CHAPTER 64 proposal

Cole's POV

"But she wears short skirt, I wear t-shirt! She's a cheercaptain and I'm on the bleachers~ Dreaming 'bout the day when you wake up and find that what you're looking for has been here the whole time~ And you could see that I'm the one who understand you! Been here all all along so why can't you seeeee~ eeh~ eeiih~ you belong with meee~ eeee~ eei---"

"Shut up, will you?!" banas na sigaw ni Bennet sa 'kin bigla.

"Ano bang paki mo sa pagkanta ko?! Nakikinig ka lang eh!" sigaw ko din.

"Baka maaksidente tayo sa pangit ng boses mo!"

Indignant akong lumingon sa lalaki. "Excuse meeeh~ Ako? Pangit ang boses?! Akin na cellphone mo!! Hiyang-hiya ako sa video kong kumakanta na naka-save sa gallery mo! Akina!"

Kinapa-kapa ko sa bulsa ni Bennet ang cellphone niya. Hindi siya makaangal o makaiwas kasi nagmamaneho siya.

"Tumigil ka, baka kung anong makapa mo dyan!" singhal ni Bennet sa mukha ko. Gumagala kasi sa legs at puwet niya yung kamay ko.

"Magkakaanak na nga tayo, ngayon ka pa mag-iinarte?" ismid ko kay Bennet sabay upo ng deretso. Di ko na itinuloy ang pagkapa sa cellphone niya dahil baka iba nga naman ang madakma ko.

Tinaasan lang ako ng kilay ni Bennet.

Tumingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan. Malapit na pala kami sa Verona. Mabagal magmaneho si Bennet, parang sa karo ng patay ang takbo namin. Paranoid ang loko, baka daw maaksidente kami. Triple ingat siya kasi magkaka-baby na kami.

Hindi ko naman siya masisi. Ever since malaman ko na buntis ako ingat na ingat din ako. Lalo na sa kinakain ko. Dati, toxic para sa 'kin ang prutas... ngayon prutas na almusal ko kahit masuka-suka ako. Haha! I'm not really a fruity person.

Less greasy and salty food din ako. So goodbye McDonalds muna ako.

Bennet's been taking care of my food. Simula noong mag-propose siya sa 'kin a few weeks ago, siya na ang tumayong sandalan ko.

Dinala niya ako sa Sephiro. 'Yung condominium building na pag-aari ng mga Leofwin, at doon niya ako pinatira. No, hindi kami nagli-live-in. Sa bahay nila sa Corinthian Garden siya tumutuloy (although parang ganun na rin kasi maya't maya siya nandoon sa Sephiro para bantayan ako). Old-fashioned guy pa rin si Bennet at medyo traditional.

At dahil naglilihi ako sa lugaw, every morning may dala siya nun. Yes, sa lugaw talaga ako naglihi. I love the smell of ginger and garlic together. Sabi ko nga kay Bennet, baka malugaw utak ng anak namin.

Sumagot ba naman siya ng... 'Di na ako magtataka, ikaw ang ina eh!' Oh di ba? Ang sarap niyang batukan. Di pa niya ko deneretsong 'syempre bobo ka eh'. Pareho din naman.

Tsk!

Hirap ako sa paglilihi sa totoo lang. I feel heavy all the time. Madalas din akong magsuka, lalo na dahil sa amoy ng Air-conditioning. At sa amoy ng detergent. Kaya pinapaltan ni Bennet lahat ng mattress sa unit niya sa Sephiro, pati na rin Aircon.

Antukin din ako at late na kung gumising. Although its normal, sinabi ni Bennet na kailangan ko na mag-start gumising ng maaga at mag-exercise.

I'll do that, promise... next month.

Everything escalates since Bennet proposed to me. Para akong umangat bigla, ganoon ang pakiramdam ko. He's been a dependable man, at nung sinabi niyang mahal niya ako, pinaramdam niya 'yun. I am the happiest person right now. Kahit na madalas buskahan at bungangaan ako ni Bennet, at the end of the day he'll say "I love you".

May mahihiling pa ba ako? Wala na, except lang na sana maging healthy ang pregnancy ko at maging safe ang baby namin.

