KABANATA 56
Groggy pa ako nang magising kinaumagahan ngunit hindi ko rin napigilang ngumawa sa harap ni Mama. Bakit naman kasi ako pa?
"Mama, hindi na po ako magkaka-anak." Suminghot ako at pinigilan ang maiyak.
Kagabi pa ako nababahala. Ni hindi ko na alam kung ano ang mga ginawa ko, pati ang cellphone ko ay basta ko na lang hinagis sa sahig.
"Ano na namang pinagsasabi mo, Verona?!" Binaba pa nito ang sandok na hawak at linapitan ako sa mesa.
"Mama, hindi na po ako mabubuntis. May sakit po ako!"
Hindi ko na napigilan at basta na lang umiyak doon. Sinabi ko pa kay Mama ang hinuha kong sakit. Natampal pa ako nito sa braso na hindi ko maintindihan.
"Hindi ka pa nga nakapagpatingin sa doktor ganyan na ang iniisip mo!"
"Sigurado na 'to, Mama. Hindi ko po alam paano ito magagamot."
Muling pumatak ang luha sa mga mata ko ngunit kusa ring umatras nang lapagan ako ng baso ng tubig ni Mama. Napailing pa ito sa akin.
Hindi ko nga alam kung paano niya ako hinalo na may tsansa pa naman akong mabuntis. Nang mahimasmasan at makarami na ng inom na tubig ay pinilit kong kumalma. Tulala pa ako sa nilapag nitong chicken soup.
"What just happened, Verona? Nagpa-panic ka masyado!" sermon nito ngunit pinagkibit balikat ko iyon.
Ngayon ko nakita ang rason kung bakit hinayaan na mapunta sa akin si Mareng. Siguro ay dahil hindi nga ako magkaka-anak kaya't binigyan na ako agad ng anak. Hindi ko nga lang alam kung babalikan pa ako nito.
"Nakikinig ka ba, Verona?!"
Halos mapatalon ako roon at hindi naman masundan ang sinasabi ni Mama. Ang isip ko ay na kay Mareng. Paano na lang ito kapag lumala ang lagay ko?
Muli akongg uminom ng tubig at huminga nang malalim. Hindi na dapat ako nag-iinarte pa. Kailangan ko nang magpalakas para naman humaba pa ang buhay ko.
"Your ungrateful orphan. Look where did she put you? In misery, Verona," histerya ni Mama.
Imbis na um-oo ay naisip ko na wala pa naman talagang muang si Mareng at bata pa para sa lahat ng ito.
"Ma, tama na po. She's just a child. Mix emotion pa po 'yong bata. Madaling ma-brainwash."
Tumalim ang tingin ni Mama at pabagsak pang binaba ang sandok na kanina pa niya hawak.
"Huwag mo na ngang ipagtanggol, Verona! Nasasaktan din ako, Anak. Mas matatanggap ko pa yatang nabuntis ka kaysa nag-alaga ka ng anak ng iba ngunit heto at miserable ka," nanghihinang bigkas nito.
Naiintindihan ko naman ang punto at reaksyon ni Mama at paniguradong katulad niya rin ako kung kay Mareng ito mangyare. At hindi ko na nanaisin pang mangyari ito kay Mareng.
"Hindi naman pi ako miserable, Mama."
Tinamaan lang ako ng takot, pangamba.
"Hindi nga! Kun'di miserableng-miserable ka!"
Napanguso ako at tinamaan doon. Ang lungkot na nga ng buhay ko tapos hindi pa ako magkaka-anak.
"At malabo na mabuntis pa ako," malungkot kong pagpapatuloy.
Napasingap si Mama at pilit hinuli ang mga tingin ko.
"Veron, there is always hope. If not a hope, then a miracle. Magagamot ka pa, Anak. Please, don't let yourself down. Binaba ka na nila, itaas mo naman ang sarili mo."
Napangiti ako nang mapait. Ang dali lang kasing sabihin na kakayanin mo at hindi ka magpapa-apekto pero sa totoo lang, ang hirap gawin na kumbinsihin ang sariling may pagkakataon pa kahit malabo na.
"Ma, I know there's no chance. My nausea is severe. Maging pagsusuka ko. I am not hoping or praying for a child anymore. I am fine with myself being alive. To watch for Mareng, to guide her, and to celebrate with her from afar."
