CHAPTER 65 wedding
"Susubukan kong... ano..."
Humakbang palapit si Bennet sa'kin habang nakataas ang isang kilay.
"Ang alin?"
"Ano... susubukan kong mag-scuba diving sa Bermuda Triangle pagkapanganak ko para malaman kung totoo Yung tsismis na nandun daw ang Lost City of Atlantis!" hindi humihingang sagot ko.
Parang biglang may lumutang na question mark sa ulo ni Bennet dahil sa sinabi ko. Next thing I knew, inakbayan niya lang ako bago sinabing... "Gutom ka na talaga! Kung anu-ano na namang sinasabi mo! Mahiya ka kay Mommy. Baka isipin niya, mag-aasawa ako ng baliw."
Mistress Vanessa was laughing heartily. Impit lang ang tawa niya na parang iniipit pero umaalog ang mga balikat niya. Tuwang-tuwa ang ginang kasi alam niyang may pinaplano akong gawin sa anak niya.
"Isa pa, Atlantis was not even in Atlantic Ocean," dugtong ni Zehel na hinila ako palabas ng silid. "Mom, papakainin ko muna 'to," paalam niya kay Mistress Vanessa na tumango lang habang nagtatawa.
"Paano mo nasabi?" tanong ko.
"Atlantis was used to be in Africa, dumb head!" pinitik ni Bennet ang noo ko.
Eh? Africa?
"That's impossible! Ayon kay Plato, nasa Atlantic Ocean 'yun!"
Umikot ang mata ni Bennet. "'Yun ang akala niya. The truth was... ang Atlantis nasa Africa talaga. It was out there in the desert of Sahara. Didn't you even know na ang kontinente ng Africa ay dating lubog sa tubig?"
Well, that I know. Ayon sa research ko nung nasa NatGeo pa ako, ang Sahara mismo ay dating karagatan. Fact'yun.
"Isa sa mga isla na nandun ay ang Atlantis. A capital from a powerful empire. Ang Egypt mismo ay dating probinsya noon, alam mo ba 'yun?"
Kumunot ang noo ko at tinitigan ang lalaki "Bakit ang dami mong alam tungkol sa Atlantis?!"
Ngumiti si Bennet at gusto ko siyang sampigahin dahil sa paglabas ng dimple niya.
"Secret. Malalaman mo din, soon..."
Umigkas kaliwat kanan ang mga kilay ko. Me paganun na si Bennet ah. Sige, di ko siya pipilitin. I'll just do my own research.
Dinala ako ni Bennet sa malaking Dining Hall kung saan may nakahain nang pagkain. Naabutan namin doon si Rave na kumakain habang nagpipindot ng cellphone.
"You're here, too!" gulat na sabi ni Bennet sa pamangkin.
Umupo agad ako sa isang silya at sumandok ng maraming pagkain. Gulay mostly. Chopsuey. At nilantakan ko 'yun dahil putspa! Gutom na ako.
"Bakit, Uncle? Sina CiN at Luke lang ba may karapatang pumunta-punta dito? Leofwin din ako. Apo pa rin ako ni Grandpa at Mamita! I'm their oldest grandson! I may not be the best grandson but heck! In my blood runs the immortal seed of Leofwin! And nothing can erase that!" drama agad ni Rave.
"Anong sinasabi mo dyan?" kunot-noong sabi ni future-husband bago tumabi ng upo sa 'kin.
Ngumiti si Rave. "Wala, Uncle. Huwag mo akong pansinin."
"The best actor awards goes to..." Nagdrum ako sa mesa. "Lukas Leofwin! Congratulation Sir! You won the Oscar!" Pumalakpak ako.
Tumayo si Rave at nag-vow. "Thank you! Thank you! It was a previlige!"
"May sira kayo parehas sa ulo," komento ni Bennet na nag-umpisa nang kumain mula sa sinandok kong pagkain. Yeah right, he shared my food.
Lukas took his seat and eat again. "Killjoy si Uncle. Buti na lang cool si Auntie."
"Apir!" Nag-hi-five kami ni Lukas habang umiiling si Bennet.
Kumain na lang ulit ako nang magumpisang magusap si Bennet at Lukas tungkol sa business. Mukhang lumalago ang pharmaceutical at biochemical company na itinayo ni Lukas. Medyo malalim ang words na gamit ng mag-tiyo sa pag-uusap pero naintindihan kong mga bigshot na tao ang kliyente ni Lukas.
