CHAPTER TWENTY
"I SO hate you for being so rude towards Elfie back then, 'Tor. You're so masama. Nakikipagkaibigan lang naman 'yong tao, hindi mo pa mapagbigyan." Walang humpay na pag-aalburuto ni Reverie habang nasa kalagitnaan sila ng mabigat na trapiko.
She's with her brother Trever de Gracia as of the moment. Nagpasundo siya sa Kuya niya kanina sa Sangria resto kung saan sila nagkita ni Elfie.
"I only wanted to get Elfie's condo unit for the mean time at kapalit no'n ang isang gabing bonding lang naman ninyo. Kilala mo naman ang bayot na iyon, oportunista masyado kaya hindi ko matanggihan." Patuloy niya.
Umusad na ang minamanehong Jaguar ng kanyang Kuya.
Inis na tinampal ni Reverie ang braso ng Kuya niya nang mapagtantong wala sa kanya ang atensiyon nito. Animo'y may malalim itong iniisip.
A sensitive smile obviously hiding under his grim picture of lips. Despite having bruise around his eyes ay nagagawa pa rin nitong mag-relax ng ganoon at hindi iyon ang Trever de Gracia na kilala ni Reverie.
Something is wrong with her brother and she knew for sure what's behind it.
Who's behind it to be exact.
Reverie grinned at her brother teasingly. Tinaas pa niya ang isang perfect trimmed niyang kilay."Tor, ha! Nakakakilabot iyang mukha mong iyan. I sensed something behind that stupid face of yours. Something like a certain woman in the Sangria Resto." Kantyaw pa niya sa kapatid na dahilan upang may gumuhit na mga linya sa noo nito.
"That's so new seeing you like an idiot daydreaming about something... I mean someone. Is it about that waitress in Sangria resto, isn't? What's her name again?"
"Oh shut up in there, little one. I don't know what you're talking about." Mariing kaila naman ni Trever.
Sumipol na parang mas nanunudyo si Reverie. "Correct me if I'm wrong, huh? Her name sounds something like Cat... Uh Catriona. Oh shoot! Her name is Catriona and it's so obvious that she's the reason behind your stupid smile right now. You can't deny it, Tor. You can't hide anything from me."
Mabagbaging ismid ang natanggap niya mula kay Trever na ikinabungisngis niya. "Ewan ko sa'yo. Brat! Spare the woman."
Hindi na tinigilan ni Reverie ang tuksuhin ang kapatid tungkol sa waitress na batid niya ay pinagkaka-interesan ni Trever.
Somehow ay gumagaan ang pakiramdam niya dahil sa mga kagaya ng Kuya niya na palaging natatakbuhan niya oras na wala na siyang masilungan.
"By the way, why don't you just go back home and settle down your mess with our father. Mom is calling me all the time, asking me about you. She's so damn worried kaya umuwi ka na sa bahay." Pag-iiba ni Trever sa paksa nila dahilan upang pumait ang timpla ni Reverie.
"Ayaw ko nga muna kasing umuwi and Dad and I are a bit okay now. Ayaw ko lang na manatili sa bahay. Abby's there and her fiance is always there also. They're so annoying." Walang ligoy na rason ni Reverie.
Sa katunayan ay naayos na ang maliit na gusot sa pagitan nila ng kanyang Daddy dahil sa nangyari noon sa Gardenwild Resto. Pero ganoon pa man ay wala siyang balak na umuwi sa kanila.
She's better being away from Abby lalo na kay Zurick. Atsaka hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin sila nag-uusap ni Abigail.
Abigail seemed so distance after the show she pulled during their engagement dinner. Batid niyang malaki ang tampo nito dahil sa ginawa niya nang gabing iyon.
Nevertheless she has no plan to apologize. Hell she will! Magmamatigas din siya kung kinakailangan.
"I know everything what you've done that night, Reeve. Mind to tell me what's really your deal against Zurick? Mukhang ang laki ng galit mo sa kaibigan ko ha. As far as I remember, hindi pa naman yata kayo nagkakilala ng lubos noon maliban na lamang noong minsang nakikita mo siya sa gigs nila kasama ang letse mong ex-boyfriend na si Nigel. What's up with you?" Mausisang tanong sa kanya ni Trever.
"Nothing. I just don't like his guts. He's a certified manwhore and he doesn't deserve to be with Abby. I'm just protecting our dear cousin here. That's all."
"If that's what you say so." Her brother's eyes were full of suspicions that literally made her uneasy. Kumabog ng malakas ang dibdib niya. Halatang hindi ito convinced sa sinabi niya.
Ilang taon na niyang nailihim ang totoong namagitan sa kanila ni Zurick kaya hindi puwedeng ngayon pa siya sasablay.
Hindi maaari hanggang hindi pa legal na naputol ang koneksiyon nila.
Yes, she's already planning to file an annulment. All she have to do is to talk to Zurick personally and eagerly.
Naghahanap lang siya ng tiyempo.