Madalas ding bumisita si Nicky sa 'kin. Kahit alam kong masakit pa rin sa kanya ang lahat dahil ako ang minahal ni Bennet at hindi siya, sinabi niyang masaya na siya para sa kin. Tanggap niya rin na magkakaroon na siya ng pamangkin. She wished na babae ang maging anak namin ni Bennet. Although Bennet want a boy, gusto ko rin sana eh girl. Wala lang, parang mas behave ang girl eh.

Naalala ko ang sarili ko bigla. Lol. Di rin pala.

After three months pa ng ultrasound bago ma-determine if boy o girl ang anak namin.

Sabi ni Nicky, babalik siya sa modelling. Pumirma na ulit siya ng kontrata sa Storm Management. So I guessed magiging busy na rin siya.

"Thurstin called me this morning," ani Bennet. Napatingin ako sa kanya bigla. Tigil muna ako sa pagna-narrate sa utak ko.

"O? Tumawag sa'yo? Sa'kin di nagpaparamdam ang damuhong 'yun!" reklamo ko. "Best Buddy na ba kayo at may patawag-tawag na siyang nalalaman?" buska ko.

"Tsh! Nangumusta lang siya. Nasa Mauritania siya ngayon. Kumontak lang siya saglit bago siya sumuong sa desyerto ng Sahara at mawalan ng signal."

"Mauritania? Ah. I hate that place," ismid ko. "Daming dispute tapos hirap pang kumausap ng locals."

"Nadestino ka na doon?"

"Napadaan lang. Galing kaming West Africa, nag-features ng species ng monkies. Ayoko dyan sa Mauritania. Dangerous place. Anong naisipan ni Thurstin at doon magpadestino? Mas okay 'yung Antarctica eh!"

Ngumiwi si Bennet. "Ang wirdu ng trabaho niyo."

Tumawa ako. "Saya nga eh. Fun never ran out. At laging may adrenaline rush. Yun ang bumubuhay sa 'min. Hindi tulad ng trabaho mo, boring. Pweh! Nakaupo lang maghapon sa harap ng laptop o di kaya kumakausap ng sino-sinong tao. Utos doon, utos dito. Booorriiiinnng!"

Tumawa na rin si Bennet. "That's what we called easy money. And I just give instructions, people under me would follow! I'm the boss with the biggest paycheck."

"Tae, with biggest ass and thickest face kamo! Nang-aalila ka, 'yun ang trabaho mo!"

Humagalpak ng tawa si Bennet at lalong bumagal ang takbo namin. Jusko! Baka bukas pa kami dumating sa Verona sa ganitong sitwasyon.

"Sige lang, Bennet. Bagalan mo pa. Baka abutin na ako ng kabuwanan sa daan at dito na rin ako manganak dahil sa kabagalan mo," reklamo ko. Kung hindi pa ako magsasalita, baka maging square na yung puwet ko sa tagal ng pagkakaupo.

Bennet just smiled at bumilis ng kaunti ang takbo ng kotse. Konti lang as in ipod-ipod lang. Napabuntunghininga na lang ako.

Dumikit ako kay Bennet at sumiksik sa may kili-kili niya. "Gutom na ako," sabi ko.

Sumaltak ang lalaki. "Kelan ba hindi? You're always hungry. What do you want to eat now?"

"Gusto kong kumain ng Chilean food, yung maanghang na Mull Sandwich," sagot ko. Parang gustong umatungal ang tiyan ko nung maimagine yung sandwich na kinain ko dati sa isang village nung nasa Chile ako.

"Malapit na tayo, makakakain ka rin."

'Yang malapit na 'yan ni Bennet eh mga tatlong oras pa aabutin. Inikot ko na lang ang mata ko at sininghot ang amoy ni Bennet.

Kung may isa pa akong pinaglilihi-an, 'yun ay ang amoy ni Bennet. I just love his minty and chocolatey scent. Reminds me of... Dynamite Candy. Saraaap.

"Nasisiyahan ka sa amoy ng kili-kili ko?" ani Bennet.

I looked up on him and saw that he was smirking again. Ngumisi din ako. "Bango eh! Pwede bang tumira dyan?"

