CHAPTER 5- CRUSH! PABILING NAPKIN

HUMUGOT muna ako ng malalim na hininga bago tuloyang nilapitan si Kios.

Pasimple akong tumikhim dahilan upang napabaling ito sa akin. Nakatalikod kasi ito. “Tawag mo daw ako?” Kiming tanong ko.

Mas lalo itong gumwapo dahil sa suot nitong varsity jersey.

Bored itong tumingin sa akin, sabay lahad ng isang putting supot.

“Ano to?” Kunot noong tanggap ko.

Bumuntong hininga ito. “Ipanabibigay ng Kuya mo. Iwan ko kung anong laman niyan.”

Napabusangot ako ng wala sa oras dahil sa tono ng boses niya. Para kasing labag sa kaluuban niya.

Humaba ang nguso ko. “Bakit ba pakiramdam ko, labag sa kaluuban mo ang pagbigay sa akin nito.” Nakabusangot na saad ko sabay taas sa supot na hawak.

Mahina akong napaigik nang bigla nalang nitong pinitik ang noo ko.

“Kung labag sa kaluuban ko, edi sana wala ako dito ngayon.” Anito sabay ayos sa nagulo kong bangs dahil sa pagpitk niya sa noo ko kanina.

Pasimple akong napakagat labi, dahil biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Sana naman hindi marinig ni Kios.

“Nasaan ba si, Kuya?” Biglang tanong ko.

Kailangan kong magsalita, para hindi maging awkward ang paligid namin.

“Tinatapos yung report namin.” Tipid na sagot nito.

“Hindi niyo ba natapos kagabi—” Napahinto ako sa pagsasalita nang maalala na naman ang boxers ni Kuya. Hindi ako nakapag-almusal ng maayos kanina kasi palagi kong naaalala ang boxers ni Kuya.

Pasimpleng tumaas ang sulok ng labi nito. “Ano yung sinasabi mo?” Bakas ang pang-aasar sa boses nito.

Inungosan ko siya. “Mukhang sinadya mo talaga akong puntahan dito para asarin.”

Kaagad itong umiling na ikinangiti ko. Nasa kabilang building pa yung classroom nila, nag effort talaga siyang puntahan ako dito para ibigay sa akin ‘tong--.

“May practice kasi kami sa court ngayon, tyempo namang madadaanan lang yung classroom niyo papuntang court, kaya pinasabay nalang sa akin yan ng Kuya mo.” Putol nito sa akin na ikinabagsak ng ngiti ko.

Lintik talaga tong lalaki nato. Akala ko pa naman na sinadya niya ako dito. Kaya pala nakavarsity jersey ito ngayon.

Mas mabuti narin to, kaysa naman sabihin niyang nagpunta siya dito para kay Jasmine.

Napahinto ako ng may ideyang naisip.

Pasimple akong tumikhim. “Hindi ka nandidito para makita si Jasmine?” May pagdadalawang isip na tanong ko.

Ako na talaga ang gumagawa ng paraan para masaktan ang puso ko.

Para itong natigilan habang nakatingin sa akin, nang dahil siguro sa tanong ko.

Wala sa sarili akong napayuko. So totoo nga-.

Napaigtad ako ng wala sa oras ng bigla nalang nitong hinawakan ang balikat ko. Napatingin ulit ako sa kaniya.

Bumuntong hininga ito. “Sino ba ang tinawag ko?” Tanong nito na ikinakunot ng noo ko.

“Ako?” Wala sa sariling tanong ko.

Pinandilatan ako nito, habang ang dalawang kamay ay nasa balikat ko. “Sinong nandito ngayon sa harapan ko?” Tanong ulit nito.

Kumunot ang noo ko. “Ako?”

Tumango tango ito. “So, sa tingin mo, sino yung gusto ko?”

“Ako?” Pagsagot ko. Biglang nanlaki ang mata ko nang marealize ang tanong niya. “Ano bang ibig mong sabaihin sa-“

“Alis na ako.” Biglang pagpapaalam nito at dere-deretsong naglakad palayo.

Iniwan ako ni Kios habang nagugulohan. Ano bang ibig niyang sabihin sa tanong na’yun?

Nakatanga lang ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa papalayo niyang bulto.

Napasabunot ako sa sariling buhok ng wala sa oras. Ano ba kasing ibig sabihin nun?

NAKALUTANG lang sa alapaap ang utak ko sa loob ng dalawang oras na klase. Wala akong naintindahan sa mga pinagsasabi ni Prof. Ang tanging naiisip ko lang ay yung tanong sa akin ni Kios kanina.

Ano ba kasi ang ibig niyang sabihin?

Mababaliw na ata ako nito.

“Sky, tumayo ka na jan, punta na tayong canteen.” Pag-alog sa akin ni Klea. “Ano ba kasing sinabi ni Kios sayo’t parang bigla ka nalang naging robot jan?” Tanong nito na ikinabusangot ko.

