Chapter 16

KAREN'S eyes were wide open. For the second time around, she tasted his lips."Hmmm," tila protesta niya.

Pero lalong pinadiin ni Val ang paghalik sa dalaga.

Gustong itulak ni Karen ang binata. Pero ayaw naman sumunod ng kamay isip at puso.

Hindi na namalayan pa ni Karen napikit na pala siya ang kamay niyang nais magprotesta. Ito ay gumapang na patungo sa batok ni Val.

Nagdiwang naman ang kalooban ni Val, dahil sa ginawa ni Karen, lalo niyang pinalalim ang paghalik na pinagsasaluhan nila.

"Bakit ba ang tagal ni Karen, gumawa ng kape ninyo sandali nga at ng matignan siya?" ani Veron kaagad ng tumayo.

"Mommy, sasabay na ako sa iyo papunta ako ng banyo," agap ni Lyka sa ina.

"Tara na, anak."

Nang makarating na sila sa loob akala ni Veron hihiwalay na si Lyka sa kanya.

"Oh, anak, bakit nakasunod ka pa rin sa akin? Akala ko ba mag babanyo ka, ha?"

"No, Mommy, may gusto lamang akong makita at mapatunayan," may ngiting sagot ni Lyka sa ina.

Nagtaka si Veron."Makita? Ano naman ito, anak?"

"Let's see, Mommy, tara na sa kusina." Nagpatiunang tinungo ni Lyka ang kusina.

Napailing na sinundan ni Veron ang anak.

Nang nasa may pinto na si Lyka napangiti siya tama nga ang kanyang hinala.

"Mommy, now you know what I mean, right?"

Napangiti naman si Veron sa nakikita niya.

"Halika kana sa loob, anak."

"Mommy naman, huwag natin silang

istorbuhin sa magandang moment nila."

"Aba anak, baka saan pa mapunta iyan tukaan nila. "

"Ayaw mo ba ito Mommy, magkakaapo kayo ng marami?"

"Pakasal muna sila bago kami magkaapo," turan ni Veron siya ay pumasok na sa loob ng kusina.

Hindi naman naramdaman nila Val at Karen ang pagpasok ni Veron at Lyka. Dahil abala sa mas lalong pang lumalalim na halikan nila.

"Ehemmm, iyan kape malamig na!" paramdam ni Veron.

Nagising si Karen sa magandang panaginip niya pagkarinig sa boses ng kanyang mommy Veron. Napamulat kaagad siya Ganon din naman si Val.

Karen tried to push Val, but he wouldn't let go of her. He hugged her even tighter."Val, ano ba bitawan mo ako!" anas niya.

Nginitiaan lang ni Val ang dalaga.

"Mommy?" may hiyang sabi niya napatingin din siya kay Lyka na kay lapad ng ngiti nito.

"Hmmm, nakadalawang halik na yata ang bastos na sinasabi mo Karen!" may tudyong ani Veron.

Isinubsob ni Karen ang mukha sa dibdib ni Val nahihiya siya.

"Mommy, naman kung ganyan ba naman ka guwapo at kabango ang bastos na manghahalik sa akin abay okay lang," pilyang ani Lyka sa ina. Pero kina Val at Karen siya nakatingin.

Napangiti naman si Val sa sinabi ni Lyka.

"Oh, kayong dalawa magyayakapan na lang ba? Sige na lumabas na kayo papalitan ko itong kape na ginawa ni Karen, abay malamig pa sa ilong ng kalabaw," wika ni Veron.

Napatawa si Lyka sa sinabi ng ina at may sumagi sa isip niya tuloy dahil sa pagbigkas ng mommy niya ng kalabaw.

"Oh, anak, bakit napatawa ka, ha?"

"Kasi Mommy, I remember si cute na nag-aalaga ng kalabaw, di ba ako ang tumawag kay Kuya Carlos ng ganyan, nong first meet nila ni ate Janine."

"Oo nga no, hay naku kung ano-ano ang pumasok diyan sa kukute mo, Lyka, sana pag nagkababy kana hindi mag mana sa kapilyahan mo."

