KABANATA 43
"Mimi, hindi po ba ako lilipat ng school?" si Mareng na mahigpit ang hawak sa palapulsuhan ko.
Huminga ako nang malalim at pinantayan ang kanyang tangkad. Hinaplos ang buhok niyang bahagyang nagugulo sa hangin.
"Why? Are you afraid of Miss Kim?" Kiniling ko ang ulo ko at tinitigan ito na ngayo'y nangunguso.
"No. Aren't you afraid, Mimi?" Bakas ang pag-aalala sa kanyang asul na mga mata.
Nakagat ko na lamang ang ibabang labi sa alaala ng pagsugod ni Miss Kim sa akin noon. Hindi naman ako takot. Hindi ko lang gustong ilipat si Mareng, kaunting panahon na lang din naman ay tapos na ang school year.
"No, Baby. Your Didi is not here, then she doesn't have any reason to fight with me." Kumindat pa ako upang mawala ang kaba niya.
Gumuhit ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi at bigla na lamang akong niyakap nang mahigpit. Mahigpit na mahigpit at tila ayaw na akong pakawalan.
"Mimi, it bothers me so much that you are not the woman in the portrait. Why didn't Didi think of you?" she said, whispering.
I smiled sadly and wanted so much to tell her honestly, but I preferred to shut my mouth. She is not yet ready for that. And Draco will not really think of me, because he still loves Mara.
Umiling ako at binigyan ng mahihinang tapik ang kanyang likod, "Don't be bothered, baby. That was just a portrait, not a living person."
Because Mara, your mother, will never live.
"Alright! But do not contact Pareng Drake, Mimi! I'm still upset!" She hissed and frowned.
Mahina akong tumawa at mabilis siyang binigyan ng halik sa kanyang pisngi bago hinayaan na pumasok sa classroom. Ngunit nang wala na ito sa paningin ko ay isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ko.
Kahit siguro hindi nagyayang umuwi si Mareng dito ay iuuwi ko pa rin ito. Ayokong maging makasarili, kaya lang ay hindi ko maiwasan. Karapatan naman talaga ni Mara na makasama ang anak niya kahit na sa.. litrato lamang. Karapatan din naman ni Draco na gawin ang gusto niya, nasa kanya ang desisyon sa kung sino ang gusto niyang makasama sa portrait.
Kaya lang, masakit.
Nakakapanikip ng dibdib at nakawawala ng lakas. Ang hirap pala na malamang mas lamang pa rin sa puso niya si Mara kahit na wala na at hindi na babalik.
Alam ko namang hindi pwedeng ipilit kung ayaw. At hindi ko pwedeng sabihin kay Draco na nakalimutan na niya si Mara. Kung sana lang ay kasing dali ito katulad ng pag-unfriend at pag-unfollow sa social media. Ngunit hindi.
Nakagat ko ang ibabang labi at pilit kumurap upang mawala ang nagbabadyang luha. Nagmamadali pa akong pumara ng tricycle upang makarating agad sa Nearest Bank.
Sa bungad pa lang ng bangko ay tanaw ko na si Miss Yumi na salubong ang kilay. Tiningnan pa ako nito mula ulo hanggang paa bago umirap. Pilit ko na lamang dinaan ang lahat ng iyon sa ngiti.
"Ang tagal mong nawala. Enjoy mo naman?" Tumaas ang kilay niya kasabay ng kanyang sarkastikong boses.
Tumikhim ako at mas ngumiti nang malapad, "Miss Yumi, sensya na po. Maganda naman po sa Guimaras. Dinalhan ko pa nga po kayo ng isang kilong mangga." Nilagay ko pa sa mesa niya ang plastic ng isang kilong mangga.
Nanlaki ang butas ng ilong niya at bahagyang nanguso, "Talaga? Galing Guimaras 'yan?" sa hindi interesadong tono.
Mabilis akong umupo at mahinang tumawa, "Opo. Masarap at matamis-"
"Si Drake nasaan?" biglaan niyang singit. Nilingon niya pa ako at mas tinaasan ng isang kilay.
Nawala ang ngiti ko sa tanong niya at naipirmi ang mga labi. Kahit tuloy ayaw kong isipin si Draco ay pilit iyong sumiksik sa isipan ko.
Pinadalhan ko naman siya ng mensaheng uuwi kami. Of course, I am still considering how he may feel if he finds out we're nowhere to be found. But to my dismay, he didn't follow us here. Hanggang ngayon ay walang paramdam. At hindi ko balak na hintayin kung kailan siya magpaparamdam.
