Chapter 66: happy ending
Kylie just rolled her eyes beautifully. Naku! Kung hindi lang talaga negative ang ugali niya, mahuhumaling na ako sa sobrang ganda niya. She's like a goddess. Tall and majestic. With enchanting eyes, pointed nose and to-die-for lips.
"Tabi! Tabi!"
A voice suddenly shouted. Napalingon kaming tatlo sa pinagmulan ng tinig at napatawa ako nang makita ang kaibigan ni Cole na si Thurstin. Akay akay ang orangutan ng alaga ni Mistress Vanessa, si Danny.
Danny's wearing a tuxedo, mind you. Kasama yata siya sa entourage. Lol.
Anne was laughing as Thurstin and Danny passed by.
"Dumating na ba si Cole?" tigil ni Thurstin sa tapat namin, nagpunas siya ng pawis sa mukha. Siguro kanina pa niya inaalagaan si Danny. Pfft.
Umiling ako. "Hindi pa. Tagal nga eh. Palagay mo, nagback-out na yun?"
Thurstin smirked. "Malabo yun. Cole loves animal a lot. Hindi niya iiwan si Bennet. He's the king of the jungle, right?"
"Right. He's a roaring lion," sang-ayon ko.
"Ugh! Get that thing away from me!" biglang angal ni Kylie. Nang lumingon ako, muntik na akong mapatawa. Hinihikit ni Danny ang gown ng babae.
"Danny is not a thing. He's a clever mammal," simangot na sagot ni Thurstin. Hinila niya si Danny palayo kay Kylie.
Ngumiwi lang ang babae bago pinagpag ang damit niya. "Whatever! I hate animals!"
Thurstin scooped Danny away while frowning at the Devoncourt woman. "Inaano ka ba? Arte nito."
Thurstin spun around and walk away in a dash with Danny in his lap. Badtrip siguro sa kaartehan ni Kylie.
Anne was laughing lightly while Kylie looked at Thurstin narrowedly. Hindi siguro siya makapaniwala na may lalaking magwo-walk-out sa kanya. Lol.
"Who's that man?!" matalas na tanong ni Kylie. She look very pissed.
"Thurstin. The bride's bestfriend," sagot ko.
Kylie rolled her eyes then strut away inside the venue.
"Napikon?"ngiti ko.
Anne giggled. "Probably. Alam mo naman 'yun, hindi sanay na iniindyan ng lalaki. She's the goddess that every man worships."
Lol. Di lahat.
"Anyway, have you seen my son?"
Ngumiti ako. "Lukas?"
"Yeah."
"I think I saw him somewhere in the west wing with CiN and Luke. Namimitas yata sila ng bulaklak... kahit bawal."
Napailing ang babae. "Mga pasaway. I should go inside, hahanapin ko muna ang anak kong 'yun."
Tumango ako at pumasok na rin ang babae.
Sumunod na dumating ang mga kamag-anak ni Bennet sa mother side. They're all foreign kaya todo ako sa page-entertain. Danish ang mother's heritage ni Bennet at ang ilan sa kanila eh politician. Just like Bennet's Uncle Byron.
Next naman sa mga dumating eh mga random na bisita. Media, co-worker ni Cole sa NatGeo (meron pa ngang isang teenager na sobrang maligalig, anak daw ng boss ni Cole), affiliate ni Bennet sa Silicon Valley. At ang pinakang-nagpangiti sa 'kin eh ang pagdating nung jeepney driver na alam kong isa sa mga ninong na kinuha ni Bennet.
'Yung driver na saksi sa pagpopropose ni Bennet kay Cole. Dumating talaga siya with his whole family. Mukhang hiyang-hiya pa eh, buti sinamahan ni Lukas papasok sa loob. Naririnig ko yung binubulong niya na... 'Nakakahiya, wala akong regalo.'
In which Lukas replied, ' Okay lang po 'yun. Kayo pa reregaluhan namin dahil dumating kayo.'
Lol.
After several minutes , pumasok ako sa lobby ng Indoor Garden. Nakita ko si Fuji na nakatayo sa isang gilid. Lumapit ako sa kanya. "Si Bennet?" tanong ko.
Itinuro ni Fuji ang C. R. sa dulo ng East Wing. "Nandun. Kanina pa nagsusuka. Masama daw pakiramdam."
Ngumisi ako. "Excited?" sabi ko.
"Nah. Ilang linggo na siyang ganyan. Something about his stomach i guess. Nagpacheck up na daw siya pero sabi ng doktor normal lang daw ang kalagayan niya. Tsk!"
