Chapter 52: pagtingin
"Sino kaya sa 'tin ang matigas ang ulo?" sabi ko. I'm not joking. I know for a fact na singtigas ng adobe ang ulo ng babaeng 'to. Word-wise at reality-wise.
Natigilan si Nicky na tila nag-isip. "Well may point ka. Pero mas masama pa rin ang ugali mo."
"I beg to disagree, wife---"
"Magpapaligsahan na lang ba kayo dyan kung sino ang mas masama ang ugali sa inyo o uuwi na tayo sa Pilipinas?" anang isang tinig mula sa pintuan.
Si Fuji.
"Fuji!" bati ni Nicky. Umalis siya sa pagkakayakap sa 'kin at kinuha sa kamay ko ang maleta tapos kumaway siya kay Mana bago naunang nag-martsa palabas ng pintuan.
Fuji stared at me with inquiry on his eyes. I just shrugged my shoulder, "You know her," sabi ko.
Sumaltak lang si Fuji bago ngumiti at hinayaan akong umuna palabas ng pintuan. Nakita ko si Nicky na nilalagay sa back compartment yung maleta niya. "I can help you with that."
"No. No. I can do this!"
She dumped her luggage roughly during the car shakedown. "See? Kasya!" Then she marched and get inside the car quietly. Napailing na lang ako. Kung para saan, di ko alam.
Bennet POV
Something's wrong with Nicky... again. She's leaning on her seat and looking outside the window of the airplane blankly. Binibilang ko ang oras na hindi siya gumagalaw at kalahating oras na ang lumipas. Para sa isang babae na punong-puno ng sugar sa katawan, that's a record.
I knew (just recently) that Nicky is a squirming worm to the root of her hair. Ang pagtulala niya nang ganyang katagal na oras ay himala.
Well may panahon na saglit kukunot ang noo niya bago bubuntunghininga nang malalim. Parang may pinoproblema talaga siya dahilan para mas mabahala ako.
"Nicky..." I called on her.
No response.
"Nicky..." I called again.
Wala.
Humugot ako ng hininga at hinawakan na siya sa braso niya. "Nicky!"
"Kabayo mong Nicky!!" biglang sigaw ng asawa ko. Napaigtad siya tapos ay nanlalaki ang mata na lumingon sa 'kin. "Bakit ka nanggugulat, Bennet?!" angil niya sabay hampas sa braso ko.
"Your fault, tatlong beses akong tumawag sa 'yo di mo ako pinapakinggan," sagot ko.
Umirap lang si Nicky bago muling bumuntunghininga at sumandal sa balikat ko. "Sorry."
"Occupied ba masyado?" Tanong ko. Di ako nagpahalata na nabagabag ako sa pagbabago ng mood niya.
"Tsk! Di mo lang napapansin, husband pero may mga alien na kumukonekta sa isip ko kaya ako natutulala. Mula daw sila sa Planet Bombola at kailangan nila ng tulong ko," mahinang sabi ni Nicky.
Napasaltak ako. Ayan na naman siya sa mga ka-wirduhan niya. Pero sinakyan ko na lang yung sinabi niya.
"Ah talaga? What did you told them?"
"I told them na hindi pwede dahil hindi mo ako papayagan na pumunta sa planeta nila kahit sunduin nila ako," sagot niya. "Isa pa, wala akong maitutulong sa kanila. I'm just a mere human in goddess-like form and I'm hella too gorgeous for them to---"
Tinakpan ko ang bibig ni Nicky tapos tumango-tango ako. "Are you sure you're not a writer? Ang galing mong gumawa ng kwento," tawa ko.
Tinabig ni Nicky ang kamay ko at sumimangot. "I ain't no writer, am a photographer!"
Huh?
Napamaang ako. At napanganga naman si Nicky. Umiwas siya ng tingin sa 'kin at nagkamot ng ulo niya.
"I-I mean... I'm a model who works with photographer! Saan mo naman nakuha yang idea na writer ako?" She looked very flushed medyo nagduda ako. I mean what was she trying to imply, that she's a dignify model or a... hiding photographer?
Whatever.
Tumawa lang ako. "Relax Nicky, I just told you that cause you made stories so great they sound so real! One thing, they're all funny," I smirked.
Nicky just scowl and hid her face behind the curtain of the window.
