Chapter 35 Witness
Erelah POV
Tahimik ang paligid at ramdam ko ang titig sa akin ng mga taong naririto sa loob ng korte at pinapanuod ang pag punta ko sa witness stand. Nahagip pa ng mga mata ko si Damon at ang nananatili niyang cold awra. Huminga ako ng malalim ng makatayo ako sa witness stand at gaya sa naunang witness, lumapit ang clerck sa akin.
"Raise your right hand. Do you promise that thetestimony you shall give in the case before this court shall be the truth, the whole truth, and nothing but the truth, so help you God?" Tanong nito sa akin.
"I do." Walang pag aalinlangan kong sabi.
" Please state your first and last name." Muling sabi ng clerk sa akin.
"Auerelah Donovan." Sagot ko, matapos n'on ay pinaupo na ako ng clerk saka lumapit ang abogado ng kabilang panig. Napalunok muna ako at saglit na tumingin sa gawi ni Damon na walang emosyon habang nakatingin sa akin. Muli kong tinuon ang aking atensyon sa nag sasalita ng abogado.
"Ms. Erelah, anong trabaho mo?" Tanong nito sa akin.
"Cashier sa isang coffee shop." Sagot ko.
"Base sa record na ibinigay sa akin, ikaw daw ay nag trabaho bilang katulong ni Damon?" Tanong niya kaya muli akong napatingin kay Damon saka muling tumingin sa abogado.
"Oo." Sagot ko.
"Ito ba ay boluntaryo o nag apply ka sa kanya mismo?" Tanong nito sa akin.
"Boluntaryo." Sagot ko.
"Maaari mo bang ilahad ang dahilan kung bakit ka boluntaryong nag trabaho kay Damon bilang katulong?" Tanong nito sa akin.
Muli kong naalala ang nakaraan habang nakatingin sa abogado.
"Dahil nong mga panahon na iyon, hindi niya kayang kumilos mag isa. May sugat siya sa kanyang braso dahilan para hindi siya maka gawa ng gawaing bahay, kaya naman boluntaryo akong pumasok bilang katulong niya." Sabi ko, muli kong naalala ang sinabi sa akin ni Gazer na si Damon ang dahilan kung bakit nakamit ng aking yumaong ama ang hustisya sa pagkamatay niya.
"Sugat sa kanyang braso? maari mo bang sabihin sa akin ang dahilan kung bakit may sugat sa kanyang braso?" Tanong ng abogado. Napatingin ako kay Damon at kay Gazer saka tumingin sa abogado.
"Nabaril siya ng mga lalaking pumatay sa tatay ko." Sagot ko, natahimik ang buong court room, nakita ko na nag tatake down notes ang abogado saka ito muling tumingin sa akin.
"Bakit siya nabaril?" Tanong nito.
"Dahil sinumbong niya ang mga lalaki sa police."Sagot ko, napansin ko na napahilamos sa mukha si Gazer kaya naman napatingin ako sa kanya.
"Sino ang mga lalaki na iyon?" Tanong ng abogado sa akin.
"Ang bumaril sa tatay ko, Si Mayor Donovan." Sagot ko. Muling natahimik ang court room at muling nag sulat ang abogado sa kanyang papel.
"Sa paanong paraan nalaman ni Damon na ang mga lalaking iyon ang bumaril sa iyong ama?" Tanong ng abogado sa akin, bigla akong natahimik at napatingin sa gawi ni Damon na wala paring bakas ng emosyon.
Hindi ko alam kung paano nalaman ni Damon na sila ang bumaril sa aking ama, noong sinabi sa akin ni Gazer ang dahilan kung bakit nabaril si Damon ay naniwala na agad ako dahil hinahabol ko ang katarungan sa pag kamatay ng aking ama, hindi ko na inalam kung paano nalaman ni Damon na ang mga lalaking iyon ang pumatay sa aking ama.
"Hindi ko alam." Mahina kong sagot dahilan para muli na namang tumahimik ang paligid, napalunok ako at naiyukom ang aking kamao.
"Hindi mo alam kung paano nalaman ni Damon na ang mga lalaking iyon ang bumaril sa iyong ama? Kung ganon, paano mo nasabi na nabaril si Damon dahil sa pagsumbong sa mga lalaking bumaril sa iyong ama?" Tanong ng abogado sa akin kaya napatingin ako kay Gazer.
"Sinabi sakin ni Gazer."Sabi ko kaya napatingin ang lahat kay Gazer na ngayon ay nakatingin sa akin ng walang emosyon.
