ate, nauna akong nag-asawa sa iyo. Kaya kailangan mag-asawa ka narin."
"Paano naunang naglandi iyan puso mo."
Napangiti ang lahat sa sinabi ni Karen.
"Okay fine, kuya Val, mahal mo ba ang ate Karen ko?"
"Vhenz!" away ni Karen dito.
Tahimik lang naman ang lahat pero mkikita sa kanilang mata ang pang-ayon sa tanong ni Vhenz.
"Yes or no, Val," si Lyka na.
Tinignan ni Val si Lyka tinging sinasabi na ISA KA PA!
Ngiting-ngiti nama si Lyka na muling humirit."Val, what's your answer?"
"Eh, kung sabay na lang kayong sumagot sa amin, ate Karen kuya Val."
"Tama n iyan, masyado naman natin silang ginigisa, they can tell in the right time if they love each other. Di ba dapat kay Karen muna sasabihin ni Val ang nais nating marinig? Huwag tayong atat!" turan ni Veron.
"Veron's right, huwag nating silang I-hot seat. So, papaano uuwi na kami."
"Sige, balae, salamat sa pagpunta ninyo ngayon dito."
"Ako ang dapat na magpasalamat sa iyo balae, dahil nakilala ko ang akin anak na magdadala sa apilyedong Delara."
"Balae, iyan ang nakatadhana."
Napatango si Vincent sa tinuran ni Jay.
Tumayo na sila at inihatid hanggang sa gate.
Wala naman imik sina Karen at Val ang kanilang mata na lang ang nag-uusap para sa kanila.
"Wala bang goodbye kiss, kuya Val"tudyo ni Vhenz.
Dahil magkatabi sila ng kanyang ate Karen, siniko siya nito.
"Ate!"
Tinignan lang ni Karen ang kapatid.
Nang wala ang mag-anak, tahimik na umakyat sa silid niya si Karen. Pagkapasok sa loob sumandal muna siya sa dahon ng pinto. At hindi rin nito napigilan ang pagsilay ng isang matamis na ngiti sa labi. Paanong hindi siya ngingiti sa isang kumpas lang in relationships na siya. Tadhana nga naman dahil ito pa ang lalaking nagnakaw sa unang halik niya. Yeah she never get involved to any men. Dahil para sa kanya kailangan muna niyang magtapos sa pag-aaral noon. Dahil gusto niyang suklian ang kabaitan ng ama sa kanila ng kapatid. Lalo na sa mommy Veron nila. Tinanggap sila nang walang kahirap-hirap. Until she finished her course bachelor in education. Naging busy siya sa pagtuturo ng ilang taon. Kahit na meron nagpapalipad hangin na gusto siya. She ignore it. Pakiramdam kasi niya para siyang nilipasan ng kilig sa sarili. Because she never feel it. Ngayon palang niya nadama ito. Feeling nga niya para siyang teenager. Nailagay niya ang palad sa dibdib. Ramdam pa rin niya ang mabilis na pagtibok nito. Ngiting-ngiti niyang tinungo ang kama.
Hindi naman mapakali si Val habang nakahiga siya. Iniisip niya ang nangyari kanina. Sa isang iglap nakilala ang ama. Tapos tanggap pa siya ng pamilya nito lalo na ang kapatid na si Vanessa. At ang lalong hindi nagpakali sa kanya ang nangyari sa kanila ni Karen. Napangiti siya may pagkapilyo rin pala siya o sadyang malakas ang loob niya. Kiss agad eh ang binigay sa nobya na. Oo sila na. Parang gusto niyang sumigaw ng mahabang YES.
KINAUMAGAHAN kahit na hindi siya nakatulog ng husto maagang nag empake ng kanyang gamit si Val sa pag-uwi niya sa Laguna.
Pag-uwi niya kagabi naikuwento ni Val sa kaibigan ang nangyari. Napa wow pa nga ito dahil alam niya ang istado ng buhay ni Vincent Delara.
Paglabas ni Val sa kaniyang silid nabungaran ang kaibigan sa munting sala nito.
"Pareng, Val, sobrang yaman ng tatay mo, pati ikaw mayaman na rin huwag mo akong kalimutan, ha!"
"Ikaw naman pare, sila ang mayaman hindi ako."