"Maglaro ka na lang ng Zombie Game kesa makipag-usap sa alien Nicky. I hate it when you're that silent," sabi ko. Seryoso na ako. I really hate it when she's acting like that. All troubled-looking and distant.
Ngumiti lang si Nicky bago umiling. "Tutulog na lang ako. Takot ka sa zombie ayoko namang mag-panic ka bigla gaya nang ginawa mo nung unang flight natin!"
Pakiramdam ko'y nag-init ang pisngi ko nang maalala ang byahe namin papuntang America dati. When she was playing this zombie game and suddenly gave me almost a heart attack.
"Never mind. That will never happen again," sagot ko.
"Haha! You bet."
Salbahe.
"Anyway... Speaking of modeling, babalik ka na ba ulit sa trabaho mo?" tanong ko.
Sandaling natigilan si Nicky. Ramdam kong na-tense nang bahagya ang katawan niya bago lumayo at tumanaw sa labas ng bintana ng eroplano.
"I don't know. Probably not now. Uhm w-wala pa ko sa mood mag-suot ng heels at dress," mahina niyong sagot. "Tutulog muna ako. Goodnight husband."
Goodnight. Tirik na tirik ang araw. Weird.
Nagtaklob si Nicky ng towel sa mukha niya at nanahimik na siya sa pagkakasuksok sa may bintana. Pinigilan ko na lang ang mapasaltak.
May... problema ka ba Nicky? Care to share? Tsk. Nevermind.
Cole PoV
It was around 5 in the afternoon when the plane arrived at NAIA Terminal 3. Hindi ko alam pero matinding anxiety ang naramdaman ko nang makita ang pamilyar na tanawin ng napakagandang siyudad ng Manila.
First time ko itong naramdaman. I'm afraid. I'm fucking afraid of whatever will happened in the future. Nandito na ako sa Pilipinas. Kami ni Bennet. Sa lugar kung saan nagsimula ang lahat at kung saan maaari ring matapos.
I. Am. Afraid.
Shit!
Hindi dapat kinakabahan ang dinosaur na tulad ko pero hindi ko maiwasan. Anak ng torta!
"Are you okay?" biglang tanong ni Bennet.
Napamulagat lang ako sa kanya. Hindi ko namalayan na lumapit na pala siya sa kin. Iniwan niya kasi ako kanina para kunin yung luggage namin. Yeah, siya na ang kumuha. Alleluja, tao si Bennet ngayon at hindi astang-Dyos! He even helped me get my luggage.
"I am. Haha!" sagot ko.
"You looked pale, are you sure you're okay?" kunot noong tanong ulit ni Bennet bago inilapit ang palad niya sa noo ko.
Parang may kumuryente sa ulo ko dahil sa gesture niya na yun kaya natabig ko nang wala sa oras ang kamay niya.
Mukhang nagulat si Bennet sa ginawa ko. Napanganga kasi siya. "WHAT'S WRONG WITH YOU?!" he bursted. Simangot na umalis si Bennet at naglakad palayo sa 'kin.
Tsk! Nagalit na yata siya.
Gusto kong pukpokin ang ulo ko dahil di na naman ako nag-iisip. Imbes, walang imik na sumunod na lang ako sa lalaki na laylay ang balikat.
"I don't know what the hell is wrong with you, Nicky," naririnig kong nguyngoy ni Bennet sa unahan ko. "You're so silent. You're not yourself!"
I really am not myself, Bennet. You never met my true self. You just married a nameless woman.
"Jetlag lang 'to husband. Huwag ka nang magalit," mahina ko ding sagot kay Bennet.
"Jetlag? Eh sa America pa lang ganyan ka na!" sikmat ni Bennet na nakasimangot na lumingon sa 'kin.
Gusto kong tumawa dahil ang cute ng mukha niya. He's pouting like a child, throwing tantrums.
Nagmartsa ako palapit kay Bennet at ngumiti. "Nalulungkot lang ako husband kasi..."
Tumango ako at tiningnan ang daliri ko. I don't wanna look at Bennet eyes when I'm about to lie.
"Kasi...?"
"Kasi mami-miss ko si Mana," sabi ko.
Ramdam kong natigilan si Bennet. Jusko, wag sana akong tamaan ng kidlat sa pagsisinungaling. Well, totoong namimiss ko si Mana pero hindi yun ang main reason kung bakit nababagabag ako.