"Baka kinulam?"
"Ni Cole. Yeah."
Hahahahaha!
Nagtatawanan kami ni Fuji nung sumulpot si Bennet na maluha-luha habang hawak ang sikmura. Maasim ang mukha niya.
"Bennet, smile. It's your wedding day," tudyo ko.
Lalong tumindi ang pagsimangot ni Bennet. "Blame my damn stomach. Dalawang linggo na akong pinapahirapan nito. It seems like lumipat sa 'kin yung mga dating nararanasan ni Cole. She's alright now. And I... aarrggh!"
"You'll be okay," agaw ni Fuji.
"Kompleto na lahat ng bisita sa loob," pag-iiba ko sa usapan. "Andun na lahat ng relatives mo at mga primary witness."
"Si Cole?" tanong ni Bennet.
"Nauna pa 'yung dumating sa'yo no?" sagot ko.
"Eh bakit hindi ko nakita? Lalakad pa siya para sa wedding march!"
Luminga-linga pa ang lalaki sa paligid. Pero hindi niya makikita si Cole.
"Sinong maysabi na si Cole ang lalakad sa aisle para sa wedding march?" sabi ko.
Automatic na tumaas-baba ang kilay ni Bennet. "Bakit hindi? She's the bride!"
"Gasgas na tradisyon na bride lagi ang lumalakad sa aisle. We thought why not try something different?"
*ngisi*
Bumakas ang horror sa mukha ni Bennet. "Eh sinong lalakad, ako?! I'm warning you... I'll punch you both on your faces if you said yes!"
"Well... yes!" sabay na sagot namin ni Fuji. At sabay din kaming umilag sa suntok ni Bennet. He went berserk. Lol.
"Come on, Bennet! We did it for Cole's sake!" Paliwanag ni Fuji. Patay-malisya siya habang umaatras.
"What do you mean?" asik ng halimaw.
"She has no father to walk her down the aisle. Imagine how she would feel! Nung una kayong ikasal, tanda mong tumakbo siya sa gitna ng aisle para lang matapos na. She's feeling awkward! Siguro naman kilala mo na yung mapapangasawa mo. Hindi siya komportable na maging sentro ng atensyon. So naisip namin na... ikaw na lang palakarin sa aisle at siya na lang ang maghihintay sa altar," mahabang paliwanag ni Fuji.
Natigilan naman si Bennet na parang noon lang nagsink-in sa utak niya ang dahilan namin.
"The interpretation would be... you're just fetching her while she's waiting for you. Ganun yun!" dagdag ko.
Inuuto lang namin si Bennet pero mukhang naniniwala naman siya.
Suguro naisip niyang... oo nga, solo lang paglalakad si Cole. Di gaya ng ibang bride na ihinahatid ng father nila.
"Let's go at the main venue. The wedding's about to start," ani Fuji.
Bennet fixed his black and gray suit. He looks ready. "Let's go. Pasalamat kayo, kaibigan ko kayo. Sisisantehin ko kayo kung nagkataon."
"Eh di hindi natuloy ang kasal mo," buska ko. Tinapunan niya ako ng masamang tingin.
Naglakad kami at pumasok na sa main venue ng wedding.
The whole place was filled with flowers. The green grass looked lush and pretty to look at. Sa gitna ng mga row ng upuan ay mga nakalatag na mahabang red carpet. Sa dulo ng carpet ay ang make-shift altar.
Walang bridesmaid si Cole. Kasi kami ang nagplano, kaya tinanggal namin ang bridesmaid. Pero ang groomsmen, mga sampu siguro. Including CiN, Luke and Lukas, Thurstin also. At ang M. I. B.
Lahat sila nakatayo sa aisle. Nakahanay na parang sundalo. Nakaharang sa dadaanan ni Bennet papunta sa altar.
"Everyone!" boses yun ni Lukas. Nasa isang podium siya at may hawak na mikropono. He's the official host of the event. "The wedding is about to start. Let's all welcome... the bride!!"
Lumiwanag ang buong paligid. Nabuksan ang fountain malapit sa altar ganundin ang maliliit na ilaw. Naging enchanted ang buong venue. The music kicks in. A soft melody of violin and cello. Sa likod ng fountain ay nahawi ang kulay gold na kurtina at lumabas doon... ang bride.
Namangha ang lahat ng nasa venue. Every visitors and witness sought the beauty of the bride beside the altar.
