KABANATA 54
"Hey, Baby. We made pancakes today. Mareng is kind of sad, but maybe she can get by. She hasn't mentioned you yet, though I am sure she misses you already. Fuck! Why do I have to do this? Can I just get you there?"
Napanguso ako at nakagat ang labi sa bagong sent niya ng voice mail. I didn't ask him for this or any report about them, but he does it anyway. Araw-araw kung magpadala siya ng mensaheng katulad nito. Mas lalo tuloy akong nahihirapan na pigilan ang sariling tumakbo pabalik sa kanila ngunit kailangan ko talagang pigilan. Gusto kong hintayin na si Mareng mismo ang magpabalik sa akin.
Hindi naman siguro masama kung gugustuhin kong maisip nila kung gaano ako kaimportante sa buhay nila di ba?
I mean, I have dedicated my life to them, and maybe this time, they should realize my worth. They should know what it feels like to not have me by their side.
Marahan kong nilapag sa mesa ang cellphone at sinulyapan ang nilutong hotcake ni Mama sa plato. Kumibit balikat pa ako matapos matantong malayo talaga ang agwat ng buhay namin ni Draco. Siya na pancake, ako na hotcake.
Naiiling akong napangiti. Hindi naman pala gaanong malungkot na malayo. Sa tingin ko ay dito pa lang talaga nagsisimula ang buhay ko.
"Ayaw mong mag-apply sa Nearest Bank pansamantala habang hindi ka pa nagbo-board exam?" si Mama na nakatayo na sa gilid ko habang nakasilip sa muli kong pagbukas ng cellphone.
"Maghahanap na lang ako ng iba, Ma. Wala rin po muna sa isip ko ang mag-exam o baka hindi na po."
Nanahimik si Mama at alam kong labag iyon sa loob niya ngunit hindi nagkomento. Ayaw na siguro nitong kontrahin pa ang desisyon ko.
Hindi naman sa ayaw ko sa Nearest Bank, kaya lang alam kong mamanipulahin ni Draco ang application ko kapag doon ako nag-apply. Sa exam naman, wala pa talaga akong konkretong plano. Gusto ko lang mag-ipon sa ngayon.
"Bakit hindi mo pa rin sinusundo si Mareng?"
Mula sa screen ng cellphone ay nag-angat ako ng tingin kay Mama na nasa harap ko na. Hanggang ngayon hindi ko pa rin sinasabi sa kanila. Ayaw ko na ikagalit pa nila iyon.
"Hm. Ayos naman po siya kay Draco-"
"Paano kung itakbo ni Draco ang anak mo? Ayos lang din?" Tinaasan ako nito ng kilay at pinaningkitan ng tingin.
Hindi ko alam kung paano iyon sasagutin dahil kahit naman itakbo ni Draco si Mareng ay karapatan niya iyon. Swerte ko nga at pinapadalhan pa ako nito ng mensahe dahil sa totoo lang, hiram lang naman sa buhay ko si Mareng at si Draco naman talaga ang may karapatan sa kanya.
Siguro at napansin ni Mama ang pananahimik ko kaya't siya mismo ang lumayo at inabala ang sarili. Ituon ko na lang din ang atensyon sa pag-job hunting. Tumingin ng ilang website at sinubukang mag-send ng resume.
Sa ganoon lang umiikot ang araw ko sa mga nakalipas na araw. Hangga't walang tumatawag ay hindi ako tumitigil sa paghahanap. Ayaw ko ring masyadong lumabas lalo pa't medyo sumasakit ang ulo ko nitong nakaraan. Naiirita akong makita ang init ng araw at madama sa balat ang gaspang ng hangin.
Hindi ko na nga maintindihan ang sarili ko dahil alam ko rin na ilang sintomas pa ay masasabi kong may PCOS na ako. Ayoko na munang isipan iyon. Isa pa, ramdam ko rin ang pagkatabang ng buhay ko ngayon na kahit kumpleto kami sa hapag ay hindi ko maiwasang maisip si Mareng.
Parang gusto ko muling marinig ang pangungulit niya't hagikhik. Hindi iyong ganito, sobrang tahimik at pawang mga kubyertos lamang ang maririnig.
"Wala pa bang nag-email sa'yo, Verona?"
Napatigil ako sa pagsubo at nilingon si Mama. Seryoso ito, at sa klase ng tingin niya ay palalayasin na niya ako sa susunod na linggo kapag wala pa akong trabaho
"Hindi ko pa po natingnan."