He's more than just a pretty face. Mukhang ibang klaseng nilalang din ang lalaking 'to. Halimaw din sa negosyo.
"Nga pala, Aunt Cole," baling ni Lukas sa'kin. "Ako bahala sa wedding gown mo."
"Bakit? Mananahi ka na rin ba ngayon? Ikaw gagawa?"
Napatawa bigla si Bennet pero hindi siya nagkomento.
"No. Of course not! May kilala lang ako. Ano bang design ang gusto mo sa wedding gown?"
"'Yung mahaba ang manggas, mataas ang neckline at secured. Walang expose na balat," sagot ni Bennet.
Ako naman ang napasimangot.
"Kung ganun pala eh 'yung kumot na lang sa kuwarto ang gagamitin ko. Ibabalot ko sarili ko dun, makakatipid pa tayo," sarkastiko kong saad.
Langya! Balak yata ni Bennet na magmukha akong The Nun na balut na balot ng tela.
Halos mahulog si Lukas sa silya kakatawa sa 'kin. Siguro iniimagine niya itsura ko na balot ng kumot.
Bennet just nod a noncommittal gesture. Parang okay lang sa kanya na ganun nga ako sa kasal namin.
Juuurrk!
Kumain na lang ako. Ayoko mabadtrip.
After naming kumain, niyakag ako ni Bennet papunta sa taas para magpahinga. Iniwan namin si Lukas na busy kakapindot sa cellphone niya.
"Mukhang busy sa girlfriend niya si Lukas ah. Hindi maawat!" komento ko pagkalabas namin ng Dining Hall. "Panay tak tak tak sa cellphone."
Bennet smirked. "Wrong. Mukhang womanizer si Lukas pero ang totoo, hindi siya mahilig sa babae. He's not interested on them one bit."
Napamaang ako. "Weh? Totoo? Yung mukhang boladas na 'yun?!"
"Yeah. Believe it or not, its real."
"Eh sino Yung mga tinetext niya na 'yun?"
"Business partners."
Napasaltak ako bago napailing. Naisip ko na ganun ba talaga ang mga Leofwin, masyadong driven sa trabaho? Kahit kumakain, business pa rin?
"Ewan ko sa lahi niyo!" sabi ko kay Bennet bago nagpatiuna sa pag-akyat sa hagdan. "Overachiever na, itotodo pa! Iba din! Hindi uso pahinga!"
Bennet laughed lightly as he followed me. "Masaya naman si Lukas sa ginagawa niya, in fact sa sobrang saya niya, nakuha pa niyang maging wedding planner sa kasal natin."
"Talentado eh!"
Nang makarating ako sa dulo ng hagdan ay sumalubong sa 'kin ang sangkaterbang hallway.
"Bennet, saan kuwarto ko dito?" tanong ko.
Hinawakan ako ng lalaki sa kamay at inakay sa isang malawak na hallway sa bandang kanan.
"Daming kuwarto ah! Sinong natutulog dyan?" komento ko dahil sa dami ng silid na nadaanan namin.
"That room belongs to my Uncle Byron, the other kay Aunt Polla, ito naman kay Ate Anne at kay Selena. Permanent room nila yan since hindi naman sila nag-istay dito sa Pilipinas at wala silang bahay dito."
"Anne? Mother ni Ilog?" pagkumpirma ko.
Tumango si Bennet. "Yeah."
"Eh yung Kylie? Siya din ba 'yung supermodel na Kylie Leofwin ang pangalan?!"
Naalala ko 'yung magazine noon na binato ko sa pagmumukha ni Thurstin. Si Kylie Leofwin ang cover noon.
"Yes. Kylie. She's a little fancy. Isa sa pinakamaarteng tao na nakilala ko," sagot ni Bennet.
Wow! Bigtime pala talaga ang buong pamilya ng mga Leofwin. Wala pa kami sa kalingkingan. Nakakapanliit! Well, maliit talaga ako but anyway...
"This is your temporary room!" hila bigla ni Bennet sa 'kin papasok sa isang silid na may malaking pintuan.
"Saan ang kuwarto mo?" tanong ko.
"Third floor."
Malaking kuwarto ang bumungad sa 'kin. Kompleto sa kagamitan, mula sa walk-in cabinet, couch, sofa, hairdresser, may C. R. din siya ng sarili
Taraaay! Parang hotel lang.
