CHAPTER NINETEEN

#LordsOfSavage

The Secret Wife's Temptation

"NO FVCKING WAY! No way, Abby! Ayokong maging bride's maid sa kasal mo!" Kasing-taas na yata ng boses ni Reverie ang kanyang blood pressure.

Sobra-sobra na 'to! Sumusobra na!

Lantad ang gulat sa mukha ng pamilya ni Reverie nang bigla siyang mag-burst out sa gitna ng kanilang banayad na pag-uusap patungkol sa kasal ni Abigail at Zurick.

Normal lang na ganoon ang mga reaksiyon ng mga ito dahil mula sa pagiging tahimik ay bigla-bigla na lamang siyang aakto na para bang may gustong kumuwa ng kanyang kaluluwa.

Gawa ng matinding emosyon na kanina pa ikinukubli ni Reverie ay hindi na niya napigilan pa na tumayo mula sa silyang kinauupuan. Ang natatanging ibig niyang gawin ngayon ay ang lumayo.

Makalayo sa lugar na iyon kung saan kasama niya ang taong dahilan ng matinding galit na umaabuso ngayon sa buong pagkatao niya.

"Reeve, cool down a bit, alright? Cool down!" Pagpapakalma sa kanya ng nagugulumihanan niyang pinsan.

Kanina pa napapansin ni Reverie ang mga katanungang dumadaan sa mga mata ni Abigail. Ugali na kasi ni Abigail ang maging mapagmatiyag sa kapaligiran nito kaya naman ay pinipilit niyang kapalan ang maskarang kumukubli sa totoo niyang nararamdaman. Sa totoong kuwentong nagtatago sa kanyang kahapon.

Batid niyang napansin ni Abigail ang pagbabago ng kanyang kilos buhat kanina nang itanggi ni Zurick na kakilala siya nito.

Whatever behind his lies ay wala na siyang pakialam doon. Mas pabor pa nga iyon sa kanya. At kung totoo mang nakalimot na ito, na napaka-imposible namang mangyari, ay mukhang kailangan niyang gumawa ng paraan upang alamin ang dahilan ng paglimot nito sa kanya.

Sa ngayon ay si Abigail muna ang iisipin niya. Hindi maaaring makakuha ng ideya o haka-haka si Abigail patungkol sa mga bagay na pilit niyang ibinabaon na sa limot.

That stupid thing when there was her and Zurick. Hindi iyon dapat malaman ni Abigail.

"Reeve, I didn't expect that you can reject me. Reeve, come on! Ikaw lang ang pinakamalapit na tao sa buhay ko kaya sino pa nga ba ang kukunin kong bride's maid bukod saiyo? I can't understand why, Reverie." Naroon ang mabigat na pagtatampo sa boses ni Abigail na kaagad ding gumising sa guilt niya.

Pero ano't ano pa man ay mali pa rin ang lahat. Mali si Abigail. Mali siya. Maling-mali sila pareho dahil iisang lalaki lang ang pinag-uusapan nila rito.

Abigail can't marry Zurick as long as their marriage contract is still not void.

"I'm sorry, Abby but I don't want to be a part of your wedding." Pinal na saad ni Reverie. Paninindigan niya ang kanyang sinasabi dahil alam niyang nasa katuwiran siya.

"Reverie, stop being a brat! I can't tolerate that messy attitude of yours anymore. Sit back and act properly!"

The scene that she started went more intense when his father broke his silence. Tiim-bagang itong nakatitig sa kanya at naghihintay sa kanyang pagsuko pero hindi iyon ang tamang oras para manahimik siya.

Reverie stood with so much dignity in her kahit pa magalit sa kanya ang kanyang Ama. "I'm sorry, Dad pero hindi niyo ako mapipilit sa bagay na ayaw kong gawin."

"Reverie, don't push it!" Namumulang suway sa kanya ng Ina.

Tumawa ng pagak si Reverie. Mabuti na lamang at nasa loob sila ng isang conference room kaya malakas ang loob niya na umaktong ganoon. Wala namang ibang makakarinig.

