CHAPTER TWENTY-EIGHT
"BREAKFAST for Signor Rhames de Souza." Napakatamis na ngiti ang perpektong nakaguhit sa mga labi ni Reverie nang bumukas sa wakas ang pinto ng unit ni Zurick.
Ang balak lang sana niya sa umagang iyon ay ang subukang muli na makausap si Zurick na tiyak naman niyang hindi siya pauunlakan. Kesyo abala raw ito sa kung anu-anong bagay kaya palagi siyang naiiwan na parang ewan.
Tapos nakasalubong niya sa hallway ang delivery boy na nagdala ng in-order na agahan ni Zurick kaya nagpresenta na lamang siya na siya ang mag-aabot dito.
Pinaghalo ang gulat at simangot sa preskong mukha ni Zurick nang makita siya nito sa labas ng unit nito. Halatang nakukulitan na ito sa kanya.
"Bakit ikaw ang may dala niyan?" Pinalamig na usisa sa kanya ni Zurick na ipinagkibit-balikat niya lang.
Akmang hahablutin na ang dalang paper bag ni Zurick na may lamang pagkain mula kay Reverie nang alisto itong inilayo ni Reverie. She grinned playfully. "Ako na. Saan ko 'to ilalagay?"
Hindi pinansin ni Reverie ang mabigat na pagtutol sa anyo ni Zurick at basta na lamang siyang dumulas papasok ng unit.
"Woah! Very artistic ang theme ng unit mo, ha! Impressive." Manghang papuri ni Reverie sa tumambad sa kanyang makapukaw-damdaming interior design ng unit ni Zurick. Iyon ang unang pagkakataong nakapasok siya sa unit nito kahit pa magkatabi lang sila ng bahay.
From ceiling to its wooden floor, wala siyang mapupuna sa tirahan ni Zurick. Nga lang, panira ng view ang mga nakakalat nitong hinubad na mga damit.
She totally ignored the heavy stares of the unit owner and started to collect those messy clothes on the floor. "Mag-almusal ka na." Aniya na para bang walang hidwaan sa pagitan nilang dalawa.
"Reverie, get out!"
"Mag-almusal ka na lang diyan. Huwag mo akong pansinin dito. Ang kalat-kalat mo naman." Kunwari ay reklamo niya sa kalat ni Zurick. "Anyway, galing ako kay Abby kahapon. Gusto ka niyang makausap. Dalawin mo naman siya kahit saglit lang."
Matalas na buntong-hininga lang ang naisukli nito sa kanya.
Mabilisan ang bawat galaw niya. Pilit niyang iniignora ang pagpapalayas sa kanya ni Zurick. Napapagod na siyang itakwil nito kaya bahala siya.
"Reverie, please go out!"
"If you don't want to talk to me then let me clean your house for once. Hindi ako busy kasi." She youthfully said and jogged around the entertainment room.
Naghanap siya ng laundry basket sa mga silid na naroon.
"Shit. Not there. Shit." Sunud-sunod na mura ni Zurick nang pumasok siya sa kuwarto nito. Walang dudang kanya iyon dahil sa mga paintings at instrumento na may kinalaman sa musika.
Maliban sa isang obra na nahagip ng kanyang mga mata na halatang hindi pa tapos iguhit.
Zurick knows how to paint too according to his friends. Ang regalo nga nito sa asawa ng Kuya Trever niya sa kasal ng mga ito ay isang obra na tampok ang hubad na katawan ng Kuya Trever niya na parang sinadya lang na tapunan ng pastel ang pribadong bahagi ng katawan nito.
Awkward masyado ang obrang iyon kaso tuwang-tuwa roon si Catriona na nagawa pang i-display iyon sa mansion nila. Tuloy kapag nauwi siya sa bahay nila ay palaging iyon ang bumubungad sa kanya.
Itinuon niya ang kanyang mga mata sa painting na nakapuwesto sa sentro ng silid pati ang mga painting materials na naroon. Damang-dama ni Reverie ang kagyat na pagbigat ng dibdib niya sa babaeng naroon sa painting.
Iyon iyong babaeng palaging kasama ni Zurick na ilang beses na rin niyang nakita na dumadalaw sa unit na iyon.
