CHAPTER TWENTY-SEVEN

WALANG PATID ang pag-agos ng mga luha ni Reverie sa mukha niya habang naghahanap ng sariwang lakas upang mabuklat ulit ang ika-pitong pahina ng metallic blue journal.

Her favorite shade of color. Zurick's too. Doon pa lang ay wala na siyang duda na pag-aari ang libro ni Zurick. Hindi iyon ganoon kakapal subalit bawat pahinang tinititigan niya ay malakas na delubyo ang hatid sa kanya.

Bawat katotohanan na nakatala sa libro ay nagdudulot ng malupit na hapdi sa damdamin.

Ang unang pahina ay may pamagat na Solid Gold Dissolved. Doon nakasulat ang detalyadong rason kung bakit nag-disband ang bandang SoulDragon. Iyon ay dahil sa nakadiskubre ni Zurick na may nananahang tumor sa cerebellum ng utak nito.

Sa bahaging iyon naging lubhang emosyonal si Reverie.

Ang sumunod na pahina ay walang masyadong nakatalang mga salita bukod sa nakasulat doon na My Sweet Sunshine Is About to Shine On Me atsaka naka-attached sa pahinang iyon ang nakatalikod na imahe niya na kalmanteng nakatunghay sa kalmadong araw sa Roma.

It was a stolen shot of her.

Ikinasal na sila sa araw na iyon. She was the sunshine of his life that time. He proclaimed that she was his sunshine. Zurick started to create positive ways and things since she came into his life.

Third page is contained by a sketch of her sleeping on a couch while cuddling a cermic cat. Zurick's cat before with a side note saying; future will come that I'll capture the same scenery of my Dolce Signora cuddling our child.

Doon napahagulhol si Reverie. Pilit na niluluwagan ang naninikip niyang daluyan ng hininga. Basang-basa ang pahinang iyon ng sarili niyang luha.

Paanong nangyari na wala man lang siyang kaalam-alam na nagdaan sa ganoong kabanata si Zurick? Sa mahalagang kabanata na sana'y naroon siya sa tabi nito.

At the fourth page, her heart was completely broke out as it tells every answers to her so many whys.

It tells her why Zurick chose to hide his condition from her. That was because of her brother and her family problems.

Galit at pighati ang nag-uunahang bumangon sa dibdib niya.

Hindi na nakayanan pa ni Reverie na buksan ang nalalabing mga pahina. Hindi na niya kaya dahil sapat na ang isang litrato ni Zurick noong katatapos lang nito sa third session ng chemotherapy treatment nito upang tuluyan siyang manghina.

Walang buhok si Zurick sa litratong iyon, nangangayayat ng labis, halatang may pilit na nagnanakaw sa buhay nito and she broke down into a harsh tears again as she stared at his small but lively smile in his paled lips. It's creeping the whole image up. An almost lifeless man was still force to smile.

Nagdesisyun si Reverie na huwag nang tumuloy upang kitain si Abigail. Aktong lilisanin na niya ang hospital chapel kung saan niya binuklat ang libro ay siya namang pagtunog ng kanyang telepono.

"I thought you're here, sweetheart. Saan ka?" She can heard the happiness in her mother's voice. Talagang nagising na nga si Abigail.

"M-ma kasi..."

"Your voice is so sad, sweetheart. What's wrong? Bakit napakalungkot ng boses mo?" Mabilis na napalitan ng pag-aalala ang himig ng kanyang Ina. "You made me worried, Reverie."

Bumagsak siyang muli sa inabandonang upuan sa chapel. Lubhang nanghihina at hindi na niya nagawang itago ang kanyang mga hikbi sa kanyang Ina.

"I'm a sinner, Ma. Ang sama-sama kong tao. Ang sama-sama ko." Hagulhol niya.

"Reverie. God, sweetheart. Where exactly are you? Ipapasundo kita sa Papa mo o 'di kaya sa Kuya mo. Ano bang nangyayari sa’yo, anak ko?"

"No need, Ma. Ayaw ko nang dagdagan pa ang kasalanan ko at sirain ang kasal ng kapatid ko." Agap niya sa sinabi ng ina.

"Then try to compose yourself. Abigail wants to see you. Hindi pa man niya kayang magsalita dahil sa tube na naka-hose sa lalamunan niya dati pero nakakapagsulat na siya ng mga gusto niyang sabihin sa cellphone. She told me she needs to talk to you, sweetie."

"Sorry, Ma. B-bukas na lang siguro ako bibisita kay Abby. I'm too tired." Too drained. Too fucked up as hell.

Her mother released a resignation sigh. "I understand. Get home safe, alright? Call me when you need me, sweetie. I so missed hugging my baby girl. I missed hearing your painful sentiments when you're broken. I missed the moment when you ask me to braid your hair just like how it goes when Markus hurt you. Kung may nanakit na naman saiyo, 'andito lang ako, okay? I can still braid your hair perfectly, sweetheart dahil alam kong iyon ang nagpapagaan sa loob mo."

