CHAPTER 3- CRUSH! PABILING NAPKIN
NAKATULALA ako habang nakahiga sa kama. Wala naman akong banat sa puwet, pero bakit ganito nalang ako ka malas?
Ngayong araw, dalawang beses akong napahiya sa harapan ni Kios. Tapos ang sakit-sakit pa ng puson ko ngayon!
“Bakit ba napakamalas ko!?” Tanong ko sa sarili habang gumulong-gulong sa kama. Napahinto ako sa paggulong ng lalong sumakit ang puson ko.
Bumangon ako at umupo sa kama.
Six years…six years kung naitago na may crush ako kay Kios, kaya hindi niya pwedeng malaman ngayon!
Lintik kasi na diary na’yon. Paano ba kasi yun nakarating kay, Kuya?
Napahinto ako sa pag-iisip nang biglang tumunog ang tiyan ko. Nakalimutan kong hindi nga pala ako kumain kanina.
Napatingin ako sa orasang nasa table. 7:35 p. m. Mukhang kailangan ko nang maghapunan. Sana naman tinirahan pa nila ako ng ulam. Ang lakas pa namang lumamon ni Kuya.
Lumabas ako ng kwarto at pupunta na sana sa kusina nang may biglang nahagip ang mata ko sa may sofa.
Ganun nalang ang pagtaas ng kilay ko nang makita ang boxers ni Kuya na nakatihaya sa may sofa. Humihingi ito ng tulong.
Hindi ko makapaniwalang nilapitan ito. Boxers nga ito ni Kuya. Napakaimpossible naman din kasing kay Papa ‘to.
Nandidiri ko itong dinampot. Paano ba ‘to nakarating dito? Napakaburara talaga nitong si Kuya.
Embes na dumeretso sa kusina, nagpupuyos ang kaluuban kong dumeretso sa kwarto ni Kuya. Biglang nawala ang gutom ko, dahil sa boxers niya!
Magbabayad talaga siya sa akin.
Nagpapadyak akong nakarating sa pintuan ng kwarto niya. Sarado ang pinto. Natutulog na kaya siya?
Sa isiping natutulog na siya, mas lalong nagpupuyos ang kaluuban ko. Anong karapatang niyang matulog habang humihingi ng tulong ang boxers niya sa may sofa?
“Kuya!” Pagdadabog ko sa pinto niya. “Kuya, buksan mo nga ‘tong pinto!” Pambubulahaw ko sa kaniya. Pero dumaan nalang ang ilang minuto’y wala paring nagbubukas ng pinto.
Naningkit ang mata ko.
“Hoy, Kuya! Ano ba, buksan mo nga ‘tong pinto mo. Alam kong hindi ka pa natutulog—”
“Itulak mo lang yan, hindi yan nakasarado.” Biglang pagsagot nito mula sa loob.
Pinalipas pa talaga nito ang ilang minuto bago sumagot.
Iritado kong itunalak ang pinto pabukas. “Alam mo, Kuya, napakaburara mo talaga. Tingnan mo nga ‘tong boxers mo, nakatihaya lang sa may sofa. Humihingi ng tulong ‘tong boxers mo—” Napahinto ako sa pagsasalita nang mapagtantong hindi pala nag-iisa si Kuya sa loob ng kwarto niya.
Jusko, kunin niyo na po ako. Pepeng dasal ko.
“Oyy, is that Cloud’s boxers?” Natatawang tanong ni Levi.
Kunin niyo na po ako, Panginoon!
“Let me see, let me see.” Nakangising singit ni Grey habang papalapit sa akin. Natatawa nitong inagaw mula sa kamay ko ang boxers ni Kuya. “Pahiram, Sam. This is hilarious, bro!” Anito na parang sinusuri ang boxers ni Kuya.
Malapit nang mag alas otso, bakit nandidito parin ‘tong mga to?
Pinalibot ko ang tingin sa kabuuan ng kwarto ni Kuya at ganun nalang ang pagluwag ng pakiramdam ko nang makitang wala si Kios dito sa loob.
Salamat naman.
Si Kuya lang, si Levi, Grey at Top.
“You know what, Sam.” Biglang lumapit si Top sa akin at inakbayan ako. “Next time, huwag mo ng pupulotin yang boxers ng Kuya mo, baka kasi mahawa ka sa sakit niya—”
“Watch your mouth, Top.” Biglang singit ni Kuya. “Wala akong sakit.” Anito na ikinatawa lang ni Top. “By the way, bakit ka nakaakabay sa kapatid ko?” Kunot noong tanong nito.
Bigla itong ngumisi. “Kasi—”
“Cloud, barado yung banyo mo.” Halos sabay kaming napabaling sa gawi ng banyo ni Kuya nang may biglang nagsalita.
Ganun nalang ang pagkaestatwa ko sa kinatatayuan nang makita kung sino yun. Si Kios!
Para din itong natigilan nang makita ako, at kapagkuwan biglang dumako ang mata nito sa kamay ni Top na nasa balikat ko.
