CHAPTER 58 selos
At midnight, nag-text sa akin si Nicky. Seems like malapit na siya.
Nakahanda na ang maleta ko, nasa porch na yun. Iniintay ko na lang si Nicky. Nakatayo ako sa harap ng kuwarto ni Bennet. Tulog pa rin siya. Mahimbing.
Binihisan ko si Bennet habang tulog siya. Ayokong makita si Nicky na walang damit ang lalaki Pagdating niya. Mukhang malala ang epekto ng alak sa sistema ni Bennet dahil hindi siya nagising.
Ni-lock ko rin ang pinto ng kuwarto niya. Baka kasi pasukin ni Nicky si Bennet at tabihan sa pagtulog.
Call me whip but I don't like that to happen tonight. Not tonight. This night is mine.
Napabuntunghininga ako.
Tunay na ito. Aalis na talaga ako. After months of being with him, finally iiwan ko na ang pangalang Nicky. I'll be Cole once again.
Great. Hindi ko na magawang magsaya.
Napalingon ako sa labas nang marinig ang pagparada ng kotse sa tapat ng bahay.
That must be her. The true Nicky.
Lumapit ako sa maleta ko at hinila yun palabas ng bahay. True to what I said, si Liza nga ang nakita kong nakatayo sa labas ng gate. She's clutching her luggage.
"Nicky," mahina kong bati sa kakambal ko. Ngumiti siya sa kin nang matamis.
"Cole!" bati niya. "Where's my husband?"
My husband. Inangkin na agad ni Nicky si Bennet. Sakit sa ears.
"On his room. Tulog na siya. His room was locked so take the guestroom. Doon ang kuwarto ko," sabi ko.
"You mean, hindi kayo magkatabi matulog?" kunot noong sabi ni Nicky.
Tumango ako. "Bennet doesn't like it."
Umismid si Nicky. "Hindi bale, I'll see to it na tatabi siya sa kin tomorrow."
Kung pwede lang sabunutan ko si Nicky, ginawa ko na. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Alam kong kayang kaya ng kakambal ko na akitin si Bennet. Possible yun.
Kinuha ko ang isang notebook at inabot yun kay Nicky. "Ito basahin mo, nandyan lahat ng ayaw at gusto ni Bennet. Tandaan mo na lang. Baka mahuli ka niya na hindi ikaw ang pinakasalan niya---"
"Come on, Cole. Mas kilala ako ni Bennet kesa sayo. So you have nothing to worry about," confident na sabi ni Nicky.
Gusto ko ring umismid. "O eh di sige," sabi ko. Magaling siya eh.
Sunod na inabot ko lay Nicky ang wedding ring. Halos isang linggo kong sinabon sabon ang daliri ko para lang natanggal ang singsing. Sa Totoo lang akala ko mapuputol ang daliri ko dahil humihigpit yung singsing. In the end, nahubad ko rin siya.
"Here, the wedding ring."
Kinuha ni Nicky ang singsing at tiningnan. "Wow. This is one hell of a ring. Galante talaga si Bennet pagdating sa mga ganitong bagay."
Tumango ako.
Sinuot ni Nicky ang singsing. At sa kung anong kababalaghan eh... hindi yun kasya sa kanya.
"It won't fit," sabi niya.
"Tyagain mo lang, kakasya din yan," sabi ko.
"Ayaw talaga!" medyo inis na sabi ng babae. "Magkasukat tayo ng daliri dapat kasya to sa 'kin!"
Biglang may sumaltak sa gilid. Palingon ko, si Thurstin nakasandal sa kotse. Hinatid niya pala si Nicky. Hindi ko agad napansin.
"Hindi kakasya sayo ang singsing dahil hindi kayo magkasukat ng kamay," ani Thurstin. "Due to photography, iba ang hugis ng daliri ni Cole kesa sayo. I'm afraid, hindi kailanman magiging fit ang wedding ring sayo."
"Nonsense!" piksi ni Nicky. "Kakasya to. This is just a ring!"
Nagkibit-balikat ang lalaki. "Bahala ka."
"I'm going in," ani Nicky na humakbang papasok ng bahay.