He laughed again. Pinagkasya ko na lang ang sarili ko sa pagsiksik sa gilid ni Bennet. It feels very comfortable right by his side.

Bennet and I will get married soon. A real wedding. No more pretension. Hindi pa rin ako makapaniwala. Si Cole na taga-bundok, magiging asawa si Bennet na isang hari sa siyudad. Anong sinabi ng fairytale na yan? Waley! Kinabog ng dinosaur! Hek hek hek!

"Ikakasal na tayo next month, Cole..." mayamaya'y sabi ni Bennet. "Nakapag-decide ka na ba sa kukunin mong wedding planner?"

Tumango ako. "Nag-volunteer si Raul Frey, tapos dinamay niya si Fuji. Kaya silang dalawa ang wedding planner natin."

Automatic na kumunot ang noo ni Bennet at tumingin siya sa 'kin na parang na-shock siya ng bongga sa sinabi ko.

"Are you serious?!" nanlalaki ang matang sabi niya.

Tumango ulit ako. "Oo. Hindi sila nagpabayad Bennet. Nakatipid ka!" Kasi ikaw naman gagastos sa kasal. Lol.

"Money doesn't matter, Cole. Ang akin lang, si Raul Frey 'yun. Are you sure? Mahilig siya sa self-destruction!"

"Haha! Grabe ka! Executive Assistant mo siya, it means magaling siya at may tiwala ka sa kanya!"

"Magaling siya at may tiwala ako sa kanya... pero patungkol lang 'yun sa trabaho niya. If it's about wedding and everything, I'm really not sure," Bennet snapped.

"Hamo na! Kasama niya si Fuji. Genius 'yun. Plus, tutulong din daw si Lukas," dagdag ko nang maalala ang pamangkin ni Bennet na dumalaw sa kin nung isang araw at dinalhan ako ng sangkaterbang mangga.

"Diyos ko po!" iling at dismayadong sambit ni Bennet. "Magiging comedy ang wedding natin!"

"O eh di mas masaya!"

Hindi tumigil sa pagsaltak si Bennet hanggang makarating kami sa Verona (sa awa ng Maykapal). Hindi niya kayang tanggapin na ang mga boys ang magiging planner sa kasal namin. He dubbed it as 'a disaster'. Lol.

Nang makapasok ang sasakyan sa D Hill ng District 6 (Leofwin's property) eh medyo kinabahan ako.

First time kong mame-meet ang magulang ni Bennet bilang Cole. Hindi ko alam kung galit sila sa'kin dahil sa ginawa kong pagpapanggap. Naisip ko lang na tiyak na hindi nila nagustuhan 'yung ginawa ko. I mean, sinong parents ang may gusto na maloko ang anak nila?

Maalala pa lang ang mukha ni Mistress Vanessa, parang gusto ko nang ma-stress. Hindi ko alam kung paano siya haharapin. Naiimagine ko nang sinasalubong niya ako ng sampal. Okay. Ang paranoid ko.

"We're here," announce ni Bennet bago ipinarada sa harap ng pagkalaki-laking mansion ang kotse.

"Kita ko nga. Is your mom there?" tanong ko.

"Yes. Bakit?"

"Wala lang. Natanong ko lang," sagot ko.

"She's waiting for you," ngiti ni Bennet bago siya lumabas ng sasakyan.

Jusko po. Iniintay daw ako ng matanda. Parang gusto kong dumeretso sa simbahan at lumuhod muna doon bago humarap sa nanay ni Bennet.

"Come out, Cole!" tawag ni Bennet. Napilitan akong lumabas ng kotse at lumapit sa lalaki. Hinila niya ako papasok sa Mansion na pamilyar na rin sa 'kin.

Hindi nagbago ang Mansion ng mga Leofwin. Mas grande pa nga kesa dati. At maraming nagkalat na mga katulong na busy sa kung anu-anong ginagawa.

"Anong nangyayari? Parang may fiesta ah!"

"I dunno," sagot ni Bennet.

Bumati ang mga katulong nang makita kami. Nag-vow pa nga sila sa amo nilang lalaki.

"Where's Mom and Dad?" tanong ni Bennet sa isang katulong na may dalang mga vase.