That Riva girl!
She bilnked furiously. Parang ninakawan siya ng lakas dahil sa nakita. Tila ginagapos ng matinik na lubid ang puso niya.
"I told you not to be here!" Salita ni Zurick. His baritone voice was so impatient.
So, that girl really means something to him. Fuck!
Sawa na siyang masaktan at magluksa pero bakit parang hindi pa siya nadadala.
Hindi na nakapalag si Reverie nang higitin ni Zurick ang braso niya at hilain siya nito palabas ng silid na pinasukan niya.
"I told you. You shouldn't be here."
"Where I should be able to place myself then?" Asik niya kay Zurick.
Her stupid heart sped up as she stared straight to Zurick's worn-out eyes. They looked tired but still hypnotic.
Kung ganoon na seryoso na pala ang namamagitan dito at sa Riva na iyon, mas mainam siguro na itigil na niya ang kahibangan niya na magkakaayos pa sila ni Zurick.
Nagbaba ng tingin si Zurick at nanghihinang binitawan ang braso niya. Tumalikod ito at naglakad patungo sa kusina. Sinundan niya ito.
"Sorry, ha kung masyado ka nang nakukulitan sa akin. Sorry for bothering you, for the times that I interrupted you in your office. Pasensiya na kung palagi akong nakabuntot saiyo at sinisira ang date ninyo ng siyota mo. Pasensiya na, okay! Gusto ko lang naman na kausapin mo ako ng maayos. I wanted to prove to you that I'm so sincere when I apologized for all the bullshits that I did. For all the mistakes that I made. For all those hurtful words that I said. I don't really care if I get back an apology from you. I am not asking for a fucking closure either. What matters to me is that you listen to me. Iyong hindi mo ako iiwasan. Hindi mo ako tatalikuran kasi tangina, Zurick. Nagmumukha na akong basura sa ginagawa mo. Kung ayaw mo ng sorry ko, 'di huwag! Magsama kayo ng Riva mo. May God bless you!"
Pumihit si Reverie at padaskol na nagmartsa palabas ng unit ni Zurick.
Inakala pa man din niya na hahabulin siya nito pero nadismaya lang siya nang hindi man lang ito nag-abalang ihatid siya ng tingin.
Asshole!
He got a new girl, then me too.
Ha!
"WHAT'S with the long face, babe?" Mapanuksong imbestiga sa kanya ni Nigel nang madatnan siya nitong pinag-iinitan ang remote control ng telebisyon.
Panay ang lipat niya ng channel pero ni isa ay wala siyang nagustuhang panoorin.
"Hindi pa rin kayo nag-uusap?" Bumagsak si Nigel sa tabi niya at walang-ingat na inagaw sa kanya ang kawawang remote control.
She groaned inwardly. She is so frustrated and she wanted to hit something. Or someone.
"I stopped pestering him. I stopped seeing him. I'm tired with his stupid drama. Pabebe siya masyado." Parang paslit na sumbong niya kay Nigel.
Sa araw na iyon ay maaga siyang pumunta sa suburban seaside villa na ipinatayo ni Nigel upang doon magpakawala ng stress.
Matagal na itong sinimulan na itayo para raw ito sa mag-ina niya pero naudlot ang pagpapagawa nito ni Nigel dahil sa trahedyang pagkawala ng anak nila ni Regina.
Nag-iisa na lamang ito ngayon sa buhay dahil si Regina ay kinupkop ng isang mental institution dahil sa kondisyon nito sa pag-iisip.
Unti-unting nanumbalik ang closeness ni Reverie at Nigel. Minus the romantic part like they had years ago. Tanging friendship na lamang ang matatag sa pagitan nila.
And she's glad that Nigel started to step out of his gloomy life. May beses na nalulungkot ito kapag naaalala nito ang nawala nitong anak pero mabuti na lamang at nagagawa na nitong ilahad sa iba ang tunay niyang nararamdaman. Lalo na kay Reverie.
"Seriously, is that all you want to tell him? Sorry? Apologies?" Dudusong tanong sa kanya ni Nigel.
Luminya ang kilay ni Reverie. "What exactly are you implying?"
