KABANATA 53

"I want you to leave now, Miss Veron," mas mahinang bigkas niya.

Pigil ko ang paghinga at kahit sobrang sakit na ng puso ko ay sinubukan ko pa ring ngumiti. Marahan ko pang hinawakan ang braso niya. And thank God that she didn't flinch.

"Is that what you want, Mareng?" mahinahon kong tanong.

Pilit kong hinuli ang mga tingin niya ngunit naging mailap ang mga iyon.

Hindi ko alam kung dapat na ba akong sumuko kahit na labag sa loob ko. I think she needs space to figure out if she still needs me in her life. Alam ko namang kasalanan kong hindi ko agad sinabi sa kanya ang totoo, ngunit balak ko naman, hindi nga lang ngayon.

"Baby, is that what you want?"

She frowned, then sharply looked at the floor.

"Just leave, Miss Veron. Leave us!"

Para muli iyong suntok sa damdamin ko na kusang nagpabitiw sa akin mula sa pagkakahawak sa braso niya.

I never thought she would ask for this. Hindi pala ako sapat. Hindi pala sapat na ako ang tumayong Mama niya. Ni minsan ay hindi ito pumasok sa isip ko, na hihilingin ni Mareng na umalis ako sa buhay niya.

And I think I have had enough. I had sacrificed my life for her, for them, and yet, I wasn't enough. And yet, I didn't satisfy her. Her love for me is not so strong that it can be easily ruined by just some bitch.

Masama ba na umasa akong hindi niya ako kayang mawala sa buhay niya? Mali ba ako sa kaisipang kapag bata pa, sa Mama lang ayaw humiwalay?

I guess I was wrong all along, because Mareng dropped me like I was just her toy yesterday.

Pumikit ako at bumuntong hininga. Maingat na tumayo bago nagpagpag ng mga kamay. Kita ko pa ang pagsunod niya ng tingin sa akin ngunit umiwas nang makasalubong ko ang tingin niya.

"Fine, I will leave after you go to sleep. Rest, Baby. You're tired."

Binigyan ko siya ng malungkot na ngiti na kinasinghap niya. Marahas ko pang kinagat ang labi ko pagkatalikod.

"Miss Veron."

Tumigil ako sa paghakbang ngunit hindi humarap sa kanya. Umaasang pipigilan niya ako.

"I'll sleep now, Miss Veron."

That's when my tears started to fall again. I didn't expect that this would hurt so much. That a child, who isn't even my blood relative, can inflict such pain on me.

I simply nodded my head to her and just closed her door quietly.

Marahas kong pinalis ang ilang luhang bumagsak sa pisngi ko at nagtungo sa sariling kwarto. Naguguluhan pa ako kung sasabihin ko ito kay Draco. Ilang beses ko pang tinitigan ang numero niya ngunit sa huli ay nilagay ko lang sa backpack ang cellphone ko.

Tahimik akong nag-ayos ng iilang gamit. Ni ayaw ng tumulo ng mga luha ko ngunit mahapdi pa rin ang mga mata ko. Ilang gamit lang ang inayos ko at iilang importanteng dokumento.

Hindi ko naman basta susuko kay Mareng. Magpapahinga lamang ako, hindi ko nga lang alam kung kailan ako babalik. I just want to give space to Mareng, and maybe Draco will make her understand the situation, and help her accept me as her mother again.

Mapait na ngiti ang muling gumuhit sa labi ko. Bakit ko nga ba aasahan pa si Draco?

Sinabi, pinakita o pinaramdam niya namang mahal niya ako ngunit alam ko sa sarili kong hindi pa rin iyon sapat. Kaya niya ngang kumuha ng kahit sinong babaeng gusto niya para lang maging Mama ni Mareng.

Napailing ako at huling nilagay sa bag ang family picture namin.

Family picture? He can't even give me a ring or security.

Bumuntong hininga ako pagkatapos maisara ang backpack. Maingat ko pang sinukbit iyon sa mga balikat ko bago muling sinilip si Mareng sa kwarto niya.

I found her already asleep. There are still wet tears on her cheeks, and I can say she is not peacefully sleeping based on her knotted forehead.

Parang gusto ko na naman tuloy manatili sa nakikitang paghihirap niya. Pinipiga na naman ang puso ko na makitang ganito si Mareng.