"Nasa may porch po, Sir."

"Oh thanks!"

Hinila ako ni Bennet papunta sa direksyon na sinabi ng katulong. Sa open porch kung nasaan ang malaking garden ni Mistress Vanessa. Pero bago pa kami makarating doon ay sumalubong na sa amin ang aming pakay.

Napahawak ako sa kamay ni Bennet nung bumungad sa min si Mistress Vanessa kasama si Lord Emenrad. Yay!

"Mom! Dad!" bati ni Bennet.

"Bennet, hijo!" halatang galak na bati ni Lord Emenrad.

Bumitaw si Bennet sa 'kin at yumakap sa daddy niya bago humalik sa mommy niya. "Its been awhile!"

Medyo na-awkward agad ang feeling ko dahil nakatitig sa'kin ang dragonesang nanay ni Bennet. Naintimidate ang dinosaur bigla. Parang gusto kong sumuot sa bulsa ni Bennet. Huhu.

Nung lumapit si Bennet sa 'kin ay hinila niya ako palapit sa mag-asawa. Dumagundong ang kaba sa dibdib ko.

"Mom, Dad... I know you already met her under different name and circumstances. At naipaliwanag ko na rin sa inyo ang totoong nangyari but still... gusto kong makilala niyo pa rin siya. 'Yung siya talaga. Mom, Dad... this is Cole... and I'll marry her, again."

Para akong matutunaw sa introduction ni Bennet at dahil na rin sa nakakatunaw na titig ng mag-asawa sa akin. Para nila akong ini-scan.

Lord Emenrad didn't talk for a long time, he just stared at me. Para tuloy akong aatakehin sa puso. Sabi ko na nga ba eh, hindi nila gusto 'yung ginawa ko. Siguro ayaw na nila sa akin. Siguro ayaw na nila na maging asawa pa ako ni Bennet.

Tumungo ako. Hinintay na magsalita ang matandang lalaki.

"I didn't really like what happened," anang matanda.

Oh no. Sinasabi ko nga ba eh. Galit siya sa kin.

"I hated what you did."

Parang gusto kong umiyak. Wala na akong magagawa kung hindi na ako gusto ng magulang ni Bennet.

"Hindi ko nagustuhan... na inihara mo ang sarili mong katawan para lang magligtas. Ikaw na bata ka! Wala ka bang pagmamahal sa sarili mo?"

Huh?

Nag-angat ako ng tingin. Nakatitig sa akin si Lord Emenrad at mukhang punong-puno ng pag-aalala ang mukha niya. Nagulat ako.

"Sir?"

"Paano kung may nangyaring masama sa'yo? Lalo na't nagdadalang-tao ka pa! Buti walang masamang nangyari sayo at sa magiging apo namin. Its truly a miracle!" anas ng matanda. "But be careful next time! Don't be careless!"

Pakiramdam ko ay biglang nabuhay si Papa sa katauhan ni Lord Emenrad dahil sa sinabi niya. Parang gusto ko tuloy umiyak.

"S-sorry po," sabi ko sabay tungo. "Sorry."

Pinigilan kong umiyak dahil di bagay sa eksena.

"Walang kaso 'yun. Pasalamat na lang tayo at ligtas ka," dagdag ng matandang lalaki.

Tumingin ako kay Mistress Vanessa, nakatitig pa rin siya sa kin. Humugot ako ng hinga at lumapit sa matandang babae.

"Ma'am, sorry po. Sa lahat-lahat," umpisa ko. "Hindi lang dun sa pagiging careless ko kundi na rin dun sa ginawa kong pagpapanggap bilang kakambal ko. Hindi ako magtataka kung galit kayo sa 'kin ngayon at gusto niyo akong ipabugbog kay Danny. Tatanggapin ko po! Mapatawad niyo lang ako, Ma'am!"

Bennet chuckled behind me but he didn't talk.

"Really?" ani Mistress Vanessa. "You're sorry?"

Tumango ako, mga sampung-beses. "Opo! Opo! Pramis! Kung sampalin man ako ni Danny, hindi ako magagalit!!"