"Still, I won't be a part of Abigail's wedding. Atsaka I don't understand why all of you are so fond of this..." Dinuro ni Reverie si Zurick na kanina pa nilamon ng katahimikan at nakahalukipkip sa kanyang upuan katabi ni Abigail. Thanks to champagne kaya lumakas pa lalo ang loob ni Reverie.

"This dirty asshole!"

Nanlaki ang mga mata ng Mommy ni Reverie lalo na ni Abigail nang tawagin niyang ganoon si Zurick sa harapan ng mga ito.

"Come on, people! Hindi naman siguro kayo ipinanganak noong panahon ni Lapu-lapu para hindi ninyo malaman kung ano'ng klaseng tao itong lalaking papakasalan ni Abigail. An Italian fag who fvcked a lot of women, a dirty prince of tabloid na nagkaroon pa ng sex scandal."

"Reverie, shut your mouth up! Shut up!"

"No, Dad. Kailangang magising ni Abigail sa katotohanan na hindi naman karapat-dapat sa sino man ang lalaking iyan. Lalo na sa kanya. He deserves no one! No one! Because he's nothing but a fvcking manwhore who only knows how to dump a girl after collecting their virginity. Stop being so stupid, Abby. Wake up! Ang dami-daming lalaki sa mundo, bakit iyang lalaking iyan pa ang napili mo? Abby, alam mong sa ating dalawa ay ikaw ang mas matalino at metikulusa kaya hindi ko akalain na ganiyang uri lang pala ng lalaki ang papatulan mo. Lolokohin ka rin ng lalaking iyan. Sisirain lang din niyan ang buhay mo. Iiwan katulad sa mga nagdaang babae sa buhay niyan. Kasi, Abigail, alam mo sa panahon ngayon tanghali na lang ang tapat kaya huwag kang magpakahibang na magtatagal kayo ng putanginang iyan!"

Doon na tuluyang natahimik ang lahat maliban kay Abigail na ngayon ay umiiyak na. Siyempre, alisto naman itong niyakap ni Zurick pero ang intense nitong mga mata ay nakadirekta sa kanya. Titig na titig na para bang siya pa ang may malaking atraso rito.

Pero kahit anong tapang niya ay namamayani pa rin ang sakit humahagupit sa puso niya.

Ganoon pala ang pakiramdam kapag harap-harapan mong nakikita ang lalaking minahal mo na ngayon ay may iba na. That arms where served as her safest paradise before, ngayon ay ibang babae na ang umaangkin nito. Masakit pala. Sobra.

Ang buong akala ni Reverie ay doon na matatapos ang eksenang ginawa niya ngunit ang hindi niya napaghandaan ay ang palad na bigla na lamang dumapo sa kanyang pisngi. Sa lakas niyon ay parang nabingi pa siya at literal na namanhid ang buong mukha niya.

Slowly, she shifted her teary eyes to the man who slapped him hard. Her father. Namimilog ang mga mata ng kanyang Ama na halatang nagulat din sa ginawa nito sa kanya.

"Oh my God, Tim!" Pigil-hiningang bulalas ng Mommy ni Reverie. Mangiyak-ngiyak na rin ito.

"D-darling, I'm... I'm sorry I didn't mean to hurt you."

Umagos na ang luha sa pisngi ni Reverie. For the first time in her life ay ngayon lang siya nasampal ng kanyang Ama.

At sa puntong iyon ay hindi na niya alam kung saan nga ba nagmumula ang matinding sakit na nagpapahina sa kanya. Dahil ba iyon sa sampal ng Daddy niya o sa sinabi ni Zurick kanina na hindi siya nito maalala?

Alin man sa dalawa, isa lang ang malinaw sa kanya. Nasasaktan siya ng sobra.

"LIFE never gets tired fvcking all the shit out of me every single day! What I've done wrong to deserve this kind of agony? Tell me, Elf!" Agad na bungad ni Reverie nang sagutin ng kaibigan niyang si Elfie ang tawag niya.

Dinig na dinig niya ang malalim na pagsinghap ni Elfie nang siguro ay marinig nito ang eskandaluso niyang mga hikbi.

