KABANATA 58
"Hindi ba pwedeng bukas na lang ito?" kinakabahang tanong ko.
Natatakot pa akong magpatingin sa doktor. Parang ayaw kong malaman ang ano mang diagnosis.
"How can you heal if you're afraid to know the cause of your so-called illness?" he breathed heavily and held my hand tightly., "Baby, there's nothing to be afraid of. I'm here. Whatever the result, I'm still here."
Napangiti ako at mas hinigpitan ang hawak sa kamay niya. Hindi ko nga lang kayang humakbang nang maayos kaya't hila pa niya ako nang marahan palapit sa Nurse at pinalista ang pangalan ko.
"We have to wait for your turn. I don't know if this will take time," he murmured as he guided me to the hospital bench to sit.
Maingat pa akong umupo sa tabi niya. Hindi ko maiwasang panlamigan sa nararamdamang kaba. Parang gusto ko na lang ulit umuwi at yakapin si Mareng.
"Dapat pala sinama natin si Mareng," hindi ko maiwasang sabihin.
He looked at me worriedly, but then got disturbed by his ringing phone. Kunot pa ang noo niyang sinilip ang kanyang cellphone ngunit pinatay rin ang tawag.
"Who's that?"
"Unknown number," he said as if nothing is interesting.
Pero ako ang interesado kaya naman pinigilan ko ang kamay niyang ibalik ang cellphone sa kanyang bulsa. Hindi naman siya nagprotesta at hinayaan pa ako.
Tiningnan ko at nakitang unknown number nga iyon. Balak ko na sanang lubayan ngunit nagpadala naman ang numero ng isang mensahe.
From: Unknown
Drake, this is Kim. I just want to set up a meeting with you. I'm worried if you got home safe or not, and if Veron is still alive. Please, meet me up.
Tumaas ang kilay ko sa nabasa at sinulyapan si Draco na wala naman sa cellphone niya ang tingin kundi nakadirekta sa akin.
He doesn't look like he was asking what was with the message, but I'll tell him anyway.
"Magkita raw kayo ng Miss Kim mo. Worried daw kung buhay pa ba ako."
Pinaningkitan ko siya ko ng tingin nang walang makuhang reaksyon mula sa kanya. Nagawa pa nitong alisin ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa mukha ko.
"Hm, and then? Should I tell her that you have almoranas?"
"The fuck, Draco?! That's not an issue here!" mahinang angil ko, iniiwasang marinig ng mga nurse na dumadaan.
"The issue is, how come Miss Kim knows that I'm dying thing? So, you told her? You really invited her to come with you to Guimaras," hinanakit ko.
Impossible namang natunugan lang ng guro di ba? Baka nga sinama nila!
He didn't speak and didn't even look bothered with my sentiments. Napanguso lang ito nang bahagya bago bumagsak ang tingin sa cellphone niya.
"So, you admit it?"
"You look cute," he murmured.
Umawang ang mga labi ko at napaatras nang patakan niya ako ng halik sa labi bago inakbayan. Malakas pa ang loob niyang ngisihan ako at titigan na tila ba hindi ako nagrereklamo.
"Are you playing with me again, Draco? Because if yes, I'd rather go to the grave now than be with you-"
Napatigil ako nang ilagay niya ang hintuturo sa mga labi ko at bahagya pa niyang ikiniling ang kanyang ulo.
"Shh. Not gonna happen, Baby. I will not allow it," he smirked, showing too much confidence.
I hissed and pushed him a little away from me. Sinimangutan ko siya. Akala niya yata hindi ako seryoso.
"Answer me seriously. Did you invite Miss Kim-"
"You were there when Mareng invited her, but I didn't confirm it. I didn't inform her when. She rode in a different car and caught us up in the Roro terminal. That was the time I read your message and abruptly ran back to you. In conclusion, we didn't talk," walang hingang paliwanag niya.
Imbis na makumbinsi ay nahanapan ko ng butas iyon.
"So, gusto mong mag-usap kayo?" Mas tinaas ko pa ang kilay ko.
"What the fuck, Verona? That's not what I mean." He groaned, and closed his eyes tightly before he looked at me again, "What I'm trying to say is that I don't fucking care about her and I didn't invite her to go with me," nahihirapang paliwanag niya.
