KABANATA 41

Gustong-gusto kong umuwi. Kating-kati na akong umuwi at isama na si Mareng. Kung hindi ko lang inaalala na magtatampo ito at kung hindi ko lang naiisip na baka kasuhan ako ni Draco ay baka malamang, nasa Pangasinan na ako ngayon.

Napabuntong hininga ako at ayaw na ulit maalala pa ang nangyari noong nakaraang gabi. I didn't expect that he'd be that asshole! Paano ba siya nagawang mahalin ni Mara?!

Yeah, Mara. Sariwa pa rin sa isipan ko kung paano niya hinabilin sa akin si Mareng kahit halos mag-iisang buwan ko pa lang itong kilala. At siguro, ang tanga ko para tanggapin ang bata. Kaya lang inuusig ako ng konsensya ko at hindi kayang basta na lang ito iwanan, lalo pa't alam kong may tatay na umaasang makita ito.

"Veron, please, wala akong mapag-iiwanan sa anak ko sakali mang may mangyaring masama-"

"Shh, Mara! Bakit mo ba sinasabi 'yan? Huwag mo ngang isipin 'yan! Hindi naman hawak ng Doktor ang buhay mo. Hindi naman ang Doktor makapagbibigay ng tuldok sa buhay mo. Maaaring sinabi niyang may posibilidad na hindi ka... mabuhay, pero wala namang imposible. Kailangan mo lang magdasal, at magtiwala," sa matatag kong boses.

Marahas itong umiling at mahigpit na sinikop ang mga kamay ko. Ang lalim ng mga mata niya ay hindi na maarok at nangingitim. Ang labi ay namumutla, at ang mga pisngi ay halos lubog na.

Umiwas ako ng tingin at hindi makayang tagalan ang tingin sa kanya. Pilit pinipigilan ang pagbabara ng lalamunan ko at paninikip ng dibdib.

"Hindi mo rin masasabi, Veron. Maaaring mamaya na o di kaya'y bukas na. Ramdam ko at alam kong sinusundo na ako," mahinang bigkas niya.

Napasinghap ako at hindi mapigilan ang iwaksi ang mga kamay niya.

"Pero bata pa ako! Walang trabaho! Ni minsan nga ay hindi pa ako nakabuhat ng bata, Mara. Hindi rin 'yan tatanggapin ng mga magulang ko." Umiling ako at marahas na pinunasan ang luhang naglandas sa aking pisngi bago may kataliman ko siyang tiningnan.

"Kinaibigan mo ba ako para lang diyan sa anak mo?! Bakit ba sumusuko ka na?" hinanakit ko.

She smiled weakly, then tightened her grip on my hands, "S-andaling p-anahon lang naman, V-eron. H-indi m-atagal. K-ukunin din siya ng t-atay niya. P-anigurado 'yon, h-ahanapin siya ng tatay niya."

Ngumiti siya ulit kahit pa hindi ko naman mabakas ang saya sa mga labi niya. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang unti-unting pagkahulog ng kanyang mga luha sa namumutla niyang pisngi.

"P-lease, Veron. H-indi naman m-agtatagal ang anak ko sa'yo. S-andali lang talaga. Ayaw ko lang na iwanan siya sa a-mpunan at kung kanino pa mapunta. Ayaw kong mahirapan ang tatay niya sa paghahanap sa kanya."

Umawang ang mga labi ko at napamaang, "Bakit ba mahal na mahal mo pa rin ang lalaki kahit na pinabayaan ka na? Ano'ng kasiguraduhan mo na kukunin niya ang anak mo? Ngayon nga lang ay hindi na kayang magpakita!"

Bumibigat ang dibdib ko sa galit at walang tigil ang masagang likido sa paglabas sa aking mga mata. Hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan mapunta ako sa ganitong sitwasyon! Gusto ko lang naman magmagandang loob at magkaroon ng kaibigan. Hindi ko naman alam na malaking responsibilidad pala ang naka-abang para sa akin.

"Veron, please. S-andali mo lang aalagaan si M-aria. A-gad din siyang h-ahanapin ng tatay niya. K-ukunin din siya sa'yo-"

"Paano naman ako, Mara?" mahinang tanong ko, "Kaka-eighteen ko lang! Nag-aaral pa. Baka mamaya itakwil lang ako ng mga magulang ko kapag binitbit ko iyang anak mo. Sa orphanage na lang, bibisitahin ko na lang lagi-"

"Please, Veron-" Humigpit pa ang kapit nito sa mga kamay ko.

"Hindi pa ako handang magpakananay. Wala pa nga akong boyfriend-"

"P-lease, Veron. H-uli na 'to."