Si Nicky. At syempre ang katotohanan. Yun lang naman yun. Akala ko simple lang ang mangyayari sa hinaharap. Aalis ako tapos papalit si Nicky sa 'kin bilang ang tunay na siya. Magiging asawa siya ni Bennet at ako babalik na sa bundok at makikipag-hi five sa mga tsonggo tulad ng ginagawa ko dati.
Pero hindi nga yun ganun kasimple. Tuwing iisipin kong aalis ako ay kusang bumibigat ang dibdib ko. Natutulala ako. Nasasaktan ako. Kaya hindi ko namamalayan na napapansin na pala ako ni Bennet.
Naramdaman kong hinawakan ni Bennet ang kamay ko kaya napaangat ako ng tingin. He was smiling slightly. Mm. Kanina galit siya, ngayon hindi na. Ibang klase rin talaga maka-mood swing ang halimaw. Out of this world. Dinaig pa ang babaeng menopausal.
"Di ba sinasabi ko naman sayo, uso na Skype wife."
Napanguso ako.
"Alam mo ba ang tawag dito?"
Binitawan ni Bennet ang kamay ko at dumukot sa bulsa niya. Tapos winagayway sa mukha ko ang CyberChrome phone niya. Napaigkas pataas ang kilay ko.
"Tawag dito wifey eh 'cellphone'. May load 'to para matawagan mo ang kahit sino sa mundo na mami-miss mo. O di ba, high-tech?"
Sabunutan ko na ba si Bennet? Gumaganti siya dun sa mga sinabi ko sa kanya sa California ah.
"Meron din nito si Mana! Pwede mo siyang tawagan dito! Gusto mo ngayon na?" Pinindot-pindot ni Bennet yung phone niya.
Ngumuso ako at sinimangutan si Bennet. "Husband naman eh. Seryoso!"
"Seryoso din ako!" bumaling ang lalaki sa 'kin. Seryoso nga ang mukha niya. Bennet face emits full seriousness with a hint of concern on his chocolate eyes. "Seryoso ako Nicky. Ayoko na ganyan ka! Na tahimik! Na nagugulat lagi! I don't want you looking so bothered out there. Its abnormal! When you're not talking I felt like you have a problem and when I ask you and you said nothing, I'll be bothered the most!"
Naumid ako pagkarinig sa mga isiniwalat ni Bennet. Hindi ko akalain na ganun siya naapektuhan kapag nababagabag ako. Parang lumambot ang puso ko dahil dun. Gusto ko ding umiyak at isiwalat na lang sa kanya ang lahat para matapos na. Pero hindi ko kaya.
"If you miss Mana, you just have to tell me. No secrets! Babalik tayo sa America kung kinakailangan---"
"Ay grabe! Wag naman. Mahal din pamasahe oi," pigil ko kay Bennet na mukhang hihilahin ako pabalik sa eroplano.
Bennet just scoff. "Don't go silent on me, its not natural!"
"Akala ko ba ayaw mo na maingay ako?" sabi ko. Iniyakap ko ang braso ko sa braso niya at dumikit sa lalaki.
"I dunno. My ears go numb with all your ruckus. Suddenly all of it is music," sagot lang ni Bennet.
Tumahimik ako. Wala eh.
"A wise man once said," dugtong pa ni Bennet.
"Anong sabi ni wise man?"
"That when a noise turns into music, a man will fall in love."
Napaubo na lang ako.
Cole POV
Sa isang private helipad kami dumeretso ni Bennet. Some securities followed us with our luggages as we approached the place. Akala ko sa Sephiro kami dederetso ng asawa ko kaya nagulat ako nang sabihin ni Bennet na sa Verona daw kami pupunta. Napamulagat tuloy ako. Ayoko lang ipahalata kay Bennet na na-excite ako bigla baka kasi nakarating na si Nicky dun at magiging offbeat ang reaksyon ko kung magugulat ako.
Pero why not, coconut?
I mean, hello Verona po yun! As in, pinakaadvance yatang siyudad sa Pilipinas. A city with its own estate and government. Oh my geezus, I'm so excited.
Its been a long dream of mine to go to Verona. Even our team, NatGeo wants to enter that city and have it featured in our magazine but no luck, hindi pumayag ang Chancellor na pasukin ng media ang lungsod.
Verona is a private city with walls surrounding it. Walls up to 100 meters high. Puro mayayaman daw tao dun at walang mahirap.