She's wearing an off-shoulder full-leeves golden lace royal-cut wedding gown. Mind you, si Lukas ang nagrecommend ng style na 'yan sa well-known Russian wedding gown designer na si Yna Ivanovski.
The gown was very really regal, not to mention very expensive.
"She's very pretty, isn't she?" siko ko kay Bennet.
Bennet didn't talk. He just stared at the woman by the altar like she's the most important person in his life. Oh well, she is. For sure.
Pumuwesto ang bride sa gilid ng altar, kung saan niya iintayin si Bennet na siyang lalakad sa aisle.
"The bride is set. Ngayon naman lalakad na po ang ating groom!"
Nagtawanan ang mga bisita. I can see Georgie dying on her seat while laughing. Kahit si Mistress Vanessa at si Lord Emenrad eh mahinang tumatawa, ganundin ang Lola ni Bennet.
"First time yatang mangyayari ito kaya ilabas na ang mga cellphone niyo at video-han ang groom, dali!" ani Lukas sa podium.
Agad umangal si Bennet at hinayaan ng kamao ang pamangkin, na tumawa lang naman.
"Pero hindi ganun kadali ang gagawing paglakad ng groom. Nakikita niyong nakahara sa dadaanan niya ang mga groomsmen or should i say... the wedding guards."
Kumaway-kaway si Lukas at Luke sa tiyuhin.
"Bawat isang groomsmen ay may question, about sa bride!"
"Whoa!" singhap ni Bennet. "Anong pakulo yan!!?" sigaw niya at narinig yun ng lahat kaya nagtawanan na naman ang mga bisita.
"Relax Uncle. Para lang masiguro namin na kilalang kilala mo ang babaeng papakasalan mo."
Bennet hissed like a snake pero hindi na siya nagreklamo. Alam niya kasing may punto ang gagawin namin.
Aminin na natin kasi na, hindi naman ganun katagal ang panahon na nakilala ni Bennet si Cole. Ilang months pa lang actually. Whirlwind romance ang nangyari sa kanila. Plus, nakilala niya si Cole as Nicky.
Ginawa namin 'to para masigurong alam na alam ni Bennet ang background ng babaeng papakasalan niya.
"Ready?" Lukas raised his arm and signaled for the music.
The wedding march theme echoed in the air.
Sumaltak lang si Bennet bago ko siya tinulak ni Fuji papunta sa aisle.
----
Bennet's POV
Napailing na lang ako.
Sinasabi ko na nga ba eh. Kaya duda ako na kuning wedding organiser 'yung tatlong yun. Iba ang gagawin nila. They won't settle for the normal wedding. They'll put twist as all their brains were twisted.
Damn.
Pero nandito na ako at may punto sila.
I'll answer questions from each groomsman? Fine!
"And the groom finally walked. Uncle, tandaan mo. Pag mali sagot mo, walang wedding na mangyayari," ani Rave. Nagtawanan ang mga bisita.
Gusto ko siyang batuhin ng sapatos pero nagpigil ako. Hinarap ko ang unang balakid sa aisle. Isa sa mga MIB, si Peter.
"What's Cole's favorite color?" tanong agad niya.
Gusto kong itirik ang mata ko. Her favorite color. That's easy. Cole doesn't like bright feminine color, ayaw din niya ng masyadong dark. Her shirts, jackets, shoes, pants... they're all in unison color.
"Gray," sagot ko.
Ngumiti si Peter at inabot sa 'kin ang isang tangkay ng rosas. Kinuha ko yun. Tumabi naman agad siya kaya lumakad na ulit ako papunta sa kasunod na groomsman. Si Luke.
Pumalakpak ang mga bisita. I could see from a peripheral vision that my mom was cheering for me.
"Hello, Uncle!" bati ni Luke.
"What's the question?"
"Nagmamadali ah."
"Bilis!!"
"Eto na... Anong pangalan ng Club ng sinalihan ni Aunt Cole nung college days niya sa U. P.?"
"Maintenance Department! Tabi!"
Hinawi ko si Luke patabi para makalakad ako, pero pinigilan niya ako. "Sigurado ka sa sagot mo?" ngisi niya.
Ngumisi din ako. "Yes! She hated boring clubs above all. She thought Maintenance Department is the best for adventure!"
Sumaltak si Luke bago inabot din ang isang tangkay ng white rose. Tinanggap ko yun bago naglakad sa kasunod niya. Isa ulit MIB.
The questions were mostly fair and easy. Tungkol lang talaga lahat kay Cole. Good thing, kinilala ko ng todo ang babaeng dinosaur na 'yun.