"Yeah," sabi ko. Hinila ko ang maleta patungo sa dereksyon ng kotse. "Call me when you have problems, Nicky."
Ngumiti ang kakambal ko. "I will!"
Pumasok nang bahay si Nicky at pumasok naman ako sa kotse. Nilagay ni Thurstin ang maleta ko sa compartment at pagkatapos at pumasok na rin siya sa driver seat.
"You okay?" baling ni Thurstin sa akin bago buhayin ang makina ng sasakyan.
Tumango ako. My mind was empty. "Yeah."
Hindi nagkomento si Thurstin. Nagmaneho na lang siya. Tumingin ako sa labas ng bintana at minasdan ang bahay ni Bennet habang papalayo kami.
The small house that'd been my home for days.
Goodbye. Goodbye. Hindi na ako aasang makikita ka ulit, Bennet. I wish you all the best in life. Sana maging okay kayo ni Nicky. Ng tunay na Nicky.
Even if my heart is shattering, I will be okay. I will move on.
"You can cry," sabi ni Thurstin.
Umiling ako. "Ayoko. Sayang ang luha."
Masaya na ako na sa huling pagkakataon, naipakita ko kay Bennet na mahal ko siya. Kahit na hindi kami para sa isat isa, Masaya na ako sa mga alaala.
"Babalik na ako sa London, Thurstin... Sasama ka?"
Thurstin smiled widely. "Tagal ko nang hinihintay na marinig yan sayo. I miss our adventures."
"How about Nicky?" tanong ko.
"Alam mo namang matagal na akong give up sa kanya. I must have loved her from before, pero maraming babae sa mundo Cole. I can find someone for me."
Ah. So hindi na pala umaasa si Thurstin. Kunsabagay noon pa naman hindi na siya umasa sa kambal ko. Tama yun. Humanap na lang siya ng iba. Susuportahan ko siya.
"Pagbalik ko, we will conquer the world, Thurstin."
"Haha! I bet!"
Bennet POV
I snapped my eyes open. The cold morning breeze hit my face. Parang ang tagal ko yatang nakatulog.
Huh!
Where am I?
I tilt my head and look around, nasa kuwarto nga pala ako. I stared at the wall clock ahead. It's quarter to seven already. May pasok ba ako ngayon? Bakit parang wala ako sa sarili? Ano bang ginawa ko kagabi?
Ah. The Drinking Party at Casa Catriona. Ang matandang Gunford na yun. Pinilit niya akong uminom nang uminom. Gusto niyang magpaligsahan kami ni Sagara sa pag-inom ng alak. Ayoko namang magpatalo kata hindi ako tumanggi. But... I have a very low tolerance to alcohol, nalasing agad ako sa pagkakatanda ko. Then right after few shots, my head gone wiry. Wala na akong maalala after nun. Total blackout.
Paano ako nakauwi?
Si Firenze ba ang naghatid sa 'kin?
Probably.
There's image of woman embracing me at the back of my head. Siguro si Nicky noong sinalubong ako. Aaah. I can't remember anything except nagdive ako sa basahan sa may pinto.
Tsk.
Bumangon ako at hinawakan ang ulo ko. It feels heavy. Hangover really sucks.
Strange though. Kahit masakit ang ulo ko, maganda ang pakiramdam ko. It feels like I just had a very good dream. But I can't remember the dream, I just know that its a good one.
Dumeretso ako sa C. R. at inayos ang sarili ko tapos ay naglakad ako palabas ng kuwarto. Medyo nagtaka pa ako dahil naka-lock yung pinto mula sa loob. Sinong naglock? Ako ba o si Nicky?
Upon remembering my wife, my heart flutters. Lumabas ako ng silid at hinanap ang babae. I thought na nasa kusina siya kasi doon ko siya madalas makita pero wala siya doon. Where is she?
I looked around until I saw a familiar figure of a woman standing on the porch. Si Nicky!
Tatawagin ko sana ang babae natigilan lang ako.
Well, I am sure na si Nicky ang babae sa porch but... she dressed differently.