Verona is also the lair of Leofwin. Doon nagmula ang buong angkan ni Husband. Para silang royalty ng Pilipinas, mga buwisit sa sobrang yaman.
Sumakay kami sa helicopter na maghahatid sa 'min sa Verona. Sabi ni Bennet saglit lang din daw ang magiging byahe. Somewhere around north Luzon lang naman ang siyudad. Yeah yeah of course I know. Obsessed sa Verona ang boss ko dati kaya nakapag-research na rin ako ng tungkol sa siyudad.
"Mom requested to see you again. I can't say no," mayamaya'y sabi ni Bennet habang nasa ere kami. Lumingon ako sa kanya at nakita kong nakatingin siya sa 'kin.
"You mean, si Mistress Vanessa?" tanong ko.
Tumango si Bennet bago hinilot ang sentido niya. He must have been very tired from all the traveling. And this suspect of meeting his whole family again seems to give him more stress. Naalala kong hindi nga pala ganun kalapit ang loob niya sa parents niya.
"Will that be alright to you?" sabi ni Bennet. Ako pang inalala niya.
Tumango ako. "Makakatanggi ba ako eh Mommy mo yun? Kapag nag-request syang sakalin ko ang sarili ko gagawin ko, takot ko lang."
Bahagyang tumawa si Bennet bago ako pinitik sa ilong. "Baliw."
Ngumiti lang ako.
I have seen Mistress Vanessa during our wedding. She seems to be a woman of refinery, of perfection... of snobbery. Ni hindi ko natandaang kinausap niya ko nung wedding. Nakatingin lang siya sa 'kin at hindi ngumiti. Father lang ni Bennet ang bumati sa 'kin noon. Galit kaya siya sa 'kin? Ayaw niya na maging asawa ako ng anak niya? I mean, me as Nicky?
Eh bakit gusto niya akong makita?
Tsk! Huwag naman sanang isa rin siyang dinosaur na lulunukin ako ng buo. Kundi mapipilitan akong magtransform sa pagiging Ultraman. Este, Ultrawoman pala.
"Aren't you afraid?" untag ni Bennet.
Nakita kong palingon lingon sa 'min yung pilot. Tsaka ko lang napansin na siya rin yung piloto noong pumunta kami ni Bunny Hubby sa Sephiro after ng kasal. Siguro tanda niyang galit si Bennet sa 'kin noon at nanibago siya sa biglang pag-iiba ng trato sa 'kin ng halimaw kong asawa.
"Afraid kanino? Sa nanay mo?" maang kong tanong.
Tumango si Bennet. Bakas sa mukha niya ang pagaalala.
Sumaltak ako tapos inikotan ko siya ng mata. "Sino ba ako husband? I'm the crazy woman who punched thugs and goons at San Diego---"
"Hindi sila thugs at goons. Ibabalik nila yung wallet mo, baliw ka!" awat ni Bennet na natatawa.
Dedma ako.
"I'm the woman who tamed Gunford Old Frog. Not to mention I fought the tiger who's about to eat you and silence her---"
"Yeah! Yeah! You're invincible, superwoman," ani Bennet.
Kumindat ako sa lalaki. "See? So no need to worry. Yung nanay mo, sisiw lang yun!"
"Sabi mo eh."
Haha!
-----
Hindi ko alam kung nakatulog ako o ano pero feeling ko, nakatulog talaga ako base sa pangangawit ng leeg ko. Luminga ako sa paligid at nakita ko si Bennet na tulog din.
Psh. Hindi niya rin kinaya ng halimaw ang pagod.
Mayamaya nag-ingay ang piloto sa headphones na suot ko. Lalanding na daw kami sa Red Sphere. Medyo lumulutang pa ata ang utak ko dahil akala ko yung Red Sphere sa Silicon Valley ang tinutukoy niya, hindi pala. Kundi ang RedSphere ng Verona. Akala ko nasa America pa kami. Lolz.
I looked outside the window and saw this huge building similar in design from RedSphere in California. No wonder, this is another sword owned by the king himself, Leofwin.
Lumingon ako kay Bennet na dagling nagising. He was staring at me with strange expression.
"Whut?" paranoid kong tanong.
He just shrugged his shoulder. "Nothing."
Uhm. Weird niya.
Nang lumanding kami sa helipad ng RedSphere ay agad akong bumaba. Bennet was still staring at me while he's handling his personal things to his employee (probably just one of his million secretary).
