KABANATA 55
Parang binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit. Pagmulat pa ng mga mata ko ay nanlalabo ang paligid at hindi ko malaman kung nasaan ako.
"She's awake!"
Boses iyon ni Mareng na tuluyan kong kinagising. Naka-abang ito sa paggising ko ngunit nang matagpuan ang mga tingin ko ay agad itong bumaba sa upuan at tumakbo papunta kay... Miss Kim.
Umasim ang sikmura ko pagkakita sa guro. Padalos-dalos akong umupo sa higaan at balak na sugurin ang guro kung wala lang matipuno at may kagaspangang kamay ang pumigil sa braso ko.
"You're weak. Rest for awhile, then I'll take you home."
Natigilan ako sa mababang boses ni Draco at nilingon ito mula sa kabilang gilid ko. Natitigan ko ang mga asul nitong mga mata na puno ng pag-aaalala. At kahit nang malinaw na masilayan ang kisig niya, alam ko sa sarili ko kung gaano ko siya na-miss. Gusto ko na ngang haplusin ang mukha niya, pinigilan ko lang ang sarili.
Doon lang din rumehistro sa akin ang nangyari. Pumunta akong venue, hinabol sila at hinimatay. Ngunit heto at mukhang siya pa mismo ang naghatid sa akin sa klinika imbis na dapat ay nasa magarbong tanghalian sila at nagsasaya para kay Mareng.
"I'm sorry, na-abala ko pa kayo." Nagyuko ako at pasimpleng sinulyapan si Mareng na nasa sahig ang titig.
"Pasensya na. Ayos na ako. Pwede na kayong kumain sa l-abas."
Sinubukan kong huwag pumiyok ang boses ko sa dulo kahit pa gusto kong maiyak.
"Mareng saw you falling on the ground and stopped me from driving. What have you been doing with your life, Verona? You lost weight."
Mahinahon man ang boses niya ay kariringgan ko pa rin iyon ng sermon. Wala naman akong ibang ginawa sa buhay ko kun'di ang isipin sila at maghanap ng trabaho.
"Look at your arms, they are thin now." Hinaplos pa nito ang braso ko kaya't nabawi ko iyon.
Hindi ako aware na bumaba ang timbang ko. Lalo lang tuloy lumakas ang loob kong isipin na baka nga may PCOS ako.
"And why are you late? Bakit hindi ka pumasok sa loob ng venue?"
"Uhm. Sinabi naman sa akin ni Mr. Gueco kaya lang nagsisimula na noong makarating ako tapos sabi ng guard na bawal na raw pumasok," mahinahong bigkas ko ngunit binigyan ko rin ng sulyap si Miss Kim na nananahimik sa tabi ni Mareng.
"What? I didn't know such a rule," kunot noong tugon niya bago binalingan si Miss Kim, "How come parents are not allowed to get in, even late, Miss Kim?" may awtoridad na taning nito sa guro.
Hindi nakalagpas sa paningin ko ang paglunok ni Miss Kim ngunit tumaas pa rin ang kilay nito.
"It's for everyone's safety and to not make the place crowded-"
Natigil ito sa pagsasalita nang dumating ang clinic Nurse. Doon naman umalerto si Draco.
"Uhm, pwede na po kayong umuwi maya-maya, Miss Hernandez."
"No serious illness?" agap na tanong ni Draco.
"Wala naman po. Sa init at pagod lang po kaya nahimatay si Miss. Pahinga na lang po at magiging maayos rin ang pakiramdam niya."
Tinanguan ko na ang Nurse dahil mukhang balak pa muling magtanong ni Draco. Gusto na rin namang umuwi at ayokong maka-abala pa sa na-udlot nilang selebrasyon.
"Ayos na ako. Gusto ko lang naman talagang batiin si Mareng ng congratulations kaya ko kayo hinabol."
Nilingon ko si Mareng na salubong ang kilay ngunit pasulyap-sulyap rin sa akin.
"Congratulations, Baby," I lovingly said that made her gasp, but not enough to give me the same response.
