CHAPTER 53 hihintayin
Cole POV
"Let's all go inside nang makakain kayo. That must be a pretty tiring day for both you," ani Lord Emenrad. "Bennet I actually want to talk to you about something."
Tumango si Bennet sa Daddy niya. "Alright."
"Honey, samahan mo muna si Nicky sa komedor at nang makakain na siya. May pag-uusapan lang kami ng anak mo."
Tumango lang si Mistress Vanessa sa asawa bago tumingin sa akin na parang sinasabing sumunod ako sa kanya. Lumingon ako kay Bennet, nakabuntot na siya sa Daddy niya.
Hmmm. Kahit anong hinanakit o sama ng loob ang meron siya sa magulang niya, Bennet still wants to prove something, to connect to his parents in every way. Bilang bunso kahit papano gusto niya na paluguran ang magulang niya.
Hindi mo naman yun maiaalis bilang anak.
"What are you still ogling there for? Follow me!" untag ni Mistress Vanessa sa 'kin. Nakakunot ang noo niya.
"Sorry po," sagot ko.
Tahimik kaming naglakad patungo sa dining area ng Mansion. Sa sulok ng mata ko ay tinititigan ko ang matandang babae.
Mistress Vanessa is really an epitome of beauty and elegance with magnificent power. She's like a queen or an empress. Alam kong hindi siya Filipina. From what I heard she's a pure Danish. But her love for the Philippines is what drove her to live here as a model and eventually became Lord Emenrad Leofwin spouse.
She was tall and willowy, I can see Soram in her stance but her brooding expression is similar to what Bennet and CiN have. Her eyes are greenish too, expectacular to look at. Tsk! Sa sobrang ganda niya feeling ko tuloy muta ako.
"Don't you know its rude to stare?!"
Nagulat ako nang kunot noong lumingon sa 'kin ang ginang. Wow. Ang galing niya, alam niyang tinitingnan ko siya. At yung dialogue niya, parehas dati nung kay Bennet. Amazing!
Umiwas ako ng tingin at nagkunwaring dedma. Ganun lang ako hanggang marating namin ang komedor. Napalunok agad ako ng laway nang makita ang mga pagkain at automatic na nagtambulan ang mga bulate sa tiyan ko.
Goodness lord, gutom na pala ako.
"You can take that seat," ani Mistress Vanessa na itunuro ang silya sa kanang dulo.
Sumunod ako at umupo doon. Umupo din naman ang babae sa kaliwang bahagi. Nagmasid ako sa paligid habang nagsisilbi ang mga katulong sa tabi namin.
The whole place exposed the wealthiness of the owner of the house. Everything is so grand. Yung chandelier sa kisame. Yung mga painting sa wall. Yung carpet sa sahig at kahit yung mga katulong. Lahat sila magarang tingnan. Feeling ko tuloy out of place na naman ako. Nakakapanliit. At nakakapanghinayang. Kasi hello, andaming mahirap sa earth tapos may mga ganito ka-bonggang lugar na nageexist. Unfair diba? And look at the food! So many dishes pero ilang piraso lang naman ang kakain nito. Ang matitira itatapon lang. Tsk!
"Go ahead and eat," anang Ginang.
Mistress Vanessa was so civil, naiilang tuloy ako pero dahil gutom ako wapakels. Gaya ng dati kumuha ako ng maraming maraming pagkain sa plato ko. Napapatingin sa kin si Mistress Vanessa pero dinedma ko siya.
Inisip ko si Bennet, baka gutom na rin yun. Kawawa naman. Tiyak na business lang ang pinaguusaapan ng mag-ama na yun. Dapat kumain muna sila.
"Seriously, are you going to eat all that food on your plate?!"
Pamilyar ulit sa 'kin ang dialogue nayun ni Mistress Vanessa. Same dialogue ni Bennet tuwing nakikita niya ang umaapaw na pagkain sa plato ko.
"Opo. Gutom ako," sagot ko. "Sa America pa ata ako huling kumain. Lol."