Mistress Vanessa's green eyes scanned me as her eyebrow soared higher than ever. "Well, Danny can't hurt you now. He's excited to see you again."

"Eh?" maang kong reaksyon.

Nagbago ang mukha ng Donya. Ngumiti siya bigla at hinikit ako sa braso bago niyakap. "Cole, right? That's your name. I like it!"

Napalunok ako.

"You're marrying my son, so you'll be my daughter soon. Better call me Mommy, dear! At hindi kita magagawang ipasampal kay Danny. I like you too much! You have no idea how happy I am nung malaman kong magkakaapo na ulit ako! Thank you! Thank you! Welcome to Leofwin Family, dear!"

Hindi ako makahinga nung bumitaw ng yakap si Mistress Vanessa. Overwhelming sa pakiramdam. Hindi ako makapaniwala na ambilis nilang matanggap ang isang tulad ko sa pamilya niya. Hindi ko agad mapaniwalaan.

Humikbi ako.

"Aww Bennet, she's crying!" ani Mistress Vanessa.

Narinig kong bahagyang tumawa si Bennet pero niyakap niya ako. "Ssshh! Tahan na."

Lalo akong umiyak. Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib ni Bennet at doon umiyak. Sobrang saya ko lang na tinanggap ako ng mag-asawa nang bukas-palad.

Bennet was laughing while embracing me tightly. "Pasensya na, Mommy... Daddy... medyo emotional talaga ang abnormal na 'to sa mga panahon ngayon."

Tinapakan ko ang paa ni Bennet.

"Ouch!" react niya. Sabay na tumawa ang mag-asawang Devoncourt.

"What is this?! Sinong nagpaiyak sa aming magandang Auntie!?"

A familiar voice suddenly boomed from our behind. Umangat ako ng tingin mula sa pagkakasubsob sa dibdib ni Bennet at minasdan kung sino ang nagsalita.

"Soram!" ani Bennet.

Hindi lang si Luke ang nakita ko. Descending from the great staircase are three tall teenagers, all looking regal with smirk on their faces. Luke, CiN at si...

"Ilog!" sigaw ko sabay turo sa mga binatilyong nakilala ko noon sa California.

"Yow Aunt!" ani Lukas na kumaway.

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Bennet.

"How rude, Uncle?!" reklamo ni Luke na parang mas tumangkad lalo. "We're here kasi ikakasal kayo diba? We can't miss the Wedding of the Millennium! Groom's Men kami!"

Bumitaw ako kay Bennet at isa-isang niyakap ang tatlo. Pumapalag-palag pa si CiN pero ginulatan ko siya kaya di na nakaangal nung yakapin ko siya. Willing namang yumakap si Luke, lalo na si Lukas.

"How's our pretty Aunt?" ani Lukas. "Balita namin, magkakapinsan na kami!?"

Ngumiti ako.

"Yes!" agaw ni Mistress Vanessa. "May bago na akong grandchild."

"Mamita, ako pa rin ang favorite mo diba?" ngiti ni Soram.

"Of course, kahit na hindi ka umuuwi dito sa Pilipinas."

CiN scoffed. "Basta akin ang Mansion, we have no problem," sabi niya kay Soram.

"Materialistic beast," komento ni Bennet. Napatawa ako. "Sana hindi niyo katulad 'yung magiging anak ko."

"Impossible!!"

"Negative!"

"Rubbish!"

Salungat ng tatlo.

"Your child will be a monster, Uncle. Mas malala pa kay Lukas!" ani Luke.

"Bakit ako?" nguso ni Lukas.

"Because you're the worse!" si CiN.

"Nahiya ako sa ugali mo, Dude!"

Tumawa si Lord Emenrad na inakbayan ang tatlong apo. "Now. Now. Enough boys! Sumama na lang kayo sa 'kin." Hinila niya palayo ang mga binatilyo.

"Where Grandpa?"

"We're golfing."

"No thanks!

"Boring!"

"Pang-matanda!"

"Eh Anong larong ang gusto niyo?" tanong ng matanda.

"EJAX!" sabay-sabay na sagot ng tatlo.

