Chapter 34 Hearing

Erelah POV

Umalingawngaw sa loob ng korte ang bulungan ng mga taong naririto, tahimik akong nakaupo katabi ang dalawang tao na hindi ko kilala. Tulala at wala sa sarili akong nag aabang sa pag dating nila.

Muling bumalik sa aking ala-ala ang ilang mga kaganapan bago mangyare ang mga nangyayare ngayon.

Mula sa pag surpresa sa akin ni Damon, hanggang sa matapos ang araw na iyon.

Sa harap ay nag hihintay ang Judge at ang abogado ng kalaban na sa tingin ko ay pamilya ng nasaktan ni Chai sa amusement park noon, ngunit ang hindi ko maintindihan ay bakit parang dumami sila?

Sa pag kakaalam ko pamilya lamang ng mga biktima ang nararapat na nakaupo ngayon dito sa loob para manuod. Ganito na ba karami ang pamilya ng nag iisang taong nasaktan ng Host ni Damon?

Huminga ako ng malalim at tinignan ang purselas na regalo sa akin ni Damon na ngayon ay suot suot ko. Ang huling regalo niya bago nya aminin sa akin na ngayon ang araw ng pagdinig sa kaso niya.

"Bakit ang tagal naman ata ipasok ng criminal na iyon?"

"Hindi ko rin alam, balita ko nga ay baliw raw ang isang iyon."

"Nako! halata naman, sinong nasa matinong pagiisip ang papatay ng mga inosenteng tao?"

"Korek, isa pa, nalaman ko na inamin raw ng criminal naiyon na pinagtangkaan niyang patayin ang namatay na Mayor."

Napatingin ako sa dalawang katabi ko na nag uusap, kumunot ang nuo ko dahil sa mga pinag uusapan nila at dahil narin sa kung ano ang tinawag nila kay Damon.

"Sabi pa nga raw ng criminal na iyon na kilala niya ang pumatay sa mayor pero hindi niya aaminin dahil may pinoprotektahan daw siya."

Akmang mag sasalita na ako ng biglang bumukas ang pinto ng korte, mula sa kinauupuan ko ako ay napatayo para tignan si Damon sa labas. Agad na tumulo ang luha ko ng makita ko siyang naka posas muli at nakasuot ng damit na pang preso, sa tabi niya at sa likod niya ay may nabantay na mga polis habang nasa harap niya naman si Draco at ang lawyer niya.

Unang pumasok sa loob sila Draco kasama ang lawyer ni Damon, habang si Damon naman ay biglang napatingin sa gawi ko dahilan para maadali kong pinunasan ang mga takas kong luha saka ngumiti sa kanya.

"Erelah, ipangako mo sakin na hindi ka iiyak sa tuwing makikita mo akong nasa isang mahirap na sitwasyon."

Muling pumasok sa isip ko ang sinabi ni Damon sa akin ng ibigay niya ang regalo niya sa akin. Parang slow motion ang lahat ng mag lakad si Damon sa gitna habang nakatingin sa akin, nasa awra nya ang napakalamig na awra, Normal na awra para sa isang Damon. Pero nasa mga mata niya lungkot, isang pakiramdam na bago sa akin dahil ito ang unang beses kong makita si Damon na ganon ang titig sa akin, isang sobrang lungkot na titig.

"Damon." Tawag ko sa kanyang pangalan dahilan para tumigil siya sa pag lalakad at ngumiti sa akin saka niya ako binigyan ng isang 'Magiging ayus lang ang lahat' na titig.

Muli siyang nag lakad papunta sa tabi ng kanyang abogado kaya naman dahan dahan akong umupo habang hindi inaalis ang titig sa kanya.

"Kakilala mo ang mamatay tao naiyon Ija?" Hindi ko pinansin ang tanong ng taong katabi ko dahil nakay Damon lamang ang atensyon ko. Nakita kong huling pumasok si Gazer at Havacco at umupo sa bandang harapan ko, lumingon pa silang dalawa sa akin at nakita ko rin ang malungkot na awra sa kanilang mga mata.

Nakita ko na may kumausap pa kay Damon at sa kalaban nito, hindi ko marinig kung ano ang pinag uusapan nila pero nakita ko na umiling ang sa kabilang panig, matapos noon ay nagkaruon ng mahabang katahimikan.