"Yeah, you mean it's unintentional, right?" Tumango-tango ako na kinasilay ng ngiti niya.
Akala niya yata kumbinsido na ako sa paliwanag niya. Miss Kim's ability to approach him at any time is already a threat.
"I guess you two need closure," I sarcastically said as I got his phone and typed a message for Miss Kim.
To: Unknown
K. Just send me a message.
Napangisi ako at binalik sa kanya ang cellphone pagka-send ng message.
"There, you can now both talk it out and have the closure I want for the two of you."
Nangunot ang noo niya at bakas doon ang kalituhan. Napirmi pa ang mga labi at hindi maialis sa akin ang tingin. Sabagay, kanina pa siyang nanininitig.
"What closure are you talking about, Verona?"
Ngunit hindi ko na sinagot pa ang tanong niya nang tawagin na ng nurse ang pangalan ko.
I only looked at him nonchalantly before I stood and walked straight to the ob-gyne room.
Bahala siyang mag-isip ng closure na 'yon! Daig pa nila mag-jowa sa lapit nila. Nakakainis pang maalala na imbis ako ang kasama nila noong graduation ni Mareng ay si Miss Kim ang nandoon.
Sinubukan kong alisin iyon sa isip ko at nagpokus na lang sa check up kahit pa binubugso na ako ng kaba.
Mas lalo yatang nanlamig ang kamay ko nang makita ang ngiti ni doktora Sylvaine Cabana batay sa kanyang glass nameplate.
"Come, Darling, don't be shy." Ngumiti siya na lalong mas nagpatingkad sa kulay hazelnut niyang mga mata kagaya sa buhok niya.
Humakbang ako palapit. Dinig ko pa ang pagtikhim ni Draco ngunit hindi ko siya nilingon at dumiretso lang kay Doktora.
I breathed before I speak," I guess I have PCOS, Doc."
She arched her brow a little, but her eyes told me that she was concerned, "How did you say so?"
"I have been feeling nausea and vomiting these days. I haven't yet had my menstruation and my head aches most of the time-"
"Oh, Darling, you got it all wrong. But I still need to confirm my hunch, so please, go to the bathroom and try this." Nilabas pa nito ang isang pregnancy test kit na kinalaki ng mga mata ko. Maging si Draco ay ramdam kong naalarma nang makalapit siya.
Gusto ko nang maiyak ng oras na iyon kaya lang ay ayaw kong umasa. Nanginginig pa ang kamay ko nang kunin sa mesa ang box ng kit.
"I'll help you, Baby. I wanna see-"
"You can just stay there, Mister. Wait for her here outside," Doc Sylvaine bitterly said.
Natahimik si Draco ngunit sumunod pa rin sa banyo, hindi nga lang pumasok kun'di naghintay sa labas ng pinto.
Ilang beses akong napapaypay sa sarili bago ginawa ang instruction. Kung positive, malaki ang pasalamat ko. Gusto ko talagang umasang positive nga pero ayaw ko ring ma-disappoint sakaling hindi.
Nang matapos ko ang instruction ay pikit mata kong binitiwan sa sink ang kit at nagmamadaling lumabas. Napatayo pa nang maayos si Draco mula sa pagkakasandal sa pader ng banyo.
"What happened?" he worriedly asked.
"Hindi... hindi ko kayang tingnan. Kinakabahan ako," pag-amin ko.
Baka kasi mamaya negative na naman.
He sighed, then abruptly pulled me for a hug and kissed my forehead, "I told you, whatever the result, I will stay. Cast away your worries, Baby, and allow me to be worried for you," he whispered.
Napapikit ako at hinayaan ang puso kong matuwa. Kusa kong hinayaan ang sariling liparin na ang pag-aalala at magtiwala sa kanyang hindi siya aalis sa tabi ko.
Balak ko na nga sana siyang bigyan ng halik sa mga labi kun'di lang tumikhim si Doktora at dumaan sa gitna namin upang maghiwalay kami.
"Bitter yata si Doktora," bulong ko na kingisi nito.
Si Doktora na mismo ang kumuha ng kit sa banyo. Paglabas pa nito ay tila pinaningkitan pa kami ng tingin.