"Pero siyemrpe pare, sabit ka na rin sa yaman ng ama mo, di ba presidente siya ng isang malaking company dito sa Maynila? Hindi lang dito sa ibang bansa pa, aba malay mo ikaw ang susunod na maging presidente ng mga negosyo nito."
Napatawa naman si Val sa sinabi ng kaibigan.
"Pare, ang layo ng narating ng imahinasyon mo ah, wala akong alam magpatakbo ng company niya, kung kalabaw ang patakbuhin ko diyan marunong ako!"
"Ah, basta alam ko darating ka sa bagay na iyan huwag mo akong kalimutan ha, sana nabigyan mo ako ng maayos na trabaho kahit manager lang muna pare," biro nito.
"Loko-Loko, sige na aalis na ako, huwag kang mag-aalala kung mangyari sinabi mo pare, kasama ka."
"Salamat naman kung ganon pare, pa kamusta mo na lamang ako kina Inang, hindi pa kasi ako makakauwi sa ngayon."
"Sige pare, makakarating iyan, paano aalis na ako," paalam ni Val sa kaibigan.
"Mag ingat ka." Sumaludo naman si Val dito at siya'y umalis na.
"GOOD MORNING," may ngiting bati ni Vincent.
"Good morning too, Daddy,"t ugon nina Vanessa at Jake.
"Good morning, lolo," ani naman ng mga apo niya.
"Good morning, you look so happy honey?" ani naman ni Maribellla.
"Well, yes, I'm so happy, kasi nariyan si Val, akala ko walang magdadala sa apilyedo nating Delara Ikaw honey, masaya ka ba?"
"Naman, Vincent, kailangan mo pa bang itanong iyan, of course masaya ako. At tama ka, Delara is on the way," may ngiting ani Bella.
Ginagap naman ni Vincent ang kamay ng asawa at hinalikan.
"Thank you so much, honey. I love you!"
"Ang sweet talaga ni lolo, kahit matanda na pinakikilig pa rin si lola," ani naman ng apo nila.
"Maui, alam mo na ang kilig-kilig na iyan ha, kinilig kana ba?" may ngiting tanong ni Jake sa anak.
"Daddy, naman wala akong alam diyan ah, napanood ko lamang sa mga movies. "
"Naniniguro lamang ako dahil bata ka pa, kayong dalawang, isipin muna na ninyo ang inyong pag-aaral okay."
"Opo, Daddy," sagot naman ng dalawa.
"Vanessa, Jake, wala pa ba kayong balak sundan iyan kambal ninyo aba malaki na sila, ah?"
Napangiti naman si Vanessa sa sinabi ng ina.
"Baby ko, anong ibig sabihin ng ngiti mong iyan?"
"Actually, I'm pregnant."
"Talaga baby ko?"
Tumango si Vanessa sa asawa.
"Yes-yes-yes," sigaw ni Jake at napatayo siya binuhat ang asawang nakaupo.
"Jake, ibaba mo nga ako," may ngiting ani Vanessa.
"I love you, baby ko!"
I love you too, baby ko," Tugon naman ni Vanessa.
"Ang over acting, naman ninyo Mommy, Daddy," wika ng kambal nilang anak.
"Nick, Maui, masaya ang Daddy ninyo okay, kumain na kayo don't mine them, malate na kayo sa school."
"Opo, lolo," sagot ng kambal.
Ngiting-ngiti naman sina Vincent at Maribellla. Dahil lumalaki ang kaninang pamilya. At alam nilang lalawak pa ito dahil kay Val.
NASA daan si Karen papuntang school ng pahinto-hinto ang kotse niya."Oh no, not now please, huwag ka munang tumirik," pero talagang titirik ang kotse niya kaya pinagilid niya ito tama naman na huminto ang makina."Kung minamalas ka nga naman," anniya at siya'y bumaba para tignan ang makina."Oh no, walang langis, ang tanga ko talaga bakit ba nakalimutan kong mag pa-change oil, ahhh, ang layo pa naman yata ng gasulinahan dito?" Nagpalinga-linga siya sa kanyang paligid.
"AH, kay aga pa sobrang traffic na ah, hapon na ako makakarating sa bahay nito," ani naman ni Val sa sarili habang nakasakay siya sa bus. Patingin-tingin din siya sa labas ng may mamataan siya.
"Huh? si Karen iyon ah, anong nangyari kaya?" kaagad niyang pinara ang bus."Manong driver, bababa po ako."