Well not differently. Alam kong supermodel si Nicky at sanay siyang magsuot ng mga up to date at modern na kasuotan. Pero simula nung pakasalan ko siya, hindi ko siya nakitang nagsuot ng backless top, daring and very minimalist. She's also wearing crop short. As in short short.
What?
Akala ko ba baggy jeans and oversized shirt ang sinusuot niya? Or.... wait what?!
Hindi maprocessed ng utak ko ang nakikita ko. Si Nicky? Naka-backles?!
"Nicky!" tawag ko sa babae.
The woman turned around. With sparkling eyes, Nicky called my name. "Bennet!!"
Natigilan ulit ako.
I don't know why but it feels different. Her voice. Her face. Its all the same, pero may nagbago. Ano yun? Hindi ko matukoy.
Tumakbo papalapit si Nicky sa akin at yumakap. Nagulat ako. Totoo! Kahit kailan hindi nag-initiate ng yakap si Nicky sa kin. Lalo na sa umaga. She'll just shout at me or throw a fit, pero yung yakapin ako? I never remember that ever happened.
Gumanti ako nang yakap.
Even her smell is different. She scented like an expensive perfume. Hindi ganito ang amoy niya na nakasanayan ko. Her scent are always normal, very simple. Yung pabango niya ngayon ay sobrang tamis.
Bakit nag-iba?
No Bennet, you are wrong. Ito yung Nicky na naging girlfriend mo noon, remember? Yeah. Naalala ko, ganito na siya noon. Nabago lang noong pakasalan ko siya. Did it mean na binalik lang niya yung dati niyang gawi?
"Did you cook breakfast?" tanong ko.
Nicky stiffened suddenly. Bumitaw siya ng yakap at ngumiti. "No. I don't cook, remember?"
Kumunot ang noo ko. "Well, you always cook for me so how can you say that?"
Umiwas nang tingin si Nicky. She flipped her hair like a Prima Donna and strutted to the kitchen. "Well, of course. Sorry, nkalimutan ko. I'll cook something."
I just stared at Nicky.
Her eyes. Her eyes are different. They're brown. Once again, they're color brown. Black ang kulay ng mata niya. So how come na bumalik yun sa brown? Was that possible?
"Nevermind, sa office na lang ako kakain," sabi ko.
Kahit masakit ang ulo ko dahil sa hangover, magtitiis na lang ako.
Nicky spun around and run to me again. Pumulupot ang kamay niya sa braso ko. "Okay, if that's what you want."
"Eh ikaw, anong kakainin mo?" tanong KO.
"I don't eat breakfast."
Bumitaw ako nang yakap sa babae. It feels really strange. Her embrace is different. Its... its... its irritating.
Narinig kong nag-ring ang phone ko sa kuwarto kaya naglakad ako papasok at iniwan ang babae. The truth was umiwas lang ako sa yakap niya.
The phone was on the table. I answered it upon reading Fujima's name.
"Hello?"
"How are you?" bati niya.
"Fine," sagot ko. "Ikaw ba ang naghatid sa kin kagabi?"
"Nope. Si CiN ang naghatid sa yo."
"Si CiN? Nasa Drinking Party ang batang yun?!"
"Hindi. Sinundo niya yung kapatid niya, nadamay ka lang."
Oh. So nalasing din pala si Lukas.
"Leofwin. Napakahina ng tolerance ng pamilya niyo sa alak ano? Kayo Yung tipo ng lalaki na mabilis mapipikot ng babae."
"Shut up, Firenze!"
"Hahahaha!"
Sinabi ni Fuji na parating na raw siya para sunduin ako kaya nagpaalam na din ako agad bago naghanda para sa pagpasok.
I took a quick bath. At habang naliligo ako iniisip ko si Nicky.
Pakiramdam ko kasi ibang babae ang kaharap ko.
What's with that crop top and short? Bakit ganun ang damit niya? And her perfume? What happened doon sa 18 pesos worth of cologne niya? At ito pa, she didn't even bother to cook breakfast! What's with her? Anong meron sa kanya ngayong araw na to?