Dismayadong ngumiwi ang ginang. "You're a model. You should watch your figure," komento ulit ng babae.
"Mas priority ko maging healthy kesa maging sexy. Bennet wants a child and I want to condition my body," sagot ko ulit.
Kita kong tumaas ang kilay ni Mistress Vanessa. Ano? Kokontra?
"Out of all the women Bennet has in his life despite Kelly, I wonder why ikaw ang pinakasalan niya."
"Same madam. Yan din ang tanong ko sa sarili ko," balewalang sabi ko. Alam kong may gustong ipahatid ang mommy ni Bennet sa kin pero di ko siya hahayaan na apektuhan ako nun.
"You killed Kelly."
"Sabi ng korte hindi naman daw."
Ibinaba ng babae ang hawak niyang kutsara. Dere-deretso naman ang pagsubo ko.
Alam kong hindi direkta sa kin ang atake niya. Pero dahil sinabi ni Nicky na wala syang kasalanan sa pagkamatay ni Kelly, naniniwala ako dun.
"You know that I don't like you, do you?"
Tsk!
Tumigil ako pagnguya at tumingin sa babae nang eye-to-eye. "I am very well aware of that!" sagot ko.
"I don't like you marrying Bennet!"
"I don't like it either, believe me."
"Hindi ko alam kung anong pumasok sa ulo ni Bennet para pakasalan ka," nanggagalaiting sabi pa ng Ginang. "I mean you're no Kelly."
Bumuntunghininga ako ng malakas. Ayokong maging bastos sa harap ng Monster-in-law ko kaya tumahimik na lang ako.
De joke lang. Si Goddess-Cole, tatahimik?! Patawa!
Tumayo ako mula sa pagkakaupo tapos tumingin ako ng tuwid sa babae. "Hindi ko rin ho alam kung bakit ako pinakasalan ni Bennet imbes na ang libo-libong babae na lumuluhod sa harapan niya. Ginawa ko lang din naman to para sa kompanya nina Papa alam niyo yan. Kung ayaw niyo sa 'kin wala na ho akong magagawa, ayaw ko rin naman sa inyo so quits lang. Kung naalibadbaran kayo sa presensya ko, ngayon din magiging invisible ako!"
Tinaas ko ang kamay ko at pumalakpak ng isa.
*clap*
"Ay sorry, di na pala gumagana invisibility power ko!"
Nakangangang nakatingin sa 'kin si Mistress Vanessa. Mukhang nawala ang galit niya, wirdu lang ang pagkakatitig niya sa kin gayundin ang mga katulong.
Awkward.
Kumunot ang noo ng Ginang sa pakakatingin sa 'kin bago tumaas ang kilay dahil sa katangahang sinabi ko. At mukhang magsasalita siya may pumigil lang.
"Mistress Vanessa, its Danny!" sabi nang isang babaeng nakauniporme ng puti. Parang nurse ata. Ewan. Mukhang nurse eh.
Nabago ang expression ng mukha ng mommy ni Bennet at napatayo siya sa upuan. "What happened to my baby?!" Nag-aalala ata siya.
Baby? May baby na anak ni Mistress Vanessa?
"Hindi pa rin po siya kumakain at matamlay siya."
"Oh no," nagmamadaling umalis ang ginang kasama ang babaeng nurse. Naiwan ako sa komedor na nakatayo.
Anyare?
Baby? May kapatid pa si Bennet.
Nawalan na ako ng ganang kumain kaya hindi na ako bumalik sa pagkakaupo. Sumunod na lang ako palabas dun sa pintong nilabasan ng mommy ni Bennet.
Na-curious kasi ako. Kilala niyo ko, daig ko pa ang pusa sa pagka-curios ko.
Sinundan ko ang dalawang babae sa mahabang hallway hanggang pumasok sila sa isang silid. Sunod agad ako. Naririnig ko silang nag-uusap.
"Wala syang sakit sabi ng mga doctor," anang nurse yata. "At normal po lahat ng vitals niya."