Wala na itong sinabi na kinahinga ko nang maluwag ngunit kalaunan ay bumuka muli ang mga labi nito.
"May kumausap sa akin kaninang babae, guro daw ni Mareng."
"Si Miss Kim po? Bakit daw, Mama?"
Mabigkas lang ang pangalan ni Miss Kim ay gustong kumulo ng dugo ko.
"Tinanong niya kung nasa bahay ka, ang sabi ko oo. Tinanong pa niya kung sino daw ang magbabayad ng moving up ceremony ni Mareng. Ang sabi ko ang Tatay niyang hinayupak-"
"Mama, naman!" pasimpleng pigil ko sa kanya.
"Verona, ah?! Sinasabi ko sa'yo, kunin mo lang ang apo ko pero huwag kang babalik sa lalaking iyon!"
Gusto kong mapaingos ngunit pinigilan ko ang sarili. Kasalanan ko naman na hindi ko sinasabi sa kanila ang totoo. Huwag na lang sana nilang makita si Draco.
Kinagabihan noon tahimik akong nag-scroll sa email box ko kung meron na bang mensahe ang kaso ay wala. Lalo lang tuloy sumakit ang ulo ko na kahit nang magising sa madaling araw ay tila na umiikot ang paligid ko.
Nagmadali ko pang tinungo ang banyo makasuka lang mula sa pagkakahilo. Humigpit ang kapit ko sa sink at lalo pang naduwal. Nahahapo ko pang dinantay ang noo ko roon pagkatapos.
Gusto kong maiyak. Tama nga lang sigurong pabayaan ko na sina Mareng at Draco kaysa naman idamay ko pa sila sa paghihirap sakali mang may sakit nga ako.
Pinigilan ko ang mas maiyak pa. Nagawa ko pa ngang magtimpla ng gatas bago bumalik sa kwarto ko. Ni hindi na ako dalawin ng antok kaya't muli kong binuksan ang email ko.
At halos mamilog ang mga mata ko matapos makitang may email na nga roon mula sa isang bangko sa kabilang bayan. Umawang ang mga labi matapos mabasang alas nuebe ang gusto nitong oras ng interview sa araw na niyon.
Kaunting oras na lang at sisikat na ang araw. Mas lalo na akong hindi makatulog ngunit pinilit ko ang sarili.
Paggising ko nga lang ay tila dumoble na ang sakit ng ulo ko at bigat ng katawan. Kahit ganoon ay nag-ayos pa rin ako. Natuwa pa nga si Mama nang sabihin kong may interview ako at kung papalarin ay makakapagtrabaho na.
"Galingan mo, Verona. Para kung gusto mo ng kunin ang apo ko ay hindi ka na mahihirapan. Tutulungan ka naman namin ng Papa mo na magpalaki kay Mareng. Hindi mo kailangan si Draco," bulong pa nito sa dulo.
Gusto kong ma-guilty to think na 'apo' ang tawag ni Mama kay Mareng. Nahihiya rin ako kay Draco na ganito ang iniisip ng mga magulang ko sa kanya na kasalanan ko naman. Siguro ay lilinawin ko na lang kapag maayos na ang lahat, kung magiging maayos pa.
Labingtatlong minuto bago ang alas otso ay nasa bangko na ako at hinihintay na lang na mag-alas nuwebe. Binigyan pa nga ako ng flyer noong guwardiya para daw may background na ako sa bangko sakali mang maitanong ng owner.
Simple lang naman ang laman ng flyers at kagaya lang din sa iba. Pinalipas ko ang oras sa ilang beses na pagbabasa niyon bago tingnan ang pangalan sa ilalam, pangalan ng may-ari.
At ako mismo ang natigilan matapos makita ang pangalan ni Mr. Gueco Montanier doon. Nangunot ang noo ko at hindi maisip na sa kanya rin ang bangko. Hinagilap ko pa ang guwardiya at balak itanong kung siya nga ngunit pagtayo ko ay kaharap ko na mismo ang may-ari.
I couldn't take my eyes off of his cat-hawk eyes, brown man bun, and stubble.
"Follow me, then let's start the interview," malamig nitong bigkas na kinakaba ko.
Sa tingin ko ay alam ko na kung bakit ako nakakuha ng interview at gusto kong pagalitan ang sarili na hindi ako nag-background check muna. Tiningnan ko pa muli ang website ngunit pangalan ng manager ang nakalagay doon at hindi ni Mr. Gueco.