Tahimik kong pinagalitan ang sarili sa pagpatol sa kagustuhan nitong umalis ako. Bakit ba hindi ko naisip na baka naguguluhan o nalilito lang si Mareng sa sitwasyon? Baka bukas ay makalimutan na nito ang mga sinabi sa kanya ni Miss Kim.

I hissed and took big steps to get near her, but I was halted by the broken photo paper on the floor. Nangunot pa ang noo ko sa sira-sirang litrato. Lumuhod pa ako ng kaunti upang mapulot ang mga iyon para lang magulat at masaktan na makitang si Mareng mismo ang sumira sa aming family picture.

I blinked a few times, readying myself for a lot of tears, and yet, nothing came.

And maybe the pain will never make me cry again because this time, I realized, I'm the one who needed space.

I'm the one who needed time to heal.

I deserve freedom.

I have the liberty to live my life the way I should in the first place.

I felt as if I was being taken for granted, as if I was trash that could be easily discarded.

And that is not my worth.

I need a break because I deserve more.

Nabuo ko man ang pasya ko at naihabilin ko man si Mareng kay Aling Flor ay hindi ko itatangging tila bumabagsak ang mundo ko. Ni hindi ko nga masabi kay Aling Flor kung saan ako pupunta sa takot na sabihin niya kay Draco. Baka makita ko pa lang siya ay uuwi na ako agad sa kanya.

Ayaw ko no'n. Gusto ko namang pagbigyan ang sarili. Gusto kong subukang mabuhay na wala sila pansamantala.

To: Drake

Don't look for me. Please, do take care of Mareng.

That is the last message I sent to him before I knocked three times on the door.

I still remember when I left when I was eighteen.

Sariwa pa nga sa balintataw ko kung paano ako paalisin noon dito. Ngunit ngayon ay gusto ko na lamang tawanan iyon dahil heto at tinakwil din naman ako ng batang pinaglaban at minahal ko.

Binalak ko muling kumatok nang hindi iyon buksan ngunit nabitin sa ere ang kamay ko matapos marinig si Mama mula sa likod.

"Bakit ka nandito, Veron?"

I got stiffened and almost uttered my pain, but I suppressed all of that. Ngumiti lang ako ng simple na kinakunot ng noo nito.

Tahimik lang din ako nang pumasok kami sa loob. Wala roon si Papa na kinahinga ko nang maluwag kahit papaano. At least, I only need to deal with my mother alone.

"Bakit my backpack ka?" si Mama na naglapag ng malamig na juice sa harap ko at isang ensaymada.

Tumikhim ako at sumimsim sandali sa juice bago sumagot. Hindi ko pa ito matingnan sa mata sa takot na malaman agad nito ang dahilan.

"Bakasyon lang po."

"Bakasyon?"

Walang saya sa tono nito at halatadong nagdududa na agad sa sagot ko.

"Huling bakasyon mo may dala kang sanggol."

Tumahimik si Mama bago hinuli ang mga tingin ko.

"Huwag mong sabihing buntis ka ngayon at hindi ka na pinanagutan ng ka-live in mong madumi ang balat?"

Napalunok ako dahil doon ngunit umiling din. Malabo na ngang mabuntis ako kaya tama lang na umuwi na ako.

"Hindi po ako buntis. Gusto ko lang pong magbakasyon-"

"Kinakabahan ako sa mga bakasyon mo na 'yan, Verona! Pumunta ka ritong mag-isa? Nasaan si Mareng kung ganoon?"

My lips automatically parted with the mention of Mareng. Tila ngayon ko naramdaman ang sakit at pagpiga muli sa puso ko. Hindi ko na alam kung ilang milyong kutsilyo ang sumasaksak sa dibdib ko.

I can't find the words to say that I am hurting because of my daughter. I can't completely say that I am broken because of Mareng, because I know I couldn't accept the fact that she wounded me. A young girl is the cause of my agony.

And so I let my tears fall in front of my mother. I cried silently, letting my pain flow out of me, and yet, I can still feel it.

"M-ama, am I s-uch a b-ad g-irl?"

"Shh. Don't say that, Verona. You've done enough, and that's enough."