"Pero bakit Ayaw niyang kumain? At bakit nanghihina siya?" tinig ng ginang.
Sumilip ako sa pintuan ng bukas na silid.
Nakita kong tila nursery room for baby nga yun. May mga toys, ABC's posters, at kung anuanong pambaby na abubot. May crib din sa gitna ng silid.
Nakatayo sa gilid ng crib si Mistress Vanessa kung saan naman nakahiga ang isang...
Orang Utan??!!
Si Baby Danny ay isang Orang Utan?!
"Pffft!!!" di ko mapigilang mapatawa.
Napalingon tuloy sa kin ang Mistress Vanessa. "What are you doing here?!"
Uh oh.
"Uhm I was just... Mmmmm lurking?" hindi siguradong sabi ko habang nakangiwi. Umalis ako sa pagkakatago sa may pintuan at tuluyan nang pumasok sa loob ng kuwarto.
Wow ako nang intruder.
The room was brightly lit kaya kitang kita ko ang orang utan na pabiling biling sa crib na tila di mapakali. "What happened though? He's Danny?"
Nakatitig sa 'kin ang Mommy ni Bennet na parang gusto niya akong paalisin pero di niya nagawa dahil umuungol ang hayop.
"Baby, what is wrong with you?"
Baby. Gusto kong tumawa nang malakas dahil di ko akalain na ang medyo mamaw na nanay ni Bennet eh may ganitong side, pero di ko ginawa. Bilang animal lover napukaw ang damdamin ko nang hayop.
Lumapit ako sa tabi ng crib at nakiusyoso.
"Anong nangyari sa kanya?"
"Ako po ang nagbabantay kay Danny," anang mukhang nurse na katabi ko.
Sosyal. May sariling bantay ang orangutan.
"Nung isang araw pa po namin napansin na matamlay siya at di kumakain."
Iniunat ko ang kamay ko para hawakan ang hayop na nakagulong sa crib pero tumigil ako at mabilis na tumingin kay Mistress Vanessa. She was looking at me with weird expression.
"Can I touch him?" sabi ko.
"You're not afraid?" ganting tanong ng ginang. Umiling ako. "Then you can."
Itinuloy ko ang paghawak kay Danny.
He was relatively a small orangutan compare to his peers in Africa. Pale din ang balat nito at halos mamula-mula naman ang balahibo.
Hinawakan ko ang leeg ng hayop. Ramdam kong pumiksi si Danny na parang nasaktan tapos gumulong ito sa ka bilang bahagi ng crib.
"What did you do?!" sigaw ni Mistress Vanessa sa 'kin.
"Nothing," sagot ko agad. "Hinawakan ko lang ang leeg niya. He flinched, he must be in pain!"
"Pinatingin na namin siya sa vet, wala naman daw problema sa kanya. They did all sort of examinations to my baby."
Kita kong malambot ang expression ng mukha ni Mistress Vanessa. Mukhang nagaalala siya sa hayop.
"Do you have a gloves?" tanong ko sa nurse ni Danny.
Tumango ang babae at pagkatapos ay may kumuha ito sa drawer. Mayamaya ay inabot niya sa 'kin ang rubber white gloves. Isinuot ko yun sa kamay ko.
"I need a flashlight," sabi ko pa. Inabot din sa kin ng babae ang isang maliit na penflashlight.
Sa sulok ay nakatingin lang si Mistress Vanessa, at iba rin ang paraan ng pagtitig niya sa 'kin.
Tinulungan ako ng nurse na itihaya ang orangutan sa higaan. Pansin ko na nakatitig din sa 'kin ang hayop. Ngumiti lang ako. Naalala ko yung mga orangutan na naging kalaro ko sa Johannesburg noon.
"Hello Danny, how are you?" sabi ko sabay pisil sa sikmura ng hayop. Walang reaksyon. Kung ganun, hindi sa sikmura o tiyan ang sakit niya.
