Chapter 15
”YEHEY party, party na!" tila batang sigaw ni Lyka.
Napatingin ang lahat sa kanya dahil sa biglang pag-sigaw niya.
"Ikaw talaga, Lyka, pasaway ka ang ganda ng moment nila tapos bigla ka na lamang sisingit," turan ni Jake sa kapatid.
Nilapitan naman ni Mico ang asawa at niyakap niya ito at bumulong."Naughty girl!"
"Hmp, panget!" bulong din ni Lyka sa asawa.
Napangiti si Mico sa sinabi ni Lyka at bumulong muli sa asawa."Misis, Santillan, this panget is so inlove with you, and loving you so much!"
Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ni Lyka. At siya'y bumulong din muli sa asawa."I love you, panget!" Dinampian niya ng halik ang labi ng asawa.
"Hoy! Kayong dalawa tumigil nga kayo diyan sa ka sweetan ninyo, may maiingit," ani Vhenz sa mag asawa sabay tingin sa kanyang ate.
Pinanglakihan ng mata ni Karen ang kapatid.
Ngiti namn ang isinukli ni Vhenz sa ate.
Pagkalipas ng ilang sandali sila ay nagsalo-salo sa inihanda nila Veron at Bella.
Habang kumain sila siyempre may kasamang kuwetuhan. Sempre may question and answer portion ito.
"Kuya, Val, tagasaan ka pala?" tanong ni Vhenz.
"Laguna, Vhenz. "
"Saan sa Laguna, Kuya?"
"Sta Rosa!"
Kinabahan naman si Karen sa tanong ng kapatid sa binata baka ugkatin nito ang nangyari noon sa Laguna. Kung saan hindi siya natuloy sa pag patest sa mga-aaral doon.
"Hmmm, Laguna, I remember something," ani Vhenz na.
Dahil sa sinabi niya pasimpleng sinipa ni Karen ang paa ng kapatid mabuti na lang magkatabi sila.
"Ate?" turan ni Vhenz.
"Bakit?" kunwaring tanong niya.
"Hmp!" Inirapan ni Vhenz ang kanyang ate.
"Mahal ko, ano naman ang na remember mo sa Laguna? Hindi pa naman tayo pumupunta doon, ah?" tanong ni Luis sa asawa.
"Hindi nga, pero alam ko may isa nang pumunta roon. "
"Sino, mahal ko?"
Ngumiti naman si Vhenz sa asawa at may naisip siyang kapilyahan para sa ate.
"Mahal ko, iyan ngiti mo, may ibig sabihin, tell me naman, oh." bulong ni Luis sa asawa.
"Huwag na, makinig kana lamang, mahal ko," bulong din niya.
"Okay, let's have some fun,"bulong ulit ni Luis sa asawa.
"Ah, kuya Val, ang sabi mo Sta Rosa ka nakatira di ba?"
"Oo, Vhenz, bakit?" medyo kinabahan si Val. At parang alam na niya ang tinutumbok ng usapan nila pasimpleng tinignan niya si Karen, kahit ito nakikita na aligaga.
Binalewa niya ito baka hindi nagkakamali lang siya sa nararamdaman itinuloy niya ang kinakain.
"Kuya, siguro kilala mo iyon sinabi ni ate Karen na ng bastos sa kanya roon!"
Muntik ng mailuwa ni Val ang kasusubo niyang kanin sa kanyang bibig.
Nabitawan naman ni Karen ang hawak na kutsara.
"Oh, okay lamang kayong dalawa, anong meron?" puna ni Vincent sa dalawa.
Nagkatingin sina Karen at Val. Sa tanong ni Vincent.
Napangiti naman ang lahat dahil tila may na aamoy sila kumwaring nagtanong si Veron sa manugang.
"Vhenz, anong meron sa sinabi mo? Bakit nasabi mo na binastos ang ate mo sa Laguna?"
"Mommy, di ba nagpunta si Ate sa Laguna noon, para mag patest sana siya sa mga mag-aaral doon."
"Oo, nagpaalam nga siya sa amin ng Daddy mo. Mayroon ba akong hindi nalalaman na nangyari sa kanya?"
"Meron nga, Mommy. "
"Can you tell me, What's this, Vhenz?"
"Sure Mommy, ang sabi kasi ni ate Ka..." hindi naman na ituloy ni Vhenz ang sasabihin dahil muling siyang sinipa sa paa ng ate.
"Ano ang sabi ng ate Karen mo?"
Dahil alam ni Vhenz na sisipain muli siya ng kanyang ate inurong niya ang paa papalayo rito.
"Ang sabi ni ate..." napahinto sa pagsasabi si Vhenz dahil nagsalita si Jake.
"Arayyy, may naglalaro ba ng football sa ilalim ng lamesa?" Tama kasing inunat niya ang paa.