Umayos ako ng upo at niyakap ang beywang ng nakatayong si Klea. “Klea, sa tingin ko sasabog na ang utak ko.” Mahabang ngusong sumbong ko.

Naramdaman kong hinaplos nito ang likod ko. “Ano ba kasing pinag-usapan niyo ni Kios?” Tanong na naman nito.

“Kasi nga, tinanong niya ako kanina—”

“Sky, bakit ka tinawag ni Kios kanina?” Napahinto ako sa pagsasalita ng biglang sumulpot ang classmate kong si Tasha sa harapan namin. Kaibigan siya ni Jasmine.

Pumiglas ako mula sa pagkakayakap kay Klea. “Ano yung sinabi mo, Tasha? Hindi ko kasi narinig ng maayos.” Pagsisinungaling ko, kahit na ang totoo’y narinig ko naman talaga ang tanong niya.

Bakit kaya gusto nitong malaman.

Binigyan ako nito ng hilaw na ngiti. “Ano kasi, curious lang ako kung bakit ka tinawag ni Kios kanina?” tanong ulit nito.

Narinig kong biglang napabuntong hininga si Klea. “Bakit mo naman gustong malaman?” Nakataas ang kilay na tanong nito kay Tasha.

May kalahi kasing dragon itong kaibigan ko.

Tinaasan din ni Tasha si Klea ng kilay. “Curious lang naman ako—”

“Idinaan lang ni Kios sa akin tong snacks ko, nakalimutan ko kasi.” Pagpapaliwanag ko. Para wala ng gulo.

Baka kasi mag-away pa tong dalawa nato. May pagkadragon pa naman itong si Klea.

Itinoon ni Tasha ang attensiyon sa akin. “Napapansin kong close kayo ni Kios-“

“Ano ka ba, Tasha. Huwag mo ngang gulohin si Sky.” Biglang dumating si Jasmine sa eksena. Nginitian ako nito. Nginitian ko din siya pabalik.

Sa totoo lang, magkaibigan talaga kami ni Jasmine noong elementary, pero nagbago ang lahat ng tumungtong kami ng high school. Bigla nalang kasing hindi na niya ako pinapansin.

Ito yung unang beses na nilapitan at pinansin niya ako ngayong high school na kami.

“Syempre, close si Sky tsaka si Kios kasi magkaibigan si Kios at ang Kuya niya, tsaka magkapit-bahay lang sila, diba, Sky?” Anito na may pagdadalawang isip kong ikinatango ko.

Bakit parang iba ang tono ng boses ni Jasmine?

Ipinulupot ni Tasha ang kamay sa braso ko Jasmine. “Ay, ganun ba? Akala ko kasi may something na.” Maarteng saad nito na ikinakunot ng noo ko.

Ano bang pinupunto nito.

Wala sa sariling napabaling ako kay Klea. Hindi maipinta ang mukha nito habang nakatingin kay Tasha. Akmang bubuka na ang bibig nito nang hawakan ko ang kamay niya.

Napabaling siya sa akin. Sininyasan ko siya na huwag ng magsalita at hayaan nalang.

Napabuga ito ng malamim na hininga.

“Ano ka ba, Tasha.” Saway ni Jasmine sa kaibigan niya. “Ano bang something yang pinagsasabi mo. Ang sabi ni Kios para na niyang kapatid si Sky, kaya huwag mo ngang bibigyan ng malisya ang closeness nila.” Anito.

“Kapatid?” Wala sa sariling tanong ko kay Jasmine.

Kaagad naman itong tumango. “Oo, naikuwento kasi ni Kios sa akin one time, na para ka na din daw niyang kapatid dahil sa closeness nila ni Cloud.” Nakangiting sambit nito. “By the way, pupunta na kaming canteen, ayaw niyong sumama?”

Walang buhay lang akong umiling.

“Kayong bahala, alis na kami.” Anito at tuloyan ng umalis.

Niyakap ko ulit si Klea. “Kleaaaaaa, mababaliw na akooo.”

Hinaplos nito ang likod ko. “Huwag ka ngang makinig sa Jasmine na’yun, bakas naman sa boses niya na may inggit siya sayo.” Pag-aalo nito sa akin.

“Pero sabi niya, kapatid daw ang tingin sa akin ni Kios. Na sister zone ba ako?” Tanong ko habang mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya.

Tinampla nito ng mahina ang balikat ko. “Ano ka ba, Sky. Si Jasmine ang may sabi nun, hindi mismo si Kios , kaya huwag ka ng magdrama jan.”

Nag-angat ako ng tingin. “So, paano nga kung totoo? Paano kung kapatid talaga ang tingin ni Kios sa akin?” Sinabunutan ko ang sariling buhok. “Alam mo, Klea. Nakakabaliw pala talagang magkagusto sa isang gwapo.”

Pinitik nito ang noo ko. “Alam mo, Sky, kainin mo nalang yang snacks mo. Huwag na tayong pumunta sa canteen, nawala yung gutom ko ng dahil sayo.” Anito at umupo ulit sa upuan niya.