Naintindihan ko iyon. Maaaring nagdaramdam pa rin ito kaya ganoon. Ayos lang naman, ang importante ay nabati ko siya.
"Why didn't you call me, Verona?" muling tanong ni Draco kaya nilingon ko siya ng seryoso.
"I have called you so many times, but it seems like you are unaware."
"What?" Umawang ang mga labi niya at halata ang kaguluhan sa asul niyang mga mata.
"I put your phone on silent mode, Didi. I don't want you to get disturbed," si Mareng na tumayo na mula sa pagkakaupo.
"I'm hungry, Didi. Can we go now?" nangungusap nitong tanong sa kanya.
I was caught off guard and didn't expect all of that. Sinadya na nga nitong i-silent ang phone tapos ngayon ay gusto na agad umalis. Naiintindihan ko naman, kaya lang gusto ko pa sana siyang makasama.
"Okay, we'll pay the bill, then we'll go for lunch." Kinuha nito ang wallet niya bago ako sinulyapan, "You'll go with us. You need to eat a lot, Verona. Because seriously, I hate that you lost weight."
"Hindi na. Uuwi na rin naman ako. Nabati ko na rin naman si Mareng."
Gusto ko sanang um-oo ngunit alam kong hindi magiging kumportable si Mareng. Isa pa, baka roon ko masabunot si Miss Kim.
Pailalim akong tinitigan ni Draco na sinalo ko. Umakto akong ayos lang at nagawa pang ibaba ang mga paa ko sa sahig.
"Kaya ko na rin namang tumayo. Aalis na ako, saka na lang kita babayaran sa bill dito." Kinuha ko ang bag ko sa mesang nasa gilid at agad iyong sinukbit sa balikat ko.
"Is that what you want? You may not catch us again this month since we'll go home to Guimaras, unless you want to come with us."
Napaangat ako ng tingin sa kanya. Hindi inasahan na aalis sila. Kahit hindi ko pa balak na bumalik, ayaw ko naman na malayo sila sa akin nang sobra.
"But, do you really need to bring Mareng with you?"
Kahit alam kong hindi niya iiwan sa akin si Mareng ay gusto ko pa ring subukan.
"Don't leave me, Didi, I want to go with you," mababang hiling ni Mareng, "At gusto ko pong isama si Mimi-"
Napatingin ako kay Mareng at handa ng ngumiti dahil iyon lang naman ang hinihintay ko ngunit wala sa akin ang tingin niya.
"-Mimi Kim. Ipasyal po natin sa Guimaras si Teacher, Didi!" malakas na hiling niya na nakapagpahulog sa puso ko.
At kahit pinipigilan ako ni Draco na umalis sa clinic ay hindi ako nagpapigil. Sa narinig pa lang ay biniyak na muli ang puso ko. Umuwi akong hindi matigil sa pag-iyak. Nadaanan ko pa si Papa sa sala ngunit hindi siya nagtanong at hinayaan akong makaakyat sa kwarto ko.
Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang tawaging Mimi ni Mareng si Miss Kim. Had she already poisoned her mind?
Hindi ko iyon matanggap dahil gusto ko, ako lang ang Mimi ni Mareng. But I guess I was already eliminated for that position.
Binuhos ko ang sakit sa unan ko na kahit rinig ko ang pag-ring ng cellphone ko ay hindi ko iyon tiningnan man lang. Nakatulog ako ngunit nagising ng madaling araw na ramdam pa rin ang pighati.
Tulala pa ako nang datnan sa kusina si Mama na gumagawa ng puto.
"Verona, hindi pa sumisikat ang araw. Matulog ka pa. Umiiyak ka na naman daw sabi ng Papa mo," sermon nito.
Gusto ko sanang sumagot ngunit nagsumiksik sa ilong ko ang amoy ng harina. Nangasim ang lalamunan ko at tinakbo ko pa ang lababo para lang makaduwal.
"Nangyayari sa'yo, Verona?"
Nagmumog ako at nagpunas ng bibig bago bumalik sa tapat ng mesa. Kinuha ko lang ang upuan doon at nilayo upang hindi ko masyadong maamoy ang harina.
