KABANATA 42

Ilang beses kong kinagat ang labi ko at matamang pinagmasdan ang kamay kong palagi niyang hinahawakan. Hindi ko alam kung totoo na ba ang pinapakita niya o pakulo lang niya.

Napanguso ako bago marahang kinagat muli ang ibabang labi at inamoy ang likod ng palad ko.

Shit! Ayaw ko na yatang tigilan!

"I didn't know you had become crazy."

Mabilis akong napaharap sa pinto ng banyo at nahuli itong nangingising nakasandal sa hamba.

"Good Morning!" Binigyan ko ito ng ngiti bago pasimpleng binaba pa ang kamay ko.

Ngunit hindi naalis doon ang tingin niya. Naglakad pa siya palapit na sinasandal ako sa sink. Mas lalo pa akong nasandal sa sink nang parehas na pumwesto ang mga kamay niya sa sink sa bawat gilid ko.

"You know," he stopped and caught my eyes, "I should be the one smelling this hand of yours."

Walang pasabing kinuha niya ang kamay ko at marahang nilagay sa tapat ng ilong niya. Ramdam ko pa ang pag-amoy niya roon.

"It's addicting," he murmured.

Hindi ko maiwasang kumurap at pilit binawi ang kamay ko ngunit mahigpit na ang hawak niya roon.

"Uhm. Akin na. Maghuhugas pa ako ng kamay."

Imbes na bitiwan niya ay dinala niya pa iyon sa kanyang mga labi at malambot na hinalikan. Mariin na lamang akong napapikit sa patuloy na pagbilis ng tibok ng puso ko. Napalunok at pilit kinastigo ang sariling hindi pwedeng mabilis na mahulog.

Sinabi na niya noon na hindi na ako ang gusto niyang pakasalan, kaya't bakit ngayon ay ganito na naman siya umakto? Baby na nga lang ang tsansa kong makasama siya at si Mareng.

"Please, don't do sweet things if you still don't consider me as your wife. I'd rather be hurt knowing you're not doing anything than pleased knowing you are faking it." Pagmulat ko ay agad akong umiwas ng tingin. Takot na makita ang magiging reaksyon niya.

Ngunit umawang na lamang ang mga labi ko matapos niyang marahang hinarap ang katawan ko sa salamin. Agad pang pumalupot ang mga matigas niyang braso sa tiyan ko at pilit na dinantay ang likod ko sa mainit niyang dibdib.

Nahigit ko ang hininga matapos maramdaman ang malambot niyang labi sa tuktok ng ulo ko pababa sa aking sentido. Ramdam ko pa ang pilit niyang pagsalikop sa mga palad ko.

"Alam ko namang mahal mo pa si Miss Kim-"

"Shh. Don't mention her," he whispered into my ear and planted a swift kiss on my earlobe.

Huminga ako nang malalim at pilit kumawala sa yakap niya. Ang kaso ay pinirmi niya lamang ang katawan ko at nagawa pa akong titigan sa salamin. Kitang-kita ko ang alab ng mga asul niyang mata at kung gaano kalalim ang tingim niya.

It's kind of chilling and scary, but I still endure all of it as if it were my favourite eyes. Mas sanay yata ako sa kayumanggi niyang mga mata kaysa sa mga asul. Pakiramdam ko ay lagi akong inuusisa ng mga iyon kumpara dati.

"She's your ex. And I am not. There is still a big possibility that you crave her. That you still harbor romantic feelings for her. Ano ba namang laban ko sa isang guro na? Ni hindi ko pa nga tapos ang OJT ko." Nagbaba ako ng tingin at binitiwan ang palad niya.

Hindi niya iyon hinabol muli, maging ang isang palad ko pa ay hinayaan niya ring makawala. Bagkus hinayaan niyang buksan ko ang gripo at maghugas ng kamay. Tanging ang mga matipuno niyang braso ang nakaikot sa bewang at tiyan ko.

Pinatay ko ang gripo at muling tinitigan siya sa salamin. Hindi na maipinta ang mukha niya at salubong pa ang mga kilay.

"I know you are only after Mareng. Hindi ko naman din sana ipipilit ang sarili ko sa'yo. Kaya lang, hindi ko kayang malayo kay Mareng. Pasensya na, pero kung paalisin mo rin ako ay hindi ko iiwan si Mareng sa'yo. Kahit ikaw pa ang tatay niya," matatag kong bigkas ngunit hindi siya pumalag.

