CHAPTER 4- CRUSH! PABILING NAPKIN
“Sam! Friendship! Sa wakas nandito ka na.” Hindi pa ako tuloyang nakapasok sa classroom ay dinig ko na ang tili ni Klea.
Sinugod ako nito ng yakap na animo’y ilang taon kaming hindi nagkikita, kahit na ang totoo ay isang araw lang kaming hindi nagkita.
“May chika ako sayo.” Pabulong na saad nito habang inaakbayan ako papasok sa classroom.
Inungosan ko siya. “Umagang umaga, chismis na agad ang ibubungad mo sa akin.” Pinagtaasan ko siya ng kilay. “Tapos ka na ba sa assignment mo?—”
“Chismis tungkol kay Kios.” Nakangising putol nito sa akin.
Pinaikot ko ang mata sa kaniya. “Hindi mo ako maluluko, mag kapit-bahay kami ni Kios, kaya lahat ng galaw niya, alam ko.” Buong pagmamalaking saad ko.
Pumunta pa nga siya sa bahay kagabi. Pero, panira lang talaga yung boxers ni Kuya! Tsaka, bumili pa nga ako ng napkin--.
Pasimple kong kinutosan ang sarili ng bigla na namang bumalik sa ala-ala ko ang nangyari kahapon!
“Panira talaga.”
“Hoy, Sam. Ayos ka lang ba?” Tanong nito habang sinusundot sundot ang pisngi ko. “Nagsasalita ka na mag-isa diyan. Hindi ka ba nakapag-almusal?” Natatawang tanong nito.
Kung hindi ko lang talaga kaibigan ‘tong si Klea ay baka matagal ko na ‘tong sinikmura.
Nilagpasan ko nalang siya at dumeretso ako sa upuan ko. Inilagay ko ang bag sa mesa. Umupo ako at ipinatong sa mesa ang mukha. Inaantok pa ako dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi.
“Hoy, Sam.” Umupo si Klea sa tabi ko. “Ayaw mo ba talagang marinig ang chismis?” Pangungulit na naman nito.
Buntong hininga ko siyang binalingan. “Ano bang chismis yang pinagsasabi mo?” Sumusukong tanong ko.
Alam ko kasing hindi ako nito titigilan hangga’t hindi ko siya pinapakinggan.
Ano bang chismis tungkol kay Kios? Eh, araw-araw ko siyang nakikita at parati siyang bukang-bibig ni Kuya kapag inaasar ako. Kaya halos lahat ng tungkol dito ay alam ko na.
Umusog ito ng kaunti palapit sa akin. “Alam mo bang may girlfriend na si, Kios.” Anito na ikinapintig na teynga ko.
Honestly, hindi na ako nagulat. Buwan-buwan nalang kasing nabubuhay ang issue na may girlfriend si Kios, kahit hindi naman totoo.
Varsity player kasi dito sa University si Kios, gwapo, tsaka matalino. Kaya maraming nagkakagusto sa kaniya. At isa na ako dun.
Bumuntong hininga ako. “Ano pa nga bang bago, nakakatiyak akong fake news na naman yan—”
“This time, hindi na ito fake news.” Puno ng paniniguradong putol nito sa akin.
Dakilang Marites talaga ‘tong babae na’to.
Tumuwid ako ng upo. “Paano mo naman nasabi?” Nakataas ang kilay na tanong ko.
Nakahanda na akong ipaglaban si Kios, laban sa best friend ko.
“Trending sa buung campus ngayon, ang pag confessed ni Jasmine kay Kios ngayong umaga.” Pabulong na saad nito na ikinatigil ko.
Si Jasmine? Yung crush ni K-Kios nung elementary?
Sa pagkakaalam ko kasi, sa isang babae lang nagc-crush si Kios. At yun ay kay Jasmine, classmate ko. Nagkagusto siya dito noong mga elementary pa kami. Grade six sila noon, samantalang kami naman ay Grade four.
Naalala ko pa noon. Sa tuwing binibigyan ko ng candy si Kios, tinatanggap niya ito, pero ibibigay niya din kay Jasmine.
Nag confessed si Jasmine-. Ipinilig ko ang ulo.
“Pinagtitripan mo na naman ba ako, Klea?” Nakataas ang kilay na tanong ko.
Prankster din kasi ‘tong bruha na’to.
Parang bumagsak ang balikat nito. “Ako na nga lang itong kaibigan mo, ayaw mo pa akong paniwalaan?” Nagdadramang tanong nito. “Alam mo, ano bang nagustohan mo sa, Kios, na’yun, girl? Eh, impossible namang maging kayo.” Prangkang saad nito.