Itinapat ko ang flashlight sa mata ni Danny, tapos tinapik ko ang pisngi nito. Biglang naging dilated ang pupil sa mata ng hayop. May reaksyon. May masakit.
Sinabi ko sa nurse na tulungan akong ibuka ang bibig ng hayop nang dahan-dahan. Mahirap pero nagawa naman namin. Inilawan ko ang lalamunan ng orangutan, normal naman ang nakita ko.
"Weird. Normal ang color ng lalamunan niya. Walang inflammation na nagaganap. Eh bakit nasaktan siya sa leeg niya kanina?" nasabi ko.
Mistress Vanessa walked beside me. "You think its something?"
"Well sigurado po ako na may sakit siyang nararamdaman. Normally sa mga orangutan mataas ang pain tolerance nila. But because Danny is a pampered pet, mahina siya sa maliit na sakit. He's affected by it deeply. Wait..."
Muli kong inilawan ang bunganga ng orangutan.
"Nicky?!"
Si Bennet! Boses ni Bennet yun.
"What are you doi--"
"Tumahimik ka Bennet! May ginagawa ang asawa mo!" sigaw ni Mistress Vanessa. Nagulat man ako di ako nagpahalata.
Nagfocus ako sa hayop.
Sa lalamunan walang problema... Pero yung gum at wisdom tooth sa left side ay may build up ng cavities. Masakit 'to.
Hinawakan ko ulit ang leeg ng orangutan, at muli pumitlag ang hayop.
"That's it!" Lumingon ako kay Mistress Vanessa. "Yung nerve sa ilalim ng pisngi niya ay namamaga dahil sa bulok na ngipin!" sabi ko.
The woman looked at me blankly same as Bennet na nakatayo sa may pintuan.
"So you mean to say, may toothache siya?"
Nagkibit balikat ako. "First time din na narinig ko ganitong case. Well gaya ng sabi ko. Hindi iindahin ng normal na orangutan ang toothache. Pero si Danny ay pampered pet, di siya lumaki sa gubat so mahina siya sa sakit."
Inalis ko ang guwantes ko at lumapit kay Bennet.
"Dentists lang kailangan ni Baby Danny," I said to no one in particular.
Bennet just smiled at me. Mukhang gets niya nangyari.
"Are you some kind of vet? How did you know all that?" maang na tanong ni Mistress Vanessa sa 'kin habang kinakalong si Danny.
Ngumiti ako sa mommy ni Bennet. "Hindi po. Animal lover lang."
"Just like you Mom," segunda ni Bennet.
Cole POV
"Are you sure you're not going to spend the night here, you two?" narinig kong tanong ng father ni Bennet sa asawa ko.
Naglalakad kami papunta sa main porch ng Mansion kung nasaan naiwan yung sinakyan namin kanina.
"No, Dad," tipid na sagot ni Bennet.
"But Bennet!" bahagyang asik ni Mistress Vanessa sa anak. "It's better if you stay here---"
"No but, Mom."
Lumingon ang lalaki sa matandang babae at ngumiti. "We'll be fine. Isa pa, baka awayin niyo lang nang awayin ang asawa ko."
Muntik na akong mapatawa sa sinabi ni Bennet, pinigilan ko lang. Tumingin sa 'kin ang matandang babae. Bahagya siyang nakasimangot pero wala na yung animosity na tulad nung unang kita niya sa kin kanina.
Matapos yung insidente kay Danny kanina, feeling ko nabago kahit papano yung tingin sa 'kin ni Mistress Vanessa.
"Dalhin niyo na lang po si Danny sa vet asap," singit ko. "Para di na kayo nagaalala sa kanya. He'll be fine soon."
Ngumiti sa 'kin si Lord Emenrad. "Thank you for your help, hija. Kung alam mo lang kung gaano nagaalala tong misis ko sa alaga niyang yun. It's good that we encountered someone like you."
Umiling ako. "Nah. It's okay, Sir. I can relate. I love animals just as your wife does."
"Call us Mom and Dad," ani Lord Emenrad. "Anak ka na rin namin, hija."