"Nothing. I'm just thinking that maybe you're still into him. Who knows." Nigel shrugged. "And who knows baka iyon lang ang tanging gustong marinig mula saiyo ni Rhames."
Umirap si Reverie.
Still into him? That piece of crap!
"How about you? Did you ever love Regina?" Balik na tanong ni Reverie kay Nigel, bagay na nagpabagsak ng balikat nito. Huminga ito ng malalim at ibinagsak ang likod sa backrest ng long couch na kanilang kinauupuan.
Napako ang tingin nito sa harapan. Sa kawalan.
"Of course I did. I found her lovable despite her rough personality sometimes. She's sweet, Reeve. She's a caring wife and a mother. She always woke up early in the morning, preparing a breakfast for me. Ayaw nga no'n ng may katulong kami sa bahay kasi gusto niya ay siya lang ang magsilbi sa akin at sa anak namin."
Napatitig si Reverie kay Nigel habang nagkukuwento ito. Hindi nakatakas ang lungkot sa bawat pagsasalita nito. Damang-dama niya ang bigat sa loob ni Nigel. Para itong tumutulay patungo sa kanya.
"Then everything went back to shit when I started to run my own music studio. She's back to being doubtful again. Kapag ginagabi ako ng uwi, inaakusahan na niya ako na nakikipagkita saiyo which is so irrational dahil wala ka naman sa bansa ng mga panahong iyon. Then I just found out that Reg was using illegal drugs. Napabayaan niya ang anak namin then that night came. Oh just fuck! I lost my baby boy."
Kagyat na pinalis ni Reverie ang dumulas na luha sa pisngi niya. Ang bigat ng pakiramdam niya dahil sa binuksang usapan nila ni Nigel.
"What about, we'll going to a date again? Baka tayo nga talaga ang nakatadhana? Hmm..." Biro ni Nigel upang maibsan ang lungkot sa pagitan nilang dalawa.
Natatawang hinampas ni Reverie ang balikat nito. "Gago! Allergy na ako sa mga cheaters, 'no!"
"But you're still married to a former manwhore. Psh."
"What?"
Sandaling nagpaalam si Nigel sa kanya upang silipin ang niluluto nito sa kusina kaya hindi na niya hinabol pa ang paliwanag nito tungkol sa sinabi nito kanina.
Naisip ni Reverie na roon magpalipas ng magdamag kaya ipinaghanda siya ni Nigel ng hapunan nila.
She decided to went upstairs kung nasaan ang guests room na tutulugan niya sa gabing iyon para mag-shower.
Inisa-isa niyang tanggalin ang kanyang mga kasuotan nang nasa loob na siya ng banyo nang biglang nag-brownout.
She panicked. Hindi naman sa may phobia siya sa dilim, subalit unang sumipa ang takot at nerbiyos sa kanyang sistima.
Dali-dali siyang lumabas ng banyo, not totally minding that she was naked already. She searched for her phone on the bed. Subalit ganoon na lamang ang pagtili niya nang katawan ng tao ang nakapa niya.
Tili siya ng tili na para bang ilang siglo siyang hindi nakasigaw.
"Fuck..." Daing ng boses ng isang lalaki nang sunud-sunod niya itong sampalin at kalmutin. She was frantically trying to hurt the man's body when she suddenly stopped moving when the light opened again.
Napakurap-kurap siya upang tiyaking tama ang nakikita niya at hindi isang produkto ng kanyang ilusyon. Kung totoo bang si Zurick ang lalaking nakayakap sa kanya ngayon.
Holy shit!
"Fuck! I'm bleeding." Doon lang tuluyang natauhan si Reverie nang kumawala sa kanya si Zurick at iniinda nito ang mga kalmot na gawa niya sa braso nito. May dugo nga iyon.
She looked at him apologetically and uttered nothing. Hindi pa rin siya makakilos hanggang sa nahuli niya ang malagkit na paninitig ni Zurick sa kanya. Sa katawan niyang walang ano mang saplot. Hagod na hagod ng mga mata nito ang kabuuan niya.
"Bakit ka narito?" Aniya at hindi ipinahalata ang nahihiya niyang anyo. She grabbed a blanket and covered her nakedness.