"Titig ka nang titig!" sikmat ko sa lalaki.
"Its nothing!"
Sumimangot ako. "Nothing ka dyan! Gusto mong ihulog kita mula sa tuktok nitong building pababa?"
Bennet lips tugged upward. "I was just wondering..."
"About what?"
Naglakad na kami papunta sa pintuan na siyang pababa sa Main Building.
"You. You suddenly don't fear heights and helicopters anymore. Naalala kong takot na takot ka noon, why changed?"
Muntik na akong madapa sa hagdanan buti na lang nakahawak ako sa handle at maagap rin si Bennet sa pagdakot sa braso ko. "Careful," he said.
"Mmmm," ungol ko lang. Wala akong masabi. Dumadagundong ang dibdib ko. I can't afford to tell him another lie so I just shut my mouth and remained silent.
Nang marating namin ang elevator, sinabi nung isang tauhan dun na naghihintay sa ibaba ng building ang sasakyan na maghahatid sa 'min sa mansion ng mga Leofwin.
Tumango lang si Bennet. Ako naman tahimik. Pagod na ko. Oo, napapagod din ako. At marunong din akong tumahimik.
We passed 115 floors in silence, walang nagsasalita. Pero naramdaman ko ang paghawak ni Bennet sa kamay ko nang malapit na kami sa ground floor. Tumingin ako sa kanya at ngumiti lang siya.
Bennet hand were warm and they fit exactly on my hand, my heart can't help but flutter.
"Are we going to stay the night at your parent's house?" tanong ko pagkalabas namin ng elevator.
"Do you want to?" ganting tanong niya.
"Gusto mo ba?" tanong ko ulit.
Bennet shrugged his shoulder again. "I wanna go home. With you."
Awp. Yung puso ko nagreregodon-de-honor na naman.
"Sa Sephiro?"
"Nope. May bahay ako dito sa Verona na sarili ko."
Ow. Di ko alam yun ah. Tumango-tango na lang ako.
Sinalubong kami ng iba pang tauhan n Bennet na agad yumukod ng makita kami sa lobby. Unison silang nag-"good evening Sir" kay Bennet. Dedma lang ang lalaki.
"That house, when we have our first born. Ipapangalan ko sa kanya yun," dagdag pa ni Bennet habang pasakay kami sa limousine car.
Para akong nahirinan dun sa sinabi ni Bennet. First born. Unang anak namin. He's talking about our suppose first born. My heart just can't take it. Ang sarap pakinggan na sobrang sakit din. Nanatili akong tahimik, may bumabara kasi sa lalamunan ko.
"I just hope he will be a boy. I've been dreaming of a boy first born then a girl after him. Wouldn't that be great?" Bennet said dreamily.
"Y-yeah," sagot ko.
A boy and a girl. Saktong sakto lang. Yun din ang gusto ko kung ako ang tatanungin mo.
"I'm gonna name the boy and you'll be the one to name the girl."
Nangangarap si Bennet at gusto ko ring mangarap na kasama siya. Pero anong silbi ng pangarap na hindi magkakatotoo?
"A-anong ipapangalan mo sa magiging a-anak natin kung sakali?" tanong ko.
"I wanna name him after me," sagot ni Bennet.
After him. Bennet then. Hindi ko magets kung bakit Bennet ang palayaw niya gayong Bennet ang true name niya.
"But we'll call him Bennet," Bennet said smiling.
Ngumiti din ako. "Bennet, I like it."
"Funny thing is, paano kung kambal ang anak natin? May lahi ba kayong kambal?" biglang sabi ng lalaki.
Medyo napamulagat ako dun pero di ako nagpahalata. "Kambal? Y-yeah. Hindi ko ba nasabi sayo? May lahi kaming kambal."
Tumungo ako at kinutkot ang kuko ko. Ayokong makita ang expression ni Bennet.
"You did? I thought you're just kidding or something. So, it runs in your blood. There's a huge possibility na maging kambal ang anak natin."
Umiling ako. "That's impossible," sagot ko lang.
"Why?"
Hindi ako sumagot. Hindi ko pwedeng sabihin kay Bennet na kambal kami ni Nicky at ang kambal ay imposibleng magkaanak ng kambal. It don't work as that. Genes dont work like that.
"Why?" ulit na tanong ni Bennet.