Hindi ko alam, ngunit bakit ganito ang aking nararamdaman? Bakit sa palagay ko ay mali ako ng mga nasabi sa abogadong kumakausap sa akin?
" Thank you, I have no further questions." Sabi ng abogadong kumakausap sa akin saka naupo sa kanyang upuan at may binulong sa kanyang katabi.
"Does the defense have any questions?"Tanong ng Judge sa abogado ni Damon.
"Yes your Honor."Sagot nito at tumayo sa kanyang upuan, ngumiti sa akin si Atty. Mielda ang abogadong kinuha ni Draco para kay Damon.
"Ms. Erelah, good afternoon." Bati niya saka tumingin sa kanyang papel. " Base sa iyong sinabi kanina, ikaw ay boluntaryong nag trabaho kay Damon bilang katulong dahil sa ikaw ay naawa kay Damon dahil siya ay may sugat sa kanyang braso na naging dahilan para hindi siya makagawa ng gawaing bahay, tama ba?" Tanong nito.
"Opo."Sagot ko.
"Ginawa mo ba ito upang makapag pasalamat kay Damon sa ginawa niyang pag bibigay ng hustisya sa pagkamatay ng iyong ama?" Tanong nito.
"Opo." Sagot ko.
"Nong mga panahon na kasama mo sa iisang bubong si Damon, may napansin ka bang kakaiba sa kanya?" Tanong nito sa akin.
"Opo.' Sagot ko.
"Maaari mo bang sabihin sa akin ang mga napapansin mo sa kanya?" Tanong nito.
"Nong unang araw na nag simula ako sa kanya, pagkatapos kong sabihin sa kanya na papasok ako bilang katulong niya sa ayaw at sa gusto niya ay nag paalam siya na aakyat siya sa kanyang kwarto, bago yun ay inutusan niya ako na gumawa ng kape niya." Kwento ko saka natawa ng maalala ko kung gaano siya nainis sa akin noon.
"Habang nasa kwarto niya siya, nag luto narin ako ng tanghalian non para makakain siya, pero patapos na ako nong makita ko na pababa siya, tinawag ko siya para ipainom ang kape niya pero bigla nalang niya tinanong kung sino ako at kung nasaan siya. Nong una akala ko nag bibiro lang siya, pero nong sinabi niya na Achaz ang pangalan niya at hindi Damon ay natigilan ako." Sabi ko, Nakita ko na tumango si Atty. Mielda.
"Akala ko nag bibiro lang siya kaya nakisakay ako sa biro niya at sinabing kasintahan niya ako, pero nong dumating si Gazer non sa bahay, nagulat ako ng tawagin niyang 'insan' si Gazer kahit na magkaibigan lamang sila." Sabi ko.
"Your Honor, base sa sinabi ni Ms. Erelah, nagkaruon ng ibang katauhan si Damon nong araw na iyon, isang pangyayare na nangyayare lamang sa taong may multiple personality disorder. Meron akong hawak dito na isang lab result and resulta ng ilang medical papers ng aking kliyente na mag papatunay na si Damon ay may Multiple Personality Disorder, isang sakit sa pag iisip na kung saan nagkakaruon ng dalawa o higit pang katauhan ang isang tao, at ang Achaz na binanggit ni Ms. Erelah kanina ay isa sa mga alter ni Mr. Damon." Sabi ni Atty. Mielda at binigay ang isang folder na may makapal na papel sa loob nito sa judge.
Natahimik ang korte kaya napatingin ako kay Damon na wala paring emosyon.
"Sino si Gazer At Havacco?"Tanong ng Judge kay Atty. Mielda.
"Mga kababata at kaibigan ni Damon your Honor." Sagot ni Atty. Mielda.
"Maaari ba silang mag salita rito sa harap upang mapatunayan na totoo ang mga nakasulat dito sa papel?" Tanong ng Judge.
"Yes your Honor." Sabi ni Atty. Mielda saka tumingin kay Gazer.
Ako naman ay tumayo na mula sa witness stand saka naglakad papunta sa upuan ko, bago ako makarating sa aking upuan ay sinulyapan ko muna si Damon sa gilid at ngumiti sa kanya saka nag patuloy sa pag lalakad patungo sa aking upuan.
Nang makaupo na ako ay nakita kong nakatayo si Gazer sa witness stand at kinakausap na ng clerk.
Si Gazer na ang susunod na witness na mag sasalita upang mapatunayan na may sakit si Damon at hindi siya ang may gawa noon.