Isa pa, kahit nung nagpanggap siyang si Nicky... ang tunay na ugaling-Cole ang pinakita niya sa 'kin kaya hindi ganun kahirap na kilalanin siya.
Every details from her background, umuukit yun ng kusa sa utak at puso ko.
Must be because I love her so.
"What's Aunt Cole's most favorite animal?" Si Lukas. Ngiting-ngiti siya.
"A tiger. A white albino tiger in particular!" balewalang sagot ko.
Ngumiwi naman si Lukas. Siguro naalala niya yung insedente ng tigre sa California noon.
Malapit na ako sa altar, at isa si CiN sa dapat na lampasan ko. As usual, he just stared at me blankly. Pero ang tanong na hawak niya ang isa sa pinakamahirap na tanong na narinig ko.
"What's Aunt Cole's favorite food?"
Napaisip ako.
Matakaw si Cole. Kahit ano kinakain niya. Kaya hindi ako sigurado kung anong paborito niya. Wala rin siyang nabanggit sa 'kin.
Pinilit kong magflashback para lang matandaan kung may pangyayari bang nagrequest siya ng pagkain at sinabing paborito niya yun.
Well... yung lugaw. Pwro hindi dapat kasama yun. Cravings lang yun dahil buntis siya.
Hmmm.
"Hindi mo alam?" untag ni CiN.
"Sandali nag-iisip ako."
CiN sighed. "Common sense lang, Uncle."
"Using common sense is not a solution---"
"Mahal ka ba ni Aunt Cole?"
"Of course!" indignant kong sagot.
"Anong paboritong pagkain mo?"
"Adobo!" gigil kong sagot. "Pero hindi yun ang tanong!"
"No, Uncle. 'Yun ang tanong!"
"Ang tanong eh paboritong pagkain ni Cole, hindi 'yung sa'kin!"
"Exactly!"
Gusto ko sanang pingutin si CiN sa tenga niya at hilahin siya pauwi sa kanila. Pero hindi ko ginawa dahil... tama siya. Common sense lang.
I don't know what Cole's favorite food. But she loves me, and she loves to cook adobo which means...
"Adobo din ang paborito niya?" tanong-sagot ko.
CiN smiled and gave another rose. "Correct!"
Napatawa ako. Parehas lang pala kami ng gusto!
Nang tumapat ako kay Thurstin, matiim ang tingin niya sa 'kin kaya napaseryoso na din ako.
Iba ang tingin niya eh. Parang nanunukat.
What? Huwag niyang sabihing tutol pa rin siya sa'kin na maging asawa ng bestfriend niya?
"What's your question?"
Tinapunan ko ng tingin ang babaeng matiyagang naghihintay sa tabi ng altar.
Isang groomsman na lang! Si Thurstin na lang!
JM just stared at me. Medyo nailang tuloy ako.
"Thurstin..."
"What do you think is the reason why Cole loves photography?" tanong ni Thurstin.
Natigilan ako.
Photography is something that Cole and I never really talk about. Because it's related to her job... which I don't like. Ayoko sa trabaho niya kasi palagay ko delikado yun. It required her to travel a lot in the whole world.
So what's the answer? Why did Cole love photography?
I don't know. Yun yung bahagi ng pagkatao niya na hindi pa nabubunyag sa akin.
Bumuntung-hininga ako.
"Ang totoo... hindi ko alam."
Nagbulungan ang mga tao sa paligid. Siguro nadismaya sila na hindi ko alam ang sagot. Kahit ako dismayado din sa sarili ko. But what the heck!?
"Who cares?!" dagdag ko. "When you love a thing, you don't have to know the reason behind loving it. You just love it. Because you do. Mahal ni Cole ang photography, eh kasi ginusto niya yun! Just as ginusto ko ring mahalin siya. With no damn reason behind it!" matigas kong sagot. "Marami pang panahon ang lilipas na kasama ko siya, sa panahon na yun pwede kong malaman kung bakit niya mahal ang photography. At kapag alam ko na ang sagot, babalikan kita!"
Natahimik ang paligid dahil sa sagot ko. Hindi ko alam kung acceptable answer yun but at least i tried, di ba?
But then...
Thurstin suddenly burst out laughing. "Parang
gusto mo akong suntukin sa klase ng sagot mo ah. Relax, Bennet. Hindi naman ako tututol sa kasal niyo ni bestfriend. Isa pa, wala namang mali at tamang sagot sa tanong ko. But I'm impressed with you so here..."
Inabot niya ang isang mahaba at puting ribbon lace.