I cried more and more, but then Mama hugged me so tight.

"Sige, Anak. Iiyak mo lang. Nagkamali ako noon na hindi kita pinakinggan, ngayon handa na akong makinig sa'yo, Verona."

That soothes me to a lullaby, making me fall asleep.

I felt like a teenage girl again, a child who longed for her mother. This is what I have missed. I forgot that I am still my Mama's daughter. At eighteen, I lost this. I became a mother to someone else's child. I took all the responsibility, the hardship, and all the sacrifices.

I forgot that those times, if I didn't have Mareng, might be my puppy love, self-love, gaining friends, and touring around the local area.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog sa dati kong kwarto ngunit paggising ko ay madilim na sa labas base sa bintana ko. Bumagsak pa ang tingin ko sa lalaking nakaupo sa gilid ng kama ko.

"P-apa."

"Ngayon talaga ako nagsisisi na pinalayas ka namin noon. Sana ay wala ka sa sitwaysong ganito at paniguradong matinong lalaki nakilala mo," si Papa na napabuntong hininga at tumayo na mula sa gilid ng kama.

"Ayos lang po. Naging masaya naman po ako kahit paano, Pa."

Ngumiti ako kahit na ramdam ko ang pamamaga ng aking mga mata. Ayoko rin na itama pa ang iniisip nilang dahil kay Draco kaya ako nandito dahil isa rin naman iyon sa mga dahilan ko.

"Nakita ko naman, Anak. Kumain ka at magpagaling pagkatapos ay kunin mo na si Mareng at dito na lang kayo sa bahay kasama namin ng Mama mo."

Ngumiti si Papa na sinuklian ko kahit pa muli na namang binibiyak ang puso ko. At nang makalabas na ito ng pinto ay tuluyang nawala ang ngiti sa labi ko.

Huminga na lamang ako nang malalim at nilibot ang tingin sa kwarto na wala namang nagbago. Naging malinis pa iyon at mukhang laging binabago ang lilac na pintura.

What now, Veron?

Hindi ko na naman alam kung saan magsisimula. Nalilito sa kung ano'ng dapat kong gawin. Doon lang din pumasok sa isip ko na baka hinahanap ako ni Draco kahit na nag-iwan naman ako ng mensahe sa kanya. Kaya naman tumalima ako at hinanap ang cellphone ko.

Hindi naman sa excited ako, gusto ko lang makasiguro na hindi niya ako pupuntahan dito kahit pa madali lang sa kanyang mahanap kung nasaan ako.

Pagbukas ko sa cellphone ay hindi na ako nagulat sa marami nitong missed calls. Magdadalawang daan na ang mga iyon ngunit wala namang text message. Halos maitapon ko pa ang cellphone nang muling tumunog iyon at mag-flash ang pangalan niya. Tinitigan ko lamang hanggang sa kumpletuhin niyon ang dalawang daang missed calls.

Nakagat ko ang labi at hindi alam kung sasagutin ko ba ang tawag niya kapag tumawag muli ito. Ano namang sasabihin ko?

Hindi pa ako nakakaisip ng sasabihin ay muling na namang lumitaw ang tawag niya kaya naman pikit-mata ko iyong sinagot ngunit hindi nagsalita.

Dinig ko ang nahihirapan niyang paghinga at maaaring taksil ang isipan ko dahil ginuguhit nito ang maiksi niyang itsura at asul na mga mata sa aking balintataw.

"Mareng told me what happened," he started.

Hindi ako sumagot ngunit alam kong alam niyang nakikinig ako.

"And I'm sorry for the pain, Baby. You do not deserve it all. I'm sorry if Mareng made you leave, and I will try to understand if you still don't want to see us now."

Kumurap ako at napatingala sa nagbabadyang pagbagsak ng mga luha ko.

"Damn it! This is hard, but I will respect your decision. With all my sane mind right now, I'll prepare myself to not chase you because that's what you want."

Nakagat ko ang labi at napatingin na lamang sa bintana.

"I became dominant and an asshole towards you. That's why I am trying to give you this space." He breathed, and surely his eyes were closed tightly.

"But fuck! Please, message me abruptly if you already want me to fetch you there. I'll be waiting," mahinang bigkas niya.

"I love you," he heartily said before he ended the call.