Chapter 24 Investigating Room
Erelah POV
Tahimik lamang akong nakaupo dito sa loob ng investigation room habang nakatingin sa lalaking nasa harap ko na malamig ang awra at nakatitig sa akin.
Napalunok ako ng muli kong maalala kung paano nya ako muntik nang saksakin kanina. Napapikit ako at napailing sa loob loob ko saka huminga ng malalim. Hindi si Damon yun. Hindi ako kayang saktan ni Damon.
Napatingin ako sa sugat niya kung saan siya rin mismo ang may gawa kung bakit siya nagkasugat.
Ako dapat ang sasaksakin ni Chai pero lumabas kaagad si Damon para hindi ako masaktan.
Napakuyom ako ng kamao saka napakagat sa ibabang labi ko.
"Sorry." Sabay naming sabi ni Damon kaya napatingin kami sa isa't isa. Malamig ang mga titig niya pero nandoon ang sinseridad sa mga mata niya. Napalunok ako saka napayuko.
"Bakit ka nag sosorry?" Sabay naming tanong sa isa't isa kaya muli na naman akong napatingin sa kanya at sa pag kakataong ito ay natawa na ako. Siya naman ay napailing saka tinago ang dalawang kamay niyang may posas.
Huminga siya ng malalim bago sumandal sa kinauupuan niya.
"Sige na, ikaw muna ang mag salita." Sabi ko.
"Tapos na, nasabi ko na ang sasabihin ko, bahala ka na sagutin ang tanong ko." Malamig niyang sabi kaya napailing nalang ako saka ngumiti ng alanganin.
"Nag sosorry ako kase..... kase inisip ko kanina na isa kang baliw." Mahinang sabi ko saka napayuko, nagkaruon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa kaya naman napatingin ako sa kanya na nakatingin sa akin. Hindi ko mabasa ang reaction niya dahil nakatago ang mga ito sa malalamig na titig na ibinibigay niya sa akin ngayon.
"S-sorry kase natakot ako sayo." Dagdag ko.
"Alam ko." Malamig niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya. "Alam ko na natakot kita dahil sa ginawa ko." Malamig niyang sabi, agad akong umiling saka pinatong ang dalawa kong kamay sa mesa na nasa harap namin.
"Hindi ikaw ang gumawa noon Damon, malinaw na saakin ang lahat na hindi mo ako kayang saktan, na ang Host ng katawan na iyan ang may intensyon na saktan ako at hindi ikaw." Sabi ko dahilan para matigilan siya, bigla rin akong natigilan ng mapagtanto ko na nasabi ko sa kanya na alam ko na ang tungkol kila Achaz at Chai.
"Sino nag sabi sayo?" Malamig niyang tanong, napalunok ako saka napayuko at tumingin sa ibang direksyon.
"S-si Havacco." Sagot ko, tumingin ako sa kanya na nakatitig lamang sa akin, nakita ko ang pagbuntong hininga niya saka tumingin sa ibang direksyon.
"Hindi kita masisisi kung lalayo ka na sa akin dahil sa mga nalaman mo." Sabi niya kaya napakunot ang nuo ko.
"Sige na, maaari ka ng lumabas sa kwarto na ito. Pakisabi nalang kila Gazer na kausapin na ang abogado ko para maipasok na ako sa mental." Malamig at walang emosyon niyang sabi kaya mas lalo akong napakunot ng nuo.
"Ano kamo?" Tanong ko kaya tumingin siya sa akin at tumaas ang isang kilay.
"Bingi ka na ba? ang sabi ko pag lumabas ka sabihin mo kila--"
"Sino bang nagsabi na lalabas ako at lalayuan kita?" Iritang tanong ko saka umirap.
"Natakot ako oo, dahil yun sa biglaang paglabas ng Host ng katawan nayan at biglaang pagisip na saktan ako, pero hindi ibig sabihin noon na ganon na rin ang mararamdaman ko sayo. Takot ako sa host mo pero sayo hindi, isa pa assistant mo parin ako, pamayag ka'man o hindi sa sinabi ko na magiging katulong slash alalay mo ako wala akong pakealam basta di ako lalayo sayo." Inis kong sabi saka tinignan siya, bigla akong napalunok ng makita ko ang titig niya sa akin, Para siyang nagulat dahil sa mga sinabi ko, kaya pati tuloy ako ay nagulat at nahiya dahil sa mga pinagsasabi ko.
