Chapter 39
Alas-kwatro pa lang ng umaga ay gising na siya para magluto uli ng paella. Nakahanda mula pa kagabi ang mga ingredients kaya madali na lang ang gagawin niya. This time she feels so confident about her cooking that Langdon has to really taste it.
Sinubukan niyang huwag masyadong gumawa ng ingay dahil mahimbing itong natutulog sa sofa sa sala. Matapos magluto ay mabilis siyang naligo at lumabas ng bahay para mamitas ng bulaklak. Dinala niya ito sa kusina at nagsimulang ihanda ang mesa. Saktong alas-sais ng umaga ay magigising si Langdon. By then everything should be ready.
Saglit siyang nagpahinga habang naghihintay sa paggising ng binata. Binuksan niya ang pinto at sumandal sa hamba nito. Nakangiting ipinikit niya ang mga mata nang maramdaman ang nakaiigayang haplos ng banayad na init ng pang-umagang araw.
"What a good day. The weather is so nice."
Umihip ang hangin at nilipad ang buhok niya kaya mas lumapad ang ngiti sa kaniyang mga labi.
Mula sa likod ay nakarinig siya ng mga kaluskos kaya agad siyang tumayo at bumaling sa kakagising lang na lalake na nakatingin sa kaniya.
"Good morning." She gave him a very big smile. "Had a good night sleep?"
He just stared at her like she's some kind of an apparition before nodding and getting up. Sumunod siya rito hanggang sa harapan ng pinto ng silid.
"I prepared coffee for you. Titimplahin ko pagkatapos mong maligo." Pinagsalikop niya ang mga kamay. "Uhm, perhaps... Can you please eat your breakfast with me? Please? Nakaluto na rin kasi ako." Nahihiyang nagkamot siya ng ulo. "My food is edible this time. Masarap din sa panlasa ko. Sabay tayo mag-almusal, okay lang ba iyon sa iyo?"
He nodded again to her happiness. She smiled so wide at him and nudged him towards the door.
"Thank you. Sige na. Ligo ka na. I'll prepare your coffee na."
Halos magsayaw na siya sa saya habang nagsasandok ng paella sa bandehado. Kumakanta pa siya nang mapasukan siya ni Langdon sa kusina na nakabihis na.
"Pretty flowers," turo nito sa vase ng mga bulaklak na nasa gitna ng mesa.
"Yes, they're very pretty. Pinitas ko sa garden. Namulaklak na kasi iyong mga dinidiligan ko na magic flowers diyan. Here's your coffee."
Inilapag niya sa tabi nito ang mug at nilagyan ng pagkain ang plato nito.
"Masarap iyan. Luto ko iyan, a." Naupo siya sa harapan at naghintay sa sasabihin nito matapos ang unang pagsubo. "How is it? Masarap?" hopeful na tanong niya.
Tumango lang ito at tahimik na nagpatuloy sa pagkain. Nakangiting pinanood niya ito bago nagsimulang kumain.
"Ito ang pinakapaborito kong pagkain sa lahat. Palagi ko itong nire-request na lutuin ni kuya. I missed it so much so I thought to myself that I really need to learn how to cook it. Hindi naman kasi sa araw-araw ay nandiyan si kuya para ipagluto ako. Alam mo ba na nakailang sunog, hilaw, maalat, at matabang na paella ako bago ako nakagawa nito na pwede talagang makain." Bumungisngis siya. "And I'm proud of myself that you're eating it with me."
Walang reaksiyon si Langdon. Nakatingin lang ito sa plato habang pinapakinggan siya.
"Aalis ka ba ngayon? Gabi ka na uuwi?" tanong niya nang makita niyang patapos na ito sa pagkain.
"Yes," tipid nitong sagot.
"Naku, narinig ko sa weather forecast. Uulan daw mamaya. You need to bring an umbrella. Wait, kukuha ako." Tumayo siya.
"Don't bother, Cin. I have one."
Napabalik siya sa upuan sa sinabi nito. "Ah, ganun ba."
Langdon stood up and took a single glance at her.
"Thank you for the food. It's good. I'll go now."
Mabilis siyang tumayo at tumabi rito. "Tara. Hatid na kita sa labas."
Magkapanabay silang lumabas ng pinto hanggang sa labas ng gate kung nasaan ang kotse nito.
"Mag-iingat ka, ha. Don't skip your meal. Uwi ka ng maaga."
Kumaway siya rito nang may malaking ngiti sa mga labi habang itinataas na nito ang salamin ng bintana.
"You take care," ulit niya. Natigilan ito sandali at tiningnan siya hanggang sa tuluyang umabot sa pinakadulo ang salamin.
Pinaandar na nito ang kotse palayo. Hindi naman niya ibinaba ang kamay at patuloy lang ang pagkaway dito. Kahit hindi na niya makita ang sasakyan ay nagpatuloy pa rin siya sa pagkaway. Kahit nang tumulo ang mga luha niya ay hindi pa rin siya tumigil.
"Goodbye, my Lang. This is where it all ends. Thank you for all the memories I'll surely treasure for the rest of my life," nakangiti niyang bulong sa hangin.