Kita ko ang pag-angat ng gilid ng labi niya. Naningkit ang mga mata at sunod ko na lamang nalaman ay malalim na ang paghalik niya sa mga labi ko at mahigpit ang kapit sa bewang ko.

His lips moved as if he was tasting his favourite dessert. I even felt his hand untying my bath robe, and then he caressed my hot stomach.

"Let's make the baby you wish for-"

Ngunit kusa siyang tumigil at maging ako ay naging alerto matapos makarinig ng mga yabag sa loob ng kwarto.

"Mimi! Didi! May portrait delivery!" Kasunod doon ay ang pagtakbo nito patungo sa banyo.

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na naitulak si Draco. Taranta ko pang binuhol muli ang roba at nagmamadaling iniwan siya sa banyo. Dinig ko ang pagbuga niyang marahas na hangin ngunit hindi niya ako pinigilan.

Saka na lang ang baby!

"Mimi?" Ngumiti sa akin si Mareng ngunit nangunot ang noo matapos lumingon sa likod ko.

Kahit ramdam ko ang presensya ng ama niya sa likod ko ay kay Mareng ko lang tinutok ang tingin. Nagsalubong pa ang kilay ng bata ngunit ngumisi rin kalaunan.

"Uhm. Sure, Didi. I'll go outside now," anito.

Humakbang paatras si Mareng bago tumakbo nang tuluyan sa pinto.

Ako naman ang nangunot ang noo at nilingon si Draco na kay Mareng ang tingin ngunit ang isang kamay ay pumupulupot na sa bewang ko.

"Thanks, Baby. Lock the door." Kumindat pa ito kay Mareng.

Umawang ang mga labi ko at hindi makuha ang usapan nila. Nagulat na lamang ako sa malakas na pagsara ng pinto. Napahawak ako nang mahigpit sa braso niya noong hapitin ako nito palapit sa kanyang katawan.

"Where are we, by the way?" Pinantayan nito ang tingin ko bago dumapo ang mga labi niya sa labi ko.

"Right! We're making a baby," he whispered between his swallow kisses that made my knees wobble.

Ngunit parehas kami muling natigilan sa muling pagbukas ng pinto. Humiwalay siya at nilingon iyon.

"Parents! I want a baby sister! A Princess. Thank you!" si Mareng na sinara muli ang pinto.

Nakagat ko ang ibabang labi habang siya ay mahinang tumawa at napailing.

"Guess, we're making a princess," he said huskily.

I smirked and instinctively clung to his neck as he carried me in his strong arms. I even heard him locking the bathroom door as his lips savagely claimed mine again.

Anyway, I want a princess too.

"Mimi, the portrait is so big! As in! It's taller than me!"

Pinunasan ko ang bibig niyang may sauce ng carbonara bago siya hinayaang uminom ng tubig.

"But I didn't see what it was. I'll let Manang pay for it since you two are both busy!" She rolled her eyes, but smiled afterwards.

Tumikwas ang kilay ko at nanahimik. Siya naman 'tong nag-request ng baby sister. Simple ko na lamang na hinilot ang sentido ko at muli siyang sinubuan. Ngunit pinigilan niya ang kamay ko.

"You are not listening to me, Mimi," maktol niya.

Tumaas ang isang kilay ko at muling iniawang ang tinidor na may carbonara sa tapat ng bibig niya.

"I am listening, Baby. You are talking about the big portrait." Ngumisi pa ako matapos manlaki ang mga mata niya.

"Yes! I guess we should check it, Mimi! It's amazing! I wanna see its content!"

"Maybe it's your Didi's portrait. And we should ask for his permission first before we check it-"

She groaned, then shook her head, "Didi is still busy on the mango farm! It will be late at night before he can go home! But we should check it now. I'll ask for the key to Manang."

"Mareng!" suway ko ngunit nakatakbo na siya at dumiretso kay Manang na nagwawalis sa sala.

"Hindi ka pa tapos kumain," habol ko sa kanya.

"Pumayag po si Didi, Nang." Inabot pa nito ang kamay na nakapalad.

Nilingon ako ng Ginang kaya naman tumango na lamang ako upang hindi na manggulo pa si Mareng. Sumusukong inabot nito ang kulay gintong susi.