Nagbibihis ako nang marinig ko ang boses ni Fuji sa sala. Dumating na siya. Mukhang kausap niya si Nicky kaya nagmadali ako palabas.
"George said hi, Nicky!" narinig kong sabi ni Fuji na nakatayo malapit sa pinto.
"George?" anang babae.
"Yeah, George!"
"Look Fuji!" piksi ni Nicky sa tinig na inis. "Wala akong kilalang George! Kung iniisip mo na marami akong ex na George ang pangalan, you're mistaken!!" sigaw ng babae.
Napatda si Fuji at napalingon siya sa 'kin.
"Nicky?" tawag ko sa babae.
"Look Bennet! Wala akong kilalang George! I don't know what Fuji's up to?!"
"Relax, Nicky..." sabi ko. "Si Georgessa ang tinutukoy niya. Remember her? You met her in California. At Sta. Clara?"
Hindi ko sigurado pero mukhang nagulantang si Nicky dahil sa sinabi ko. The horror in her face stays for few seconds.
"Georgessa. George. She's my fiancee, you're friend with her, remember?" ani Fuji.
"I... I..." hindi makapagsalita ang babae. She just looked at me and Fuji.
"Its okay," ani Fuji. "Nkalimutan mo siguro."
Tumawa bigla si Nicky. "Right! Nakalimutan ko talaga. Sorry Fuji."
Tumingin si Firenze sa kin. "Let's go?"
Tumango ako.
Naglakad ako papunta sa pinto pero humarang si Nicky sa akin. Bago ako makareact, she kissed me on my lips.
Even her lips taste different.
What the---
"Take care," ngiti ni Nicky.
Tumango ako at hindi nagsalita. I followed Fuji to the car with my mind as blank as paper and light as balloon. There's one sentence that formed though...
She's different.
Cole POV
Mabilis akong tumingin sa cellphone ko nang makitang umiilaw iyon. There's a call!
I grab it and got disappointed when I saw Henriette's name. Tsk! Si Henriette lang pala.
I was half-expecting the call to be from Bennet. Yeah, alam ko namang malabong tumawag si Bennet sa phone ko dahil nagpalit kami ng sim card ni Nicky. No. Bumili na pala ako ng bagong sim card kasi yung ginagamit ko, binigay ko na kay Nicky.
Tsh! Baliw ka, Cole! Walang way para makontak ka ni Bennet tapos aasa-asa ka na lalabas ang pangalan niya sa screen ng phone mo! Isa kang malaking engot!
Napabuntong-hininga na lang ako. Maling umasa pero anong magagawa ko? Hindi ko mapigilan eh. Yung puso ko umaasa.
Sinagot ko ang tawag ni Henriette, kasi baka magalit siya sa 'kin once na hindi ko siya sagutin. Henriette is one of my boss in NatGeo.
"Yes, Madam? Napatawag ka?"
Yes, Filipino si Henriette. Naka-base siya sa London at nakapangasawa ng British kaya doon na siya namamalagi.
"Madam-in mong mukha mong dinosaur ka!" bungad ng babae.
Umikot ang mata ko. Ayan na naman siya.
"Bakit ang tagal mong mag-report dito sa Office? Sobra-sobra na ang leave na binigay sayo ah! You better file for resignation letter---"
"Sobra ka naman, Madam. Eto na nga o, babalik na ako. Naka-set na ang flight ko next next week!" sagot ko.
"You better be, dinosaur! Short tayo sa photographer ngayon. May assignments agad ako para sayo at dahil pasaway ka, sa Antartica kita ipapadala!"
"What?!"
"What what ka dyan?! Doon ka sa mga penguin, hahanapin mo dun si Happy Feet!"
Napakamot ako sa ulo. Mukhang seryoso si Henriette na ipadala ako sa kontinente ng yelo na yun.
"Totoo?" kinompirma ko pa.
"Pasalamat ka't may babalikan kang trabaho! Sa buwan sana kita ipapadala eh kaso di pa naiimbento ng Space X yung moon voyager na pang-passenger!"
Napatawa ako bigla. "Okay na ko sa Antarctica, Madam. Kaninong team ba ako sasama?"
