KABANATA 57
"Ano'ng pinunta niyo rito? Hindi ba ay pinaalis niyo si Verona?"
"Mama!" simpleng suway ko kay Mama.
Nakahihiya kasi kay Draco. Alam ko namang ilang beses na niya akong ginustong sunduin ngunit ako itong pumipigil sa kanya. Nakahihiya na ngayon ay siya ang sumasalo sa galit ni Mama at sa mabibigat na tingin ni Papa.
Nilingon ko ito na prenteng nakaupo sa sofang kaharap nila Mama. Parang kanina lang nagwawala ito pero ngayon ay tila bumalik na ito sa dati niyang aura ngunit medyo mukhang mabait naman.
"Pasensya na po at umabot sa ganito. Hindi ko lang po kayang manahimik sa nalamang..." Napatigil si Draco at halos hindi maituloy ang sasabihin niya.
"Sa nalamang alin? Na miserable ang anak ko?" Tinaas pa ito ng kilay ni Mama.
"At talagang binitbit mo pa 'yang anak mo?" dagdag ni Mama.
Naalarma ako matapos makita ang pagyuko ni Mareng at panginginig ng kamay niya na tila natatakot.
"Mama, huwag po si Mareng," mahinahong pakiusap ko.
Umirap ito at alam kong nagpipigil lang itong manermon kaya naman minabuti kong kunin na lang si Mareng at iakyat sa kwarto ko. Wala itong kibo at tila nahihiya.
Naiayos ko pa siya sa kama nang akala ko ay hindi na siya magsasalita ngunit tinawag rin ako nito.
"Mimi, do you still love me even if I hurt you?"
Umupo ito mula sa pagkakahiga at naluluha pang tumitig sa akin.
How can I hate my daughter?
Kahit siya pa yata ang pinakamasamang bata sa mundo, hindi ko magagawang hindi siya mahalin. Yes, I was hurt by what happened. She brought me pain and almost anxiety, but still, she's Mareng, my only daughter, not by blood, but by heart.
Nagpakawala ako ng buntong hininga at umupo rin sa kama. Her baby blue eyes shout doubts, uncertainty, and fear.
"You know what, Baby? I have lived my life with you for years, and to think that you hated me, almost killed me." I stopped and smiled bitterly.
Hindi ko lang talaga lubos maisip na si Mareng mismo ang umayaw sa akin.
"But, I'll never think ill of you, Mareng. What you have done was totally wrong, and I don't want you to grow up that way."
I looked at her sincerely in the eyes.
"You should learn, Baby. Learn to be kind and willing to accept whatever is on your plate, whatever the world may offer to you."
And I think my heart was broken again when I saw how her silent tears streamed down her face. I tried to reach her hand and when she held mine, I tugged her for a tight hug.
A mother's hug.
"Mimi, I really felt sorry. I miss you so much. I cried every night. I want to call you, but I'm shy and afraid that you will be mad at me," she confessed.
Nakagat ko ang labi at marahan siyang hinalikan sa kanyang ulo.
"I'll never get mad at you, Baby. Yes, I may get upset or pissed, but not for a long time. I'm sorry you have to go through this. You are young, and this matter is the least thing I want you to feel."
Napapikit na lamang ako nang humigpit ang yakap nito.
If Mareng walks down the wrong route again, I'll let her learn her lesson, but if things get worse, I'll never get tired of guiding her back to the right path.
I assured her that it's all okay. Hinele ko pa siya upang makatulog at marahil sa pagod kaya't mabilis itong nakatulog. Muli ko pa siyang inayos sa kama bago bumaba upang kamustahin si Draco.
"Anong mamamatay si Verona?!" histerya ni Mama na nakatayo at napapaypay sa sarili habang si Papa ay bagsak ang tingin sa sahig.
Natagpuan din ng tingin ko si Draco na nasa akin agad ang malamlam niyang tingin.
Iyon ang eksenang dinatnan ko. Napaiwas pa ako ng tingin kay Draco dahil hindi ko alam kung paano sasabihing walang katotohanan ang mensahe ko sa kanya.