"Take a rest, Sweetheart," ani Bennet na inayos ang malaking kama doon. "May meeting kami ni Daddy, baka hanapin mo ako."
Tumango lang ako bago hinubad ang sapatos ko at jacket. Humiga agad ako sa malambot na kama. Kanina pa masakit likod ko pati binti. Pahinga. Kailangan ko nga ng pahinga.
"I'll just call Mana if I need help," sabi ko kay Bennet.
Kinuha ng lalaki ang comforter at ibinalot ako doon. Kinikilig na naman tuloy ako. Ini-spoil ako masyado. Eeeiih.
Bennet kissed me on my forehead. "I'll be back before you wake up."
Ngumiti ako. "Kahit huwag ka nang bumalik. Okay na ako dito sa kama."
Bennet chuckled. "Ah ganun. Ipapagpalit mo ako sa kama!? O di sige, dyan ka na lang magpakasal."
"Imba ka din, Bennet. Nagseselos ka sa kama."
Nang lumabi ang lalaki ay napatawa ako. Pero nagpaalam na din naman na siya agad. He even waved as he closed the door.
Nang mawala si Bennet ay napabuntunghininga na lang ulit ako. Medyo nag-flat line na ulit ang mga nerve sa utak ko. Wala akong problema pero pakiramdam ko ang dami dami kong iniisip.
Yung kasal.
Haaay. Ano bang naisip ko at hinayaan kong sina Raul Frey, Lukas at Fuji ang ginawa kong wedding planner? I trust Fuji, really. Pero yung dalawang lalaki na nagsisimula sa R ang pangalan... ewan ko.
Bahala na! Kung maging comedy man 'yun kasal eh di masaya!
Tsk! Mas dapat kong isipin 'yung pagbubuntis ko. At yung morning sickness! Hindi ko alam kung kelan 'yun mawawala.
Ayoko na 'yung feeling na bumabaliktad lagi ang sikmura tuwing umaga. Bruh, torture ba!
Tapos inaalala ko pa 'yung mga kamag-anak ni Bennet na darating sa kasal namin. Some of them didn't attend our former wedding. Kaya hindi ko nakilala ang Ilan sa kanila. Gaya nung kapatid na babae ni Bennet, si Ate Hanna. Tapos yung mga pinsan niya, si Anne at Kylie. Hindi ko pa sila namemeet. I wonder kung ano kayang sasabihin nila sa akin.
Naku! Wag nila akong paplastikin! Alam kong hindi ako kasing-level ng beauty and brain nila pero hindi nila kakayanin ang taas ng kilay ko at talas ng dila ko.
Ah. Shunga ka, dinosaur. Anong sinasabi mo?
Psh.
Cole, matulog ka na lang. Tama nang pag-iisip.
Kinuha ko 'yung isang unan at sumanday doon. Komportable ang pakiramdam ko sa higaan. Mabango din ang buga ng air-conditioning. Bumigat agad ang talukap ng mata ko.
Hindi ko na namalayan ang mga sumunod na sandali. I just dived into deep sleep
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog, naalimpungatan lang ako nung maramdaman kong may mabigat na nakadagan sa isang binti ko. When I turned to look, I found Bennet lying beside me. Peacefully sleeping.
Luh! Kelan pa siya nakabalik? Akala ko ba may meeting sila ng Daddy niya?
Pinilit kong sipatin ang relo sa braso ko at nakita kong alas-siyete na ng gabi. Tagal ko rin palang nakatulog, almost six hours. That's something.
Gusto ko sanang gisingin si Bennet pero nakita kong payapang-payapa ang pagkakatulog niya. Napagod ang loko. Sabagay, nagmaneho siya mula Maynila hanggang dito sa Verona. Tapos nagtrabaho agad siya pagkadating. I can't blame him.
Kawawa naman ang ex-husband ko na future-husband ko din.
Teka... ang weird ata nun. Haha! Ex-husband na future-husband din. Pffft!
Hinaplos ko ang buhok ni Bennet at tinitigan ang guwapong mukha niya.
Haaay Bennet! Pagod na pagod ka ba? Naisipan mo pang tumabi sa 'kin. Na-miss mo ako agad? Hmmm! Too bad, pag nakikita ko pagmumukha mo, nasusuka ako.
Tsk! Kung may lunas lang sana ang paglilihi.
Wait...
Ano nga ba 'yung sinabi ni Mana? 'Yung para mawala ang matinding morning sickness ko? Ano ngang gagawin ko?