Napatawa si Bennet at si Mistress Vanessa hanggang sa tuluyang nawala si Lord Emenrad kasama ang tatlong itlog. Sa Gaming Room siguro ang punta.

"Uuwi daw si Hanna kasama ang asawa niya sa kasal mo, Bennet. 'Yun ang sabi ni Luke," ani Mistress Vanessa.

Wew! Si Ate Hanna! 'Yung sumulat sa akin na magpakamatay na lang daw ako kesa magpakasal kay Bennet. Darating siya?!

"Great!" sagot ni Bennet.

"Even your cousin Anne and Kylie, they're coming. Rolf and Henry too and their whole family. Nagsabi din ni Grandma Eula mo, they're coming from Denmark and your Uncle Byron and Aunt Mirina. I guess the whole clan will be here on your wedding," anang matanda.

Namangha ako. Sobrang laki pala ng angkan ni Bennet. Grabe! Sa side na lang ni Lord Emenrad, ang mga Leofwin. Tapos sa side pa ni Mistress Vanessa. What a truly big family!

"You've got such a huge family behind you," sabi ko kay Bennet bago hinawi ang ilang buhok na tumatabing sa mukha niya. "Sorry ha? Si Nicky lang talaga ang pamilya ko. My mom was a solo daughter so was my Dad. Hindi ko naman na nakilala ang mga kamag-anak nila kasi... wala naman silang pakialam. Kaya ang kakambal ko lang ang dadalhin ko sa kasal natin."

Sumeryoso ang mukha ni Bennet habang tila nakisimpatya naman sakin ang ginang.

"It's not your fault, Cole. Walang kaso yun sa 'kin. Papakasalan kita kahit putok sa buho ka pa."

"Sira! Hindi ako putok sa buho. Extinct lang, ganoon talaga kapag dinosaur!"

One moment Mistress Vanessa was feeling sympathetic, next thing she was laughing.

Napatawa na rin tuloy si Bennet.

Nag-ayang kumain ang lalaki dahil naalala niyang gutom ako. Sinabi niyang sumama ako kay Mistress Vanessa sa komedor para kumain. Kukunin lang daw niya 'yung mga gamit namin sa kotse.

Kinausap ako ni Mistress Vanessa tungkol sa baby habang papunta kami sa komedor. Sinabi ko sa kanya na may Doctor na ako na tumitingin sa akin at hindi siya dapat mag-alala dahil maayos ang kalagayan ng apo niya.

"Si Danny po?" tanong ko nang naalala ang Orangutan na nakita ko noon.

Ngumiti ang matanda at hinila ako sa isang hallway. Yung papunta sa silid ng sosyal na hayop. "Okay na siya matapos mabunot ang ngipin. You have to see him!"

Wew.

Nung marating namin ang silid ay binuksan ng Donya ang pinto noon at pinapasok ako. "Come!"

"Hello Danny!!" bati ko pagkapasok sa silid na mas bongga pa sa tunay na baby room. "How are--- AAAAAAAAHHH!" sigaw ko.

Nagulat ako. Totoo! Si Danny kasi... yakap-yakap ni...

"MANAAAAAAA!"

"MAM COLEEE!!"

Uwaa! Si Mana!

Tumakbo ako at niyakap ang matanda (at si Danny) habang nakatingin lang ang nakangiting si Mistress Vanessa.

"Na-miss kita, Mana!"

"Siraulo kang bata ka! Mas na-miss kita!"

Umiiyak si Mana nung bumitaw ako nang yakap.

"Narinig ko kay Sir Bennet ang buong kwento! Sinasabi ko na nga ba at hindi ikaw si Mam Nicky eh. Iba ka eh."

"Mas maganda ako!"

"Mas sira tuktok mo!"

Hahahaha!

Niyakap ko na lang ulit ang matanda. Don't blame me, she's the closest figure to a mother I have ever met. Na-miss ko siya.

"Uuwi din si Joyce, next week. Inaayos lang 'yung passport niya."

"Mabuti naman po. Makukompleto ang California Girls! Haha!"