Umiiyak lang naman siya habang nagmamaneho. Her vision became blurry because of the silly tears that kept on streaming down from her eyes.

Ilang oras muna siyang nagpaikot-ikot sa buong siyudad para iiyak ang lahat ng sama ng loob niya pero mukhang matutuyot na siya kakaiyak kaya tinawagan na lamang niya ang kaibigan niyang si Elfie.

"Hala! Crying lady in the house ba ang arte mo ngayon, girl? You made me worry about you. May nangyari ba? Ano? Ngayon na lang ulit kita narinig na humihikbing ganiyan. Iniwan ka na naman ba?" Sunud-sunod na usisa ni Elfie.

Dahil doon ay napahagulhol na si Reverie. Inapakan niya ang accelerator pedal ng kanyang minamanehong kotse at naghanap ng tahimik na streetside na kanyang paparadahan.

"Reeve, hello! Ano ka bang impakta ka! Papatayin mo ba ako sa nerbiyos? Nasaan ka ba ha?"

"Elf, I'm just here. Still alive." Aniya sa mababang boses. Pinatay na niya ang makina ng kanyang sasakyan pati na ang external light dahilan upang lamunin ng kadiliman ang loob ng sasakyan.

"Where are you? Pupuntahan kita diyan!"

"Elfie, I'm feeling the same pain again. I'm hurting again. I'm hurting because of the same person again."

"Reeve, ano bang sinasabi mo diyan?!"

Suminghot siya at isinandal ang ulo sa headrest ng driver seat. Umiyak na naman. Walang patid na pag-iyak. Tila na-drain na lahat ng lakas niya.

"H-hindi ko alam. Hindi ko na alam kung ano ba ang mas masakit. Iyong iwan ka ng taong mahal mo o iyong pagbabalik ng taong minahal mo pero nakalimot na saiyo?"

Mariing napapikit si Reverie at sakto namang namatay ang kanyang telepono. Unti-unti. Dahan-dahan ay hinayaan niyang matupok ng matinding sakit ang buong lakas niya.

Alam niyang darating at darating siya sa puntong magkikita silang muli ni Zurick.

Pero bakit sa paraang iyon pa? Bakit kailangang maging ito pa ang lalaking nais pakasalan ng taong ayaw niyang masaktan?

"BAKIT ganiyan ka pa rin, Reeve? Bakit kailangan mo pang magka-ganiyan after all these years? He left you behind. He ruined you. Siya ang nang-iwan kaya hindi dapat na ikaw pa iyong hihingi ng closure. Para ano pa?"

Nakatingin lang sa kawalan si Reverie. Nasa isang VIP section sila ngayon sa loob ng isang bar at kasama niya si Darius na kanina ay nakasunod pala sa kanya. Hindi na niya ito maitaboy dahil wala naman siyang sapat na lakas upang gawin iyon.

Mainam na rin siguro iyon, na may makasama siya at may masabihan siya ng kanyang nararamdaman.

Reverie is a very secretive person, pero sa pagkakataong iyon ay sinambulat na niya ang lahat ng katotohanan tungkol sa buhay niya. Especially her real civil status na lubhang ikinagulat pa ni Darius.

"Still. I need to talk to him. I need to know what the fvck is wrong with that man? What the fvck happened to him for him to forget me? I want to know if he really doesn't remember me at all or if he's just pretending." Aniya sa pinapaos na tinig atsaka in-straight na naman ang panibagong shot ng alak na nasa harapan niya.

"You don't have to do that. Pabayaan mo na siya, Reverie. You've had enough of his shits. Now it's time for you to finally move on. Forget him. Forget yesterday when there's you and him. That yesterday already left behind long time ago. Ako na lang ang gawin mong bukas ng buhay mo." Pinakatitigang mabuti ni Reverie si Darius dahil sa mga mabibigat nitong sitwasyong.

Ang dali-dali lang sabihin pero paano ba gawin? Saan ba siya mag-uumpisa?

"File an annulment, Reeve."