"Yes! Mimi, I'll wait for you upstairs." Tumakbo muli ito sa hagdan.

Bumuntong hininga ako bago nilingon ang Ginang.

"Hindi ko pa natitingnan ang loob noon. Pero kung pinayagan na kayo ni Draco. Hindi naman siguro siya magagalit." Nilingon pa nito si Mareng sa hagdan.

"Pasensya na po. Excited po kasi si Mareng," hinging paumanhin ko.

Tumango ito kaya naman nagpaalam ako at agad na sinundan si Mareng. Kabisado pa nito ang kwarto at talagang hinila pa ako patungo roon.

"Matulog na lang kaya tayo, Baby. Baka magalit ang Pareng Drake mo-"

"Shh, Mimi. You know, I realized, it might be you."

"What?" naguguluhang tanong ko bago hinawakan ang doorknob ng kwarto.

"You might be the one who's in the portrait, Mimi. That easy!"

Napailing ako at hindi balak na tanggapin ang sinabi niya. Ako lang naman ang nagpupumilit kay Draco. At kahit sabihing pinagbibigyan niya ako ay malabo ang sinasabi ni Mareng.

"Kulit mo. Akin na 'yong susi." Nilahad ko ang palad ko at agad niyang binitiwan doon ang susi.

Huminga ako nang malalim bago sinubukan ang susi. Sakto iyon at nang pihitin ko ay madali lamang. Ngunit hindi ko alam kung bakit basta na lang bumilis ang tibok ng puso ko at nanginig ang mga kamay.

"Mimi, open the door! I'm excited!"

Tumikhim ako at pilit binuksan ang pinto. Sinilip ko pa ang maliit na siwang bago iyon tuluyang binuksan.

"Wow!" Nauna pang humakbang papasok si Mareng matapos makita ang maraming hilera ng kanyang litrato sa dingding.

I was even tongue-tied to see my pictures hanging on the walls and even on stands. Ngunit nilukob din ng takot ang dibdib ko matapos makita ang iilang lumang litrato roon. Ang litrato kung saan sanggol pa lamang si Mareng at bitbit ko.

"Mimi, this is me when I was still a baby? Right?" Tinuro niya ang litrato kung saan buhat ko siya at pinaiinitan sa pang-umagang araw.

Napirmi ko ang mga labi. This only means that Draco already knew me, even before we met him at the Mango Store.

Mayroon pa roon na hinahatid ko sa daycare si Mareng, at mas marami pa.

Pero bakit pinatagal pa niya kung alam naman pala niyang nasa akin ang anak niya? Dahil ba nasa kulungan pa siya?

"Mimi, who's this girl?"

Napakurap ako sa tawag ni Mareng at mabilis na nilapitan ang malaking litratong nakatayo sa mesa na nakasandal sa pader. At hindi ko alam kung maluluha ako nang makita ang maliit na bangang alam kong abo ni Mara. Hindi ko alam na pina-cremate niya at ngayon kasama na sa bahay niya.

There in the picture is Mara, smiling so beautifully at the camera while wearing a white, beautiful gown. Nakataas pa ang daliri niyang may palasingsingan at pinapakita ang pilak niyang singsing.

I smiled bitterly at that. And I even smiled bitterly at his written note at the bottom of the picture.

"My beautiful butterfly," I whispered.

"Uhm. Mimi, the portrait is here," walang sayang bigkas ni Mareng.

Mabilis kong tinungo ang dulo at tingin ko ay naglaho rin ang ngiti ko.

"Who is she? And why am I in the middle, Mimi?"

Tila may bumikig sa lalamunan ko sa nakikita. Nanginig ang labi ko at lumapit kay Mareng na unti-unting bumabagsak ang mga luha.

"Mimi, I hate it. W-hy are y-ou n-ot the o-ne in the p-icture? Bakit po ibang b-abae ang k-asama n-amin ni D-idi?" She sobbed.

Mabilis ko siyang binuhat at pinunasan ang mga luha ngunit ang sa akin ay kusang naglalandas sa pinsgi. Kahit naman ako ay nasasaktan na makitang family picture nila Mara ang pinagawa niya. Alam kong wala akong karapatan ngunit masakit pa rin sa damdamin.

He has not yet moved on.

"Mimi, P-lease, l-et's go h-ome to P-angasinan. I d-on't w-anna see h-er."