"I'm just around the town this afternoon, checking the site kung saan itatayo ang bagong distribution center ng company and I decided to sleepover here." Paliwanag nito. "And I usually used this room whenever I'm here. Didn't Nigel tell you that?"
"Ang dami pang satsat. Kung gusto mo rito, e 'di okay! Madali akong kausap." Pagtataray ni Reverie at kinolekta ang backpack na dala niya at ang cellphone niya.
Akmang papalapit na siya sa pinto nang magsalita ulit si Zurick.
"At saan mo naman balak matulog? There are only two rooms available in this villa, Nigel's room and this one."
"Oo, dalawa nga. Saiyo na itong isa at as usual, kay Nigel ako tatabi siyempre."
"No fucking way!" Kontra nito na halos magpabingi kay Reverie.
"Problema mo na naman ba, ha?" Hinarap ito ni Reverie at tinaasan ng kilay.
Nakabunyag pa rin sa braso nito ang ilang kalmot na gawa niya at ang iilang dugong lumalabas galing doon. Yes, she's guilty but not feeling sorry at all.
Iniisip pa nga niya na kulang pa iyon. Gusto pa niya itong saktan ng mas malala pa kaysa sa kanina.
Tumiin nang husto ang panga ni Zurick at para itong kidlat na dumaan sa kanya at sa isang iglap lang ay ni-lock nito ang pinto.
"What the exact fuck?"
Sinubukan niyang buksan iyon ngunit hindi siya nagtagumpay.
Zurick smirked victoriously and went passed her. "Maligo ka na. Ako naman pagkatapos mo. Kung gusto mo naman sabay na tayo." Anito. Napapantastikuhan siya sa biglaang pagiging conversational nito na dati lang ay halos ayaw siyang makaharap.
Parang ewan itong bumagsak sa kama. Pumikit. Halatang pagod. Oh yeah, pagod na pagod nga siguro. Grr.
Nagtagis ang bagang ni Reverie at ganoon na lamang ang sunud-sunod na paglunok niya nang hindi sinasadyang naligaw ang mga mata niya sa ibabaw ng pantalon ni Zurick.
Kailangan ko na talagang maligo. It's getting hot in here. Shit!
"So, we'll going to sleep in the same bed? Is that is?"
"Abso-fucking-lutely."
"E buang ka pala e. Gusto mong tabi tayong matulog ngayong gabi, e hindi ko nga alam kung saan ka nagsususuot kanina. Ayoko! Ang dumi mo. Kay Nigel na lang ako makikitulog." Not literally speaking.
"Psh. I thrust in no one's vagina for almost... I don't know exactly how long now if that concerns you, baby. So I'm not dirty and you're not sleeping beside Nigel or whoever. You'll only sleep beside me, sí?" Ayan na naman ang Italian accent nito na nagpapalambot ng tuhod niya.
"Nag-sinungaling pa! Baka nga kasama mo iyong Riva kanina kaya mukhang pagod na pagod ka." Bulong niya sa sarili. Umaapaw ang pait sa kaibuturan niya.
"You were saying?" Malokong usig nito nang nasa hamba na siya ng banyo.
Umingos si Reverie. Nakatitig na ngayon sa kanya si Zurick habang nakahiga pa rin sa kama. Nag-iiba ang kalampag ng puso niya sa bawat segundong pumapatak.
"Ang sabi ko, sinungaling ka." She spat out with any hesitation.
"I'm telling you the truth here, dolce signora. And Riva, no she isn't what you're thinking. Si Riva ang may-ari ng site na binili ko para sa itatayo kong distribution center dito. And the painting you saw in my room, kasali iyon sa hiningi niyang kabayaran. Walang namamagitan sa amin ni Riva. I... I just tried to play along with her before but we didn't work. I didn't even slept with her. I just can't."
Napatanga si Reverie sa seryosong mukha ni Zurick. Hirap na hirap siyang intindihin ang paliwanag nito dahil namayani na ang sigla at tuwa sa puso niya kahit hindi pa man niya gaanong naiintindihan ang mga pinagsasabi nito.
"I guess I still want no one but... but the woman in front of me now."