Napangiwi ako sa sinabi ng matanda. Wew. Anak na rin daw nila ako.
Naramdaman kong hinawakan ako ni Bennet sa kamay kaya lumingon ako sa kanya. "Let's go, wife."
"Okay," sagot ko.
Hinila na ako ng lalaki patungo sa limousine.
"Wait!" biglang sabi ni Mistress Vanessa. Napatigil kami parehas ni husband. "Nicky! Nicky!"
Napamulagat ako, lumapit sa 'kin ang nanay ng halimaw.
May hinubad si Mistress Vanessa sa leeg niya. Isang kwintas. Akala ko kung ipupulupot niya yun sa leeg ko para sakalin ako kaya napapikit ako. Pero hindi naman nangyari.
Pagmulat ko nang mata nakasuot na sa 'kin ang isang gold necklace na may green emerald pendant. Whoa!
"Mistress---"
"Call me Mom!" anang babae na nakatitig sa mata ko. "That necklace should have been belong to Hannah, but since she's being an assborn child. I decided that the necklace should be given to you as a new member of Leofwin Family."
Whuut?!
Pinilit ngumiti nang ginang sa 'kin kaya lalo akong napamulagat.
"I know we started at the wrong foot. But we can always start, right?"
Hindi ako makapagsalita, parang may nakabara sa lalamunan ko. Naramdaman kong pinisil-pisil ni Bennet ang kamay ko kaya lumingon ako sa kanya.
He was smiling. Smiling softly. Parang gusto ko tuloy maiyak.
Guilt rush inside me like acid. Suddenly, I was hurting big time.
"Ah-mmm," hindi ako makapagsalita. Umiwas ako nang tingin kay Bennet at tumingin sa matandang babae. "S-salamat po."
I just can't believe that in a span of hours, mababago ang turing sa 'kin ng halimaw na babae. That somehow, she learned to like me and appreciate me by being myself.
I am so happy. So happy... but i'm hurting. I'm in so much guilt that I didn't even know how to say thank you properly.
Ngumiti na lang ako sa nanay ni Bennet.
"I'm expecting you to visit every week, Bennet," ani Mistress Vanessa. "You too, Nicky. You have to see Danny."
Tumango ako. "Of course, I will po." Though I know, si Nicky na ang bibisita sa kanya at hindi ako.
"We will, Mom!" sagot ni Bennet.
Lumakad na kami patungo sa sasakyan at sumakay doon.
Medyo magulo ang nararamdaman ko ngayon. I was emotionally unstable at this moment. Ayokong tumingin kay Bennet. Nagi-guilty ako. Ayoko nang ganito, na lagi akong nagi-guilty kapag may sinasabi siya o ginagawa.
Ramdam kong umandar ang sasakyan. I just stared outside the window and blankly appreciated the beauty of Verona. Hinahaplos-haplos ko yung pendant ng kuwintas.
"Nicky, you're being silent again..." untag ni Bennet mayamaya.
Bumuntunghininga ako. "Pagod lang husband. Kapag pagod ako, hindi gaano nagpa-function ang vocal chords ko so be rest assured. Samantalahin mong tahimik ako."
"Okay. I'm just checking," narinig kong sabi ni Bennet.
Nanahimik ako.
Minumuni at tinitimbang ang mangyayari sa hinaharap.
Kailangan ko nang makausap in person si Nicky. I have to know the truth behind Lesana's death. I can't stay like this anymore. I can't. Patawarin ako ni Bennet pero ayoko nang magsinungaling pa sa kanya sa mga darating na panahon. Hindi ko na kaya.
Sa tuwing ngingiti siya sa akin. At tatawagin ako sa pangalang Nicky, I can't help but felt guilty as ever. While I'm falling for him deeply. Kailangan kong isalba ang nararamdaman ko, at kailangan ko ring protektahan si Bennet laban sa sarili ko.
Tsk!
Ang hirap.