Wala siyang lakas na magpaalam dito kaya idinaan na lang niya sa ganito. She wanted their last moment to be happy and wonderful. Palagi niyang nai-imagine ang ganitong senaryo kasama si Langdon. Them, married with lots of kids. She will walk him to the car, bid him goodbye, and welcome him again in the same spot when he comes home just like what she always does.
"Mamaya, wala nang maghihintay dito sa iyo sa gate. Wala na ako rito mamaya kaya dapat magpasalamat ka dahil wala nang mangungulit sa iyo."
She smiled and wiped her tears away. Ibinalik niya ang ngiti sa labi at pumasok na sa bahay. Marami siyang kailangang gawin ngayon. Marami siyang kailangang iligpit.
Una niyang nilinis ang kusina sunod ang sala, banyo, at panghuli ang silid. Habang ginagawa iyon ay inuubos din niya ang stock ng mga chocolate drink sa ref.
Kinuha niya ang maleta sa aparador at nagsimulang ilagay ang mga damit at libro. Hindi niya rin kinalimutan ang garapon niya na puno ng mga dried flowers na bigay sa kaniya ni Langdon. Pati ang mga notes nito ay itinago niya rin. Her favorite book where some of the stems of the flowers remained is one of the first she secured.
Wala siyang iniwan ni isang gamit na magpapaalala kay Langdon sa kaniya. Toothbrush, toothpaste, slippers, lahat dinala niya. Everything should return to its normal set-up.
Naligo ulit siya at nagbihis. Sa harap ng salamin ay hinubad niya ang salamin na binili ni Langdon. Mula rito ay kinuha niya ang eyeglass chain at iniwan sa ibabaw ng tokador sa tabi ng picture frame ni Casindra. This doesn't belong to her. Isinuot niya uli ang salamin saka kinuha ang blue gift wrapper at isang maliit na box.
Mula sa bag ay inilabas niya ang nagamit na na pregnancy test at maluha-luhang tinitigan ang dalawang guhit na linya.
She fought the urge to cry but the hormones and emotions always win anyway.
Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Nagtatalo ang kalooban niya kung sasabihin ba rito ang totoo o itatago na lang.
Langdon is a responsible man. He might not be able to love her but he will for sure stand by the side of the baby which only makes things worse than it is. Mas lalaki ang agwat ng alitan ng dalawang pamilya.
Her baby will be the most affected. An Alcantaran and Asturian child will be the most unwelcome in the land of Monte Vega.
Pinahid niya ang mga luha at nakangiting hinaplos ang tiyan.
"Baby, let's meet your father someday na lang, okay? Dito ka muna sa akin. I will love you twofold... hundred folds... million folds. You'll also have your overprotective Uncle Nathan, your strict Aunt Lucy, your beautiful Aunt Tatiana, the the rowdy Aunt Basha. They'll love you so much. And of course, you have me. I'll love you so much. I'll be the coolest mom you'll ever have."
She breathed hard to prevent herself from crying again and started wrapping the box after putting the pregnancy test inside. Tinalian niya ito ng maliit na color pink ribbon sa pinakagitna at napangiti sa kinalabasan.
"You're just a tiny clump of cells in my tummy but I already love you so much. I didn't think I could love someone this much. Mas mahal na yata kita kaysa sa daddy mo."
Ibinulsa niya ang box at tumayo para libutin ng tingin ang buong silid.
"Bye!" masigla niyang saad pigil ang luha na nagbabanta na namang umalpas.
Walang lakas na hinila niya ang maleta palabas at ipininid pasara ang pinto. Tumayo siya sa gitna ng sala at nakangiting pinasadahan ng tingin ang buong lugar. Silence greeted her back.
"Mauna na ako. Thank you for the memories. Painful and happy ones, I'll cherish them all."
Huminga siya nang malalim at magaan sa loob na pinatay ang ilaw at lumabas ng bahay. She stopped to have one final glimpse of the colorful flowers in the garden.
"You guys are so pretty," she smiled and continued walking out of the gate.
Mabigat na ang kaniyang paghinga sa sakit na nararamdaman. Patuloy lang sa pagtulo ang kaniyang mga luha habang humahakbang paalis sa huling bahay na tinirhan niya kasama ang lalakeng pinakamamahal.
She knows right from the very start that she will be walking out of Langdon's life. She knew it but she still risked everything for him, for love. That's how it should be. She doesn't want to live in what ifs and doubts anymore. She gambled her heart for a love that will never be hers. She knew their fate is not written in the stars but trying is more rewarding than mere sitting and wishing for someone to come to you.
"Cin, are you ready?" Lucy's worried voice sprung up in the line.
"Yes, Ate Lucy. I'm ready. I'm leaving now. I just have to say my goodbye to a friend. Pwede ba iyon?"
"Do it quick. The Asturians caught wind of our men in Cerro Roca. They're stationed there to protect you."
Tumango siya. "Okay, te. Uhm 'Te Lucy?"
"Yes, why Cin?"
She smiled sheepishly. "I love you, ate. Thank you for everything."
"I love you too, our baby. Come home to us now."