Napahinto ako ng dahil sa sinabi ni Klea. Ano nga bang nagustohan ko kay, Kios? Ang kagwapohan ba nito? Katalinohan?---.
“Jasmine!” Napahinto ako sa pag-iisip ng biglang tumili ang isa kong kaklase na babae. Halos sabay kaming napabaling ni Klea sa may pintuan.
Pumasok si Jasmine sa classroom. Gusto ko mang ipagkaila, pero maganda talaga si Jasmine. Maputi, matangos ang ilong at maganda ang pangangatawan.
Dumeretso ito sa upuan niya.
“Girl! Totoo bang nag confessed ka kay Kios, kanina?” Parang kinikilig ng isa kong kaklase.
Kimi namang tumango si Jasmine na ikinabagsak ng balikat ko.
Ipinatong ko ulit ang mukha sa mesa.
So, totoo nga ang sinabi ni, Klea.
Napahilamos ako ng wala sa oras. Kumikirot ang puso ko.
“Girl, okay lang yan.” Pakikiramay sa akin ni Klea habang hinahaplos ang likod ko. “Mas bagay parin kayo ni Kios.” Pabulong na pahabol nito.
Maliban kay Kuya, si Klea lang ang nakakaalam na may gusto ako kay Kios.
Binalingan ko siya ng hindi makapiwalang tingin. “Bipolar ka ba?” Sarkastikong tanong ko. “Kanina lang tinatanong mo ako kung anong nagustohan ko kay Kios, tapos ngayon.” Hindi ko na ipinagpatuloy ang sasabihin at bumalik ulit sa posisyon ko kanina.
Mauubosan lang ako ng laway kapag ipinagpatuloy ko pa ang sasabihin ko.
Nagpatuloy ito sa paghagod ng likod ko. “Syempre, support ako sayo dahil ikaw ang best friend ko.” Pambubula nito.
Sasagot pa sana ako ng mapansing biglang naging maingay ang paligid ko.
Kunot noo kong binalingan si Klea.
“Anong meron?” Nagugulohang tanong ko.
Nakatingin ito sa may pinto ng classroom na parang kinikilig.
Sinundot ko ang gilid niya. Napabaling ito sa akin. “Anong meron?” Balik tanong ko.
Bigla ako nitong hinila kaya napaayos ako ng upo. “Andiyan si Kios sa labas ng classroom.” Imporma nito na ikinabilis ng tibok ng puso ko.
Kaagad akong napabaling sa pinto. Andun nga sa labas si Kios, nakasuot ito ng varsity nila sa basketball. Mas lalo itong gumwapo.
Kausap nito ang isa kong kaklase na babae. Ano kayang kailangan-.
Napahinto ako ng dumapo ang mata ko sa upuan ni Jasmine. Nakatingin din ito kay Kios na parang kinikilig, kasama ang mga kaibigan niya.
Si Jasmine siguro ang pinunta nito.
Bagsak ang balikat akong bumalik sa posisyon ko kanina. Ipinatong ko ulit ang mukha sa mesa.
“Hoy, girl. Ano na namang nangyari sayo?” Inaalog-alog ako ni Klea. “Andiyan na si Kios, bakit ba nagdadrama ka naman jan?”
“Si Jasmine ang pinunta niyan.” Walang buhay na sagot ko.
Mas lalong kumirot ang puso ko sa ideyang pinuntahan talaga nito si Jasmine dito sa classroom namin.
Bumuntong hininga si Klea. “Ano ka ba—”
“Sam!”
“Sam, daw.” Biglang pag-alog sa akin nito.
Kunot noo akong nag-angat ng tingin. “Bakit?” Tanong ko sa kaklaseng tumatawang sa akin.
“Tinatawag ka ni Kios.” Imporma nito na biglang ikinatayo ng katawan ko. Parang biglang nagkaroon nang spring ang binti ko.
Parang nagkasariling buhay ang katawan ko nang marinig ang katagang ‘tinatawag ako ni Kios’.
“Wow!” Manghang saad ni Klea. “Girl, daig mo pa ang nakafully charge.”
Pinandilatan ko siya. “Nabuhay ulit ang katawang lupa ko.” Pabulong na saad ko at kaagad na naglakad patungong pinto.
Para namang hindi maipinta ang mukha ni Jasmine nang mapadaan ako sa upuan niya.