"All rise. " Lahat kami ay tumayo maliban sa Judge na nasa harap.

"Department One of the Superior Court is now in session. Judge Kaithlyn presiding. Please be seated." Matapos sabihin ng Bailiff ang mga katagang iyon ay nagsiupo na kami, muling nagkaruon ng katahimikan sa loob.

"Good morning, ladies and gentlemen. Calling the case of thePeople of the Republic of the Philippines versus Damon. Areboth sides ready?" Tanong ng Judge na nasa harap.

"Ready for the People, Your Honor." Sabi ng abogado ng kabilang panig matapos nitong tumayo.

"Ready for the defense, Your Honor" Sabi naman ng abogado ni Damon at muli itong umupo.

"Will the clerk please swear in the jury?" Tanong ng Judge. Hindi pa tinatanong si Damon ay kinakabahan na ako. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay may masamang mangyayare.

May kung ano pang mga sinabi ang mga nasa harap bago tumayo at magsalita ang abogado ng kabilang panig sa harap.

"Your Honor and ladiesand gentlemen of the jury: the defendant has been charged with thecrime of Humicide, Attempted killing and public violation. The evidence will show at CCTV Footage that Damon stab one person at the Amusement park at March 18 2022 exaclty 3:39 PM Minutes later, the defendant wasarrested. The defendant's fingerprints were on the knife used to stab the person. The evidence I present will prove to you thatthe defendant is guilty as charged." Sabi ng abogado sa kabilang panig at pinakita ang CCTV footage na nakuhanan sa amusement park noon, kita doon ang pag saksak ni Damon sa isang tao at ang pag tangkang pagpatay niya sa akin.

"Your Honor andladies and gentlemen of the jury: under the law my client is presumedinnocent until proven guilty. During this trial, you will hear no realevidence against my client. You will come to know the truth: that Damon was at the CCTV Footage but is that really Damon? My Client have Multiple personality disorder and the alter of the body which is Chai and Achaz are there, Therefore my client is not guilty." Sabi naman ng abogado ni Damon.

Talagang tinuloy nila ang plano na palabasing alter si Chai kahit na siya mismo ang host sa katawan na iyon.

"The prosecution may call its first witness." Sabi ng Judge at may isang babae na tumayo mula sa kabilang panig at nag lakad papunta sa harap, kung hindi ako nag kakamali isa siya sa kasama ng nasaksak ni Damon.

Tumayo ang first witness sa witness stand saka lumapit sa kanya ang clerk.

"Please stand. Raise your right hand. Do you promise that thetestimony you shall give in the case before this court shall be the truth, the whole truth, and nothing but the truth, so help you God?" Tanong ng clerk sa babae.

"I do." Sabi ng babae.

" Please state your first and last name."

"Maria Cristy Mendiola."

"You may be seated." Sabi ng clerk saka umupo ang babae na nag pakilala bilang Maria.

"Maria, nasaan ka noong March 18 2022?" Tanong ng abogado sa kabilang panig.

"Nasa Amusement park po kasama ang kaibigan ko." Sabi nito.

"Nakikita mo ba ang lalaki na iyon?" Tanong nya sabay turo kay Damon dahilan para maiyukom ko ang aking kamao.

"Opo." Nakita kong dumaloy sa mga mata nong Maria ang takot ng makita niya si Damon.

"Sya ba ang lalaki na sumaksak sa kaibigan mo nong panahong nasa Amusement park kayo?" Tanong ng abogado kay Maria, agad namang tumango tango si Maria habang umiiyak.

"Opo... Opo nakita ko kung paano niya saksakin si Christine, nakita ko kung paano bumaon ang kutsilyo sa katawan ng kaibigan ko." Sabi niya kaya napa pikit ako.

"Thank you, I have no further questions." Sabi ng abogado sa kabilang panig bago umupo sa kanyang upuan.

"Does the defense have any questions?" Tanong ng judge.

"Not at this time, Your Honor." Sabi ng abogado ni Damon at may kung anong binulong kay Damon.

"The witness is excused. " Sabi ng judge kaya naman umalis na ang first witness sa witness stand. "The prosecution may call the next witness." Sabi muli ng judge kaya naman tumayo na ako dahilan para tumingin ang lahat sa akin.

Damon, papatunayan natin na inosente ka.