"Kay James."
Sumimangot ako. Si James pa ang team leader namin. Ang manyakis na yun. Si James Walden, manliligaw ko kuno na ang gusto lang eh maisahan ako.
"Don't worry, kasama sa team niyo si Thurstin so if ever na manyakin ka ni James, at least may susuntok sa kanya!"
"Madam, bago pa siya masuntok ni Thurstin bugbog na sa'kin ang James na yun!" sabi ko.
"Whatever. Basta next next week, dapat nandito na sa London or else!"
"Oo na, Madam. OK na nga ako o. I'm all set. Inaayos ko lang yung ibang papeles para wala akong problema sa immigration. I have to renew my working visa," paliwanag ko.
"Good!"
After a few more minutes nagpaalam na din ang boss ko. Magpapakain pa daw siya ng mga inakay, meaning ng mga anak niya.
Bumuntung-hininga na lang ulit ako nang mawala sa linya si Henriette. Tapos ay tumitig ako nang matagal sa phone ko.
"Si Henriette ba yun?" biglang sulpot ni Thurstin mula sa pintuan ng kuwarto ko. May hawak siyang sandwich at kumakain. "I gave her your new number."
Nandito kami ngayon sa isang hotel sa Pasay. Hindi kasi kami pwedeng tumuloy sa Mansion sa Las Piñas dahil baka may bantay si Bennet doon.
"Yeah. Sa Antarctica daw ang mission natin," sagot ko bago sinalansan yung mga papers at nilagay sa envelope.
"Uhuh. Are you ready?" tanong ni Thurstin.
Tumango ako.
"No, you're not," sabi niya na ikinatigil ko. "Wala sa trabaho ang utak mo, Cole. Kundi nandun sa tao na milya-milya ang layo sa tin ngayon."
Hindi ako nagsalita.
"Iniisip mo si Nicky no?" aniya.
Tumango ako.
"At mas iniisip mo si Bennet."
Hindi ulit ako nagsalita.
Sumaltak nang malakas si Thurstin. "Come on, Cole. Basa na kita. Iniisip mo kung ano na kayang nangyari dun sa "asawa" kuno ni Nicky. You're wondering if they're doing fine."
Tama naman si Thurstin, iniisip ko talaga sila. Iniisip ko kung naiisip ba ni Bennet na iba ako sa kakambal ko. Na somehow, nagtataka siya na magkaiba kami ni Nicky. Although alam ko na masamang malaman ni Bennet na magkaiba kami, pero may bahagi ng puso ko ang umaasa na sana nararamdaman ni Bennet na hindi na ako ang kasama niya.
It pained me.
Ilang araw na rin ang lumipas pero mukhang okay naman ang pagsasama ni Nicky at ni Bennet. Ayon sa mga messages ni Nicky, sweet daw sa kanya si Bennet. At masaya sila.
Masaya din dapat ako para sa kanila kasi ibig sabihin nun, tuloy na tuloy na ang lahat. Nicky and Bennet, they can be together forever.
Pero ewan ba, ang sakit sa puso eh. Nawawalan ako ng lakas. Yung isipin na kasama ni Bennet yung kakambal ko. Tapos sweet sila sa isa't isa. Who knew, they're probably kissing a lot too. It was a torture for me.
Pero hindi ako makapagreklamo. Masakit sa kin pero wala naman akong magagawa kundi ang bumuntung-hininga lang at isipin na babalik na ako sa trabaho ko.
I have to endure this great pain. Kasi ito ang bunga ng pagsisinungaling ko kay Bennet.
"Well, kung ipapaalala mo talaga sa 'kin si Nicky at Bennet minu-minuto eh talagang iisipin ko sila," sagot ko kay Thurstin. "So please Thurstin, shut your mouth and just find a girl who'll love you eternally and not one-sidedly."
Sumimangot si Thurstin. "Fine! Fine! Alam kong hindi ako gusto ni Nicky pero ang idikdik mo yun sa gwapo kong mukha ay hindi katanggap-tanggap!"