Iyon naman ang plano ko kung sakaling hindi na sila bumalik sa akin. Magiging masaya na lang ako para sa kanila kahit pa makalimutan na nila ako at makahanap sila ng ibang Verona na kukumpleto sa buhay nila.
"Tinakwil ka na nga, mahal mo pa rin? That's being selfish for yourself, Verona."
"Ako po ang umalis. Hindi po nila ako tinakwil."
"Ganoon pa rin iyon!"
I sighed, tired of it all. That's why I want to speak about how I am feeling right now.
"Ma, I spent my life taking care of her. And a mother's love is unconditional. It will always be stronger. It will never fade."
Hindi naman nagbago ang pagmamahal ko kay Mareng. Sa kanya ko lang naman inalay ang buhay ko, pati lovelife ko, siya rin ang basehan.
"Mas masakit pa po sa pagsisinungaling ni Drake or Draco or whoever he is. I can trade not seeing him if that means having Mareng for a lifetime. I only wanted Mareng by my side. I want to kiss and hug my daughter again, Mama. She doesn't deserve to be lonely. She doesn't deserve to be motherless-"
"And you do not deserve all the pain, Anak." Malamlam ang mga matang tiningnan ako ni Mama, "Listen to Mama, she chose to be motherless, Veron. She pushed you away. She doesn't need you, Anak. Masaya na siya sa Tatay niya."
Those words hit me. Kahit ilang beses kong itanggi, si Mareng mismo ang umayaw sa akin ng ilang beses na ayaw ko lang tanggapin.
"Paano naman ako, Mama? Paano ako sasaya? I need Mareng in my life, Mama. I need her."
I cried again that morning. Nahirapan pa muli si Mama na magpatahan sa akin at tingin ko ay palalayasin na rin ako nito sa inarte ko.
Kung hindi lang ako tinamaan ng hilo at pagsusuka ay hindi pa ako babalik sa kwarto. Tumambad pa sa akin ang wasak kong cellphone na nakakalat sa sahig.
Doon rumehistro ang ginawa ko kagabi. Doon ko naalala ang mensaheng pinadala ko kay Draco.
Halos manlaki ang mga mata ko nang maisip ang text ko. Napatakip ako ng bibig at gusto na lamang iumpog ang sarili sa kama.
Bakit ko sinabing mamamatay na ako?! Bakit?!
Napalunok ako at gustong bawiin iyon ngunit sira na ang cellphone ko at hindi naman ako pwedeng makigamit kay Mama at sabihing padadalhan ko ng mensahe si Draco. Tiyak na magagalit iyon!
Ngayon, hindi ko sigurado kung nabasa na niya. Dahil siyam na pu't siyam na porsyento na gumuguhit sa isipan ko ang magiging reaksyon niya. Iyon pa nga lang na nabawas ang timbang ko ay nag-aaalala na ito, ngayon pa kaya? Sa ganoong mensahe pa kaya?
"Ang tanga, Veron!"
Kinuha ko ang unan at iyon na lang ang hinampas sa kama upang mawala ang inis ko. Kaya lang matapos ang ilang minuto ay pumasok din sa isipan ko na kasama nila si Miss Kim sa Guimaras. Baka hindi rin no'n napansin ang mensahe ko dahil abala pa sa guro.
Bagsak ang balikat na humiga ako sa kama at pinilit ang sariling makatulog. Nasa isip ko pa kung paano sinasabunutan si Miss Kim. Masyado na 'tong abala sa buhay ko.
Nawalan ako bigla ng gana sa buhay nang gumising ako kinatanghalian. Kumain lang ako pagkatapos ay bumalik muli sa pagtulog. Ngayon ko yata binawi ang puyat sa nakalipas na araw.
Ang akala ko ay tahimik muli akong gigising sa dilim ngunit hindi. Pagmulat pa lang ng mga mata ko ay halos mabingi na ako sa paghampas ng pinto at sigaw sa ibaba.
"Verona! What the fuck are you saying that you are dying?!"
"Verona! Open this damn door or I'll burn this house of yours and just buy you a new one!"
Sumakit yata ang tainga ko ngunit na-alarma rin na si Draco iyon na nanggagambala.