"Hakbangan mo si Bennet habang tulog siya..."
*ting!*
Oo nga! Tama! Malilipat daw kay Bennet ang lahat ng paghihirap ko kapag hinakbangan ko siya!!
Pero Teka... hindi kaya jomer lang 'yun? Joke? Echewa? Kaechosan? Hindi naman 'yun proven di ba?
Pero... hindi rin naman masamang subukan! I mean, tulog si Bennet. Wala siyang alam. Walang muwang! Gora ka Goddess-Cole!
Dahan-dahan kong tinanggal ang binti ni Bennet na nakasanday sa binti ko. Gumalaw ang lalaki kaya medyo natuod ako. Pero bumaling lang siya sa kabilang panig at niyakap ang unan.
Phew!
Akala ko magigising siya.
Itinukod ko ang kamay ko at unti-unting tumayo. Minimal ang galaw ko dahil konting movement lang ay umaalog agad ang kama.
Nung makatayo ako, naisip kong parang sa tanga ang gagawin ko. Ang lakdangan si Bennet. Bruh, pero gagawin ko pa rin.
In-extend ko ah isang paa pahakbang sa kabilang bahagi ni Bennet. Dahan-dahan lang. Ingat na ingat akong huwag gumalaw ang kama.
Nang maihakbang ko ang kanang paa ko ay maingat ko ding isinunod ang isa.
Awa ng patron ni Santa Clara, nahakbangan ko si Bennet na walang aberya.
Pero dahil sigurista ako, kailangan ko ulit hakbangan si Bennet para makasigurong eepekto 'yung pagsalin ng paglilihi ko!
Inihakbang ko ulit yung kanang paa ko sa kabilang panig ni Bennet, nang biglang...
"What are you doing?!"
Napapitlag ako dahil nakatingin si Bennet sa akin at nasa akto pa akong gumagawa ng katangahan.
"Hmmm?" maang kong tanong habang nakatayo at nakapagitan si Bennet sa dalawang paa ko.
"I said, what are you doing?" kunot noong tinitigan ako ni Bennet. Feeling suspicious agad siya.
"Wala! Wala!" Panic kong sagot. "Naisipan ko lang ano... mag-tinikling... tapos ikaw 'yung kawayan. You know, dun dun dun durun dun dun..."
At tinuloy ko na lang ang pagtitinikling ko kahit mukha talaga akong tanga.
Huhu!
Raul Frey's POV
At long last, the wedding of Cole and Bennet finally arrived. Sumakit ang ulo ko dahil sa pag-iisip ng magandang plano para sa kasal nila, tapos hindi pa kami magkasundo nina Lukas at Fuji.
Lukas wants a lavish, grandest wedding we can pull off. Bata pa talaga siya, gusto lahat bongga. Me and Fuji both rejected the idea. Imagine, gusto niyang Royal ang setting ng kasal? God, baka biglang mag-ala-Hulk si Cole. Alam kong awkward para sa babae ang lahat ng may kaugnayan sa kasosyalan. She doesn't like elegance that much. Alam kong tamang desisyon na awatin si Lukas sa gusto niya.
Iba naman sa kaso ni Fuji, he wants a jungle theme wedding. Pwede naman sana, pabor yun kay Cole. Nagsuggest pa ang babae na sana daw may tunay na gorilla at leon sa kasal niya. Bennet immediately dismissed the idea.
"That's preposterous!" tanda kong sigaw niya sabay hila sa fiancee niya palayo. "Ayokong ikasal na mukhang Tarzan..." sabi pa niya.
And so we crossed out jungle theme wedding.
And that's how we came up with a simple indoor garden wedding.
Unique. Medyo hawig sa jungle-theme pero at least mas simple and hindi karimarimarim sa panlasa ni Bennet. Fuji added a twist on the wedding. Kung anuman yun, surprise na lang.
The wedding will be held at Rosewood Indoor Garden. Isa itong facility na itinalaga para magbreed ng iba't ibang uri ng halamang namumulaklak sa buong mundo. It will be a first time for Rosewood to accomodate a wedding. They just did it because it's Bennet of course.
The whole place is just a huge dome filled with flowers. Malawak ang buong lugar at sobrang linis. Plus, sobrang bango din dahil sa mga bulaklak. Hindi na kailangang maglagay ng maraming decorations dahil natural na maganda ang paligid. Rosewood Indoor Garden is a suited place for a wedding.