Umismid ako at binato kay Thurstin ang isang magazine. Nasalo naman niya yun agad. "Makikita mo, Cole! May magmamahal din sa 'kin! Itaga mo sa bato!"
"Sino nmang magkakagusto sayo!?" singhal ko sa lalaki.
"Well... siya!" tinuro ni Thurstin ang babae sa cover ng magazine na binato ko sa kanya.
It was a high-fashion magazine so kung sinuman ang cover nun, she's probably a known supermodel.
"Asa kang magkagusto yan sayo," sabi ko. "Diyosa yan! Ikaw ay dukha!"
Binato ni Thurstin ang magazine pabalik sa 'kin. Umilag ako habang tumatawa. Pero kinuha ko ang magazine at tiningnan ang cover.
The woman in the cover is breathtakingly beautiful. Kapal ng mukha ni Thurstin na sabihing magkakagusto sa kanya ang babae. For some reason, the woman has familiar features, such as chocolate brown eyes and slim-fine lips. Tiningnan ko ang pangalan ng modelo at nagulat ako dahil Kylie Leofwin ang nakasulat doon.
The model's name was Kylie Leofwin. Same apelyido ni husband. I mean ng husband ni Nicky.
Oh well, she's probably a cousin of Bennet.
Goodluck to you, Selena. Wag kang maiinlove kay Thurstin, siraulo bestfriend ko eh, di lang halata. Baka i-date ka din niyan sa zoo. Lol.
"Anong iniisip mo at ngumingiti ka dyan?" tanong ni Thurstin.
"Iniisip kong pangit ka kaya malabo kang magka-girlfriend," sagot ko.
Tumalikod lang si Thurstin pagkarinig nun. Pikon.
Haha!
----
Bennet POV
Gusto kong umiling nang malasahan ang adobong niluto ni Nicky. Just as I expected, iba nga lasa noon. It was bland and has no taste. Kahit yung kulay ay hindi katulad nung dati. Maputla.
"Nicky..." tawag ko sa babae.
"Yeah?" sagot niya sabay ngiti.
"Nakalimutan mo ba bigla kung paano magluto ng adobo?" tanong ko.
Kumunot ang noo ng babae. "Why?"
Bumuntung-hininga ako at binitawan ang kutsara. "It taste different, honey."
Mukhang nagulat si Nicky. He face even turned pale a bit. "I'm sorry, sweetheart! Medyo may sipon kasi ako kaya hindi ko malasahan nung tikman ko yan kanina."
I know. I know. Because I saw you googled it, sabi KO sa isip ko. Nicky used google to know how to cook adobo. Paano nangyari yun? Mana said to me that the adobo before was cooked professionally by Nicky. So how come?
Pinilit kong kumain kahit na hindi ko gusto ang lasa.
After days and days na magkasama kamkami, mula noong Drinking Party ng GTE, ramdam kong nag-iba si Nicky. Sobrang laki ng pagbabago niya na gusto kong isipin na hindi siya ang babaeng pinakasalan ko.
Una, hindi siya gumagawa sa bahay. She hired a helper to clean the house and do the laundry. Sobrang liit na ng bahay namin pero nagawa pa niyang mag-hire ng tagalinis.
Samantalang dati, noong sa Mansion sa California. Araw araw tumutulong si Nicky sa paglilinis. She even cleaned that dirty room of Kelly.
Second, bihira siya magluto. Hindi naman sa inaasahan kong magluto siya lagi. Pero kumpara noon, parang allergic na siya humawak ng cooking utensils ngayon.
Third, bumalik yung accent niya. I mean yung maarteng accent na hindi ko narinig noong pagkakasal namin.
Pang-apat, she always do shopping. At mga expensive na damit ang binibili niya. I started to wonder where the hell those baggy shirts and jeans gone into? Nawala na eh. Bumalik yung model-Nicky.
Marami pa eh. Marami akong napansin pero dahil busy ako sa trabaho, hindi ko yun napagtuunan agad ng pansin. Madami din akong ibang iniisip.
May bagong project ang RedSphere, ang expansion ng Ejax at ang Delaware partnership. Ayoko munang ihalo si Nicky sa kanila.