"Huh? Bakit, anak?"
"Kasi Mommy, may sumipa sa akin, eh," sagot ni Jake sa ina.
Gusto humalakhak ni Vhenz sa sandaling iyon pero nagpipigil siya.
Hindi naman nakaimik si Karen, at nagpupuyos ang kalooban niya sa inis sa kanyang kapatid.
Nakikinig lang naman si Val sa usapan nila at nakikiramdam sa reaction ni Karen.
"Vhenz, ituloy mo ang sinabi mo," ani naman ni Jay.
"Kasi iyon nang bastos sa kanya, eh hinalikan si Ate."
"Wow, kung ganon may first kiss na si ate Karen, ang suwerte naman ng lalaking iyon!" turan naman ni Luis.
Sa narinig ni Val parang gusto niyang sunigaw ng yes. Aba first kiss siya ni Karen.
"Ate, describe mo, naman kung ano ang itsura nong humalik sa iyo para alam ni kuya Val. At kung kilala ba niya ito."
"Vhenz, masyado kang pakialamera alam mo ba!" sagot ni Karen sa kapatid.
"Ate, naman di ba ang sabi mo guwapo iyon humalik sa iyo," may ngiting ani Vhenz.
"Guwapo, oh kasing guwapo ba ni Val, ang humalik sa iyo, anak?" sigunda naman ni Jay.
"Daddy," ani Karen.
"Baka naman ikaw ang humalik sa anak ko, Val?" deretsong turan ni Jay.
Nagkatitigan tuloy sina Karen at Val sa sinabi ni Jay.
"Tama na nga iyan, mamaya na nating pagusapan ito, kumain muna tayo ng maigi lumalamig ang pagkain, eh," awat ni Veron dahil nakikita niyang na tetensiyon si Karen.
Sumang-ayon naman silang lahat kaya sila ay nagsikainan na.
Pagkatapos nilang kumain nagkuwetuhan silang lahat sa may swimming pool.
"Vincent, Jay, gusto ba ninyo ng kape?" tanong ni Veron sa dalawa.
"Okay, black coffee sa akin, Veron," ani Vincent.
"Val, igagawa rin kita, with coffee mate ba?"
"Huwag na po ma'am, salamat hindi ako nagkakape gaano."
"Okay, Luis, Jake, how about both of you?"
Umiling silang dalawa.
"Sige, gagawa ako sandali lamang."
"Mommy, ako na lamang ang gagawa ng coffee ni Daddy at tito Vincent," presinta ni Karen gusto kasi niyang makaiwas muna.
"Okay lang ba sa iyo, anak?"
"Oo naman Mommy, alam ko napagod ka kanina kaya ako na lang po. " Tumayo na at kaagad tinungo ang kusina.
"Ah, excuse me magbabanyo po lamang ako, Lyka saan ba ang banyo ninyo rito?"
"Dumeretso ka lamang mula sa sala, nasa kaliwa ito."
"Salamat, buntis." Pero hindi pala siya magbabanyo gusto lamang niyang makausap si Karen kaya sinundan niya ito sa kusina. Kailangan niyang gawin ito para mag sorry sa dalaga.
May kaba man siyang nararamdaman naglakas loob pa rin siya.
Sa pinto lamang siya ng kusina binati niya ito."Hi."
Biglang nakadama ng kaba sa puso niya si Karen pagkarinig sa boses ng binata. Kasabay ng pag dagungdong nito.
"Ba... bakit narito ka anong kailangan mo? Gusto mo rin ba ng kape?" halata sa boses ni Karen ang kaba.
"No, ikaw ang gusto ko!"
"Ano?" gulat na reaction niya pero ang kanyang puso nagsasaya lalong lumakas ang pagtibok nito.
"I mean is, gusto kitang maka-usap," pagtatama ni Val.
"For what?"
"Gusto kong mag sorry sa ginawa ko sa iyo sa, Laguna."
"Wala na iyon sa akin, sana nong hinalikan mo ako nag sorry kana kaagad para may silbi ang pagsosorry mo."
"Eh, kong halikan kaya kita ngayon. At mag sorry ako kaagad sa iyo matatangap mo ba, Karen?"
Ewan ba Val biglang nag iba ang takbo ng isip at puso niya naging naughty thinking tuloy siya tuwing nakikita ang dalaga. Ang kaniyang sinabi gusto niyang gawin.
Bigla naman nataranta si Karen sa sinabi ni Val. Lalo pang nadagdagan ang pagkataranta niya ng palapit na sa kanya ang binata.
"Su... subukan mo, isumbong kita kay, Da..." Hindi naituloy pa ni Karen ang sasabihin dahil sa isang iglap nasa harap na niya si Val. At kaagad na sinakop nito ang kanyang labi.