"Veron!"
Napakurap ako at bahagyang napatalon sa sigaw ni Miss Yumi. Masama na ang tingin at naiinip na yata kahihintay sa sagot ko.
Tumikhim ako at umayos ng upo, "Hindi ko po alam kung nasaan si Drake, Miss Yumi-"
"Hindi mo alam?" Tumawa siya nang walang giliw bago umiling, "Swerte mo nga at nandito ka pa sa Bangko kahit na mukha kang walang pakialam sa taong nagrekomenda sa'yo." Umiling ito at bahagyang umirap.
Nagpantig ang tainga ko at agad itong hinarap, "Po, Miss Yumi? Nagrekomenda?" pagkaklaro ko ngunit hindi ako nito pinansin.
"Nag-apply po ako for internship, Miss Yumi-"
Natigil ako sa pagsasalita matapos nitong buksan ang drawer ng sariling mesa at kinuha mula roon ang isang pirasong papel.
"Recommended ka ni Mister Draco Torres sa may-ari ng Bangko." Winagayway nito ang papel bago ngumisi.
"Well-recommended ka niya kay Mister Gueco Montanier, Miss Hernandez. Swerte mo ah!" Umirap ito muli bago binalik ang papel sa drawer.
Napamaang ako at hindi nakasagot. Naitikom ang bibig at napatitig sa tambak na mga folder sa harap ko.
Is that true? Did he recommend me?
Hindi ko alam kung papaniwalaan ko iyon kahit pa may dokumento. Nag-apply naman ako nang maayos!
Pero hindi rin iyon malabo. Wala yatang hindi kayang gawin si Draco. Magtataka pa ba ako? Simula nga yata noong mahawakan ko si Mareng ay alam niya at may dokumento pang litrato!
Wala sa loob na napangisi ako at napailing. Kinagat ang labi at sinubukang ikalma ang sarili sa nararamdamang pag-usbong ng inis. Ngunit pag-angat ng tingin ko ay striktong mga mata ni Mama ang nasalubong ko.
"Wala ka sa apartment mo. Pinuntahan kita noong isang araw," anito na hindi man lang kumurap.
Nangunot man ang noo ko ay sinubukan kong ibalik din iyon sa ayos.
"Nasa Guimaras po kami," mahinang sagot ko bago sinulyapan si Miss Yumi na nagsasalubong ang kilay habang nagtitipa.
"Kasama ang anak at.. live in partner mo?" Tumaas nang bahagya ang kilay ni Mama.
"Uhm. Anak lang po. Wala po akong.. live in partner."
Ngunit duda ako kung narinig niya pa iyon sapagkat maingay ang pagkaka-abot sa kanya ni Miss Yumi ng papel. Pagbalik ng tingin ni Mama sa akin ay strikto pa rin ang mga iyon.
"Babalikan kita mamaya rito." Tumalikod ito at hindi na ako hinintay pang sumagot.
Napakurap ako at napahawak sa aking sentido. Lalo yatang sumakit ang ulo ko sa sinabi ni Mama. Bakit niya ako babalikan?! I mean, we're almost on good terms, but I still cannot go home.
Hindi iyon mawala sa isipan ko. Kabadong-kabado pa ako nang uwian at matanaw si Mama na muling papasok ng bangko.
"Uhm. Miss Yumi, gotta go po!" sigaw ko at nagmadali pang mag-fill-up sa DTR maabutan lang si Mama sa main entrance.
"T-ara na po?" Hinihingal pa ako nang masalubong ito sa pinto.
Lumalim ang titig niya at bahagya pang inayos ang manggas ng aking uniporme. Natameme ako nang basta na lang ito tumalikod at pumara ng tricycle.
Nalilito pa akong sumunod. Ang akala ko ay mag-uusap lang. Hindi ko alam na aalis.
"Saan po tayo pupunta?" kalmadong tanong ko pagkaupo sa loob ng tricycle.
"Saan ba nag-aaral ang anak mo? Isama natin," mahinahong bigkas nito na kinalaki ng mga mata ko.
"Po? Bakit, Ma? Saan ba tayo pupunta?"
Kunot-noong nilingon ako nito kaya naman natahimik ako at sinabi na lamang ang day care na pinapasukan ni Mareng. Kabado pa ako sa sasabihin nito kapag nakita niya si Mareng.
Kagat ko pa ang labi nang makarating kami at makitang naglabasan na ang mga bata. Pasulyap-sulyap ako kay Mama na diretso ang tingin sa paaralan.