Tumitig sa akin si Mana at hinaplos ang buhok ko. "Sabi ko sa sarili ko dati, totoo yung concern na nakita ko sayo para kay Sir Bennet. Alam kong ikaw lang ang babaeng tatagal sa ugali niya. Nag-iba man ang pangalan mo, Ikaw pa rin yung babae na gugustuhin kong makasama ni Sir sa pagbuo ng pamilya. At natutuwa ako na mangyayari 'yun. I'm happy for you."

"Salamat Mana. I'll do my best to make Bennet happy."

"Promise?"

"Promise!"

Bigla akong tinampal ni Danny sa noo.

"Aray Danny ha?!" himas ko sa noo ko.

Sabay na tumawa si Mistress Vanessa at si Mana.

"Na-miss mo din ba ako, Danny? Ha? Kaya tinampal mo ako?" tanong ko sa Orangutan.

Sa panggigilalas namin eh biglang bumungisngis ang unggoy.

"Aba't tinatawanan mo ako matapos kitang tulungan?! Halika nga dito!"

Kinuha ko ang Orangutan kay Mana at kinalong ito.

"Huwag kang magbuhat ng mabigat, hija!" angal ni Mistress Vanessa na lumapit sa amin. "You're pregnant for goodness sake!"

Tumawa ako bago binigay sa matanda ang unggoy. "I'm okay, Ma'am---"

"Mom. Call me Mom!" asik ng matanda.

"Mom! He he! (Charing!!) Okay lang po sa'kin. Hindi naman siya ganun kabigat. Tsaka sanay po akong humawak ng mga tulad ni Danny. In fact, mas malalaki sa kanya ang hinahandle ko noong nagtatrabaho pa ako sa National Geographic."

Umupo ako sa isang stool doon habang bini-baby ni Mistress Vanessa-- I mean, ehem... Mommy, si Danny.

"Yeah, I heard na photographer ka daw sa NatGeo. How outrageous!" bulalas ng Donya.

"Hindi na ako nagtataka," iling naman ni Mana. "Sa klase ng ugali mo, mukhang 'yun lang ang trabahong babagay sa'yo."

"What made you enter that dangerous side of photography?" tanong bigla ni Mistress Vanessa. Mommy pala.

Humugot ako ng hinga bago sumagot. "When our parents died in a car accident, I felt devastated. Kakatapos lang namin ni Nicky sa college noon. My twin decided to pursue modelling. Ako naman, passion ko po talaga ang photography. But since I love animals too, sumakto doon ang job opening sa NatGeo, I grabbed the opportunity. Simula po noon kung saan-saan na 'ko nadestino. I've been to different part of the globe for different type of stories. Lagalag ako at aminado ako dun. One moment nasa Israel ako, next hours nasa Finland na 'ko at namamaybay sa kabundukan ng Hariosk."

Ngumiwi si Mistress Vanessa. "That's something. Parang himala na nagkaroon ka ng pagkakataon na makilala ang anak ko."

Tumawa ako. "Isang malaking glitch sa history yun, Mom. Kahit ako, gusto kong i-text si God at itanong kung paano niya nagawa 'yun na pagtagpuin ang landas namin ni Bennet!"

Sabay na tumawa ang dalawang matanda. Bumungisngis naman ulit si Danny.

"You're really just meant to be, I think..." ani Mistress Vanessa. "After what Kelly did, hindi na ako nalulungkot na namatay siya. Nagawa niyang lokohin ang anak ko. Now look, there's reason why all of it happened. Para 'yun dito! I know that as a mother, I lacked so much. Hindi ko nagawang alagaan nang maayos si Bennet..."

"Ginawa mo lang 'yun para tumatag ang anak mo, Mistress Vanessa. Para hindi maging dependent. You succeeded. Look at Sir Castor! Look at Bennet! Yung mga achievements nilang hindi mapapantayan," sawata ni Mana.

Tumango ako. "Hindi ko man matagal na nakasama si Bennet, nakita ko sa kanya 'yung tatag na wala sa iba. He must be cold-hearted sometimes, but he's more compassionate and kind," sabi ko.

Mistress Vanessa smiled at me. "Take care of him for me, dear will you?"

Nagthumbs-up ulit ako. "Bubusugin ko ng adobo yung anak niyo."

Tumawa si Mana pero bumaling din siya agad sa'kin nang seryoso.