"Mommy, pasaway lang po puwede na!" biro niya.

"Ikaw talaga anak, sige na mauna na kayo."

Nagtaka naman ang mga nadatnan nila sa swimming area dahil magkasama silang tatlo.

"Oh, Karen, nasaan ang kape namin ng tito Vincent mo?"

"Daddy, gumagawa ulit si Mommy, kasi naman ang sabi ni mommyt mas malamig pa sa ilong ng kalabaw ang ginawa ni ate Karen na kape ninyo," sabat ni Lyka.

"Bakit, may nangyari ba?"

"Kasi, Daddy..." ani pa lamang ni Lyka ng mag salita ang ina niya na kararating lamang.

"Oh, heto na ang kape ninyo." Pinanglakihan niya ng mata ang anak.

"Salamat, Veron, pagkatapos kong mag kape kami'y uuwi na, gumagabi na rin kailangan na nating magpahinga," wika ni Vincent.

"Sige bro, Val, sasama kaba sa kanila sa pag-uwi?" tanong ni Jay dito.

Nakatingin naman ang lahat sa kanya.

"Hindi muna sir, kasi uuwi ako sa Laguna sa sabado, nakagawian ko na kasi ito."

"Kung iyan ang gusto mo, Val, ikaw ang bahala, bukas ang pintuan ng bahay para sa iyo,"ani Vincent.

"Kuya, Val, sana sa pagbalik mo rito sa Manila, sa bahay ka na tumuloy para naman may kasama kami ni Mommy, pag nasa out of town sina Daddy at Jake, " ani naman ni Vanessa.

"Tama si Vanessa, Val, para naman makabonding mo kami para hindi ka nahihiya sa amin," sabi naman ni Maribella.

"Sige po," maikling sagot ni Val.

"Sandali nga ano ba iyon malamig pa sa ilong ng kalabaw na sinabi mo Lyka ?" balik tanong ni Jay.

Nagkatingin naman sina Lyka, Karen, Val at Veron.

"Oh, anong ibig sabihin ng tinginan ninyong iyan? Share naman, ate Lyka please kasi parang interesting ito," ani Vhenz.

"Oo, nga naman, Lyka. Huwag mong suluhin," sigunda ni Luis.

"Okay fine, para happy tayo."

"Tell na ate, I'm so excited really!"

"Oo na, Vhenz. Sa kusina kanina pagpasok namin ni Mommy, nangangamoy love ang buong paligid," ayaw paawat ni Lyka.

"Why, ate Lyka? tanong muli ni Vhenz.

"Kasi, may nagtutukaan," deretsong ani Lyka.

"Woah, you mean, ate Lyka, they are?" Napaangat pa ang labi ni Vhenz.

"Yes, Vhenz," wika kaagad ni Lyka.

Tumingin si Vhenz sa kanyang ate Karen. Sinasabi ng kanyang tingin yes boyfriend kana.

"Diyaske kang bata ka aba mas mabilis kapa sa ama mo noon kabataan niya, ah," wika ni Jay.

"Bro, bakit ako lang ba? Ang sabihin mo mas mabilis ang mga ang anak nating kaysa sa ating dalawa noon."

"Aba, Val, kung hindi ka lamang anak ni balae, Vincent, makatikim ka sa akin ng suntok na magasawa," may ngiting ani Jay.

"Kung ganon balae, Jay, mag balae naman tayo for the second time?"

"Kung iyan ang nakatadhana balae. Eh, ano pa nga ba hindi naman nating puwedeng pigilan iyan lalo na kung may pagtingin sila sa isat isa di ba?"

"So, kuya Val, ate Karen, may basbas na sina Daddy, at tito Vincent, ang tanong kayo na ba? At mahal ba ninyo ang isat isa?" tanong ni Vhenz sa dalawa.

Napatingin si Val kay Karen, ganon din ito sa kanya.

Ang sinabi nang mata nila a big yes. Ito rin kaya ang lalabas sa kanilang bibig na dalawa?

Lahat sila kina Val at Karen nakatingin excited na marinig kung ano ang isasagot ng dalawa.