"Wala, Mama."
Wala, ngunit sa loob ko ay natatakot akong sintomas ito ng sakit ko.
Dinig ko ang pagbuntong hininga ni Mama. Pag-angat pa ng tingin ko ay titig na titig ito sa akin.
"Magsabi ka nga ng totoo, Verona. Ano'ng problema mo? Isa pa, bakit hanggang ngayon hindi mo kasama si Mareng?"
Nakagat ko ang labi at kahit na gusto pang magsinungaling ay kusa na namang bumagsak ang butil ng luha sa mata ko. Bumigat ang pakiramdam ko at sa huli, kusa ring bumuka ang mga labi ko.
"M-ama, hindi ko po anak si Mareng."
Sa tuwing babanggitin ko iyon ay tila may malaking punyal sa puso ko. Kung sana ako na lang ang Mama ni Mareng. Bakit kasi hinayaan pa akong maging ina niya kung sa huli, hindi rin ako nito tatanggapin?
"Ano'ng ibig mong sabihin, Verona? Sinasabi mo bang hindi ko apo si Mareng?!"
Marahan akong tumango habang ang mga luha ay nagpatuloy na naman sa agos.
"Putang-, Bakit mo hinayaan na mangyari 'yon?! Tanga ka ba, Anak? Bakit ka nag-alaga ng batang hindi mo naman anak?!"
Nanatili akong nakayuko, tinatanggap ang galit ni Mama dahil alam kong may punto ito.
"Sinira mo lang ang buhay mo, Verona." Nanghihinang napaupo ito at napailing.
Mas lalo akong nanghina dahil doon. Alam kong gusto nila ng magandang buhay para sa akin noon pa, ngunit ako mismo ang bumitaw doon kahit pa sabihing hindi nila ako tinanggap.
Wala akong pinagsisihan sa naging desisyon ko dahil naging masaya naman ako. Hindi ko lang mapigilang malungkot na humantong sa ganito.
"M-ama," mahinang tawag ko.
Pag-angat ng mga naluluhang mata nito ay alam kong makikinig siya sa lahat ng ikukwento ko. And there, with heartbreak, pain, and sorrow, I told her what had happened in my life and why I was now in their home.
"Mama, hindi ko po alam kung makababalik pa ako sa kanila."
"Bakit ka pa babalik? Hayaan mong hanapin at habulin ka nila. Kung mahalaga ka sa buhay nila, sila mismo ang lalapit sa'yo, Verona. Huwag kang manlimos ng pagmamahal, Anak. Binibigay 'yan ng kusa, hindi hinihingi."
Nakagat ko ang labi at tumango. Buo naman ang desisyon kong hindi ako ang maghahabol sa kanila. Iyon naman ang gusto ko, na malaman nila ang halaga ko sa kanila kahit pa alam kong medyo malabo na sa parte ni Mareng.
"Lumapit ka na nga rito at tulungan mo ako sa pagtapos nitong mga puto." Nilapit pa ni Mama sa akin ang mga pang-hulma.
Kaya lang nang makalapit at maamoy muli ang harina ay tila hinalukay ang tiyan ko dahilan upang muli akong tumakbo sa lababo at dumuwal.
"Verona, ano ba'ng nangyayari sa'yo? Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?"
Umiling ako at kinabahan na ganito kalala ang sitwasyon ko. Sa sobrang pag-aalala ko ay basta na lang ako umakyat sa kwarto at hinagilap ang cellphone. Muli ko pang ni-search ang mga sintomas ng sakit.
Wala naman ang pagkahilo at pagsusuka roon ngunit halos mapatda ako nang makita ang isang sintomas na bumalot ng takot sa akin.
Ang sabi ay hindi regular na mestrual cycle. Inalala ko pa kung kailan ako dinatnan at halos dalawang buwan ng wala.
Nanginig ang kamay ko at mas natakot. May nabasa naman akong lunas ngunit hindi ko mapigilan ang mag-isip ng malala.
And maybe, out of fear and impulsiveness, I send a message to Draco saying:
"I'm dying, Draco."