Oh, Mommy.

Reverie tightly closed her mouth to suppress her undying sobs and ended the call then after a couple of minute, she received a text message from her mother.

Reg's shoot me, not him, ang laman ng text bagay na nagpamulagat sa kanya.

God! How could she accused him for the crime he didn't do. Fuck her and her irrational behavior towards Zurick the last time they talk.

Patakbo siyang lumabas ng ospital dala ang journal at pumara ng taxi. She went straight to Elfie's condo where she used to stay.

Panaka-naka pa ring nagsisitakasan ang kanyang mga luha at hindi niya alintana ang mga matang nakasaksi sa sentimiyento niya.

She let her tears flow again as she reached the floor kung nasaan ang unit niya. Subalit napahinto ang paghakbang niya nang biglang bumukas ang pinto ng katabi niyang unit.

Napamaang siya sa dalawang bultong lumitaw galing doon.

It was none other than Zurick in his impressive yet crumpled three-piece suit. He's in his divine and dashing aura as usual. Walang bakas na nagsasabing minsan sa buhay nito ay binayo rin ito ng traydor na sakit na cancer.

Malanding nakaangkla sa braso nito ang isang babae na namumukhaan niyang isang modelo ng Purples Queen's Secret.

What the fuck are they doing here? In that goddamn unit beside mine? Nagugulumihanang tanong niya na hindi niya magawang isatinig.

Unti-unti ay rumehistro ang iilang linya sa noo ni Zurick nang mapansin siguro nito na umiiyak siya.

"Tomorrow night again, baby?" The woman flirtatiously wrapped her arms around Zurick's waist. Pinigilan niya ang umirap.

"Uh, s-sure." Sagot ni Zurick sa kasama nito nang nakatitig pa rin sa basa niyang mukha. Nagtatanong ang kulay-clementine nitong mga mata.

Animo'y nagulantang ito nang bumagsak ang mga mata nito sa yakap-yakap niyang libro.

She was about to utter a single sorry but she was suddenly caught off guard when the woman crashed her bloody red lips into Zurick's.

Tila may kumitil nang pataksil sa dibdib niya dahil sa eksenang nasa harapan niya mismo.

Sa pagmamadali na mabuksan niya ang kanyang unit ay hindi sinasadyang malaglag niya ang journal sa labas at hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon na balikan ito. Siguro nama'y pupulutin iyon ng totoong nagmamay-ari nito.

Ang malanding nagmamay-ari nito, mapait na sambit niya.

KINABUKASAN ay naghahanda nang umalis si Reverie upang tumungo sa ospital nang magkasabay na naman silang lumabas ni Zurick mula sa kanya-kanyang unit.

Napahinto siya habang si Zurick ay kaagad na binawi ang tingin na animo'y may naghihintay sa kanyang silya-elektrika kapag lumagpas sa limang segundo ang pagtitig nito sa kanya.

At naalala na naman niya ang matatalim na mga salitang hinampas niya rito noong huli nilang pagkikita. Rason kung bakit distant ito sa kanya ngayon. Kasalanan din niya kung bakit umaakto itong hindi siya kilala.

Huminga siya nang maigi at sinundan si Zurick na papalapit sa elevator. Naisip niyang kausapin ito kahit pa ang totoo ay wala talaga siyang mukhang ihaharap dito pagkatapos ng mga katotohanang nalaman niya mula sa journal.

Does she have to apologize? Kneel down and suck his fly- este say a plenty of sorry?

Iyon naman ang nararapat. Kakausapin niya ito ano't ano man ang mangyari.

"Rha-" Kakabuka pa lamang ng kanyang bibig upang kunin ang atensiyon ni Zurick nang naunang bumukas ang kabilang elevator at iniluwa niyon ang babaeng kasama rin ni Zurick kagabi.

Napaatras si Reverie.

"Just so excited to hang with you again, so naisip kong umakyat na lang. How's your sleep, babe?" Naman! Malanding usisa ng babae at pumulupot na naman na parang uhaw na uhaw na lintang sabik sa sumipsip sa balat ni Zurick.

Reverie immediately clenched her fist as Zurick's arm reacted to the mischievous act of the flirty woman. She saw how Zurick's hand rested at the upper side of the woman's torso. Halos madikit na ang hinlalaki ni Zurick sa dibdib ng babae.

Ang sakit sa mata ng eksena.

"Woderful. You should stay at the lobby, Reeve."

Napasinghap si Reverie sa pagtawag ni Zurick sa kasama nitong babae.

Reeve? The heck? Seryosohan ba ito?

The woman giggled. "Babe, don't call me that. It's Riva." Pagtatama ng babae na halatang nilalabanan ang pagkapahiya.

Tsk. Reeve pala, ha!

"Excuse me, Miss! Sasabay ka ba?" Malamyos na untag sa kanya ng babaeng nakapulupot pa rin na parang tuko kay Zurick.

She's not a witch at all. Anang isip niya.