Bigla tuloy akong napatingin sa ibang dereksyon saka napalunok, bakit ko ba nasabi ang mga yon?
"I-Isa pa, a-anong mental yang pinag sasabi mo? hindi ka makukulong sa mental, para lamang yon sa mga baliw." Sabi ko saka tumingin sa kanya, nakita ko ang pagngiti niya kaya nagulat ako at biglang natakot dahil baka hindi na si Damon ang kaharap ko.
"Bakit wala kang balak na layuan ako? di ka ba natatakot saakin na baka lumabas si Chai o si Achaz?" Tanong niya habang nasa labi niya parin ang kakaibag ngiti, ang mga mata niya ay nanatiling malamig ang tingin sa akin pero sa loob noon nakikita ko at nararamdaman ko na masaya siya.
"E-ewan bakit ba? t-trip ko na di ka layuan."Utal kong sagot saka tumingin sa kanya ng nakakunot ang nuo.
"Nilalayo mo lang ang usapan, ano ang ibig mong sabihin na ikukulong ka sa mental? ang sabi sa akin ni Gazer makakalaya ka na raw." Sabi ko sa kanya, ipinatong niya ang dalawang kamay niya na may posas sa mesa saka biglang nilapit ang mukha niya sa mukha ko dahilan para manlaki ang mga mata ko at magulat sa ginawa niya.
Biglang sumingkit ang mata niyang nababalutan ng malalamig na titig.
"Bakit ka nauutal?" Biglang tanong niya kaya napaawang ang labi ko saka natawa sa tanong niya.
"Bakit ka lumalapit sa akin ng ganyan?" Tanong ko, hindi siya sumagot, tinitigan niya lamang ako dahilan para mapalunok ako saka mapabuntong hininga.
"Nangaasar ka na naman ba Damon?" Tanong ko, natawa siya saka sumandal sa upuan niya dahilan para makahinga ako ng maluwag.
"Naaasar ka ba babae?" Tanong niya kaya tinitigan ko siya ng masama saka inirapan. Wala talagang matinong maisasagot itong lalaki na ito.
"Umayos ka nga Damon, tinatanong kita." Sabi ko.
"Tinatanong rin kita." Normal niyang sagot kaya napapikit ako sa sobrang asar.
"Damon." Iritang tawag ko sa pangalan niya.
"Amen." pangaasar niya kaya tinitigan ko siya ng masama.
"Ano ba? ano nga? kelan ka makakalabas?" Tanong ko.
"Depende sa trip nila kung kelan nila ako papalabasin." Sabi niya kaya inirapan ko siya.
"Bakit sabi ni Gazer pwede ka ng lumabas mamaya?" Tanong ko.
"Ewan, desisyon siya eh." Sagot niya kaya napahilamos ako sa mukha dahil sa inis. Napaka pilosopo mo talaga Damon!
"Bahala ka na nga jan, tinatanong na nga kita ng maayos eh." Iritang sabi ko.
"Sinasagot naman kita ng maayos." Sabi niya kaya tinitigan ko siya ng masama dahilan para matawa siya. "OHHHH scary." Pangaasar niya kaya napasandal ako sa upuan ko saka nag cross arms, akmang mag sasalita pa ako ulit ng magbukas ang pinto ng investigating room at niluwa noon ang isang babae na naka formal attire.
"Mr. Hussein, Good evening. I'm Atty Ruth Fuertez your lawyer. Your friend hired me to handle your case." Sabi nito saka tumingin sa akin.
"Excuse me Ma'am, with all due respect can you please leave us and give us a time? I need to speak privately to my client and start stating some legal advices for his case." sabi nito kaya naman tumango tango ako saka tumingin kay Damon.
"Maiwan ko muna kayo." Sabi ko saka kinuha yung bag ko sa gilid.
"Sana hindi dumugo ilong mo sa kakaenglish niya, bye." Paalam ko saka ngumiti sa babaeng lawyer ni Damon saka lumabas ng investigating room.
Pagkalabas ko ng kwarto na iyon ay tumaas ang kilay ko saka sumilip sa bintana, nakita ko na kinakausap ng babae si Damon kaya napairap ako.
"excuse me ma'am blah blah blah, akala mo naman kung sinong amerikana." Iritang sabi ko saka umupo sa isang bakanteng upuan.