"Para saan yan?" tanong ko.
Tinuro ni Thurstin ang mga roses na naipon sa kamay ko. Yung binibigay sa 'kin tuwing tama ang sagot ko. Tapos tinulungan niya akong itali iyun para maging isang bugkos.
"A bouquet?" di makapaniwalang tanong ko.
Ngumiti si Thurstin at inginuso ang bride sa altar. "Hindi mo ba napansin, wala siyang bouquet na hawak. It's because you have it. Give it to her!"
I knew it.
Kakaiba din talaga mag-isip sina Fuji. Pinag-isipang mabuti.
Tinulak ako ni Thurstin papunta sa altar, bago siya naupo sa upuan para sa entourage.
So I looked at the beautiful woman by the altar and smiled at her.
"Hi!" she greeted. Glowing and everything.
"Hey!" ngiti ko.
I took her hand and guided her in front of the altar. A priest suddenly immerged out of nowhere and begin his sermon.
"Everyone please rise!" sabi ng Pari. At nagtayuan ang lahat.
"We are all here to witness the vow of a man and a woman who promise to love each other eternally..." I hold the hand of the woman beside me tightly.
The Priest continued his words until the inquiry...
"Ikaw babae, tinatanggap mo ba ang lalaking ito para maging kabiyak mo habangbuhay. At nangangakong mamahalin siya at pagsisilbihan... hanggang sa kayo'y papaghiwalayin ng kamatayan?"
"Opo Padre," sagot niya.
Ngumiti ako sa sarili ko.
"Ikaw lalaki. Tinatanggap mo ba ang babaeng ito para maging kabiyak mo sa panghabangbuhay. At nangangakong siya'y mamahalin, paglilingkuran... hanggang sa kayo'y papaghiwalayin ng kamatayan?" tanong ng Pari.
Hindi ako nagsalita kaya nagkaroon ng mahinang bulungan sa paligid.
"Inuulit ko... Tinatanggap mo ba ang babaeng ito para maging kabiyak mo sa panghabangbuhay. At nangangakong siya'y mamahalin, paglilingkuran... hanggang sa kayo'y papaghiwalayin ng kamatayan?"
Humugot ako ng hininga bago kumalas ng hawak sa kamay ng babae sa tabi ko at hinarap siya.
"I will... if you are Cole... but you are not. You're Cole!" angel ko.
The woman beside me looked at me blankly for straight five seconds. Bago siya biglang tumawa.
"Oh my god, Bennet!! Paano mo nalamang hindi ako si Cole!!? Amazing!" manghang tanong ni Cole.
Yep. Si Nicky nga ang babaeng nakawedding gown.
"Simply because I don't feel like marrying you," sagot ko.
"Ouch ha!"
Nagtatawanan ang mga bisita dahil sa nangyari. Lalo na sina Lukas, Raul Frey at Fuji. Pati ang Pari, na mukhang kasabwat eh mahinang nakikitawa.
"Where is Cole?" tanong ko.
"I don't know," sagot ni Cole.
Humarap ako sa mga bisita at namewang.
"KAPAG HINDI KA NAGPAKITA SA'KIN, COLE NGAYON DIN?! WALANG KASALANG MAGAGANAP!!!" sigaw ko.
Suddenly, a small woman in a simple white dress immerged from nowhere.
"Hello Bunny Hubby ko!!" she said in a ringing voice. "Sorry! Pakana 'to nina Lukas, ultimate test daw sayo, naki-ayon lang ako! I'm also a victim so spare my poor life!"
Napailing na lang ako.
Her baby bump is visible on her dress but it makes me more excited.
"May magagawa pa ba ako?! Just come here at the altar and marry me now!"
"Magkano bayad sa'kin?" Cole smirked at me.
"More than a hundred million dollars!" sagot ko.
"Ganun? O eto na!"
At nagmamadaling tumakbo si Cole papunta sa altar, just like what she did last time. She ran ito me. Sinalubong ko siya ng yakap.
"Ikaw na babae ka, ugali mong pasakitin ang ulo ko!"
"Soooww? Mahal mo naman ako," sagot niya.
"I agree," ngiti ko. My heart was fluttering with all kinds of emotions.
"Ano? Ikakasal pa ba kayo o magyayakapan na lang?" singit ng Pari.
Sumimangot si Cole. "Si Father... killjoy!"
And everyone who heard that laughed.
THE END!
A/N
TRAPPED WITH YOU (2) BOOK 2 COMING SOON!!
The End
You finished this book. Find your next story below.