Napabuntunghininga ako. At kasunod nun ay narinig kong sumaltak si Bennet. "We're almost there Nicky, makakapahinga ka na."
Next thing I knew, tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang gate. Hindi naman pala ganun kalayo ang bahay ni Bennet sa mga magulang niya.
"O? Malapit lang pala? Sana naglakad na lang tayo!" sabi ko.
"Haha!" tawa ni Bennet.
"Nagsayang ka pa gasolina eh."
Umibis ako sa sasakyan at tiningnan ang bahay.
Medyo napamaang ako sa nakita.
"Wow... bahay mo, husband?" sabi ko sabay turo sa bongalow-style house na nasa harap namin.
"Yep!"
"Seryoso?"
"Yep!"
Tinitigan ko ang bahay. It was small. Hindi small na parang normal na bahay ng mga Filipino, kundi yung small sa standard ng mayayaman. One-fourth lang yata ito nung mansion sa California.
"It's a three-bedroom house, wife kaya medyo maliit. Wala ring second o third floor. Just a simple house that I really like," ani Bennet na nakatitig sa bahay.
Tinulak ko ang maliit na gate at pumasok. Among all the houses here in Verona, ito na yata ang pinakamaliit at... pinaka---
"Cute husband! Cute ng bahay mo."
Maganda ang pagkakagawa ng harap. It was a garden with magnificent landscape. Green grass and bedflower scattered around. Even the house, it was made of wood and glass and look very sturdy.
Classic.
Nakikita ko sa bahay ang mismong katauhan ni Bennet. Simple, striving, one-vision, straightforward... and warm.
"I designed the house while I was in Harvard with Rau and Firenze. Are you disappointed?"
"Pinaglololoko mo ba ako, husband! Ito na yata ang pinaka-komportableng bahay mo na nakita ko!" sabi ko.
Nagtatakbo ako papunta sa pintuan ng bahay at pumasok sa loob.
Kahit yung interior, it was all simple and warm. Hindi engrande. Walang chandelier o kahit anong eleganteng ornaments.
It was all wood and woolen couch. Simple plant and paintings, three bedroom door, kitchen and a dining table. Very homey.
"That is the master bedroom," turo ni Bennet sa isang kuwarto.
"Kuwarto mo," sabi ko.
"These two temporarily are guestrooms," turo ni Bennet sa dalawa pa na nasa dulo ng hallway.
"Yung isa, sa kin..." sabi ko.
Tumingin si Bennet sa 'kin. Nakakunot ang noo niya. "Aren't we gonna sleep together?"
"Whuuuut?!" mulagat kong react. "No! Wag ngayon, Bennet. Malakas ako humilik kapag pagod ako."
Nagkukumahog akong kinuha ang maleta ko at hinila papunta sa isang guestroom. "I'll rest first. See you tomorrow, monster!" sigaw ko kay Bennet.
My heart is pounding like crazy when I close the door shut. Umupo agad ako sa kama dun at kinalma ang sarili ko.
Sa ganito kaliit na space nang bahay ni Bennet. Malamang minu-minuto ko siyang makakabangga. Crap! Baka atakehin ako nito sa puso kada oras.
Cole. Ano nang gagawin mo?
Shit!
Alam kong nagtataka na si Bennet sa ikinikilos ko pero anong magagawa ko. Tinatamaan na ako nang matinding anxiety. Parang pakiramdam ko, matutuklasan na ni Bennet kung sino ako at magagalit na siya sa 'kin.
Alam kong hindi naman yun imposibleng nangyari pero ayokong matuklasan niya kung sino ako habang nasa tabi pa niya ako. Kaya gusto ko nang lumayo. Hindi ko kakayaning harapin ang galit ni Bennet.
Duwag na kung duwag. Pero hindi ko na kaya.
I took my phone out of my pocket and immediately dial his number.
Thurstin number.
After a moment, I heard him saying 'hello?'
"Thurstin!"
"Cole! Napatawag ka? May... problema ba?"
"Thurstin! Thurstin, I can't do this anymore!"