“Hey, bro!” Biglang lumapit si Levi kay Kios at inakbayan ito. “You know what, Cloud is so hilarious.” Biglang sumbong nito.
“Why?” Tanong nito, pero nasa aming dalawa parin ni Top nakatuon ang mga mata niya.
Kaagad akong nag-iwas ng tingin.
Bakit nga ulit ako pumasok dito sa kwarto ni Kuya?
“Tingnan mo, Kai.” Natatawang itinaas ni Grey ang boxers ni Kuya. “Napulot ni, Sam, sa sofa ‘tong boxers ni Cloud.” Humahalakhak na saad nito.
Bigla namang inagaw ni Kuya ang boxers niya mula sa kamay ni Grey. “Akin na nga ‘tong boxers ko. Bagong laba to, ano ba kayo.” Ganun nalang ang pagkalukot ng mga mukha namin nang bigla nalang nitong inamoy ang boxers niya.
“Kuya.” Halos napabaling silang lahat sa akin. Hindi ko na napigilang mag-react.
Para akong kandilang nauupos sa kinatatayuan ko dahil ang lahat ng mga mata nila ay nakatingin sa akin. Lalo na si Kios.
Sana hindi nalang ako nagsalita.
“What?” Kunot noong tanong nito. “This is my boxers, tsaka bagong laba ‘to, naiwan lang siguro kanina sa may sofa nung nagliligpit ako ng mga pinaglabhan ko.” Pagpapaliwanag nito.
“It’s already 8:00 p. m” Kios blurted out of nowhere.
“Ano namang meron kung 8:00 p. m?” Nagugulohang tanong ni Top. “Si Cinderella ka ba, Kai?” Natatawang tanong nito na ikinasingkit ng mata ni Kios.
Lihim akong napangiti habang nakatingin sa kaniya. Mas lalo itong gumwapo dahil mas lalong sumingkit ang singkit na nitong mata.
“May curfew ba ngayon?” Tanong naman ni Grey.
Bumuntong hininga si Kios. “What I mean is, Sam.” Biglang lumukso ang puso ko nang bigla nitong banggitin ang pangalan ko. “It’s already eight at may pasok ka pa bukas, diba dapat natutulog ka na ngayon?” Nakapameywang na tanong nito na wala sa sarili kong ikinatango.
Parang may nagliliparang mga paroparo sa tiyan ko. Ito ba ang tinatawag nilang butterflies in the stomach?
“Sino ka, Papa ni Sam?” Natatawang tanong ni Top. “Daig mo pa si Cloud.” Anito sa mapanuksong boses.
“Shut up, Top, kung ayaw mong pilipitin ko yang leeg mo.” May babalang saad ni Kios.
“Magbabangayan lang ba tayo dito, o tatapusin natin tong report natin?” Biglang tanong ni Kuya. Magkaklase lang kasi silang lima. “Alam mo, Sam, bumalik ka na nga doon sa kwarto mo, iniisturbo mo kami.” Anito na ikinataas ng kilay ko.
Istorbo? Pasalamat nga siya’t dinala ko ang boxers niya dito. Napahiya pa ako.
Pinandilatan ko siya ng mata. “Pasalamat ka nga’t dinala ko yang boxers mo dito.” Pagsagot ko sa kaniya.
“Bakit? Inutosan ba kitang dalhin yang boxers ko dito?” Tanong nito.
“Alam mo, Kuya, ang kapal talaga ng mukha mo.” Iritadong sagot ko. “Wala namang mawawala sayo kung mag thank you ka sa akin, kahit konti lang.”
“Ah, talaga.” Tumatango tangong saad nito habang umaalis sa kama. “Top, hawakan mo yang duwende na’yan kasi tuturuan ko yan ng leksiyon.”
Hindi ko na hinayaang makalapit pa si Kuya sa akin dahil mabilis pa ako sa alas kwatrong tumakbo papuntang likod ni Kios.
Sabihin nalang nating nagkasariling buhay ang mga paa ko at dinala ako dito.
“Huwag kang magtatago diyan sa likod ni Kios—”
“Enough, Cloud.” Biglang saway ni Kios kay Kuya. “Patulogin mo na tong kapatid mo.”
“Ano?” Nagugulohang tanong ni Kuya.
“She needs nine hours of sleep, para kahit papaano’y tumangkad naman siya ng konti.” Saad ni Kios na ikinatawa nilang lahat.
Wala sa sariling tinampla ko ang balikat ni Kios at inapakan ang paa ni Kuya nang madaanan ko siya.
Nagmamartsa akong nag walk-out sa kwarto ni Kuya, dahil pinagtutulongan nila ako.
“Bangugutin sana kayong lahat.” Mahaba ang ngusong saad ko nang makakabas ako sa kwarto. “Maliban kay, Kios.” Mahinang pahabol ko.
/𝗦𝗸𝘆, 𝗶𝘁𝗮𝗯𝗶 𝗺𝗼, 𝗮𝗸𝗼 𝗻𝗮 𝗱𝗶𝘆𝗮𝗻 𝗛𝗔𝗛𝗔𝗛𝗔.