"Verona! Ano 'tong sinasabi niyang mamamatay ka, Anak?!"
Lumapit na si Mama at niyugyog ang mga balikat ko. Halos maluha na rin ito kaya't humugot ako ng malalim na hininga.
"Mama, kalma lang po."
Pinigilan ko ang mga kamay nito at marahang binaba.
"Paano ako kakalma ah?!"
"Uhm. Nagkamali lang po ako ng mensaheng padala. Hindi po... hindi pa po ako mamamatay."
Napapikit ako nang mariin at napayuko nang marinig ang singhap ni Mama at pagmumura ni Draco.
"Naku kang bata ka! Ano'ng pumasok sa isip mo at sinabi mo 'yon?!"
Napanguso ako at mas yumuko. Hindi ko tuloy sigurado kung ano na ang nasa isip ni Draco pagkatapos malaman ito.
"Tara na nga, Lito. Itong anak mo ay nabubuang na."
Nanahimik ako kahit nang tumayo si Papa at sumunod kay Mama. Doon lang din ako nagkalakas ng loob na lingunin si Draco ngunit mainit na yakap ang sinalubong nito.
"God. I'm glad you're safe and not dying," he whispered as he planted a soft kiss on my head.
"Iim going insane thinking you'll forever leave us. No way, Baby. No fucking way."
Gusto kong maiyak sa higpit ng yakap at sa bawat marahang halik nito sa aking sentido. Hindi ko nga lubos akalain na nandito sila at hindi natuloy sa Guimaras.
"Don't ever make a decision like this, Baby. Don't you ever dare pack your things again and walk away without settling the problem. I want to get you here, but I still respect your decision. But this time, there's no freaking way I'll let you go."
I suppressed my tears again and wanted so badly to kiss him and give him assurance, but I didn't want to look like a girl who's gone gaga over him, so I simply looked at him and smiled a little.
Hindi nito binitiwan ang tingin ko at mas hinapit pa ang bewang ko. I think there's no need for deep conversation when you already talk it out with your eyes and it automatically connects to your heart.
Ako na mismo ang tumingkayad at umabot sa mga labi niya. Ngunit unang dampi pa lang ay malakas na tikhim na ang narinig namin mula kay Mama.
"Hindi pwede 'yan dito," makahulugang parinig nito bago pinaningkitan ng tingin si Draco, "Ikaw lalaki, huwag kang tatabi sa anak ko. Dito ka sa sala matulog. Huwag kang aakyat, maririnig ko iyon," huling banat pa nito bago kami tinalikuran ngunit palingon-lingon kaya't ako na rin mismo ang humiwalay kay Draco.
I guess we are settled for ourselves only, but not for everyone else.
"Uhm. Pasensya ka na kay Mama. Dito ka na muna, ikukuha na lang kita ng kumot at unan."
Tumango ito kahit pa alam kong labag sa loob niyang paalisin ako. Nagmadali na lang ako sa pagkuha ng extrang kumot sa cabinet at isang unan mula sa kama.
Gusto ko naman sanang sa kwarto ko na lang siya matulog kaya lang ayaw kong sumuway kay Mama. Baka mamaya ay sa labas pa matulog si Draco.
Dinatnan ko siyang nakasandal ang buong likod sa sofa at maging ang ulo ay nakasandal doon. Nakapikit at bakas sa mukha niya ang pagod kagaya kay Mareng. Patay na rin ang T. V sa harapan.
Maingat akong lumapit, natatakot na magising ko siya ngunit nagmulat rin ito at diretso agad sa akin ang tingin. Napakurap ako at patay malisyang nilahad ang kumot sa kanya.
"Hindi ba kayo natuloy sa Guimaras?" kaswal kong tanong upang mabasag ang katahimikan.
He groaned, and carefully tugged my body closer to him. Bumagsak ako sa kandungan niya. Agad ding pumulupot ang mainit niyang braso sa tiyan ko.
"We're almost there, ready to ride a Roro, but then, I checked my phone and read your message. What do you think I will do?" may hinanakit na tanong niya, "Of course, I will always do U turn for you. Nagpanic ako at muntik pang mabangga sa poste," he cursed, but then shook his head.