Isang dapit-hapon ay naisipan ni Reverie na puntahan sa manufacturing site ng de Souza's Distillery Company ang kapatid niyang si Trever na noon ay personal na sinisiyasig ang produksiyon ng kompanyang pinagtatrababuan nito.
Alam niya kasi na kasama nito roon ang taong pakay niya. Si Zurick. Of course he would be there dahil ito lang naman ang tumatayong CEO ngayon ng kompanyang itinatag ng mga ninuno nitong Italyano.
Wearing an algae long sleeved, off shoulder crop top and a three-fourth denim ragged jeans then a pair of killer pumps, she went out dramatically of her newly borrowed car from Elfie.
She roamed her eyes which are concealed with the latest trend aviator around the site. Ngayon lang siya nagawi sa manufacturing site na iyon sa tanang buhay niya. Hindi naman niya kasi akalain na magsisilbi sa kompanyang iyon ang kapatid niya imbes na i-manage ang sariling negosyo ng kanilang pamilya.
Issue of their past really sucked their lives today.
"Magandang hapon ho sa inyo, Ma'am." Mula sa loob ng pader na gawa lang sa makapal na alamre ay may lumapit sa kanya na isang security guard.
Bukod dito ay may dalawa pang security guard ang natanaw niya mula sa parola malapit sa tarangkahan. May ilan ding nagmamasid sa bawat entrance at exit na daan. Halatang heavily secured ang buong site.
Subalit nabatid niyang nasa kanya na nakatuon ang buong atensiyon ng mga ito. They were so amused by her mere presence.
"Ikaw po ba iyong bisitang inaasahan ni Sir Zurick?" Dagdag na usisa ng guard na ikanakunot-noo niya.
"Bisita?"
Magalang siyang nginitian ng guwardiya. Iyong ngiti na hindi naman nambabastos. "Opo, Ma'am. Ikaw siguro si Ms. Donatella na inaasahang bisita ni Sir Zurick dito sa site."
Lalo siyang napakunot-noo.
Who the fvck is that Donatella girl? Ang sagwa ng pangalan ha! Don't tell me he's screwing up a female version of a mutant ninja turtle inside this manufacturing site everytime that Abby's not around? Ang tatag niya kung ganoon! Not surprising though.
Reverie tried to offer a light smile to the man in a full guard suit. "Uh yes, it's me. Nasaan ba ang Sir mo?"
"Ang atas niya sa amin ay padiretsuhin na lang daw po kayo sa provision office niya diyan sa kaliwang building. Tumuloy na lang po kayo, Ma'am dahil may inaasikaso pa kasi si Sir sa loob." The guard intructed her the easiest way to reach the said office.
"Ah teka, manong guard. Si Sir Trever ba ninyo nasa loob din?"
"Ay kakaalis lang po, Ma'am. Mga ten minutes na."
Tila may nagliwanag na lampara sa ilalim ng utak ni Reverie. "Gano'n po ba. Mabuti naman kung ganoon." Aniya atsaka rumampa sa ilalim ng mainit na araw tungo sa itinurong direksiyon ng guwardiya.
Perfect! Tignan lang natin kung hindi ka pa rin mabibisto ngayon Zurick Rhames de Souza.
Dinumog ng kakatwang kaba ang dibdib ni Reverie nang tuluyan na niyang natunton ang provision office ni Zurick.
The said office is just simply painted with metallic blue color na kahit pa mabigat sa mata ay nagawa pa ring kamanghaan ni Reverie.
She smiled sadly at the thought that harshly played inside her head.
It's her favorite color.
She once bought a dozen of underwear for Zurick before na pare-parehong ganoon ang kulay. Maghapon niyang hindi kinausap noon si Zurick dahil nagmamatigas itong hindi isuot ang binili niya but before the sunset attacked the whole point of Rome, Zurick surprisingly barged into their room, wearing only that metallic blue brief together with a heavy disgust to himself.
Pinalis kaagad ni Reverie ang alaalang iyon at tumulak na palapit sa empty working table ni Zurick.
She slowly took off her avaitor upon noticing the Silver titanium cellphone on the swivel chair.
It's Zurick's for sure.
Hindi na sana niya papakialaman iyon ngunit napilitan siyang kunin iyon nang tumunog ito at nakita niyang nasa caller ID ang pinsan niyang si Abigail.
For no particular reason ay wala sa sariling sinagot niya iyon, only to heard the violent sobs of Abigail.
Natutop ni Reverie ang kanyang bibig gamit ang bakante niyang kamay.
Umiiyak si Abigail? What's happening?
"Thanks God you finally lifted the call, Zurick."
Nanatiling tikom ang bibig ni Reverie. Hindi niya alam kung awa ba ang nararamdaman niya para kay Abigail dahil sa pag-iyak nito.
"I'm so worried about you. I know since then that I don't have even an ounce of rights to demand something from you. Alam ko naman iyon pero sana man lang, kahit katiting na konsiderasyon lang ay magawa mo man lang sana akong kausapin."