Natulala si Reverie sa huling sinabi ni Darius. Napakurap pa. Hindi siya makapagdesisyon kung aalma siya o tatawa.

"File an annulment and be with me, Reverie de Gracia!"

Annulment?

Be with another man?

How so?

Daang beses na niyang sinubukan na buksan ang puso niya para sa iba. May pilit, may hindi. Sometimes she just relied upon faith but still, wala pa rin siyang napala.

Lahat ng naging lalaki niya ay parang tentative deals lang para sa kanya. Weeks after ay itatapon na lamang niya nang walang explanation.

That's her life after Zurick left her. She is so devastated.

She somehow and sometimes fail to recall the feeling but just sometimes.

"SHE'S WITH ME NOW! Any further instructions?" Seryosong nakikipag-usap ang lalaking kasama ni Reverie sa kung sino man ang katawagan nito sa kabilang linya.

It's Darius.

At nasa loob ng sasakyan nito si Reverie na walang malay dahil sa sobrang kalasingan.

"Perfect, Darius. Now, I want you to bring her in a nearby hotel. Ikaw na ang bahala sa gagawin mo. You can own her whole tonight. Saiyong-saiyo na ang babaeng iyan. Tutal matagal mo na rin namang pinagnanasaan ang alindog niyan, 'di ba?"

Napatiim-bagang si Darius sa sinabi ng babae. Sa pagkakaalam niya ay wala naman iyon sa pinagkasunduan nila.

"I can't do that. No way! Wala sa usapan natin na gagalawin ko siya. Yes, I'm in love with Reverie pero hindi ko maaatim na angkinin siya sa estado niya ngayon. She's totally unconscious."

"So ano? Magpapakaduwag ka na ngayon? Aatras ka na ngayon kung kailan abot-kamay na natin ang tuktok ng ating tagumpay laban sa babaeng iyan? Ano, Darius? Huwag mong sabihin na nahahabag ka dahil alam nating pareho na halang din ang bituka mo. Umayos ka, Darius dahil ang laki na ng pinuhunan ko para lang makaganti sa babaeng iyan."

"Bvllshit! I can't really do it to her. I'm sorry." Napasentido na si Darius. Gulung-gulo ang isip.

Batid niyang hindi niya puwedeng suwayin ang ano mang sasabihin ng babaeng kausap niya sa telepono pero wala talaga siyang balak na sundin ito sa ngayon.

"Of course you will, Darius de Fontenelle. You will follow whatever I want you to do. Huwag kang magkakamaling suwayin ako dahil alam mo na ang mangyayari. Hindi lang ang negosyo ninyo ang sisirain ko oras na traydorin mo 'ko. Mas sisisrain ko ang buhay mo! Ako rin mismo ang magsasabi kay Reverie ng mga ginawa mo sa kanya. Na hindi sa Ibiza ang una ninyong pagkikita. Na nagbabait-baitan ka lang sa harapan niya. At sasabihin ko rin sa kanya na ikaw mismo ang sumira sa tiwala ni Rhames sa kanya. Remember everything you did back then to ruin them? Ikaw ang nagkakalat ng mga tsismis tungkol kay Rhames para kasuklaman siya ni Reverie. Ikaw ang gumawa sa sex tape na iyon and you insisted that it was Rhames on the video. At ikaw din ang palaging pumipigil sa pagkikita nila noon. Na ikaw ang dahilan kung bakit hindi makalapit si Rhames kay Reverie noong ilang beses na binalikan ni Rhames si Reverie sa France."

"Fvck you! Hindi ba ikaw din ang nag-udyok sa akin na gawin ang lahat ng iyon? Damn you, bitch! I'm sure, Rhames will kill you if ever he'd get to know about everything." Nagtagis ng husto ang bagang ni Darius.

Hindi niya akalain na iipitin siya ng husto ng babaeng kakuntsaba niya noon pa man para makuha lamang si Reverie.

"Tell him everything then. Tignan lang natin kung sino ang paniniwalaan niya sa ating dalawa."

©MaribelleVerzosa

*****#LordsOfSavage

The Secret Wife's Temptation