Nagtama ang mga mata nila ni Zurick nang bumalik siya sa wastong kaisipan. Ito na naman ang unang nag-iwas ng tingin at nagkunwaring naaliw sa pakikinig sa mga sinasabi ng kasama nito.

Isinsik ni Reverie ang sarili sa kabilang gilid ng elevator at hinayaang pagpiyestahan ang kanyang pandinig ng mga nakakairitang hagikhik ng babae. Napapatiim-bagang siya kapag nadidinig niya ang tunog ng halikan ng dalawang asungot na kanyang kasama sa elevator.

She irritatedly crossed her arms above her chest as a wicked idea popped up inside her brain.

Sinadya niyang ilaglag sa sahig ng elevator ang kanyang singsing. Iyong singsing na binigay sa kanya ni Zurick noon na palagi pa rin niyang suot-suot o hindi kaya'y ginagawang pendant sa kuwintas niya.

She made sure that her inner thigh shown up underneath her skimpy outfits' skirt as she bended down to recollect the ring.

Napangiti siya ng lihim nang madinig niya ang singhap ng babae sa likuran niya at ang pagmumura ni Zurick.

"Miss, your underwear almost shown up. Goodness!" Alarmang sita ng babae. "Babe, don't look!" Suway pa nito na tila nagpakiliti kay Reverie.

"Sorry, nalaglag ko kasi ang singsing." Pumanig pa ang tadhana sa pilya niyang ideya at doon pa ito napadpad sa sapatos ni Zurick.

Bago pa niya nagawang pulutin ang singsing ay naunahan na siya ng malaking kamay ni Zurick.

Itinuwid niya ang kanyang gulugod at sinalubong ang madilim na anyo ni Zurick.

"Don't drop off every single thing if they are really important to you. There would be someone who's willing to pick it up and own it, too." Makahulugang wika ni Zurick na direktang nakatingin sa kanya.

Nagkibit siya ng balikat at kinuha ang singsing sa kamay ni Zurick.

"I'm not stupid enough to just drop off those things I highly valued. The thing is, sila ang estupido at basta na lamang nagdesisyun para sa akin na ilaglag ko. Pitiful." Mas makahulugan niyang buwelta at naunang nagmartsa palabas ng elevator nang bumukas iyon.

Dinig pa niya ang pinakawalang matatalim na hininga ni Zurick bago siya tuluyang makalayo.

The bullet was actually for Zurick pero ginawa kong panangga ang sarili ko 'cause I thought I deserved that bullet. Not him. He was so mad when he arrived at the grave of Regina and Nigel's son. Doon narinig niya ang lahat ng mga ginawa ni Regina saiyo. Sa inyong dalawa. Nalaman na niyang kasabwat ni Regina si Darius bago pa man siya nakarating doon sa kinaroroonan namin. Galit na galit siya kay Regina. Galit siya dahil alam kong hirap na hirap na siya sa mga pinaggagawa ng kapatid niya para lang hindi kayo magkatuluyang dalawa.

Believe me, Reeve. I don't know a single thing. Pero may kasalanan din ako saiyo. Hinayaan ko si Regina na bilugin ang ulo ko. Nagpatalo ako sa nararamdaman ko para sa asawa mo Ang gusto ko lang naman ay mahalin din ako ni Zurick 'cause I saw Clive in him so much pero wala akong intensiyon na pumayag sa mga plano ni Regina. Hindi ko alam na iyon pala ang mga hakbang niya. Anyway, Regina is suffering from a mental issues since she lost her child at ikaw ang sinisisi niya sa pagkawala ng anak niya but according to Zurick, Regina killed her son.

Iyon ang nakapaloob sa mensaheng ginawa ni Abigail para kay Reverie. Nag-uumapaw ang mga luha sa pisngi niya pagkatapos niyang mabasa ang mensahe.

She already knew the rest from Zurick's journal. Iyong pagtangka nitong balikan siya sa Paris pero hindi nito nagawa dahil sa mga pananabotahe ni Regina kasabwat si Darius.

"Abby, listen. I'm not mad at you. Hindi ako galit kung iyon ang ikinababahala mo." Aniya sa pinsang tanging nagagawa lamang ay ang hayaang lumuha ang sarili. "I understand everything so there's nothing to be worry about. We're cool. Magpagaling ka na, okay. Magpagaling ka na kasi alam mo, balak kitang isama sa Bohol. Doon sa resort ni Kuya Eszio. For sure, magugustuhan mo roon. There's a lot of fckable men in there kaya nga si Elfie, palaging nandoon."

Tumango-tango si Abigail bilang tugon.

Iniabot muli ni Reverie ang cellphone niya kay Abigail at hinayaan itong magtipa ng mensahe roon na nais nitong ipaabot sa kanya.

Talk to Zurick, please. Ang tanging hinihiling ko lang ngayon ay ang maging maayos kayo.

Laman ng mensahe ni Abigail na ikinalungkot ni Reverie. Subalit tumango rin siya kapagkuwan.

"Alright. I'll try."