What the hell is happening between them? Nag-away ba sila? Takang tanong ni Reverie para sa sarili.
"Alam kong napilitan ka lang na pakasalan ako dahil sa pamimilit saiyo ng parents mo. Alam na alam kong siya pa rin. Siya pa rin, hindi ba? Kahit ano'ng pilit mong itago ang tunay mong nararamdaman, alam kong kahit kailan ay hindi para sa akin ang pag-ibig na nariyan sa mga mata mo. It's still for her."
For... her?
Pinanlamigan ng matindi si Reverie. Sino ang tinutukoy ni Abigail?
Hindi kaya...
Fvck! So impossible!
"Now you're avoiding me because I chose you over Reverie. Nagalit ka sa akin dahil mas ikaw ang pinili ko, ganoon ba?"
Nanghihinang napaupo si Reverie sa swivel chair at mariing napakapit sa armrest nito. She suffered an instant difficulty in breathing. Parang nakalimutan niya kung paano ang wastong paghinga.
Does Abigail know everything? Alam niya ang tungkol sa amin. Alam niya pero bakit pumayag siya na ituloy ang kasal nila ni Zurick?
Ilan lang iyon sa mga katanungang nais mabigyan ng kasagutan ni Reverie.
"You're avoiding me all of a sudden because I want to push this fvcking wedding. Nagalit ka dahil sa suggestion ko na mag-file ka ng annulment as soon as possible. Dahil doon kaya ayaw mong magpakita sa akin ngayon."
Napatingala si Reverie sa kisame at pinigil ang nagbabadyang luha. Napahagulhol na si Abigail sa kabilang linya. Tila tumawid papunta sa kanya ang sakit na nararamdaman ngayon ni Abigail.
"Zurick, mahal kita e. Mahal na mahal. Alam mo iyon. I never leave you from the most difficult times of your life hanggang sa nakayanan mong bumangon muli. Ako naman ang palaging nandiyan para saiyo, hindi ba? Ako lang, Zurick. At kung ito man ang magpapasaya saiyo, fine! Huwag na nating ituloy ang kasal. I decided to go back to States and..."
"Don't you dare! Walang aalis, Abigail. You'll stay."
Sandaling nawala sa linya si Abigail. Tiyak na matindi ang pagkagulat nito dahil sa boses niya. Maaaring nagulat ito kung bakit nasa kanya ang telepono ni Zurick o hindi kaya ay labis itong naalarma dahil sa hindi inaasahang marinig niya ang lahat ng sinabi nito.
"R-reeve?" Singaw na sambit ni Abigail sa pangalan niya.
Kumurap si Reverie ngunit mali pala ang galaw na iyon dahil sa puntong iyon ay tuluyan nang kumawala ang mga luhang kanina pa atat na makatakas mula sa kanyang mga mata.
Humikbi si Abigail. "R-reeve, I'm sorry. Reverie, patawarin mo ako... I..."
"Don't apologize to me, Abby. I understand you. I do." Nabasag ang boses niya.
"Mahal mo siya, hindi ba? Kaya bakit aalis ka? You don't have to do that. You don't have to get away dahil malakas ang laban mo rito. Nasaiyo siya kaya ipaglaban mo." Humina ang boses ni Reverie.
Saglit pa ay nagawa niyang tumawa ng pagak nang mapagtanto ang sinabi niya. Binawi niya iyon. "Silly of me. You don't have to fight for him nga pala in the first place kasi wala naman akong balak na makipag-kompitensiya. I've done several games in life and I'm too tired to initiate another game again."
Iyon pala ang pinakamasakit sa lahat. Ang aminin mo saiyong sarili na wala ka nang laban.
All these years, kahit anong tanggi niya ay lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan na kailanman ay hindi nawala sa sistema niya si Zurick. Walang panama ang sino mang lalaking umaakit sa kanya dahil sa tuwing pipikit siya ay haplos ng kamay ni Zurick pa rin ang hinahanap-hanap niya. That she still in love with him. Hard.
"Reeve, no! Oo, sabihin na nating nasa akin siya, pero alam mo bang kahit kailan ay wala akong nalimos ni kaunting pagtingin mula sa kanya. Wala, Reeve dahil naangkin mo na lahat." Walang panunumbat na sabi ni Abigail. Naiintindihan niya ang pinanggagalingan nito.
"Still, hindi ka aalis." Pinal na saad ni Reverie at hinukay ang natitirang lakas sa kaloob-looban niya.
"I'm here in Zurick's office and I brought the annulment papers. Right after this, expect that no one will disturb you again."
"Reeve, n-no..."
"But you have to promise me one thing, Abby. P-please help him to forget me... at all."
Ibinaba na ni Reverie ang telepono atsaka inayos ang sarili. Sandali pa ay may tumulak pabukas ng pintuan.
*****#LordsOfSavage
The Secret Wife's Temptation