Gusto kong umatras dahil alam kong balewala ang interview. Panigurado kasing tanggap na ako kahit hindi pa ako magsalita. Sigurado naman kasing nakakuha ako ng interview sa pakiusap na naman ni Draco!
Sumunod ako sa simpleng opisina nito sa loob. Paupo pa lang ako ay nagsalita na ito.
"You're hired," anito at binigyan pa ako ng simpleng ngisi.
"Po? Pero wala pa kayong naitatanong."
Dapat yata ay umatras na ako dahil inasahan ko na ito.
"You don't know?" he asked, which made me puzzled.
"That Draco has something to do with this?" pagpapatuloy ko.
"Not that, woman. It's Mareng's moving-up ceremony and Draco requested your presence there."
Nanlaki ang mga mata ko at agad na napatingin sa kalendaryo. At wala pang kalahating oras ay tumatakbo na ako sa basketball court ng bayan. Marami ng mga magulang ang nandoon at tingin ko ay kanina pa nagsisimula ang event. Ang problema ay hindi ako makapasok sa gate.
"Kuya, Nanay ako noong isang bata, nahuli lang ako," paliwanag ko pa sa guwardiya.
"Ma'am, kung Nanay po kayo ay alam ninyong bawal ang mahuli. Pawang mga kasama lang po ng estudyante ang pinapapasok. Kung gusto ninyong manood ay pwede po kayo rito sa gilid." Tinuro pa nito ang iilang taong nanonood mula sa labas.
Inis akong napapikit at naiirita na sa init ng araw. Hinalughog ko pa ang cellphone ko matawagan lang si Draco ngunit hindi naman ito sumasagot. Sinubukan ko nang ilang beses ngunit natigilan matapos marinig na tinawag ang pangalan ni Mareng.
"Maria Gia Sumang Torres! Congratulations, Baby!" ani pa ni Miss Kim sa mikropono.
Nanliit ang mga mata ko at pilit tinanaw ang entablado kahit pa malayo iyon. Hindi rin malinaw sa paningin ko ang reaksyon ni Draco at Mareng. Ang malinaw lang ay ang nakita kong pagtabi ni Miss Kim sa mag-ama at paghalik nito sa pisngi ni Mareng at sa pisngi ni Draco. Hindi ko lang sigurado kung umiwas pa ito o nagulat lang.
Ang tagal kong naghintay sa labas at tinitiis ang init ng araw. Nagkumpulan na rin ang ilan doon kaya't mas lalong nahirapan akong huminga. Hindi ko na nga masundan ang programa. Hinihintay ko lang na lumabas na sila Draco.
"Miss, tumabi ka muna, hindi namin makita," reklamo ng isang ginang.
Hindi ko na lang pinatulan at lumayo na lang ng kaunti. Pakiramdam ko ay mamamantal na ang balat ko sa init ngunit nabuhayan nang makitang tapos na at nagsisipaglabasan na sila. Sinubukan kong makaalis sa gitna ng mga tao at inalerto ang sarili ko nang kakaunti na lang ang palabas.
Napangiti pa ako nang makita si Draco na buhat si Mareng ngunit sa layo ng distansiya nila at sa dami ng mga nasa unahan ko ay hindi ako makalapit.
"Draco!" pilit kong sigaw ngunit duda ako kung narinig niya sa dami ng congratulations na pagbati sa paligid.
"Miss, tumabi ka muna!"
Isang lolo ang nalingunan ko kaya pinauna ko na ito.
Sinasalakay na ako ng hilo at gutom ngunit gusto kong mabati man lang si Mareng.
Ang kaso pagbalik ng tingin ko sa kanila ay pasakay na sila sa sasakyan ni Draco. Nahagip pa ng tingin ko si Miss Kim sa tabi nito na kinakausap si Mareng. Mas lalo ko tuloy ginustong makalapit kaya't kahit itulak ang taong sa harap ko ay ginawa ko.
Kaya lang, ganoon siguro talaga. Nagawa ko ngang makawala sa maraming tao ay siya namang paggana ng sasakyan ni Draco paalis.
"Mareng!" pilit kong sigaw, nagbabakasaling titigil iyon ngunit hindi.
Tumigil ako sa paglalakad at halos mawalan ng hininga sa init. Nanlabo ang paningin ko at napahawak na lamang sa tuhod ko.
"Iyong Ate matutumba na!"
"Miss!"
"Kawawa naman!"
Ilang boses na narinig ko bago ako lamunin ng dilim at tuluyang bumagsak.