"Mimi! I got another perfect score!" si Mareng na malawak ang ngiti at winawagayway ang hawak na test paper.
Kinakabahan kong nilingon si Mama na mariin ang titig kay Mareng. Pinapanalangin ko na kahit paano ay matanggap niya si Mareng.
"How old is she?" mahinang tanong nito.
"Five po," sagot ko bago bumaling kay Mareng na nasa harap na at may pagtataka ang tingin kay Mama.
"Come, Baby. I'll carry you." Mabilis ko siyang binuhat matapos niyang itaas ang kanyang dalawang kamay.
"Mimi, who is she?" bulong na tanong nito at pasimple pang sinulyapan si Mama.
"Hi, Little girl. I'm your Grandma." Ngumiti si Mama ngunit hindi naman iyon umabot sa kanyang mga mata.
"Uhm. Magmano ka, Baby. And kiss your Lola on her cheek." Nilapit ko siya kay Mama na agad namang inabot ang kanyang kamay.
"Hi, Lola! Your scary-"
Mabilis kong tinakpan ang bibig ni Mareng at nahihiyang ngumiti kay Mama, "Pasensya na po. Nagulat lang po si Mareng, Ma."
Nagsalubong ang kilay ni Mama at bahagyang sumama ang tingin kay Mareng na pilit inaalis ang kamay ko sa bibig niya.
"Mukhang hindi nagmana sa'yo ang anak mo, Verona," anito bago naunang naglakad at muling pumara ng tricycle.
Pagkatalikod ni Mama ay agad kong inalis ang pagkakatakip ng bibig ni Mareng. Nangunguso itong nakatanaw kay Mama.
"She's really scary, Mimi," she whispered.
"Shh. Don't say that, Mareng. That's bad." Pinanlakihan ko siya ng mata na ikinatikom ng bibig niya.
Kahit sa loob ng tricycle ay pilit kong tinatakpan ang bibig ni Mareng sa tuwing may sasabihing hindi maganda. Kahit naman hindi kumikibo si Mama ay alam kong naririnig niya.
Nanahimik lang yata si Mareng pagkarating sa Grocery store.
"Get what you want, Little girl," ani Mama kay Mareng.
"Really?!" Namilog ang bibig ni Mareng at tila kumislap pa ang asul niyang mga mata.
Kita kong tumikwas ang kilay ni Mama ngunit hindi sumagot. Tinulak nito ang cart at hinayaan si Mareng na maglagay ng kahit ano.
"Gusto kang umuwi ng Papa mo."
Natigil ako sa pag-abot ng crackers sa sinabi nito. Ramdam ko rin ang bigat sa puso ko. Gusto ko naman ding umuwi. Hindi pa nga lang ngayon.
"Gusto niyang makilala ang ka-live in mo," dagdag pa nito.
"Ma, wala po akong ka-live-"
"Gusto niyang maikasal ka na. Baka raw dumagdag pa ng isa ang anak mo pagkatapos ay hindi ka pa rin kasal." Pagputol niya sa sagot ko.
Mariin akong napapikit. Pagmulat ay umiwas agad ng tingin. Nasa plano ko naman talagang magbuntis ngunit malabo ang kasal. Alam ko namang malabong gustuhin ni Draco na makilala ang mga magulang ko.
"Ma, wala po akong ka-live in pero balak ko po talagang magbuntis-"
"Nasisiraan ka na ba, Verona?! Nasaan 'yang ka-live in mo? Ako ang kakausap!" angil niya at namewang pa.
Umiling ako at nakagat ang ibabang labi bago nagsalita, "Ma, okay na po ako. Wala po akong ka-live in-"
"Hindi ako naniniwala, Verona. Hindi mo babalakin na mabuntis muli kung wala kang kinakasama." Tumalim ang tingin nito at napirmi ang manipis na mga labi.
Napabuntong hininga ako at pinisil ang mga daliri, "Wala po akong ka-live in, Ma. I'm raising my duaghter alone-"
"I'm sorry, Ma'am. I'm late."
Nanlamig ako matapos marinig ang malalim niyang boses at matapos maramdaman ang mabigat niyang braso sa aking bewang.
"Didi!" si Mareng na halos tumakbo patungo sa kanya.
Napalunok ako at nilingon si Mama na naniningkit ang mga mata kay Draco.
"And you are?" tanong ni Mama na wala man lang kasing-sigla.
"I'm her live-in partner, Ma'am," he answered politely.
Pinisil pa nito nang marahan ang bewang ko na lalo kong kinakaba lalo pa't doon natuon ang tingin ni Mama.