"Hindi eh! Paano ko paiinumin ng gatas 'yan? Wala naman akong trabaho-"

Mas humigpit ang kapit ng mga nanlalamig niyang mga kamay at mas naluha, "P-lease, Veron. P-agbigyan mo na ako. G-usto kong m-agkaroon ng p-eace of mind bago ako mawala. G-usto kong m-apanatag ang k-alooban ko na nasa mabuting k-amay ang a-nak ko," malambing niyang bigkas kahit na halos magkawatak-watak na ang paghinga niya.

Umiwas ako ng tingin at hinayaang maglandas muli ang masaganang luha sa aking mga pisngi. Inuusig ako ng konsensya ngunit baka hindi ko rin kayang alagaan ang bata.

"Hindi ko kaya, Mara. Mahirap 'yang gusto mo. Ano'ng malay mo at baka ibenta ko 'yang anak mo-"

"Hindi mo gagawin iyon. Alam ko. Huli na 'to, Verona. S-andali lang naman. S-usunduin din siya ng tatay niya," pilit niya pa.

"Pero-"

"Please, just for the last time, Verona. Let me die in peace with no hatred towards myself because I didn't abandon my own child. And please, take care of her as if she's yours. I'm counting on you, Verona," she whispered.

Hindi ko mabilang kung ilang balde ng luha ang naibuhos ko para kay Mara. It's hard to know that someone will leave and never return. It's even more difficult when you see how they were buried.

Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung bakit kailangang may mawala. Bakit kailangang may lumuha. Kahit gustong-gusto mo silang ibalik, yakapin, at kausapin ay alam mong malabo na.

And every damn time I watched closely at Mareng, Mara was all that I saw. And I am thankful now. She was left for me, and yet, I loathe his damn father for just simply getting her without thinking about my attachment to his daughter.

Napairap pa ako nang makita kung paanong takbuhin ni Mareng ang distansya makalapit lang sa tatay niyang misa-engkanto. May bitbit pang basket, akala mo naman happy family kami!

Napingos ako at umupo nang maayos sa madamong burol, pinunasan ko pa ang kakaunting luha mula sa alaala. Pinilit ko pang ngumiti nang makitang hatak na ni Mareng si Draco.

Napakawalanghiyang lalaki! Ingungudngod ko talaga sa kanya ang pregnancy test kit kapag nabuntis ako! Akala niya! Tingin niya ba lahat nadadaan sa sarap? Hindi!

Nangunguso at pakunwari ko pang ni-scroll ang newsfeed ko sa youtube kahit ramdam ko ang mariin niyang titig sa akin. Hindi ko balak na pansinin ito at mas lalong hindi ko balak makipagtitigan sa mga malalim at asul niyang mga mata. Mabuti na lang at mata lang ang nakuha ni Mareng sa kanya!

"Mimi! You have to try this! This mango graham cake is so delicious!" Iniumang pa nito ang platito at kutsarang may mango graham cake.

Ngumiti ako at marahan pang iniawang ang mga labi ko upang maisubo ang pagkain ngunit may mabilis at malaking kamay na umagaw sa kutsara.

"Didi! That's for Mimi! Why did you eat all of it?!" maktol ni Mareng sa kanya.

Kiniling ko ang ulo at binigyan ng matalim na tingin si Draco na patay-malisyang ngumunguya. Hinagod pa ang gilid ng labi niya, pinunasan ang sumaging cream.

"You're so unfair, Didi!" Umirap pa ito kay Draco bago ako binalingan, "Inom na lang ikaw ng juice, Mimi. Ipapagawa na lang po kita ulit mamaya ng cake kay Manang," halo pa nito bago ako inabutan ng basong may juice.

Nakai-intindi ko itong nginitian at akmang kukunin na ang baso kung hindi lang ulit nauhan ni Draco.

Ang gago! Hindi yata ako balak na pakainin!

"Didi, that's for Mimi again. You have your hands! Why don't get yours?!"

Masama na ang tingin sa kanya ni Mareng kagaya ko ngunit balewala lamang iyon sa kanya. Nanunuri pa kami nitong nilingon bago inisang lagok ang baso ng juice. Ngumisi pa bago nilapag ang baso sa damuhan.

"She has her own hands too, baby. I needed to drink immediately. I almost choked on that graham cake," paliwanag nito ngunit ang insultong ngisi ay hindi mawala-wala.

Umirap ako at umiling, "Sana nga nabulunan ka na lang," mahinang bulong ko.

"What did you say, Verona?" sa malalim niyang boses.

