Chapter 23 Arrest
Gazer POV
"Nakausap ko na ang mga polis." Sabi ko matapos kong umupo sa harap ni Damon na ngayon ay nasa investigation room at may posas sa dalawang kamay.
Malamig lamang ang awra niya at ang paraan ng pagtingin niya sa akin. Huminga ako ng malalim saka tumingin sa sugat niya na ginamot kanina sa hospital, matapos noon ay dumiretso kami sa presinto saka nila nilagay si Damon sa investigation room.
"Masakit pa ba?"tanong ko, umiling sya saka sumandal sa upuan niya at pumikit.
"Pasabi kay Erelah, sorry." Malamig niyang sabi pero dama ko ang sinseridad sa sinabi niya. Nakatitig lamang ako sa kanya.
"Hindi na dapat siya lumapit sa akin, muntik na siyang mapahamak." Sabi niya saka minulat ang mga mata. Kitang kita ko ang lungkot sa mga mata niya kahit na tinatago niya yon sa malamig na pagtitig sa akin.
Muling nagbalik sa aking ala-ala ang panahong unang humingi ng tawad si Damon sa amin.
Sigurado ako na sinisisi niya ang sarili niya sa paglabas nila Achaz at Chai. Kilala ko si Damon, simula pagkabata namin ay wala siyang ibang sinisisi kundi ang sarili niya. Noong panahong pinatay niya si Doc at ang mga magulang niya ay sarili niya rin ang sinisisi niya sa paglabas nila Achaz at ang host nitong si Chai.
"Anong sabi ng mga polis?"biglang tanong niya. Ngumiti ako sa kanya.
"Makakalaya ka na." Nakangiting sabi ko kahit na ang totoo ay hindi. Mabigat na kaso ang pinatong kay Damon, Humicide, Attempted killing, At public violation.
Nakita ko ang pag tawa ni Damon saka pagiling.
"Gusto ko sa mental hospital ako ikulong." Natigilan ako sa sinabi niya. Agad nawala ang ngiti sa labi ko matapos niyang sabihin yon.
"Ano bang pinag sasabi mo?" Tanong ko saka siya inirapan.
Patago kong naiyukom ang aking kamao dahil sa sinabi niya.
"Ituloy niyo yung misyon." Bigla niya rin sinabi kaya napatayo na ako at inis na tumingin sa kanya.
"Damon, ano bang sinasabi mo? Malamang itutuloy naten ang misyon. Kasama ka doon." Sabi ko, umiling lang sya saka pinakita ang posas sa kamay niya.
"Hindi pwede." Sabi niya saka binaba ang kamay niya sa mesa.
"Sa tingin ko matapos ang nangyare ngayon sa amusement park ay makukulong ako." Sabi niya kaya umiling agad ako.
"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Nakausap ko na amg polis at makakalaya ka--"
"Humicide, Attempted killing at public violation." Bigla niyang sabi kaya natigilan ako. "Mabigat ang tatlong kaso na yon."
"Pero sinabi ko na may mental illness ka kaya naman mag sasagawa sila ng test para mapatunayan ang sinabi ko. Na hindi ikaw ang gumawa noon kundi sila Chai at Achaz." Sabi ko.
"Kahit gawin nila ang test Gazer alam mo na sa kulungan paren ang bagsak ko."
"Tumigil ka Damon, makakalaya ka kase inosente ka."
"Gazer ang alter oo ang host hindi." Sabi niya kaya natigilan ako at napatingin sa kanya. Malamig parin ang titig niya. Huminga ako ng malalim saka napahilamos sa mukha at muling umupo sa harap niya.
"Kahit magsagawa sila ng test kung ang host mismo ng katawang ito ang may deperensya sa kulungan parin ang bagsak namin." Sabi niya kaya napakagat ako ng labi saka tumingin sa malayo.
"Eh di umakto ka na ikaw ang host."biglang sabi ko kaya nagkaruon ng mahabang katahimikan sa pagitan namin.
Tumingin ako sa kanya nakatitig siya sa akin na para bang pinag aaralan ang sinabi ko sa kanya.
