Chapter 36

Sa mga sumunod na araw ay naging malamig ang pakikitungo sa kaniya ni Langdon. Kibuin-dili siya nito sa mga pagkakataon na lumalabas ito ng silid. Pero kahit ganoon ay patuloy lang siya sa mga ginagawa.

Parang walang nangyari na nginingitian pa rin niya ito, kinakausap kahit wala siyang nakukuhang sagot, at inaasikaso sa abot ng kaniyang makakaya.

May nasisilip namang siyang pag-asa tungkol sa kaligtasan ng kuya niya. Ayon kay Zen ay may lead na sila kung nasaan si Nathan. Dahil kulang sa pera at resources ay hindi pa nila agad-agad mapupuntahan ito. Nagpapasalamat siya dahil nahihimigan niya sa boses ng pinsan na malapit na nilang makita ang kapatid. Sigurado rin ang mga pinsan na buhay si Nathan. Abot-abot ang pasasalamat niya dahil doon kaya buong magdamag siyang nagdasal para magpasalamat.

"Aalis ka na? Kumain ka muna ng breakfast. Nagluto ako ng pae—"

Likod ng pinto na lang ang sumagot sa kaniya ng tuluy-tuloy na lumabas si Langdon. Hinabol pa niya ito sa gate pero nakaalis na kaagad ang kotse. Mukhang nagmamadali dahil hindi na siya nagawang sagutin. Bumalik na lang siya sa kusina at mag-isang kumain.

"Sayang naman at hindi niya matitikman itong niluto ko. I had improved," pagkausap niya sa sarili habang inuubos ang ulam. Alam naman niya kasing mamayang gabi pa ito uuwi kaya kaysa masayang ang pagkain ay siya na lang ang umuubos.

Pinahid niya ang mga luha at nagpatuloy sa pagkain. "Hmm, it tastes really great. I did well."

For the past weeks, she had been cooking paella every day trying to perfect it just like how her brother does it. Nami-miss na niya kasi talaga ang kapatid kaya ginagawa niya ang mga bagay na ginagawa nito para sa kaniya dati. She took pictures of her cooking and all the other things she does because she wants to show it to him once they see each other again.

Matapos kumain at ligpitin ang kusina ay pumunta siya sa silid para maligo. Simula ng gabing iyon ay hindi na siya tinabihan sa kama ni Langdon. Sa sala na ito natutulog.

Ibinalik niya muna ang mga nakakalat na hanger sa loob ng aparador at itinupi nang maayos ang nagusot na mga damit. Kumuha na rin siya ng mop at nilinisan ang buong kwarto. Nang matapos ay nagpasya na siyang gawin ang naunang plano na maligo.

Isinabit niya sa shower rack ang tuwalya at nagsimula na sanang maghubad na naudlot nang may mapansin siya sa kisame.

"Ano iyan?" nakakunot-noong wika niya sa sarili at isinuot ang salamin para makita ito nang maayos.

May kaunting natuklab na bahagi ng kisame na bahagyang nakalaylay. Tumuntong siya sa toilet bowl dala ang handle ng mop at itinulak pabalik ang plywood pero sa ginawa niya ay tuluyan na itong bumuka kasabay ng pagkahulog ng isang itim na bagay mula rito.

Mula sa pagkakatingala ay napunta sa sahig ng banyo ang tingin niya kung saan naroroon ang pamilyar na itim na plastic envelope. Ibinaba niya ang mop at naupo sa bowl saka inabot ang envelope.

"Oh, it's one of those envelopes I used to encode," she recalled and carefully opened it. Tumambad sa kaniya ang isang papel na may mga nakasulat na numero.

"May naiwan pa palang ganito si Langdon? Akala ko ay tapos na naming lahat na i-encode ito?" Tiningnan niya uli ang envelope. "Pero bakit isa na lang ang naiwan and why is it here in the ceiling?"

Dala ang papel na lumabas siya sa banyo at naupo sa kama. She looked at the numbers and some letters in front of her.

"It must have been so important for Landong to hide it in there. Ito rin kaya ang dahilan ng mga pagtatangka sa kaniya? If that is then I have to return it immediately."

She's about to stand up when something caught her eyes. She sat down again and skimmed at the last row of numbers.

"Is it some kind of code? A secret message," she muttered and thought long and hard. "But I'm sure I've seen these particular numbers somewhere. It's too familiar to me."

Tinitigan niya uli ang mga numero at ginawa ang lahat ng makakaya para maalala kung saan niya uli nakita iyon. Even the combination of letters and numbers beside it is very familiar to her.

"W-Wait." Nagmamadaling kinuha niya ang cellphone at nagpunta sa isa sa mga pictures na sinend sa kaniya ni Femella. Noong isang taon lang nito iyon ibinigay sa kaniya.

Nang makita ang hinahanap ay ikinompara niya iyon sa numero na nasa papel. Realization finally hit her. Nanlalamig ang mga kamay na nabitawan niya ang papel at nanghihinang napaupo sa sahig.

"Why would Langdon have my account number hidden in the ceiling? Why did he..." She stopped and shook her head when she remembered something. "N-No... No, it can't be. It can't be."

Pinulot niya ang papel at may tiningnan. The password is even listed together with the bank accounts.

"Why would he have my password?" Napunta ang kaniyang atensiyon sa iba pang mga numero sa taas. She bet that all of these are the account numbers of the other Alcantaras.

For the past years, they have faced their biggest financial fears when their bank accounts have been hacked. All their money was gone. Kaya naman gumawa sila ng paraan. They've opened numerous accounts here and abroad but they kept on being tracked and hacked.

Ang tanging naging solusyon nila ay kontakin ang mga naiwang loyal na mga tao sa angkan nila para sila ang magbukas ng mga account para sa kanila. Pero mukhang maging iyon ay hindi nakawala sa paningin ng mga Asturia. Naalala niya ang mga karton at bagahe ng mga papel na inencode niya. Kaya pala puro mga monetary transaction ang mga nandoon. It's their bank transactions.

"Is this the task his father gave him? And I helped him achieve that. Oh my... Oh my dear."

Tumayo siya at hindi malaman ang gagawin. Grabe ang guilt na nararamdaman niya sa katotohanan na isa siya sa mga ginamit na instrumento para maisakatuparan ang madilim na balak ng Asturia laban sa kaniyang pamilya.

"What did I do? What did I do?" Nakagat niya ang daliri habang nagpaparoo't parito sa silid. "They are planning to sue my family and I have been a part of it. I have been an accomplice of the Asturias," bulalas niya at napaiyak na lang.

"I need to do something. I have to warn my cousins."

Binalikan niya ang cellphone sa kama at agad na nagpadala ng mensahe sa mga pinsan. Kinunan niya rin ng picture ang papel at ipinadala sa mga ito.

"Is this the kind of revenge you're talking about, Lang? Are you really going to do this?" Naupo siya sa kama at nag-isip. "Kung ganoon ay dapat na nga siguro akong umalis dito. If Langdon realizes that he has been coddling an enemy, I will be a liability to my family. I know he will not harm me but I'm not sure if he will not use me against my family."

Nagsimula siyang magplano sa gagawin. She really has to go now. Ang plano niyang pananatili pa ng isang linggo ay hindi na mangyayari. Things are much more complicated now. Pero bago siya umalis ay may isa pa siyang bagay na kailangan ng kompirmasyon.