Ngumiti ako ng sarkastiko at ilang beses pang kinurap ang mga mata ko bago tumayo. Pinagpag ko pa ang suot na bestida at hinawakan nang mabuti ang cellphone bago siya ulit hinarap.

"Ang sabi ko, sana ikaw na lang ang namatay," malamig kong tugon bago humakbang papalayo.

"Uh-oh. I think Mimi is mad, Didi," dinig kong bigkas ni Mareng.

Masama kong tiningnan ang mahabang lakaran at hindi pinansin ang mini-jeep niyang nakaparada sa lilim ng punong mangga. Lalakarin ko na lang kaysa magkaroon ako ng utang na loob sa kanya!

Napakamanhid! Napakagago! Akala mo naman kung sinong gwapo!

Ngunit halos mapasigaw ako nang maramdaman ang marahang paghatak sa braso ko at pagsubsob sa dibdib niya. Nanlaki pa ang mga mata ko nang maramdaman ang pag-ikot ng braso niya sa bewang ko.

"Ang bilis mo namang magtampo," bulong nito sa tainga ko na siyang nagpakabog lalo sa dibdib ko.

"Mapapagod ka kung lalakarin mo 'yan," dagdag pa niya bago ako marahang hinarap sa mahabang daanan, "At wala akong balak na i-admit ka sa ano mang ospital dito-"

Hindi ko siya pinatapos at basta na lang tinadyakan, "Gago!"

Naiinis akong bumalik patungo kay Mareng at hindi pinansin ang mahina niyang pagtawa kahit iniinda ang sakit ng binti niya. Maging ang pagtakbo niya sa gilid ko ay hindi ko nilingon. Pilit ko pang winaksi ang kamay niyang hinuhuli ang palad ko.

"Silly, as if you can walk that way without getting tired," sermon pa niya ngunit salubong lang ang kilay kong nakatingin sa damuhan.

"Fine, we'll go home after this. We just need to unwind," deklara pa niya.

Unwind niya mag-isa! Siya lang naman itong nare-relax! Samantalang ako tumataas ang presyon!

"You upset Mimi, Didi! You're bad!" si Mareng na iniirapan si Draco.

Take that Draco! That's my minion!

Pilit kong tinago ang ngisi ko habang sinusulyapan sila sa gilid ng mata ko. Nangunot nga lang ang noo ko matapos makitang nagbubulungan sila. Pasulyap-sulyap ang maririing mga mata ni Draco.

Hindi ko tuloy maiwasang kabahan at baka pagtulungan ako. Nakalimutan kong hindi ko nga pala minion si Mareng! Kampon nga pala siya ng damuho niyang tatay.

"Ok, I got it! But you should carry me, Didi!" Tinaas pa ni Mareng ang mga kamay niya bago tumalon-talon.

Nagulat pa ako nang walang hirap nitong binuhat si Mareng at dinala sa balikat niya. Hawak nito nang mahigpit ang mga binti ng bata habang mahigpit din ang kapit ni Mareng sa ulo nito.

Kinabahan ako at napatayo pa nang humakbang sila papalayo.

"Draco! Ibaba mo nga at baka mahulog si Mareng!" Pilit ko pa silang hinabol hanggang makarating sa lilim ng mangga.

Natigilan ako at halos mapatulala nang pumutol ng sangang may maraming bulaklak si Mareng. Nagmadali pang bumaba at tumatakbong inaabot sa akin ang sanga.

"Mimi, flowers for you!"

Napakurap ako at napaawang ang mga labi matapos mahawakan ang sanga. Humahalimuyak pa ang amoy nito katulad sa mga bungang mangga. Hindi ko alam ngunit binura niyon ang tampo ko.

"Thank you, Baby," I uttered sweetly before planting a soft kiss on her right cheek.

"Uhm, won't you kiss Didi, Mimi?" malisyosong bulong nito na kinalaki ng mga mata ko.

"Mareng!" suway ko sa kanya nang tawagin niya si Draco at pinilit hinila palapit sa akin.

He looked at me intently, then he looked at the branch of mango flower I was holding.

"Maybe those are enough to pay for your sacrifices, Veron," mahinang bulong niya, sapat lang upang ako lang ang makarinig.

Nagsalubong ang kilay ko at malalim siyang tiningnan, "What do you mean?"

He sighed then carried Mareng who's busy pinching her father's shoulder.

"Kung sakaling nabuo ang mga bulaklak na 'yan ay malaking halaga na. Ngunit pinutol ko... para sa'yo, Verona." Ngumisi siya at kagat ang labing bumagsak pa ang tingin niya sa kamay kong nabitiwan ang sanga.

"I don't mind, really," he whispered before he held my hand and intertwined with his.