"Pwede ba'ng huwag muna kayong magyakapan?" litanya nito, "Respeto naman sa katulad kong single!" singhal pa nito na kinahagikhik ko.
"Sorry, Doc. Someday you'll find your partner in crime," suyo ko rito.
She sighed and pouted a little, "That would never happen, Darling. I have accepted my fate. Being alone will give me peace." She even smiled sadly, "Anyways, I guess, I was right."
Nilahad pa nito sa harapan ko ang kit na kinatigil ko. Ramdam ko rin ang pagkatigil ni Draco sa tabi ko.
"Is this real, Doktora?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Nanginginig ang kamay kong kinuha ang kit. Kusa ring pumatak ang luha sa mata ko kasabay ng mabining halik ni Draco sa sentido ko.
"Yes, Darling. But I still need to check you up, give you some vitamins, and probably do the transvaginal ultrasound to check the baby."
Mabilis akong tumango at hindi mapigilan ang maiyak. Hindi ko pa nga masundan ang instruction ni Doc, tinulungan lang ako ni Draco na mamula-mula rin ang mga mata. Nang maiusot ko na ang hospital gown ay inalalayan pa ako nitong mahiga.
"Calm down please," utos ni Doc kaya naman ilang beses pa akong huminga nang malalim.
I felt Draco hold my hand tightly and kiss my palm. He never let his eyes leave mine. Umiwas lang yata ito ng tingin nang ituro ni Doktora ang monitor.
"Still a blood, but he or she will grow fast soon. You are blessed, Darling. Take care of yourself and your baby. This have been my dream, and yet it is still a dream. Congrats! You're three weeks pregnant." Ngumiti pa ito kahit na may bahid iyon ng lungkot.
And I felt that. I once felt the same, wanting so badly to have a baby, and yet, I couldn't conceive. Bahagya man akong nalungkot ay nanguna pa rin ang galak ko. Maging si Draco ay tulala sa monitor.
"I never experienced this towards Mareng, and I regret that. And I think I'll be feeling the same happiness on that day as I'm feeling now. Thank you, baby. You made me a man," he wholeheartedly said.
Dumoble ang saya ko roon. Hindi ko na nga pinansin pa ang mga ingos ni Doktora at litanya bago kami umalis. Kahit nang nasa sasakyan na ay nakangiti ako at haplos ang impis na tiyan.
I was losing hope, but then God gave me hope.
"Mareng would be glad to hear this!" I exclaimed.
"Surely, Baby. Where to go now? Do we need to shop for baby clothes?" Minaniobra pa nito ang manibela.
Napataas ang kilay ko, "You're too excited. Huwag muna. Isa pa, may meet up kayo ni Miss Kim. Kailangan mo na siyang bigyan ng closure," malamig kong tugon matapos maalala ang usapan namin kanina.
"Baby, I don't really know if you will believe me, but Kim will never replace you in my system."
"But you almost love her," mahinang sagot ko.
Bumigat ang dibdib ko sa naisip. Tila tinabunan noon ang tuwa ko kanina. Hindi lang kasi mawala sa isipan ko na may Miss Kim pa sa relasyon naming ito. Paano kung mas magustuhan niya ang guro?
He didn't immediately answer me. Instead, he pulled his car to the side of the street and looked at me intently.
"Baby, if you still have doubts about my feelings, tell me. I am no fortune teller to address those sentiments, but I don't want you to deal with them alone. Share with me your burden. I'll carry most of it for you."
He intertwined our hands and kissed them sweetly.
"I may be an asshole, but that doesn't mean I am a bad person. Verona, ayos lang kung hindi mo na ako kayang mahalin ng buo. O kahit mukha pa akong substandard sa'yo basta ibalik mo lang iyong rice cooker, refrigerator-"
"How dare you!" Hinampas ko siya sa braso at bumabalik na naman ang highblood ko sa kanya.
Seryosong usapan ang gusto ko sana pero heto at umuusbong na naman ang inis ko.
"Sabi mo walang balikan ng gamit?! Akin na iyon! Bumili ka na lang ng bago," maktol ko na kinatawa niya.
"I am just trying to tease you." He pulled me closer to him softly as he burried his nose in my hair, then on my neck, "I'm willing to strip down my wealth for you, Verona, for Mareng, and for our little baby," he huskily whispered, and that made me shiver.