"Look Damon, hindi ka pwedeng makulong kase inosente ka. Kung ilalaban naten sa korte ang kaso mo may chance na manalo ka at mawala ang kaso mo dahil sa sakit mo." Hibang kong sabi.
"Gazer hindi mo ba naiintindihan?"tanong niya kaya inis akong napapikit.
"Naiintindiham ko Damon kaya nga nag sasuggest ako na umakto kang ikaw ang host para mapawalang sala ka." Iritang sabi ko, napatitig ako sa kanya ng bigla siyang tumayo.
Sa malamig niyang awra bigla nalamang naging malambot iyon at ngumiti sa akin, isang ngiti na ngayon ko lang nakita mula kay Damon.
"Hindi magkakaruon ng hustisya kung ganyan ang gagawin ko Gazer." Sabi niya kaya napaawang ang labi ko.
Ibig ba niyang sabihin, papayag siya na makulong siya para sa hustisya?
"Pumapayag ka bang makulong ka? Damon?"tanong ko. Tumango siya, walang pag aalinlangan ang sagot niya habang nakangiti sa akin.
"B-Bakit?" Nanghihina kong tanong.
"Kase sawa na ako mag tago Gazer. Sawa na ako mag tago kaya Naman I'll face the consequences." Malamig niyang sabi, napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Napapikit ako at pinipigilang tumulo ang luha.
Bakit? Bakit niya naiisip ang mga ganong bagay? Dapat sila Chai at Achaz ang makaisip noon hindi siya.
"Gusto kong mapanagutan ng katawan na ito ang kasalanang ginawa ng host nito. Gusto ko bago ako mawala bilang alter ng katawan na ito, nabigyan ko na ng hustisya sila mama at papa. Pati na rin si Doc at ang iba pang napatay ni Chai." Seryoso niyang sabi.
"Nabubuhay ang katawan naming ito na madumi ang kamay, may bahid ng malaking kasalanan at tanging kamatayan lamang ang nakikita kong paraan para mabigyan ng hustisya ang mga taong nasawi sa kamay ng katawang ito." Bigla kong naiyukom ang kamao ko at agad siyang sinuntok dahil sa sinabi nya.
"Ano ba Damon? Tigilan mo nga ang pag sabi ng kamatayan, kung gusto mong makulong sige, bahala ka makulong. Wag mo lang isipin na ang pagkamatay mo ang magsisilbing paraan para mabigyan ng hustisya ang mga nasawi sa kamay ni Chai." Iritang sabi ko. Tumingin siya sa akin, isang malamig na titig.
"Bahala ka sa buhay mo, basta gagawa kami ng paraan ni Havacco para mailabas ka sa kulungan. Ilalaban namin ang kaso mo sa korte at papanindigan naten na ikaw ang host at ang mga alter mo lang ang gumawa ng krimen." Iritang sabi ko saka tumalikod sa kanya.
Akmang lalabas na ako ng investing room ng bigla siyang mag salita dahilam para matigilan ako.
"Napanuod ko sa balita kanina na pumasa na sa senado ang death penalty." Malamig niyang sabi kaya natigilan ako.
"Napirmahan na rin ng pangulo ang batas para sa death penalty." Dagdag niya kaya napalingon ako sa kanya.
"Ano naman?"iritang tanong ko.
Umiling siya saka umupo sa upuan niya.
"Gusto ko isang psychiatrist ang sumuri saakin habang nasa loob ako ng mental nakakulong." Malamig niyang sabi saka umiwas ng tingin. Napailing nalang ako saka tuluyang lumabas sa investigating room. Napabuntong hininga ako ng makalabas ako doon at agad na pinunasan ang ilang butil ng luha na tumulo sa aking mata.
Hindi ako papayag na maparusahan ng death penalty si Damon. Para na namin siyang kapatid ni Havacco, lahat gagawin namin para makalabas si Damon sa kulungan at mawala si Achaz.
"Gazer." Napatingin ako sa tumawag sa akin. Si Erelah, nasa likod niya si Havacco na nakatingin din sa akin.
"Ma-makakalabas na ba si Damon?" Mahinang tanong ni Erelah. Tinitigan ko lamang siya saka muling tumingin kay Havacco na umiwas ng tingin sa akin.