"Fuck this life, Veron! If you're not the one I'll end up with, then let's just die together!"
"Didi, don't say that! Paano po ako?!"
Doon na ako napabalikwas ng bangon sa boses ni Mareng. Talaga naman! Dinamay pa ang bata sa pagwawala niya!
"Mimi, don't die! I'm sorry I was a bad girl! Mimi!"
Kusa rin akong napatigil sa paghakbang sa pinto sa paghingi nito ng tawad. Gustong manghina ng mga tuhod ko.
"Mimi! You're the only Mimi I want! Please! I'm sorry!"
Napahikbi ako ngunit maingat pa ring bumaba sa hagdan. Nadatnan ko pa si Mama at Papa na prenteng nanonood sa sala kahit na nagwawala na ang mag-ama sa labas.
"Verona! If you die, take me to your grave! Let's just build a family there!"
"Didi, sama ako!"
Mariin akong napapikit at nilingon si Papa na nagpipigil matawa habang si Mama ay masama na ang tingin sa pinto.
"Mama, Papa, bakit hindi niyo po sila pinagbuksan?" histerya ko.
"Bakit? Kami ba ang hanap? Verona nga di ba?" mataray na asik ni Mama.
Inis akong umatungal bago napasimangot.
"Hindi ko rin naman kilala 'yang mga 'yan," si Papa na tuon na sa balita ang tingin.
"Papa! Apo mo 'yon-"
"Wala pa kaming apo, Verona. Wala ka pang anak," putol ni Mama.
Sumakit yata ang ulo ko sa mga magulang ko at hindi na sa mag-ama. Ang kaso ay muli na namang sumigaw si Draco.
"Verona! Panagutan mo ko! Take responsibility for me, Baby!"
Napapikit ako nang mariin at sigurado akong may mga kapitbahay na nakiki-usyoso sa labas kaya't madali kong binuksan ang pinto.
Napasinghap pa ako nang datnan siyang nakaluhod sa harap ng pinto at nakayuko. At dinurog yata muli ang puso ko nang makita si Mareng na nakaupo patalikod ngunit nang humarap sa akin ay puno ng luha ang mga mata niya.
My daughter cried for me. Does that mean she's afraid to lose me?
"Mimi! Huwag po ikaw mag-die! I'm sorry na po, Mimi!"
Tumayo ito at tinakbo ang distansya ko atsaka ako dinamba ng yakap. Malugod ko itong binuhat at niyakap nang mahigpit. Nalingunan ko pa ang mga kapitbahay na nanonood ngunit may ilan na nagsipagtalikod na.
Hindi ko iyon alintana at hinagod pa ang likod ni Mareng.
"Don't cry, Baby. Mimi will not go," paghahalo ko sa kanya.
"I'm very sorry, Mimi. I regret what I have done. I'm so sorry."
Humikbi ito at binaon pa ang ulo sa leeg ko. Napalunok ako at hinalikan ang tainga niya bago nilingon si Draco na nakatayo na.
Nakatindig man ito ay bakas naman sa mukha niya ang pag-iyak. Hindi ko inakala na ang matapang niyang mukha ay madudungisan ng luha. Ang asul nitong mga mata ay hindi ko na halos makilala.
"Please, don't die, Verona. Don't make me a mad man and curse all of the goods."
Umiwas ako ng tingin at na-guilty na ni-send ko pa ang message na iyon. Ngayon ay parehong nahirapan ang mag-ama dahil sa akin. Ngunit naisip ko rin na hindi sila babalik dito kung hindi dahil doon.
"I didn't-"
Hindi ko maituloy ang sasabihin ko na, I didn't mean it, nang lumapit ito at yakapin kami ni Mareng.
"Stop, please. Let's live together. Kung kailangan kong ipaalis ang lahat ng tattoo ko para lang mabuhay ka, gagawin ko."
Nakagat ko ang labi at gusto na talagang magsalita ngunit hindi ko magawa.
"Kung kailangan mong kunin ang puso ko upang mabuhay ka, ibibigay ko. Without hesitation or second thought, I'll give it to you, wholeheartedly, Verona."
Mas diniin ko pagkagat sa labi ko sa pagpipigil na matawa nang makitang seryoso ito.