Napasinghap ako sa pag-amin niya at nag-alala agad. Bakit ba kasi siya nagmamadali!
"Huwag mo na nga ulit gagawin iyon-"
"It's you. Don't ever do that, Baby. It's not a good prank," he tiredly said.
Binalot ako ng awa at nagsisisi na. Magulo rin naman kasi ang isip ko at problemado. Pero tingin ko ayos naman na at sana talagang maging maayos kami.
"Why did you even send me that message?" makahulugan niyang tanong.
"Kasi naman! Matulog ka na nga lang!"
Nagmadali akong tumayo at naiinis siyang tinalikuran. Halos mag-init ang magkabilaang pisngi ko sa hiya. Baka mamaya isipin niyang sinadya ko iyon kahit hindi!
Hindi ako makatulog dahil doon. Bukod sa iniisip ko iyon ay iniisip ko rin kung kumportable si Draco sa sofa. Dapat yata binigyan ko siya ng makapal na bedsheet para sa sahig siya natulog. Pero sabagay, nagawa niya nga noong matulog sa mango store na maleta lang ang bitbit, kakayanin niya naman siguro ngayon sa sofa.
Sinubukan ko na lang pumikit at yakapin nang mahigpit si Mareng na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Kaya lang, gaya noong nakaraang araw, nagising ako ng madaling araw at halos takbuhin ang banyo upang makasuka. I think my sickness is getting worse, and I'm afraid I'll soon need medication.
Marahas akong nagmumog bago bumaba sa kusina. Tahimik akong humakbang huwag lang magising si Draco na nakadapa sa sofa at wala ng pang-itaas.
Mas kinakabahan na akong magpatingin sa doktor ngayong maayos na ulit kami ni Mareng. Mas nakakatakot na may iwanan kaysa umalis ng mag-isa at walang nasasaktan.
"Baby, what's running inside that pretty mind of yours, hm?"
Napakurap ako at muntikan pang mapasigaw nang maramdaman ang pagpulupot ng kanyang bisig sa akimg bewang. Nalingunan ko pa ang maamo nitong titig at tila ayaw pakawalan ang mga mata ko.
"Nothing. I'm just a bit worried. My sickness is getting worse," malungkot kong pag-amin.
Bumagsak ang tingin ko sa hubad niyang dibdib ngunit mabilis ding nag-iwas tingin. Why do I feel like touching it?
"That made me unable to sleep as well. What do you feel? What did your doctor say? Is there any medication?"
"Uhm. I haven't seen a doctor yet, but these days I feel nauseated and want to vomit at anytime. I think I have..."
Ni hindi ko mabigkas ang PCOS dahil hindi ko matanggap iyon.
"I think you have almond ranas," he concluded.
Nangunot ang noo ko at nilingon siya. Seryoso ito at napatango pa.
"What, Draco? Is that even an illness?"
"Yes. That thing you have difficulty wasting."
Kusang umawang ang mga labi ko at hindi makapaniwalang sa laki niyang tao at sa siga niya ay hindi niya alam iyon.
"It's confirm, it's almond ranas," he uttered again.
"What the fuck, Draco?! The fuck with almond ranas? It's almoranas, but it has nothing to do with nausea and vomiting!" histerya ko.
Napalayo ako at napailing. Sasakit yata ang ulo ko lalo dahil sa kanya.
"What? Am I wrong then? Why don't we see a doctor and get confirmation about it?" laban pa niya.
Tinaasan ko siya ng kilay at sinamaan ng tingin. Ano ba'ng pumapasok sa isip niya?
"You're the one who needs medication!" angil ko.
Umirap ako at kusang kinalas ang yakap niya. Ngunit nakakailang hakbang pa lang ako ay narinig ko na mahina niyang pagtawa. His classic chuckles soothe my ears but irritate my inner goddess.
"I'm just kidding, but I think it's effective. You're back to yourself again. I think you are healed," He happily concluded. I parted my lips and shot him death glares that made him stop.