"Wala lang. Gut feeling. Isa pa ayoko ng kambal, mahirap yun. Komplikado," sagot ko lang. Alam ko ang feeling ng may kakambal, masaya pero nakakasakal din.
Bennet just stared at me weirdly. Umiwas lang ako ng tingin at tiningnan ko na lang ang labas kung saan nadaanan namin ang isang malaking rebulto ng batang babae.
Kulay gold iyon at nagliliwanag. Nakaturo ang kamay ng bata sa langit. Wait. Nasaan na ba kami? WAIT! IS THIS VERONA ALREADY?!!!
"FREEAAAK!!" sigaw ko.
Napaigtad si Bennet sa tabi ko at kumunot ang noo niya. "Why the hell did you shout?!"
Hinila ko ang kamay ni Bennet at tinuro ang rebulto.
"Husband, don't tell that's the famous Verona Courlander shrine!!!?" tanong ko.
"Of course it is! Its your first time here, how'd you know that?"
Oh! So hindi pa rin pala nakakarating si Nicky dito sa Verona.
"Ano ka ba husband! There's an article about Verona Courlander ano? She's like a girl hero. Like Joan of Arc!!" bulalas ko.
"Verona ain't a hero. She's just a kid who happened to die in a tragic accident," blangkong sabi ni Bennet.
Napanguso ako. "Mali ata yung article na nabasa ko."
Naalala ko, ang sabi ipinangalan daw ang Verona City Estate sa isang bata na naging bayani noon. Fifty years ago yata nasunog ang isang village, some kids were saved due to Veronas effort but she paid it off with her life.
"Maling article yun, wife. Verona died saving no one. She's just a kid who became a victim of cruel fate. Yung Tatay niya ang nag-effort na itatag ulit yung village. That village became Verona City as the time passed. Her father is the true hero, Lord Courlander," paliwanag ni Bennet.
Tumango tango ako. Lalo akong na-curious sa kung paano naitatag ang Verona. Tsk! This city seemed so wealthy. Sobrang linis, sobrang ganda. Every corner shouts elegance. Ang alam ko hindi ka makakapasok sa siyudad na 'to kung hindi ka taga-rito. They don't approved tourist or visitors, maliban na lang kung may connection ka.
"Sir, we're about to enter the premises of Leofwin," announced ng driver sa intercom.
Hindi nagsalita si Bennet. Natahimik na din ako. Here comes the mummy of the monster.
Yay!
Cole PoV
Nakanganga ako nang tumambad sa 'min ang isang dambuhalang mansion na nagliliwanag sa dilim ng gabi. No joke. Sobrang laki talaga niya. It reminds me of Taj Majal in Nepal, may man-made lake kasi sa harap ng Mansion kung saan nagre-reflect ang mala-kastilyong bahay.
"Leofwin, ang laki ng bahay mo!" sabi ko lang.
Narinig kong sumaltak si Bennet. "That isn't mine. That's my parents."
"Warever husband! Tatlo lang kayong magkapatid sino pa ba magmamana niyan? Not your Kuya Castor certainly, mas mayaman yun eh. Not your Ate Hanna, blacksheep yun," Tumutulo ang laway ko sa pagtitig sa Mansion.
"Psh! Not me," sabi ulit ni Bennet.
"Ayaw mo? Sabihin mo sa Tatay mo akin na lang."
"Baliw."
Hahahaha! Tinitingnan ko lang naman kung makakahirit.
"Probably CiN, he's a favorite grandson," ani Bennet mayamaya. Malapit na kaming bumaba sa sasakyan.
"Eh si Soram?" tanong ko. CiN and Luke are the youngest grandsons of Leofwin.
"Nah. That kid's too Americanized. He won't stay here. Si CiN yan, I bet. Mom and Dad love him much as their own sons and daughter," nguyngoy ni Bennet.
Huminto ang sasakyan sa tapat ng Mansion at inaya ako ni Bennet na bumaba.
"Eh bakit tunog bitter ka?" sabi ko.
Sumimangot si husband at napatawa ako. "Ako? Nah. I don't need this Mansion you know. I have my own."
PSH! Yabang. Eh di kayo nang puro Mansion. Saksak ko sa puwet niyo yan eh.
"Eh ikaw wife? Do you have your own mansion?" nakangising sabi ni Bennet.
Inirapan ko siya. "Meron sana kaso may kumuha eh. Kaya ngayon homeless ako at baka sa bahay ng pusporo na lang ako tumira kapag pinalayas mo ako!"