The wedding will start at nine in the morning. Nag-uumpisa nang dumating ang bisita. MGA BIGATING BISITA. You won't believe this pero yung mga ninong at ninang na kinuha nina Bennet at Cole eh mga prime figure sa society.
"Have you seen my daughter?" lapit sa 'kin ng isa mga ninong. Sa katauhan ng pinuno ng buong empire ng Mogun, si Lord Gunford.
Yep. Ninong siya. Imagine that. At ginawa niya lang 'yun dahil request ni Cole. Unbelievable!
"Caroline, Sir? I think i saw her somewhere there!" sagot ko sabay turo sa isang panig ng venue na maraming dalaga.
"No," iling ng matanda.
"Ah. The younger one."
Si Lady Morgana ang tinutukoy niya. The evil kid. Bata pa lang, higit pa ang sungay sa tatay niya.
"She's probably at the pavillion, picking flowers."
Oo. Pinagdidiskitahan ng demonyitang bata ang mga kaawa-awang bulaklak sa Pavillion.
"Oh. Thanks!" he said as he walked off. Tsh.
Hindi lang si President Gunford ang bigatin sa entourage. Kasama sa listahan ang Editor-in-chief ng National Geography. Ganun din ang Hari ng Abu Dhabi at Oman. Ayoko nang banggitin ang iba dahil nakakalula.
Hindi naman ganun karami ang guest. Although, the Leofwin Clan are really massive, sa side ni Cole wala masyadong dumating. Close friends at co-worker lang niya.
"Raul Frey!!" biglang sulpot ng isang iguana sa likod ko.
Turned out she's none other than Georgessa, Fuji's not-really-but-maybe-soon-to-be-wife-depending-on-their-mood. I met her a long time ago. College days probably. She visited Firenze once.
How weird is that? She's a long time fiancee of Fujima and she turned out to be Cole's bestfriend who'll marry Bennet today. Uncanny.
"George!"
"OMG! Ang tagal nating hindi nagkita!" sambit niya.
"Oo nga, kahapon pa tayo huling nagkita. Tagal na nun!"
Nagkasalubong kami kahapon sa CoreLand, ang weird lang ng bati niya na matagal na kaming di nagkita. Oh well. Bestfriend siya ni Cole. Magtataka pa ba ako?
"Na-miss kita, idiot!" sabi niya sabay dagok sa likod ko.
Malakas. Ngumiti lang ako kahit gusto ko siyang ibaon sa lupa para taniman ng mga bulaklak. Sakit kaya. "Oh really? You missed me? Flattered ako!"
For the second time, dinagukan niya ulit ako sa likod. "Of course!"
Lumayo na agad ako kay Georgie. Juskopo! Baka sumuka na ako ng dugo dahil sa kabayolentehan niya.
"Hoy! Saan ka pupunta?!" sigaw ng babae dahil nagtatakbo na ako papunta sa may Entrace Hall ng Indoor Garden. Bahala siya dyan!
It was a bright sunny day. Nakiayon ang panahon sa kasalang Bennet at Cole.
Maraming mga bisita ang unti-unti nang dumadating. Among the few i saw Kylie and Anne, both looking gorgeous on their gown. Lalo na si Selena. Kung hindi lang magagalit si Bennet, liligawan ko talaga si Kylie. Kaso offlimit daw sa'kin ang manligaw sa mga Leofwin Lass. Bro-code namin yun eh.
Isa pa, baka masupla lang ako ni Kylie. Ang alam ko sobrang sama ng ugali niya, at sobrang arte pa. Kung di lang siya maganda eh, walang magtyatyaga sa bratinella attitude niya.
"Hey Kylie! Hey Anne!" bati ko nang tumapat ang dalawa sa'kin.
Anne immediately smiled at me, while Kylie just stared like i'm sort of bacteria or something.
"Mr. Raul Frey! How are you?! It's been a long time!" bati ni Anne Leofwin. Medyo may edad na siya pero ang ganda pa rin.
"I'm good, and you? Parang hindi ka tunatanda ah. Are you an immortal?" biro ko.
Anne laughed.
"Eeww!" bira agad ni Kylie na maduwal-duwal sa banat ko. Grabe. "So... cringy... uuggh!"
Mal. Di. Ta.
"Ikaw rin, Kylie. Maarte ka pa rin," ngiti ko.