"Akala ko ba Laguna ka bababa?"
"Opo, may nakalimutan pala ako sa bahay babalikan ko, heto pamasahe ko, keep the chance." Dali-dali na siyang bumaba.
Kaagad nilapitan ni Val si Karen na nakatayo sa harapan ng kotse nito.
"Anong problema ng kotse mo?" biglang aniya sa likuran ng dalaga nagulat si Karen.
"Ayyyy kalabaw!" sigaw niya sabay harap sa nagsalita sa kanyang likuran.
Nang makita ang binata. Ang gulat niya napalitan ng pagkalabog ng kanyang puso.
"Sorry, magugulatin ka pala."
"Sino naman ang hindi mamagulat bigla ka naman mag salita diyan."
"Sorry na, anong nangyari sa kotse mo?"
"Na walang ng langis, eh."
"Ganon ba may reserba ka ba diyan? Akin na at ako ang maglagay."
"Wala nga, eh," nahihiyang aniya.
"Hmmm, okay hintayin mo ako rito, bibili lamang ako para makaalis kana."
"Saan ka bibili ang layo ng gasulinahan dito, ah?"
"Ganon ba manghihingi na lamang tayo sa mga sasakyan na dadaaan."
"Nakakahiya naman yata, Val."
"Akong bahala," dahil sa sobrang traffic mabagal ang usad ng mga sasakyan lumapit si Val sa isang jeep.
"Ah, manong my langis ka bang reserba? Pabili na lang po kasi tumurik iyon sasakyan namin."
"Meron pero kalahati na lamang ito."
"Okay lang Manong, basta ba aabot sa may gasulinahan, eh. "
Kaagad naman kinuha ng driver ang langis."Heto!"
"Salamat po." Dumukot siya ng pera.
"Heto po, kunin Manong."
"Huwag na, kalahati lang naman iyan," tanggi nito.
"Sigurado ka po, Manong?"
Ngumiti ito at tumango.
"Salamat po Manong, God bless you!"
"Salamat," sagot nito tama naman na umusad na ang mga sasakyan.
Kaagad nilagyan ni Val ang kotse ni Karen ng langis.
"Okay na, puwede na."
"Salamat ha, papasok kaba sa opisina ni Daddy, ihatid na kita roon."
"Hindi uuwi ako ngayon sa, Laguna."
"Ang ibig mong sabihin nakasakay kana kanina?"
"Oo nasa bus na ako ng makita kita kaya bumaba ako."
"Naku bakit mo naman ginawa hayan tuloy naiwan ka."
"Okay lang iyon, ikaw naman ang dahilan!"
Gustong ngumiti ni Karen sa sinabi nito pero nagpigil siya.
"Ganito na lang dahil naabala kita, kung gusto mo Val, ihatid mo ako sa school tapos gamitin mo na itong kotse ko papauwi sa inyo para madali kang makarating."
"Huwag na mag bus na lamang ako, sige doon na ako mag-aabang papuntang, Laguna." Naglakad na papalayo sa dalaga. Sa totoo lang ayaw niyang iwan ito.
"Hoy pigilan mo!" ani naman ng isip ni karen.
"For what?" sagot naman niya.
"Destiny," sigaw ng isip niya napatingin siya sa binatang papalayo na sa kanya.
"Val, wait," sigaw niya bigla.
Mabilis pa kay superman ang paglingon ni Val sa dalaga. Ganon din ang paglapit niya.
''Bakit, Karen?"
"Tu... tutal, naman late na ako sa pagtuturo ngayon, ihatid nakita sa Laguna," may kabang aniya.
Napakunot ng noo si Val sa sinabi nito.
"Sure ka ang layo nang, Laguna?"
"Ayaw mo, kung ayaw mo ikaw ang bahala, pasalamat ka nga nag offer pa ako sa iyo!" nagsungit siya agad.
Ngumiti si Val."Sinabi ko bang ayaw ko, siyempre, Oo naman pagkakataon ko na yatang ma kasama ka!" walang prenong sabi niya.
Ako rin naman ah. Muni ni Karen. Ang saya ng kanyang pakiramdam.
"Oh, tara na baka gabihin pa ako sa pag-uwi ko."
Nagbunyi ang isip at puso ni Val sa pagsama sa kanya ni Karen pauwing Laguna.