"Pero paano pala ang trabaho mo? Babalik ka pa ba sa mga project mo sa ibang bansa?" tanong ni Mana.

"Opo," sagot ko.

"Did you talk to Bennet about this?" tanong ni Mistress Vanessa.

Umiling ako. "Hindi pa po. Naisip ko lang kasi na trabaho ko 'yun. Mahal ko 'yun. Pinaghirapan ko kaya hindi yun ganun kadaling iwan."

"But you'll be Bennet wife."

"I am Cole. Not just Bennet wife. Magiging asawa niya ako pero hindi ko iiwan yung bagay na mahal ko rin. Siguro po time management lang. At hindi pa naman ngayon," Hinawakan ko ang tiyan ko at hinaplos-haplos 'yun. "Hindi ako babalik sa trabaho ko hanggang hindi pa lumalaki ang anak namin. Babalik lang ako kapag okay na 'tong itlog na 'to. Kapag lumalakad na siya. Nagsasalita at nakakaintindi," paliwanag ko pa.

Tumango-tango ang dalawang matandang babae. "Well, hindi naman masama iyan. Basta't mag-iingat ka sa trabaho mo. However you love your work, you have to remember that you are a mother and a wife. And your priority is always your family," ani Mana.

Nag-thumbs-up ako sa babae. "Yes naman po!"

Totoo 'yung sinabi niya. Mahal ko ang trabaho ko... pero mas mahal ko si Bennet. Bleeh!

"Eh ang paglilihi mo kamusta?" dagdag na tanong ni Mana.

Automatic na sumimangot ako. Naalala ko 'yung bawat umaga na gumigising akong nasusuka at mabigat ang katawan. "Masama pa rin po. Ganun ba talaga 'yun, Mana? Wala bang solusyon dun sa pagsusuka at 'yung unang gising pa lang eh badshot na!?"

To the point na kahit guwapo si Bennet, kapag nakita ko siya sa umaga na masama ang pakiramdam ko eh gusto ko siyang sakalin at sipain palabas ng Sephiro. Ganun katindi ang mood ko tuwing umaga!

Sabay na tumawa si Mana at si Mistress Vanessa. "Ganun talaga 'yun," sagot ng mommy ni Bennet. "Noong naglilihi ako kay Castor, galit na galit din ako kay Emenrad. Araw-araw 'yun ha? I despised his face that time..."

Wew. Medyo similar ang nangyayari sa 'kin doon sa binanggit ng Ginang. Madalas mangyaring naiinis ako kay Bennet nang walang dahilan. Pero ang nagpapahirap talaga sa'kin eh 'yung pagduwal.

"I vomit every morning," sabi ko. "Is that normal?"

"Pretty normal," ngiti ng Donya.

"Pero kung gusto mong mawala na 'yang nagpapahirap sayo... may alam akong solusyon," dugtong ni Mana.

Na-curious ako sa sinabi ng matanda kaya tumayo ako at lumapit sa kanya. Hello! Solusyon yun no? Kailangan ko yun.

"Ano yun, Mana?" tanong ko.

"Hakbangan mo si Bennet habang tulog siya," sagot ni Mana na bahagyang ngumiti.

Mahinang tumatawa si Mistress Vanessa sa gilid pero tumatango-tango siya.

"Ganun lang? Hahakbangan ko lang si Bennet habang tulog siya?" ulit kong tanong.

"Tama. Makikita mo, 'yung nararanasan mong morning sickness, lilipat sa kanya!"

Nanlaki ang mata ko. "Totoo?!"

"Yep! Proven and tested yan!"

Pinagsalikop ko ang dalawang kamay ko bago tumitig ako sa kawalan. Naimagine ko bigla si Bennet na naka-squat sa toilet bowl at nagdududuwal. Wehehehe! Nice scene.

Ngising-aso ako nang bumaling muli sa dalawang matanda. "Susubukan ko 'yan! Hek hek hek!"

"Alin ang susubukan mo, sweetheart?"

Biglang sumulpot si Bennet sa may pintuan ng silid at muntik nang mahulog ang puso ko sa gulat. Jusko po! Narinig kaya niya?