Humagalpak ng tawa si Bennet. "Bahay ng pusporo? Hahahaha!"
Sige lang sa pagtawa si Bennet kaya amuse na nakatingin lang sa kanya ang mga guards at maids na nakaabang sa front porch ng Mansion. Parang first time lang nilang makita si Bennet na tumatawa. Ni hindi na nga kami makapasok sa mansion eh kakatawa niya.
"Don't worry, wife hindi kita papalayasin," ani Bennet na nagpapahid ng luha.
"Talaga? Eh parang kelan lang muntik mo na akong lunudin sa Pacific Ocean eh sa sobrang inis mo."
Tumawa ulit si Bennet. "Your fault though. Don't worry, that will never happen again."
"Subukan mo lang pati, susunugin ko yung mansion mo!" birong banta ko.
Bennet laughed again.
He was laughing like a mad man at yun ang eksenang nadatnan ng mommy at daddy niya.
"Bennet, nandito na pala kayo. Why don't you go inside?" anang Daddy ni Bennet. Si Lord Emenrad Leofwin. Na-tense ako bigla pero di ako nagpahalata.
Bennet stopped laughing but his face was red and his eyes were watery as he approached his parents. Natuod lang naman ako sa gilid.
"Sorry Dad. Hi Mom!" humalik si Bennet sa Mommy niya, si Mistress Vanessa na sa kung anong dahilan ay mukhang nagtataka habang nakatitig sa anak.
She looked very regal and very beautiful. Like a Queen, shiiit! Nakakatense. Parang back to square one ulit kami. Those times na kinasal ako at si Bennet at una ko syang nakita na mala-Donyang nakakatakot.
"Did I just hear you laugh, Bennet?" tanong ni Mistress Vanessa.
Nakatingin lang ako sa kanila.
"He did," ani Lord Emenrad. He looked bemused.
Sa pagkagulat ko tinuro ako ni Bennet. Nanlaki tuloy ang mata ko. "Her fault. She made me laugh."
"Oi oi anong sinasabi mo dyan? Kasalanan ko bang mababaw ang kaligayahan mo?! Sumbongerong 'to!"
Gusto kong bigwasan si Bennet ng uppercut sa harap ng magulang niya pinigilan ko lang sarili ko.
To my horror, sabay na tumaas ang kilay ni Lord Emenrad at Mistress Vanessa nang tumingin sa 'kin.
Yumukod agad ako sa takot. "Good evening po, Mam at Sir. Kmusta na po kayo? Ngayon na lang ulit tayo nagkita," bati ko.
I heard Bennet scoffed pero di ko siya pinansin.
"Lumapit ka dito, hija. Bakit malayo ka?" tawag bigla ni Lord Emenrad.
Lumunok muna ako bago naglakad palapit sa parents ni Bennet. "Eer. Hello po," bati ko ulit. Kinuha ko yung kamay ni Lord Emenrad at nagmano sa kanya. Tapos ganundin ang ginawa ko kay Mistress Vanessa na umigkas pataas ang kilay sa pagmano ko. Akala ko nga hihikitin niya kamay niya pero di naman niya ginawa. Thank god, kahit nanay siya ni bunny hubby uupakan ko siya. De joke.
Nahihiya akong ngumiti sa dalawa.
"How are you, young lady? How's life in the U. S.?" nakangiting sabi ng Daddy ni Bennet. He still got this authoritive look that simply made my knees buckle.
"Okay lang po, Sir. Hindi kasing-exciting ng buhay sa Afghanistan pero keri na," sagot kong di nag-iisip.
Napatawa si Lord Emenrad at si Bennet. Halos umakyat naman sa tuktok ni Mistress Vanessa ang kilay niya sa pagtaas.
"Have you been to Afghanistan?" tanong ng Donya.
"Thrice po," walang abog na sagot ko.
I know. I know. Sasabihin niyo 'Oh my god Cole, anong sinabi mo?! Your suppose to be supermodel, anong Afghanistan ang sinasabi mo?!'
Ayoko na. Pagod na kong magpanggap na Nicky. I want Mistress Vanessa to see me as me. I want to give Bennet a hint that I'm actually a different person. Not the Nicky he knew.
Tumingin sa 'kin si Bennet pero di siya nagsalita. Reserved lang din ang expression ng mukha niya.